SAKTONG katatapos ko lang maglinis ng buong condo unit ko nang dumating si Tray. Pagbukas ko ng pinto, napangiti agad dahil bukod sa ang guwapo, fresh, at bango ng boyfriend ko, natuwa ako kasi may dala siyang dalawang box ng pizza. Magkaiba kasi kami ng gustong flavor. I like pineapple bits on my pizza while he absolutely hates fruits on his. "Hi, baby boy," malambing na bati ko sa kanya pero nang sinubukan niyang magbeso sa'kin, umatras ako palayo. "I'm sweaty, Tray." "It's okay, Bomi," sagot naman niya, saka siya mabilis na yumuko para i-kiss ako sa cheek. Pagkatapos, pumasok na siya sa loob ng unit ko. "Kung alam ko lang na naglinis ka pala, sana mas maaga akong pumunta para natulungan kita." "Nah, alam ko namang busy ka kaya hindi na kita tinawagan. Nagulat nga ako no'ng tumawag k

