FIRST ENCOUNTER

1885 Words
Wilhelm's POV Arghhh!! sigaw ko sa harap ng computer... Bwiset kasi, ba't ang hirap makakuha ng info dun sa Bachelor na napili ni dad!? Its so irritating, halos lahat na ata ng website binuksan ko para makakuha ng butas sa Bachelor na 'yon. Pero ni katiting na info wala akong nakita. Ahhh!!! naaasar na talaga ko.. First time nangyari sakin 'tong ganito. First time akong nahirapan maghanap ng mga impormasyon sa Bachelor na gustong ipakilala sakin ni Dad. Dati kasi isang click ko lang sa Google instant labas na agad yung mga gusto kong malaman tungkol sa mga Bachelor date ko. But now, ilang website na ang hinanapan ko pero wala pa rin. Mukhang masyadong pribado ang mga impormasyon niya na kahit akong may pagka-hacker ay walang nagawa para malaman ang tunay na katauhan niya. Gusto ko ng ibalibag sa sahig 'tong  Apple na laptop ko. Badtrip na badtrip na talaga ako eh. *tok tok tok* "PASOK!!!" sigaw ko sa kung sinong lapastangang papasok sa Soundproof  and Renovated  kong kwarto. Ayaw ko pa naman sa lahat eh yung iniistorbo ako kapag may importanteng  espesyal na ginagawa. Hahahaha, ayos diba? Importante na Espesyal pa! Gulo kong kausap no. The hell I care to you! " Why so hot headed, Nat. Looks like you're not in the mood. Pfft! What's the problem? You need help?"  sabi sakin ng kuya ko. Nat ang tawag sakin niyan eh. Short for Nathalie. Timothy Ethan Schultz ang pangalan niya.  Single, Hot, Handsome, Bad Boy , and.... BROKENHEARTED!! Matagal ng brokenhearted 'yan kahit nung bago pa ako pinanganak broken na 'yan sabi sakin ni Mommy. Hindi ko naman alam kung bakit. Ayaw niyang pag-usapan at kapag may nadinig siyang pangalan na nagi-start sa G, nag-aalburoto na 'to sa galit. Eh paano kung ganun ang nag-start ang pangalan ko? Papatayin niya ako ganun? Hampasin ko siya eh. Btw, sino gusto mag-apply? Ibibigay ko cell  number niya, malay mo ikaw na pala ang makabuo ng sugatan niyang puso. Yuck! kung anu-ano na pinagsasasabi ko. Btw back to topic tayo " Nah, I'm just irritated in this Fiance of mine. " bored na sabi ko. Umalis muna ako sa harap ng laptop at pumunta sa kama para humilata at yakapin ang isang unan. Sumasakit ang ulo ko. " Fiance? Again? Kasisira mo pa lang ng latest engagement mo ah. Wow! Dad is so amazing. Haha. So what is his name and what are doing on your laptop?"  buntong hininga lang ang isinagot ko sa kanya. Wala na akong masabi eh. Lumakad siya papunta sa table kung saan nakapatong ang laptop at ang envelop kung saan nakalagay ang PANGALAN ni bachelor. As in pangalan lang talaga ang nakalagay. Wala ka nang makikitang iba. Sige nga sino ang hindi mabubusit sa ganyan. Parang pinapahirapan na talaga ako ni Daddy sa bachelor na 'yan. "HAHAHAHAHAHAHAHA" napabalikwas ako ng bangon dahil sa biglaang pagtawa ng malakas ni Kuya. Ano nangyayari sa kanya? Sinapian ng masamang espiritu? " Hey! What's your problem?"   sigaw ko. Napapaluha na kasi sa pagtawa eh. Wala namang nakakatawa sa problema ko. Bangasan ko 'to  eh. " Do you want me take you to EO optical, Nat? Come here." sabi niya sa pagitan ng pagtawa. Mukha ba 'kong clown para pagtawanan? Lumapit ako sa kanya na nakakunot ang noo. " What?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman niya ako sinagot at itinuro ang niya ang screen ng laptop at itinabi niya ang envelop na naglalaman ng naka-capslock na pangalan ni bachelor sa screen. Napa-facepalm nalang ako sa mga nakita ko. Ang laki kong tanga. Nagpakapagod lang ako sa wala? The f*ck is that!! Sinong hindi mapapa-facepalm kung mali pala ang SPELLING  ng pangalan na inilagay ko. Ngayon ko napatunayan na No Body Is Perfect! Ang Treize Kendrick Rosero  ay naging Tres Kerick Roses. Bobo amputs. Napatingin ako kay kuya na pinipigilan ang malakas niyang tawa. Siguro sa puntong 'to gusto na niya akong asarin kaya lang ay pinipigilan niya dahil baka makatikim siya sakin ng flying kick. Asar talo kasi ako. Sa sobrang hiya ko ay itinalikod ko sakin si Kuya at sapilitang itinulak palabas sa magara kong kwarto. Dati ako ang nambu-bully sa kanya na ang Bopols niya, eh yun pala Bopols din ako. Magkapatid nga kami. Tsk! Pagkatulak ko kay kuya palabas, malakas kong isinara ang pinto. Dinig ko pa sa labas ang malakas niyang pagtawa. Kainis!! Umupo ulit ako sa upuan at itinipa ang tamang pangalan ni Bachelor. Badtrip eh, inabot ako dito ng siyam-siyam tapos nawalan lang ng saysay dahil sa maling SPELLING?? Ang sarap magbigti. Tinubuan na yata ako ng sandamakmak na wrinkles sa sobrang stress. Pagkalabas na pagkalabas ng resulta kay pareng google, kin-cliick ko agad para makita. Hindi ko alam kung magmumura ako o itatapon ko nalang sa labas ng bintana ang walang kwenta kong laptop. Damn that information! Tumataginting na MYSTERIOUS, SNOB, at WORKAHOLIC lang ang nakalagay eh. Aanhin ko 'yan? Wala manlang bang Heartbreaker, Cassanova, o kaya Playboy??  Kainis 'tong Google na 'to walang kwenta!! **KINABUKASAN** Maaga akong gumising para mag-handa sa gagawin kong  pag-didisguise. I'm  so excited to the point na ayaw ko nalang maligo at matulog nalang para makapagpahinga pa ng matagal. Chos! Balak ko kasi ngayong pumunta sa Rosero's Corporation para mag-apply. This is the first step of my plan. Step 1:   Make a way to get in touch of him. Sa step na 'yan kailangan na mapalapit sa target. Syempre naman kailangan maging in touch ka sa kaniya para maging maganda ang execution ng plan. Hahaha. Kailangan ko 'yan para malaman ang mga pwedeng ipanakot sa kaniya para siya mismo ang umatras sa engagement. I'm on my way to his company. Hindi ko naman na kailangang i-search sa Google ang pangalan ng company nila. Sikat naman eh, bukod tangi nga lang na pribado masyado ang impormasyon kay  Kendrick. From now on I will call him in that name. I find it cute kasi. Kendrick parang Kendra! Hahaha. I'm on my way na papasok sa building ng Company. Habang papunta ko sa office ni Mr. Rosero nakarinig ako ng sigawan sa isang kwarto hindi malayo sa kintatatayuan ko. Yun ata ang office na pupuntahan ko. May gyera ata. Ang lakas eh dinig na dinig sa labas. Ayaw ko sanang makinig kaya lang umandar na naman ang pagiging chismosa ko. Itinapat ko na ang tenga ko sa pinto kahit pinagtitinginan na ko ng mga empleyado... wapakels akech... At gaya ng lagi kong sinasabi, The f*ck I care to them! " What the hell was that, Dad? What's on the news? I don't know about that!  And who is that damn Wilhelm Nathalie Schultz? My fiancée? Oh c'mon Dad, we're not playing here. Bakit ba pati lovelife ko pinakikielaman niyo?" napapitlag ako sa lakas ng boses nito nung una pero nang murahin niya ako kahit hindi harapan ay kumulo ang dugo ko. " Well, I thought you'll like my idea of having you a fiancée? Haha. Son, it's time for you to move on. Kung ayaw mo naman ng Fiancée. I'm currently hiring a maid/secretary for you. Isn't amazing?" napalitan ng paghagikgik yung galit ko kanina. Parang nang-aasar yung sagot nung pangalawang nagsalita, na kung hindi ako nagkakamali ay si Mr. Rosero. " That's my another problem, Dad!! F*ck!! What made you think that I need a f*cking maid/secretary? I can handle my work and myself perfectly!" sigaw ulit nito. Hindi ba uso sa kanila ang mahinahong pagsasalita? Ako ang nagagaralgal ang boses sa kanila eh. " Don't raise your voice on me, youngman!!" teka pamilyar yung linya na yun ah. Pfft! ganun din kasi ang sinabi sakin ni Dad kahapon.   “ That's my point! You can handle yourself perfectly. And that's the problem. You are not taking care of yourself. Masyado kang subsob sa trabaho na pati ang trabaho ko ay inaako mo na!" Ako lang ba o hindi talaga soundproof ang office nila? " B-but------" "No buts. And that is FINAL!!" *silence* " Get out of my way, B*tch!" "Ay, Gwapo!!" napatalon ako sa sobrang gulat ng may magsalitang malalim na boses sa gilid ko. Takte kay gandang lahi naman nito. Brownish curly hair, Hyptonizing Grey eyes, Pointed nose, Kissable lips, Long eyelashes, and Perfect jaw line. Wow, heaven ang itsura. May ganito palang kagwapong nilalang sa Pilipinas---- B*tch! B*tch! B*tch! Nawala ng parang bula ang mga iniisip ko ng mag-echo sa utak ko ang huling salitang sinabi niya. Who the f*ck is he para sabihan ako ng ganun. Siya ba ang nagpapalamon sa'kin? Eh gag* pala 'to eh.. * PAK* Sobrang lakas ng ginawa kong pagsampal sa kaniya. Sa sobrang lakas nabaling sa kabilang direksyon ang mukha nito. Eh sa bastos ang bibig eh. Nakadinig ako ng malalakas na pagsinghap galing sa mga empleyado ng kompanya. " Ooops! ang laki ng lamok! " sabi ko bigla ng makita ko ang nag-aapoy na mata nito. Aba't siya pa ang may ganang magalit? Pasalamat nga siya at 'yan lang ang napala niya eh. Pero sa totoo lang nakakatakot talaga siya. Parang handa ng pumatay eh. Wilhelm hindi mo na naman pinigilan ang galit mo! hayan tuloy may problema ka na agad. Paano kung hindi ka tanggapin sa trabaho dahi jan sa ginawa mo? sabi ko sa sarili ko... Unti-unti na siyang lumalapit sa kinatatayuan ko. Shocks ramdam ko rin yung madilim na aura sa paligid niya. Nakakatakot talaga ang lalaking 'to. Hindi naman siguro siya 'yung Fiancé ko diba? Tama! hindi siya 'yun tiwala lang.  Hindi naman siguro ako ipapahamak ni Dad sa lalaking kagaya nito. Ha-ha. Natataranta na ako dahil ang lapit na niya. Kaya naman sinamantala ko na 'yun at sinipa ko na ang pare niya. Napaluhod siya at namalipit sa sakit. Serves you right! Iniwan ko siya dun at dali-daling pumasok sa opisina ni Mr. Rosero. Naabutan kong nakapalumbaba ito at mukhang malalim ang iniisip. I clear my throat. *Ehem!*  Pigil ang tawa ko sa nangyari. Nagulat kasi ito at muntik ng malaglag sa kinauupuan niya. My Bad, hindi muna kasi ako kumatok. Nang mahimasmasan ay ngumiti ito sakin at inalok akong maupo. "Goodmorning po, Mr. Rosero. I'm Cassandra Calliber. " magalang na pagbati at pagpapakilala ang ginawa ko. Ngumiti ulit ito sa akin. Pansin ko lang na lagi itong ngumingiti. May saltik ba 'to? Ako ang nangangalay ang panga sa ginagawa niya eh. Pero pansin ko sa itsura nito, baby face. Despite of his age na sa tingin ko ay nasa 40's ay may dating pa rin ito. " Goodmorning to you too, Miss Calliber. What can I do for you?" nakangiting tanong nito. Napangiti din tuloy ako ng wala sa oras. Nakakahawa kasi ang ngiti nito. Parang laging nagsasabing Everything Is Alright!! " I'm applying to be a maid/secretary for your son,  si--" "You're HIRED!!" napangisi nalang ako sa sinabi niya kahit na pinutol niya ang sasabihin ko. " Thank you, sir." "No, thank you. Hulog ka ng langit sakin, Hija. Hahaha. Btw, your work will start tomorrow at exactly 5:00 AM sharp." tumango nalang ako sa kaniya at nagpasalamat ulit bago lumabas ng silid. Maluwag na maluwag ang ngiti ko hanggang sa makauwi sa bahay. I marked check the first step in my notes. Tomorrow I'll execute my second step. See you tomorrow, Kendrick!  To be continued........ VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED....  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD