PART 2

1233 Words
"AGAPAYSO? (Talaga?) Darating si Sir Jay?" Excited pa sa lahat ng excited si Kim Salomos sa nabalitaan niyang good news. Ang crush niya raw kasi na binata na anak ng amo nila sa Novilla Resort ay magbabakasyon dito sa La Union. Kaya naman halos himatayin siya sa balitang iyon. Noon pa kasi niya tinatangi ang anak na iyon ng amo nila. At ang totoo, kaya siya pumasok sa housekeeping ng resort na iyon ay para makilala balang araw ang crush niya. Na sa tingin niya ay mangyayari na ngayon dahil sa nasagap niyang balita. "Eiiihhhhh!" tili niya sa labis-labis na kasiyahan nang tumango ang kanyang kaibigan na si Veron. Sa wakas masisilayan na niya ang binatang matagal na niyang inaasam na makita at makilala ng personal. Sa mga billboard at mga fliers pa lang kasi ng resort niya nakikita ang binata. Si Jay Novilla kasi ang modelo rin ng resort at sa mga billboard niya unang nasilayan ang binata at hinangaan. Ang guwapo kasi ni Jay Novilla sa mga larawan kaya naka-crush-an niya ito agad at pinagpantasyahan na balang araw ito ang magiging asawa niya. Kahit pa alam niyang ito ang pangalawang anak ng mag-asawang Novilla na nagmamay-ari ng resort kaya imposible ang pangarap niyang iyon. Para sa kanya ay libreng humanga at mangarap naman, kaya walang masama. "Mmmm!" Natigil lang siya sa ginagawang pag-iikot-ikot sa ere, pagtitili-tili at pagtatalon nang binatukan siya ni Veron. "Aray!" angal niya rito na napasapo sa likod ng kanyang ulo. "Wala pa man kasi si sir eh, ang landi-landi mo na. Paano na lang kung nandyan na siya sa harap mo? Maghuhubad ka ng panty? Ganern?" Inismiran niya si Veron. Maliban sa kaibigan niya ito ay kasama niya rin ito sa housekeeping sa resort dahil kasabay niya itong nag-apply noon. "Grabe ka naman. 'Di ba puwedeng magsaya? Kasi ang crush ko darating na?" Hinalukipkipan siya ng kaibigan. Galit na. "Susss! Asa ka namang papayag 'yung maging prince charming mo? Kim, gising! 'Yung darating amo natin! Boss natin! Hindi emplyado lang ng resort! Kaya 'wag kang assuming!" "Malay mo. Hindi naman masama ang mangarap at mas lalong hindi masama ang umibig," paninindigan niya. Iningusan niya ito at hinalukipkipan din, saka kinuha na niya ang bag niya at pamarchang iniwan ito. Una siyang uuwi ngayon kasi mag-o-over time raw si Veron. Nakakasama lang kasi sa loob dahil imbes na suportahan siya ng kaibigan na balang araw matutupad din ang matagal niyang pinapangarap na pag-ibig niya ay ito pa talaga nagda-down sa kanya. "Kasla haan nga gayem (Parang hindi kaibigan). Hmmp!"  sa isip-isip niya sa wikang Ilokano. Bakit 'yung mga nababasa nga niyang nobela ay mas madaming rich guy at poor girl ang nagkakatuluyan? Sabi nga sa mga libro, wala sa stadu sa buhay ang pag-ibig, kaya naniniwala siya na hindi imposible ang nararamdaman niya para kay Jay. Naniniwala siya na sila ang magka-forever, kahit pa isang hamak na trabahadora lang siya at ito ay anak ng boss nila rito sa resort. Kahit din isang hamak na Ilokanang probinsya siya at si Jay ay laking Maynila na mayaman. Laban lang! Ang haba ng nguso niyang naglalakad pero pangiti-ngiti rin naman. Ibinalik niya ang sigla niya. Gusto niya good-vibes lang siya. Hindi siya papaapekto kay Veron. Ngayon pa na makikita na niya sa wakas ang crush niya? Fighting! "Hi, Kim," bati sa kanya ng isang kasamahan sa trabaho. Si Boyong. Tagalinis naman ito ng pool sa resort at 'di naman sa pagyayabang ay patay na patay ito sa kanya. Actually, nanligaw ito sa kanya pero binasted niya. Ang gusto kasi niya ay si Jay Novilla lang at wala ng iba. "Hello," friendly na bati niya rin sa binatang kasalukuyang naglilinis ng isa sa mga swimming pool ng resort. Siya kasi ay taong palakaibigan, kaya sa kabila ng lahat ay kaibigan pa rin niya ang binata. Isa pa'y kinausap naman niya ito nang maayos. Inamin niya rito na may naglalaman na ng puso niya. Kaya no hard feelings siguro ang lahat para kay Boyong kaya pinapansin pa rin siya nito at pinakikitunguhan pa rin siya nang maayos. "Agawid kan? (Uuwi ka na?) Ingat, ha?" "Wen. (Oo) Salamat," ngiting sagot niya na naglalakad hanggang sa nalampasan na niya ito sa pool. Uuwi na siya dahil tapos na ang oras niya. At masasabi niyang excited siyang uuwi ngayon dahil balak niyang mag-beauty rest para bukas. Gusto niyang paghandaan ang una nila pagkikita ng crush niya. Magpapaganda talaga siya, kailangang fresh siya tingnan. Matutulog siya ng maaga ngayon. Subalit naantala ang pag-uwi niya nang bigla'y tinawag siya ni Misis Peres. Napangiwi siya dahil bakit siya pa ang nakita ng visor nilang mga housekeeper ng resort? Ang malas naman niya, oh! Panigurado may iuutos na naman si Misis Peres kahit na tapos na ang trabaho niya. "Kim, halika saglit dito! Naririnig mo ba ako?!" pangalawang tawag sa kanya ni Misis Peres. "Uhmm.. O-opo, Ma'am!" Kakamot-kamot siya sa pisngi niya na lumapit nga sa estriktang ginang. "Ano po 'yon?" "Doon ka muna sa information sa malapit sa gate ng resort. Umalis kasi si Sarah, may binili lang saglit. Pakibantay muna iyon habang wala siya." "Po?" medyo malakas na nasambit niya. Sabi na nga ba niya, eh. Aisst! Pinandilatan siya ni Misis Peres at pinamaywangan. "Bakit may reklamo, Kim?" Oo, may reklamo siya dahil tapos na ang trabaho niya pero inginuso na lang niya iyon, keysa naman masisante siya. Ayaw niyang mawala ang trabaho niyang ito lalo na ngayon na malapit na silang magkita ng kanyang crush. "W-wala po, Ma'am," mababang boses na aniya. "Wala naman pala, eh, di pumunta ka na ro'n. Bilisan mo at walang tao ro'n." Laylay ang mga balikat niya na tinungo na nga ang information sa labas ng resort. Doon sa malapit sa main gate ng resort. Pangawala iyon sa information ng resort dahil meron pa sa loob ng building ng resort. At walley na, walley na ang beauty rest niya na iniisip niya kanina. Hay! At ang masaklap pa, 'yung saglit na sinabi ni Misis Peres ay naging kalahating oras na. Nakapangalumbaba na siya na nagbabantay sa information. Pero sa labas lang siya, takot siyang pumasok kasi baka may mawala. Nakuntento na lang siya na nakatayo sa may nakalagay na INFORMATION sa lamesa. Masama ang loob niyang nagmuni-muni na lang muna. Paano na? Paano na ang pagbu-beauty rest niya? Sana naman hindi haggard ang hitsura niya bukas 'pag nagkita sila o makita siya ng crush niya. Kung bakit naman kasi ang malas niya? Bakit siya pa ang nakita ni Misis Peres? Sana pala sa likod ng resort na lang siya dumaan kanina. Tsk. Ang ganda pa naman nang nai-imagine niyang unang pagkikita nila ni Sir Jay Novilla nila. Ang gusto niyang moment kasi ay 'yung parang babagal ang lahat kapag nagtama na ang kanilang mga mata. Tapos titig na titig ito sa kanya kasi gandang-ganda ito sa kanya. 'Yung mabibighani ang binata sa kanya agad-agad dahil mukha siyang prinsesa. Tapos ----- Tapos na dahil nawala siya sa pinapangarap dahil sa nagsalitang lalaki sa likod niya. "Miss?" "Anya?!" (Ano?!) Inis niyang lingon sa customer na dumating. Panira ng moment, eh! Subalit nang makita at makilala niya kung sino iyon ay lumuwa ang kanyang mga mata. O! M! G! H! I! J! K! at L! Lagot! "Where's the restroom?" tanong sa kanya ng OMGHIJKL niyang kaharap sabay tanggal nito ng mamahaling sunglass. Literal na napanganga siya. Ang crush niya! Dumating na! Woaaahhhh!........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD