4th Chapter: Sabaw Moment [NEW]

1031 Words
"OH, SHOOT!" nabiglang bulalas ko, sabay bitaw sa kamay ng stranger. My god, nakakahiya! Sobrang sabaw ko ba talaga ngayong araw para hindi ko agad ma-realize na hindi kay Tray ang hawak kong kamay? Well, malaki, malambot, makinis din kasi ang kamay ng lalaki. Isa pa, ang tagal na no'ng huling beses kaming nag-holding hands ng boyfriend ko kaya siguro medyo nakalimutan ko na ang feeling kapag hawak ko ang kamay niya. Argh. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko nang tumingin ako sa kanya. "I'm so sorry, sir. I thought you were my boyfriend." "I wish I was," natatawang sagot naman ng lalaki na nagpasimangot sa'kin. Pero mabilis din siyang tumikhim at tumingin kay Tray habang nakataas ang mga kamay. "I was just kidding, man. No need to look at me like you want to strangle me." "I'm sorry. My girlfriend has poor and she probably thought I was you. We're even wearing almost identical dress shirts so I understand her confusion," paliwanag ni Tray sa halatang nahihiyang boses habang naglalakad palapit sa kanila. Pagkatapos, humarap siya sa'kin at siya na mismo ang naglagay ng eyeglasses ko. "There." Luminaw na uli ang paningin ko kaya nakita ko ang lungkot at sakit sa mga mata ni Tray. Nahihiya ako sa kanya dahil sa nangyari kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Eh kaso, napatingin naman ako do'n sa lalaking aksidente kong nahawakan ang kamay. The guy is handsome and he also had fair complexion, just like my boyfriend. Pareho pa ng top at gamit na men's perfume ang dalawa kaya siguro nalito ako kanina. Wow, this dude stands out because of his purple hair, huh? Then, the handsome stranger with a vibrant but obviously fake haircolor smiled at me. "Don't feel too embarrassed, miss. Mistakes happen. I understand that." Isang tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. "We'll go ahead," sabi naman ni Tray, saka niya hinawakan ang kamay ko. Pagkatapos, marahan na niya kong hinila papunta sa counter ng gift shop. "'Yan na ba ang napili mong stuffed toy?" Tumango ako. "Yep." Walang sabi-sabi na kinuha niya mula sa'kin ang stuffed toy para bayaran 'yon dahilan naman para bitawan niya ang kamay ko. Nang siya na ang nagprisintang magdala ng malaking paperbag, akala ko eh hindi na niya ko hahawakan uli. Kaya nagulat at natuwa ako nang mag-holding hands kami ngayong naglalakad na kami papunta sa eye center. Hindi clingy at lalong hindi touchy si Tray kaya kailangan kong i-savor ang ganitong moment. Who knows when he's going to be in the mood to initiate physical contact again? "Tray, I'm sorry," malambing na sabi ko sa kanya. "Akala ko talaga, ikaw 'yong guy kanina, eh." "It's okay, Bomi," gentle na sabi naman niya. "Naiintindihan ko naman ang sitwasyon, eh." Napabuntong-hininga siya na bihira lang mangyari. "Hindi dapat kita iniwan." Nag-pout siya. "Wala ka bang tiwala sa'kin?" "Meron akong tiwala sa'yo, Bomi. Sa ibang mga lalaki, wala masyado. I mean, you're very attractive. I can't blame them kung magkagusto sila sa'yo." Natawa siya. "Hindi naman gano'n ang case sa nangyari kanina, eh." "Still, para pa rin akong sinuntok sa dibdib no'ng nakita kitang may ibang ka-holding hands. Kahit na alam ko namang nagkamali ka lang, nagselos pa rin ako." Namula ang mga pinsgi niya dahil siguro sa pag-amin niya ng feelings niya. "Sorry. Ang immature siguro pero nagselos talaga ako kanina, eh." "I will never intentionally hurt you just to make you jealous, Tray. What happened today won't happen again," pangako ko sa boyfriend ko, saka ako yumakap sa braso niya. He instantly froze but then eventually relaxed. "Tray, we should do this often. Being physically close, I mean. I like being this close to you." "But it's embarrassing to do this in public," pabulong na sagot naman niya habang marahang inaalis ang braso ko sa braso niya. Lalo siyang nag-blush at hindi pa makatingin ng deretso sa'kin. "And your ch-chest is p-pressing against my arm." Oh. Bumitiw na ko sa pagkakayakap ko braso niya at ako na mismo ang bumitiw sa kamay niya. "Okay, I'm sorry," sabi ko, saka ako naunang maglakad papunta sa eye center. "Bomi..." mahinang pagtawag ni Tray sa'kin. Narinig ko siya pero hindi ko binagalan ang paglalakad. Hindi rin naman niya binilisan ang paglalakad niya para habulin ako, eh. Ramdam kong nasa likuran ko lang siya at mukhang mas komportable siya sa gano'ng distansiya. I sighed while gently shaking my head. Gusto kong intindihin at sabayan ang mabagal na pace ni Tray, promise. Pero may mga times talaga na gusto kong maging clingy at touchy sa boyfriend ko. But everytime I act like that, his subtle rejection of my advances reminds me that we're not in a normal relationship. I love Tray, I really do. But sometimes, I feel lonely because of the slow progress of our one year old relationship. NA-FEEL ba ni Tray na nagtatampo ako sa kanya? Hindi ako mapakali habang naghihintay sa tapat ng elevator. Nakatingin ako sa phone ko at sa pagkadismaya ko, isang "good night text" lang ang natanggap ko from him simula pa kagabi. Hindi pa siya nagtetext ng "good morning" dahil mag-a-ala sais pa lang ng umaga. Baka tulog pa siya kasi afternoon class lang ang meron siya para ngayong araw. Talagang nakatulog pa siya ng mahimbing kahit binigyan ko siya ng silent treatment kahapon? Pagkatapos kong magpagawa ng bagong eyeglasses, nanood pa kami ni Tray ng sine at nag-dinner sa isang Korean restaurant. Hinatid niya ko sa condo pero hindi siya bumaba ng kotse niya. Buong duration na 'yon, tahimik lang ako pero ni hindi niya ko tinanong kung may problema ba. Mas na-enjoy ba niya ang date namin kapag tahimik lang ako? "Miss, ang aga-aga, nakasimangot ka na d'yan." "What do you care?" angil ko sa pakialamero, saka ko siya nilingon para bigyan ng peace of mind ko. Pero kumunot agad ang noo ko nang makilala ko siya. She couldn't easily forget a guy with a purple hair. "The guy I mistook for my boyfriend..." Na-realize ko na nasabi ko pala 'yon ng malakas nang tumawa ang lalaki. "Ang habang "endearment" naman niyan, Miss," nakangiting sabi ng stranger. "My name is Krey Park."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD