*THROWBACK/Squad's High School Days/* HAPPY & GARDNER's STORY [DECEMBER 2016] ☻ HAPPY WOW, ang kapal ng mukha! Nanggigil agad ako nang makita ko si Gregory– ang boyfriend ng close friend kong si Serena– na may ka-"kissing scene" na ibang babae. Halatang patago ang affair nila dahil heto sila, sa likod ng building nag-ki-kiss. Kung hindi pa ko nagtapon ng basura since cleaner ako, baka hindi ko sila nakita. Happy nga ang pangalan ko pero ngayon, angry ako! "You jerk!" sigaw ko habang palapit sa kanila. "Second week pa lang ng klase natin, gumagawa ka na ng himala!" Mabilis namang humiwalay si Gregory sa kahalikan niyang babae pero huli na. Nakita ko na ang hindi ko dapat nakita. "You're cheating on Serena!" gigil na gigil na sigaw ko, saka ko sinampal si Gregory. Sa sobrang lakas n

