FIRST DAY

1861 Words
Treize's POV Urgh! F*cking s**t!! Damn it hurts! Puchang babaeng 'yon humanda siya sakin kapag nagkita ulit kami. Sa lahat ng sisipain bakit yung pare ko pa? Pwede naman yung binti o kaya yung tagliran ko. Umupo ako ng dahan-dahan sa mamahalin kong Leathered Swivel Chair. Pakiramdam ko kasi nabasag eh. Kapag talaga ako nabaog, dila lang niya ang walang latay sakin. Pipilipitin ko siya ng buhay hanggang sa mabali ang mga buto niya sa ribs at spinal chord! Sa tanang buhay ko siya palang ang babaeng nakalapit sakin except of my mother. I hate girls lalo na kung may commitment!!  Kaya nga ganun nalang ang galit ko ngayon sa pinagagagawa ni Dad eh. Naiinis ako kung bakit kailangan pa niyang gawin yun eh ayos naman na sakin ang mga ka-fling ko lang. I hate string attached, But I do love No String Attached. Aminado ako, isa akong CERTIFIED PLAYBOY. Mas masaya ang puro landian lang at walang namamagitan sa inyo. Ang mga babae dapat ginagalang kung galang-galang lang. Pero kung mga walang kwenta ayos lang na saktan. At sasampulan ko ang babaeng payaso na 'yon. Akala niya ah. I will make her suffer. Kung nasaktan ako dahil sinipa niya ang pare ko. Pwes, sasaktan ko rin siya. Gantihan lang 'yan. Wilhem's POV Ahhhh!! Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang napakasamang panaginip. Ramdam ko ang pamamawis ng buong katawan ko. Hanep 'yan. Sino ba ang lalaking 'yon at ang ginawa niya sa panaginip ko ay ang baliin lahat ng buto ko. Kinikilabutan tuloy ako. Tumakbo ako papunta sa Whirlpool mini ref ko at kumuha ng tubig para inumin. Pakiramdam ko nawala lahat ng tubig ko sa katawan dahil sa dami ng pawis na nailabas ko. Tumaas pa ulit ang balahibo ko ng maalala ang sinabi niya. I will make you suffer!!  Napabuntong hininga nalang ako at inalis sa isip ang masamang panaginip. Hinubad ko ang aking pantulog. Tumingin ako sa orasan. Nakita kong alas kwatro na ng madaling araw. Nadinig ko ang pagtunog ng aking alarm clock. Lumapit ako at pinatay ito. Hindi naman pala masama ang naging resulta ng panaginip ko. Biruin niyo nauna pa ako sa alarm ko magising. Naalala ko kasi na exactly 5 AM sharp ang pasok ko. Ang aga naman kasi. Tulog pa dapat ako sa mga panahon na 'yon kung hindi lang dahil sa plano ko hindi ko 'to gagawin. Pumasok ako sa bathroom para maligo na dahil male-late na ako sa trabaho. ~~~~ At Rosero's Mansion ~~~~ (*0*)   WOW! ang laki din pala ng mansion nila ah, infairness. Kita kahit nasa loob ka ng kotse. But still, our mansion is much bigger. Hahaha. Ang hangin ko. Malaki ang gate nito kagaya ng sa amin. May guard house sa gilid, may tatlong guard na nakabantay sa tapat gate na parang handa kang barilin sa oras na gumawa ka ng hindi maganda. Awwts, kakatakot ah. Bumaba ako sa aking Hyundai na kotse. Hindi muna sports car ang dadalin ko dahil baka mapaghalataang nagpapanggap lang ako. Saan ka nga naman nakakita ng maid/secretary na may magarang sasakyan? Lumapit ako sa may guard house para sabihin na ako ang bagong hire na maid/secretary ni Mr. Rosero. May tinawagan ito. Pagkaraan ay tinawag nito ang isang guard na nagbabantay sa harap ng gate at sinabing papasukin ako. Hanep sa tindi na security 'tong bahay. Bumukas ang malaking gate at may sumalubong agad sakin na dalawang tao. Isang babae at lalaki na sa tingin ko ay isang maid at butler. Waley na akong masabi. Pamatay ang mag uniporme eh. Plantsadong-plantsado, hahaha. Naunang magsalita ang babae. "What can I do for you, madame??" wow ah, pati mga julalay dito spokening dollar. hahaha. Ngumiti ako bago nagsalita. Kasama 'yan sa steps ko. Step 2 :  Be Plastic. Sa step na 'yan hindi naman lahat kasali. Totoo yung ngiti ko sa kaniya kanina. Gagawin ko lang ang step 2 sa bachelor na target ko. Hindi naman ako ganun kasama no. " I'm Cassandra Calliber, the hired maid/secretary for the son of, Mr. Rosero." mahinhing sabi ko. Kailangang magpaka-demure para sa plano. Hihihi. Nag-english na rin ako. Baka kasi hindi tinatanggap dito ang hindi marunong nun at baka masabihan pa akong bobo. Nakakahiya yun ah, Isang Wilhelm Nathalie Schultz na pro model ay hindi marunong mag-english? Nakakahiya!! "Oh! I see, this way madame follow me" sabi naman sakin nung butler. Ang galing, parang isang sentence lang ang kailangang sabihin ng mga tauhan dito. Akala ko yung maid ulit ang magsasalita eh. Hahaha.. Nagsimula na itong maglakad kaya naman sumunod ako sa kaniya. Iginaya niya ako sa isang magarang kwarto. Sure ako na kay Mr. Rosero ito. Kumatok ito at sinabing nandito na ang hininhintay niya. Lumingon ulit sakin ang butler at saka nagpaalam. " I will be leaving, madame. " sabi sakin nung butler saka nag-bow sakin bago tuluyang umalis. Kailangan ba talagang yumuko? Yan din naman ang magiging trabaho ko dito kaya hindi na kailangan yumuko. Saka bakit ba madame ang tawag sakin? Ang tanda naman pakinggan. Pwede naming Miss eh. Pumasok ako sa loob at naabutan si Mr. Rosero na nakangiti ng malawak sa 'kin. Ngumiti din ako sa kaniya. Minsan ang weird na niyang tingnan. " Goodmorning , Sir." magalang na bati ko. Kahit may pagka-weird siya kailangan pa rin igalang. Ang sabi nila, kung sino ang mukhang maamo at mabait 'yon ang dapat ginagalang dahil masama itong magalit. " Goodmorning. Have a seat!" ganting bati nito at iminostra ang upuan para makaupo ako. Pagka-upo ko ay nagsalita ito. " First of all, I expect you to do your job well to help my son, Miss Calliber. I don't want to regret my decision of hiring you. " seryosong sabi nito. Sabi na nga ba at kailangan igalang ang mga ganitong tao eh. Bigla tuloy akong kinabahan sa kilos ko. Baka kasi biglang magbago ang isip nito at tanggalin ako sa trabaho. " I will, Sir." sagot ko sa kaniya. Ngumiti na ulit ito kaya naman nabawasan ang kaba ko. " Good! Now be ready, because in any moment the monster will arrive and he might confront me and blow a fire!"  makahulugan nyang sabi. Napakunot naman ako ng noo sa sinabi nito. "What do y----" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil may hudas na dumating at walang habas na pabalibag na binuksan ang pinto. Walang modo!! "what's the meaning of this Dad?" sabi nung hudas. Oh gosh, this can't be. Waaa, sabihin niyong panaginip lang 'to. No no no no! Huhuhu, patay na talaga ako nito. Bakit siya pa? "Hi there son, I want you to meet Cassandra Calliber, your maid/secretary" pakilala sakin ni Mr. Rosero. Nalipat naman ang tingin sakin nung bastusing halimaw. Galit agad ang nakita ko sa mga mata nito. Uh-oh. Nakakatakot talaga siya. Kung tatay niya si Mr. Rosero bakit hindi siya palangiti? Huhuhu. Katapusan ko na talaga. Pero hindi ako susuko. I apply the second step. Nginitian ko siya ng ubod ng plastic, malason ka sana. " YOU?? " sigaw nya, aray ah. Daig pa niya nakalunok ng megaphone. Pasakan ko ng busal ng mais bibig niya eh. Bakit kailangan niya pang magulat eh ako lang naman ang babae dito. Hindi naman pwedeng si Mr. Rosero diba? Bobo lang ang peg? " Magkakilala na kayo? Good thing." sabi ni Mr. Rosero. Good thing daw ano good sa anak niyang naknakan ng sungit? Pag-untugin ko silang mag-ama eh. Mukhang mahihirapan na talaga ako sa isang 'to. Tatanda ata ako ng maaga dito. "Nice to meet you, Kendri-----Sir" nakangiting plastic ko sa kaniya. Labas din sa ilong ang pagkakasabi ko. Gusto ko din kutusan ang sarili ko sa daplis na pagkakasabi sa tunay niyang pangalan. Ang tanga ko. " It's hell to see you!" sabi niya sakin at matalim ang tingin. Aba't! Gag* to ah. Ako dapat ang magsabi sa kaniya nun eh. Hinayupak 'to nagpakabuti na nga ako sa harap niya tapos siya pa ang may ganang magsungit? Bigyan ko siya ng pektus eh. Tiningnan ko din siya ng matalim. Mabali muna kahit saglit ang step 2. "Follow me!" he said with authority and then went out of the room. Bastos talaga. Hindi manlang nakuhang magpaalam sa tatay niya. Wala ba siyang good manners and right conduct? Siguro hindi ito nag-kinder. Supalpalin ko nguso niya eh makita niya. Tiningnan ko naman si Mr. Rosero na malawak ang pagkakangiti. Ang weird niya talaga. Binastos na nga siya ng anak nakuha pa niyang ngumiti? Wow! Bakit si Daddy hindi ganyan? Tumaas lang ng konti boses ko papaluin na agad ako nun ng nirolyo niyang magasin o kaya naman diyaryo. Ang unfair! Tumango lang siya sakin sabay sabing goodluck. Minsan naisip ko businessman ba talaga sya? Para kasing hindi batay sa tindig niya. Lumabas nalang ako ng office at hinanap ang kwarto ng bastusing halimaw. ****_**** Treize's POV Wengyang buhay to oh. Ano ba talagang masamang pagkain ang nakain ni Dad at pinapunta niya na agad sa bahay ang maid/secretary na tinanggap niya? Naiinis pa nga ako dahil sa biglaang paga-arrange niya sakin sa hindi ko kilalang babae. Sino ba 'yon? Siguro mukhang palakang may kulugo yon at ayaw ipakita sakin ni Dad ang mukha. Naiinis na talaga ako kay Dad. Kaya eto mabilis akong lumalakad papunta sa parking lot ng company para makapunta sa mansion. Sumakay ako sa kulay itim kong Ferrari. Kumukulo agad ang dugo kapag naiisip na  babae ang tinanggap ni Dad. Alam naman niyang ayaw kong may babaeng nakapaligid sakin. Kabanas!! Ayos lang sakin kung nakapaligid sila sa hindi oras ng trabaho! Playboy man ako, priority ko naman ang trabaho kahit papaano. Mabilis akong nakapunta ng mansion sa sobrang inis. Pigilan niyo ako at baka masapak ko agad ang bagong tanggap ni Dad sa trabaho. Wala akong paki kung babae siya. Tapos! Parang lumilindol dahil sa ginagawa kong mabigat na hakbang. Maraming sumasalubong at bumabati saking maids at butlers pero wala akong paki sa kanila. Huwag lang silang haharang sa daraan ko at baka mabangasan ko na sila. Pagkatapat na pagkatapat ko ay pabalibag kong binuksan ang pinto. " What's the meaning of this, Dad?" Galit na sigaw ko. Kung anu-ano na namang kabaliwan ang pinaggagagawa. "Hi there son, I want you to meet Cassandra Calliber, your maid/secretary"  nag-aapoy na lumipat ang tingin ko sa babaeng prenteng nakaupo sa isang couch. F*cking hell! " YOU??" medyo gulat na sigaw ko. Siya yung babaeng pasayo na sumipa sa pare ko! Kita mo nga naman ang pagkakataon oh. Great timing! "Nice to meet you, Kendri-----Sir" sabi nito at nakangiti pa ng plastic sakin. Huh! Akala mo naman kung sinong santa. Halata naman sa mukha niyang hindi niya gustong makita ako. Aba syempre may atraso siya sakin eh. Sipain ko kay siya sa mukha? " It's hell to see you!" galit na sagot ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Kita mo nga naman oh. Kanina kung makangiti wagas tapos ngayon parang gusto ng pumatay ng tao? Humanda ka sakin ngayon. Akala mo patatakasin pa kita? Huh! Nagkamali ka ng taong binangga. It's payback time! To be continued.... VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED...   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD