PART 3

804 Words
"MISS, are you okay?" kunot ang noong untag ni Jay sa babaeng nakita niya sa information ng kanilang resort. Paano'y hindi siya sinasagot ng babae bagkus natulala na ito sa kanyang mukha. At kung hindi pa niya kinampay ang kamay niya sa harap nito ay hindi ito matatauhan. "Um... Y-yes po? A-ano.. ano po 'yon, sir?" utal-utal na tanong sa kanya ng babae. Pero parang lutang pa rin. Lasing yata. He sighed. Maganda pa naman sana ang babae, kaso parang timang naman. "S-so-sorry, sir. Sir--sir Jay. Sorry po." At parang magko-collapse pa yata ang babae. Goodness! Napangiwi na siya sa babae. Is she sick or what? "Relax okay? I just asking you if where's the restroom. Come on, puputok na kasi ang pantog ko at 'di na ako aabot sa alam kong restroom. Pwede mo bang ituro sa 'kin?" Pampakalma niya sa kausap. Sa tingin niya kasi ay malapit na itong ma-epilepsy talaga. "Restroom po?.Restroom! Oo nga kailangan ko ng restroom! Wait lang po, Sir!" Subalit 'di niya inaasahang sagot ng babae sa kanya. Napamaang talaga siya dahil imbes na ituro kasi sa kanya ng babae ang restroom ay ito na ang nag-restroom. Ang babae na ang umalis at iniwan siya para ito ang mag-restroom. Seriously?! What the hell! His lips parted. Nakasunod ang tingin niya sa nagtatakbong babae. "Sir Jay, dumating na pala kayo?" At buti na lang may dumating na matinong babae na nakipag-usap sa kanya dahil iisipin na sana talaga niyang nasa WOW MALI siya dahil sa babaeng 'yon kanina. She's freaking annoying! Unbelievable!       ********* PAGPASOK ni Kim sa restroom ay nagtitili siya nang nagtitili. Daig pa niya ang nanalo sa lotto. Gosh! Hindi niya expected 'yon. Sabi na nga ba niya't destiny sila ni Jay Novilla. Ayeii! "Hoooo may ghad! Hoooo may ghad! Siya na ba 'yon?!" aniya nang paulit-ulit kasabay ng pagbubuga niya ng hangin sa kanyang bunganga at pagpapay-paypay ng dalawang kamay niya sa may mukha niya. Hindi siya makapaniwala na nakaharap na niya ang ultimate crush niya na hindi man lang siya naka-ready. Ba't gano'n? Biglaan naman ang pagkikita nila ng crush niya? Ngayon pa na ang pangit-pangit niya, dahil kaka-out lang niya sa trabaho. Kainis naman! "Hala! Baka naturn-off siya sa 'kin. Bakit naman kasi bigla siyang sumulpot, eh. Dapat bukas pa ang dating niya, eh," problemado niyang sambit pa. Sinipat-sipat niya ang sarili. Inayos-ayos niya ang buhok. Pero pangit pa rin siya sa tingin niya kaya kulang na lang ay maglupasay na siya sa sahig ng banyo. "Kainis naman, eh!" At natigilan na ang dalaga nang maalalang tinatanong pala siya ni Sir Jay nila kung nasaan ang restroom. Lagot yata siya! Waaaaaaa!   ******** "MAY kailangan po kayo, sir?" Kahit si Sarah na nakatuka sa information ay kinakabahang hinarap ang dumating na nilang anak ng amo. Badtrip kasi ang mukha ng binata habang nakatingin sa isang banda. Wala rin itong kakilos-kilos, nakapamaywang lang ta's iiling-iling. "S-sir?" Agaw pansin ulit ng dalaga sa guwapong binata na patingin-tingin sa tinitingnang banda nito. Kinabahan na rin ito dahil parang nahipan na ng masamang hangin ang kaharap. Natauhan naman si Jay at gumalaw na. Pero dismayadong tumalikod na lang siya. Sa nangyari, nawala na ang ihing nararamdaman niya. For Pete's sake, ngayon lang siya naka-encounter ng ganoong babae. She's so ridiculous! "Sir? Ano po 'yon?" Habol ng babae sa kanya. "Nevermind!" He said shaking his head in disappointment at tuluyan nang umalis. 'Wag lang sana niya pa makikita ang babaeng 'yon, dahil nakakabuang talaga. Sakto namang paglabas na ni Kim sa restroom dahil naalala na niyang hindi pala nito naaasikaso ang binatang boss nila. Lagot siya. Noon lang niya napagtanto na imbes na si Sir Jay nila ang magre-restroom ay siya ang napatakbo sa restroom. Ay tanga! "Sarah, nasaan na si Sir Jay?" humahangos niyang tanong sa nagbalik na palang dalaga na si Sarah at totoong nakatuka sa informartion. "Si Sir? Umalis na, bakit?" sagot ni Sarah, busy na ito sa pagfe-f******k. Natampal niya ang sariling noo at parang naubusan siya ng lakas. "Ang tanga-tanga mo talaga, Kim. Bakit nagpadala ka sa emosyon mo? Ang sarap mong patayin!" At nagulo-g**o ang buhok niyang sambit. "Anong nangyayari sa 'yo?" pansin sa kanya ni Sarah. Hindi maipinta ang mukha ni Kim na tumingin sa kasamahan at para siyang maiiyak na dumakwang dito. "Sarah, galit ba siya na umalis? Badtrip ba siya?" Bago sumagot ay tinulak muna ni Sarah ang mukha niya. Konti na lang kasi ay maghahalikan na sila. "Oo, sabi nga niya.. nevermind!" ginaya pa ni Sarah ang pagkakabigkas n'on ni Jay. Lalong hindi maipinta ang mukha niya. "Bakit, Kim? May problema ba?" "Ah... eh... W-wala. Wala naman," sagot niya kahit ang totoo ay malaki nga ang problema niya. Dahil malamang badtrip na badtrip na sa kanya ang binata at malamang din ay sira-ulo na ang tingin nito sa kanya ngayon........    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD