3rd Chapter: Holding Hands [NEW]

761 Words
"I FORGOT my eyeglasses in your car, Tray," sabi ko sa kanya habang hawak ko ang strap ng backpack niya. Nasa mall kami at papunta sa eye center kung saan ako nagpapagawa ng salamin. Hinubad ko sa kotse niya ang eyeglasses ko kanina no'ng umidlip ako. Medyo sabaw pa yata ang utak ko no'ng nagising ako kaya ngayon ko lang na-realize na kaya pala blurred ang paningin ko eh dahil wala akong suot na eyeglasses. Having blurred vision is making me really uncomfortable. "Balikan ko lang sandali." "No, you stay here," sabi naman ni Tray, saka siya huminto sa tapat ng gift shop na puno ng mga stuffed toy. "May fault din ako kasi hindi ko sinabi sa'yo na nakalimutan mo ang eyeglasses mo. Akala ko kasi, sinadya mong iwan since magpapagawa ka na ng bago." "Balikan na lang natin ng sabay." "You look tired kaya ako na lang ang babalik sa parking. Alam kong napuyat ka kagabi sa pag-e-edit ng video para sa project niyo. So let me get your eyeglasses for you," giit naman niya, may pag-aalala sa boses. Pagkatapos, hinawakan niya ang strap ng sling bag ko at marahan niya kong hinila papunta sa loob ng gift shop. "Dito ka, muna, Bomi. I'll be quick." Tumango ako dahil totoo namang pagod at puyat ako ngayon. "Okay. I'll wait for you here." Bumaba sa suot niyang sneakers ang tingin niya, 'tapos nag-blush pa siya. "Choose any stuffed toy you want and I'll buy it for you when I come back." Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "That's sweet. Pero anong meron?" Pati ang mga tenga ng boyfriend ko, namula na. "Wala lang. I just want to give you something to cheer you on. Lately kasi, pansin kong stressed ka sa project niyo, eh. Lagi ka pang pagod at puyat. You love fluffy things so naisip kong bigyan ka ng new stuffed toy para mapa-smile ka." Tumingin siya sa'kin at napansin ko ang pag-aalala sa mukha niya. "Bihira ka na lang mag-smile recently, eh." Understatement kung sasabihin kong na-touch at kinilig ako sa mga sinabi niya. "Aww, that's so cute, Tray." Binigyan ko siya ng bright smile dahil napangiti naman talaga ako sa concern na pinaramdam niya sa'kin. I wanted to kiss him on the cheek but I know it would make him uncomfortable so I held back. "Thank you for worrying about me." Isang nahihiyang ngiti lang ang sinagot sa'kin ni Tray, saka siya nagpaalam sa'kin at nagmamadaling umalis. Pagkaalis niya, dumeretso ako sa aisle ng mga cute animal stuffed toy. Gusto ko 'yong mukhang siberian husky na stuffed toy since may alagang aso ang parents ko– si Chrome. Miss ko na siya dahil simula nang magkaro'n ako ng sariling condo, bihira na kong umuwi sa'min. Anyway, nakakaaninag pa naman ako kapag malapit sa'kin ang mga bagay-bagay sa paligid. Ang mga tao naman, blurred sa paningin ko lalo na ang mga mukha nila. Pero enough naman ang nakikita ko para hindi ako mabunggo. 'Yon nga lang, kapag may bumati sa'kin na medyo malayo, for sure eh hindi ko agad makikilala. I want this one, nakangiting sabi ko sa sarili ko, saka ko kinuha 'yong animal stuffed toy na mukhang gray siberian husky sa paningin ko. I choose you as our second child. Yakap ko na ang animal stuffed toy nang dumating si Tray at tumayo sa tabi ko. Pabango at built pa lang niya, sigurado na kong siya 'yon kahit blurred siya sa paningin ko. Plus, sigurado akong blue dress shirt ang suot niya kanina. "Tray, I want this one," nakangiting sabi ko sa kanya, saka ko siya hinawakan sa kamay para pisilin 'yon at iparamdam sa kanya ang gratitude ko. Alam kong hindi siya comfortable sa biglaang physical contact lalo na kung ako ang unang gagawa niyon, pero maintindihan naman siguro niya na masaya lang ako ngayon. Saka ang tagal na naming hindi nag-ho-holding hands, eh. "Thank you talaga, ha? Super lucky ko talaga sa'yo." "I'm pretty sure that he's the luckier one to have a beautiful girlfriend like you," playful na sagot ng lalaki. Nawala ang ngiti ko dahil hindi 'yon boses ng boyfriend ko. Hindi pala si Tray 'tong ka-holding hands ko! Sa sobrang shock at hiya ko, hindi agad ako nakapag-react. "Bomi?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses ni Tray. This time, sigurado na kong siya ang boyfriend ko. Pinaningkit ko kasi ang mga mata ko para mas matitigan siya at no'n ko na-realize na hindi siya nakatingin sa'kin. Nakatingin si Tray sa kamay ko na may kahawak na kamay ng ibang lalaki. Awkward.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD