[DECEMBER 2018] I JUST feel like crying tonight. Ngayon ko lang natapos ang pag-o-organize ng bedroom ko. Inayos ko kasi ang mini walk-in closet ko para magkaro'n ng space si Yuni kapag lumipat na siya rito. Pinalitan ko rin ang bedsheet ko at ang mga punda ng unan, pati ang mga kurtina. Siniguro ko rin na wala siyang maipipintas sa banyo at kusina ko. Ayun, pagod na pagod tuloy ako. Kaya heto ako ngayon, patagilid na nakahiga sa kama habang nanonood ng AnoHana. Ilang beses ko na 'tong napanood pero naiiyak pa rin ako sa ending. "Baby girl, tahan na, please?" malambing na sabi ni Tray, saka siya umupo sa edge ng kama ko para iabot sa'kin ang Kleenex. "Here." "But I want to cry," parang batang sabi ko naman, saka ako suminga sa tissue. "My period is messing up with my emotions." Yes,

