Hindi mawala sa isip niya ang picture. Mukhang okay na okay ang dalawa sa kuhang 'yon. Priscilla looks comfortable to hold him. At isipin pa lang niya na magkasama talaga ito ngayon at maaaring kahit tapos na ang event ay hindi ito maghihiwalay, para siyang mababaliw.
Agad naipon ang luha sa mga mata niya. She logged out of her social media account and stopped holding her phone. She silently cried while laying on the bed. Niyakap niya nang mahigpit ang unan. Hindi niya maintindihan ang sakit. Gusto niya na lang agad mawala 'yon dahil pakiramdam niya ay hindi niya na kaya.
And what she thought was true. Mas masakit ang nararamdaman niya ngayon kaysa sa sakit na naramdaman niya nang makita ang mga s*x videos at photos ni Evans kasama ang kabit nito sa America. This hurts deeper and is very much more excruciating. Napahikbi siya sa pagitan ng mga pagluha. Ramdam niya rin na mas labis siyang emosyonal ngayon kaya mas malala ang pagtarak ng sakit sa dibdib niya.
Scenarios are flashing in her mind. Hindi niya yata kakayanin ang sakit ng lahat ng mga posibilidad na naiisip niya.
Napaupo siya saka binuksan ang cellphone at nanood na lang ng mga funny at cute videos. Pero kahit ano'ng gawin niyang pag focus sa pinapanood, natutulala lang siya at iba ang tumatakbo sa kaniyang isip.
"Ano ba naman 'to?" bulong niya sa sarili at tinuyo ang mga luha na walang tigil sa pag alpas mula sa kaniyang mga mata pababa sa kaniyang pisngi.
Tinawagan siya ni Lindy ngunit hindi niya 'yon sinagot. Maya-maya ay si Edith din ay tumawag pero hindi niya na rin iyon pinansin. Tiyak na nakarating ang chismis na 'yon sa dalawa dahil mga babad ito sa social media at malamang ay binabantayan ng mga ito ang updates patungkol kay Priscilla Alejandro. Wala siyang gana makipag-usap. Lalo lang niya sasaktan ang sarili.
Hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog. Basta nagising siya na mas masama ang pakiramdam kaysa kahapon. She felt so sick. Dinama niya ang noo at naramdaman na may sinat siya. Pinilit niya tumayo pero nahihilo siya.
Mukhang stress na talaga siya masyado at sa sobrang stress, nagkakasakit na.
Nag-asikaso lang siya saglit. Maliligo na sana siya pero hilong-hilo talaga siya kaya naghilamos na lang muna siya at toothbrush. Paglabas niya ay naabutan niya na kumakain na ang dalawa. Cereals na lang ang kinain ng mga kapatid niya. Doon niya lang din napagtanto na medyo tanghali na siya nagising.
"Sorry, late ako nagising. Ang sama ng pakiramdam ko. Bumili na lang kayo ng pagkain sa school at bumawi roon, ha?" namamaos niyang saad.
Tumango si Dane. "Opo, ate. Gusto mo ba ipagtimpla kita kape?"
Umiling si Daneliya at pilit na nginitian ang kapatid. "Ako na ang bahala. Kumain ka na lang diyan."
Si Daniella naman ay pinagmamasdan siya habang kumakain. Maya-maya ay nagsalita ito. "Huwag ka na mag-work ngayon ate. You look really bad. Halatang may sakit ka."
Daneliya nodded. "Gano'n na nga. Nahihilo rin ako kaya hindi ko kaya pilitin umalis para magtrabaho..."
Magsasabi na lang din siya kina Edith at Lindy na hindi siya makapapasok. And of course, she needs to tell Garett, too. After all, he is her boss. She almost sighed with that thought. Ayaw niya pang kausapin ito. Siguro mag iiwan na lang siya ng mensahe.
Saan kaya ito natulog last night?
Napahawak siya sa sentido at bahagya 'yon hinilot nang sumakit ulit.
"Magpa-check up ka na kaya, ate? Kahapon pa 'yan," ani Daniella habang nakatutok sa pagkain nito.
Umiling siya. "May mild fever ako. Iinuman ko na lang ng paracetamol after breakfast."
Napailing si Daniella. "Ang kulit mo," inis nitong saad dahil sa pagtanggi niya sa suggestion nito na magpa-check up.
Si Dane naman ay tumingin sa kaniya. Halatang nag-aalala ito. "Huwag ka na magkilos kilos masyado rito, ate. Wala naman pong kalat. Kung meron, ako na po bahala mamaya."
She smiled and nodded just to assure him. Napakabait naman talaga ng bunso nila. Bata pa lang at lalake pa, pero napaka responsable sa gawaing bahay. Si Daniella naman, may pagka maldita pero ramdam naman niya na nag aalala rin talaga ito sa kaniya.
"Sige na. Pag tapos niyo diyan, umalis na kayo. Andiyan na maya-maya ang maghahatid sa inyo," aniya.
Pag-alis ng dalawa ay saka siya nag-asikaso ng kakainin niya. She just toasted some sliced bread at pinahiran iyon ng butter. Nagtimpla na lang din siya ng gatas. Mas gusto niya iyon ngayon kaysa sa usual na brewed coffee.
Habang kumakain ay nag-chat na siya sa dalawa para hindi na mag-alala ang mga ito. Napansin niya na may mga messages siya mula kay Garett. Ang ilan ay kaninang madaling araw at ang iba ay kaninang umaga, malamang ay paggising nito.
Nakalasap siya ng pait nang sumagi sa isip niya ang posibilidad na kasama nito si Priscilla sa magdamag. Pilit niya 'yon kinalimutan. Hindi niya pinansin ang mga naunang texts nito at nagtipa ng mensahe.
To: Garett
Good day. I just want to inform you that I will not be able to work today because I am really not feeling well. I hope you understand, Garett. Thank you and have a nice day.
She pressed the send button after that. Napaka formal ng message niya pero iyon talaga ang gusto niya. Ayaw niyang pilitin ang sarili na umaktong normal.
Ilang segundo lang ay nakatanggap siya ng text mula rito.
From: Garett
What's the problem? May masakit ba sayo? I'll send a doctor right away.
Maraming masakit sa kaniya pero higit do'n ay ang puso niya. She almost rolled her eyes because of her thought.
To: Garett
I am just feeling dizzy and I have a mild fever but I am feeling a bit better now. No need to send a doctor. I will rest now.
Nag-focus na siya sa pagkain pagkatapos iyon i-send. Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone niya dahil tumatawag si Garett. Hindi niya 'yon pinansin. Wala talaga siyang gana na kausapin ito. Baka kung ano pa ang masabi niya tapos wala naman pala siyang karapatan sabihin iyon. Ayaw niyang magkamali. Bahala na.
Naiisip niya na babalik ito mula sa Cebu at sasabihin sa kaniya na nagkabalikan na sila ni Priscilla and he will drop her quickly.
That hurts. Parang pinipiga ang isip niya. Pero kung iyon talaga ang mangyayari, wala siyang magagawa kung hindi tanggapin iyon. After all, they started as nothing. Of course they will also end like it is nothing.
After her phone stopped ringing, Garett called again. Pinanood niya lang 'yon tumunod at mag-vibrate. Then she realized she has to answer his call. Dahil kahit ano man ang nararamdaman niya, pagbali-baliktarin man ang mundo, boss niya pa rin ito and she has to stay professional.
She cleared her throat then answered the phone.
"Hello..." she uttered in a formal tone.
"How are you? Are you okay? Bakit ayaw mo na magpadala ako ng doctor?" sunod-sunod na tanong nito, halata ang pag-aalala sa boses.
She silently sighed. After everything, she still misses him so much and it is nice to hear his voice.
"I am feeling a bit better now. Sinabi ko lang sayo na hindi ako papasok dahil ayokong pilitin. Baka do'n pa ako mahilo."
"There is no problem. I will feel better if you take a rest for 1 week. You don't have to report to work."
Hindi agad siya kumibo. Hindi alam ang sunod na sasabihin.
"Mallory?"
"Yes, Garett. Noted that. I will end the call."
Hindi agad nakapagsalita si Garett, tila nakaramdam ng kung ano sa sagot niya. Then he spoke. "Do we have a problem?" he gently asked.
Napalunok siya. She wants to tell him. Pero may karapatan ba siya na magtanong tungkol do'n? Garett told her to stay with him even though they already agreed to stop the revenge. Sinabi rin nito na gusto siya nito. Pero maliban do'n, wala pang linaw ang totoong namamagitan sa kanila. There is no assurance that it will be okay for her to demand or ask about them.
"Nothing," she simply said.
He sighed. "Come on. Tell me, Mallory. I can feel your coldness. What's our problem, baby?" he uttered with so much gentleness in his tone.
Sa sobrang hinahon noon ay parang maiiyak na naman si Daneliya. She stopped herself from crying but a tear fell from her eyes. She frustratedly wiped it away. Sobrang emosyonal niya, hindi na siya natutuwa.
"Wala. Sige na. Baka pagod ka pa sa event kagabi."
"No, I am not tired. I got to rest well. Maaga akong umalis sa event. Hindi ako umabot ng madaling araw do'n."
She swallowed hard. "Really?" A hint of sarcasm in her tone escaped from her mouth.
Natahimik ulit si Garett, tila tinatantiya ang sagot niya.
"Mallory, what is the problem? Did I do something wrong? What is it?"
"It seems like you enjoyed the party last night. I saw a post."
"What post?" Takhang tanong ni Garett. "I don't have a social media account. I am not updated."
Kumunot ang noo niya. Totoo pala talagang wala itong social media account?
"Then it is not important," ani Daneliya at pinatay ang tawag. Wala na talaga siyang gana dahil parang sasabog siya at iiyak kapag tumagal pa ang pag-uusap nila.
Garett tried calling her again but he immediately rejected his call and sent him a message.
To: Garett
I need to rest.
Hindi na ito tumawag muli ngunit nag text naman ito sa kaniya pabalik.
From: Garett
Alright, Mallory. Rest well. If it gets worse, tell me, I will send a doctor.
Hindi niya na 'yon sinagot. Natulala na lang siya sa kawalan.
She knew that everything would just get worse if she lay in bed all day. Kaya kahit papaano ay nagkilos-kilos na lang siya. Hinugasan niya ang mga ginamit nila for breakfast kahit ang bilin ni Dane ay ito na ang gagawa nito mamaya. Then she dusted the surfaces of the unit. Nagwalis-walis siya.
If her mind is messy and she can't control it, maglilinis na lang siya para kahit papaano ay gumaan ang loob niya.
Lumipas naman ang mga oras ay nabawasan na ang sama ng pakiramdam niya. Nawala na rin ang hilo niya. Mukhang pinaka nararamdaman niya 'yon sa umaga, paggising niya. Pero kapag lumilipas na ang araw ay nawawala na rin ng paunti-unti.
Nang tanghali ay nagluto na lang siya ng pork tonkatsu. She is suddenly craving it. Dinamihan niya na para hanggang mamayang gabi na 'yon, ulam nilang magkakapatid. Pagkatapos ay kumain siya at naghugas ng mga ginamit niya. She decided to rest on the bed after that.
The moment she opened the wifi of her cellphone, sunod-sunod na notification ang pumasok doon. Ngayon niya lang din napansin na ang dami niyang texts mula kina Lindy at Edith. Meron din kay Garett ngunit mas maraming missed calls mula sa lalake.
Hindi niya muna 'yon pinansin. Nagtakha na lang siya nang makita na ang dami niyang na-receive na follows sa social media account niya.
Her eyes widened. Napaupo siya mula sa pagkakahiga. Ano ba ang meron? There are thousands of new followers! Pati sa iba niyang account sa social media site.
Then one notification caught her attention. It was a tagged posts from someone with a username @Garett_Adamson. Lalong nanlaki ang mga mata niya. It is obvious who it is!
Ang daming pictures nitong inupload. Sa isang post ay puro solo pictures ni Daneliya, ang isa naman ay pictures din niya mula sa modeling studio no'ng nakaraan kung saan may hawak siyang bulaklak. She sent those pictures to him! May post din ito ng picture na magkasama sila kung saan selfie iyon ni Daneliya habang si Garett ay nakadikit ang ilong sa may panga niya at nasa kandungan siya nito. His arms were around here, possessively holding her. Kuha iyon sa office nito.
Iba't ibang posts iyon at lahat ay may caption na "My dearest, Mallory". Lahat iyon ay 1 hour ago pa lang since posted pero libo na ang reactions. When she checked his account, it had thousands of followers kahit kagagawa lang. And he's only following one account.
Daneliya's account.
Kaya gano'n kadami ang new followers ni Daneliya dahil curious ang mga ito. And surely, galing ang mga iyon sa account ni Garett. And they all knew Garett surely because of the trending post last night. It's a butterfly effect!
Pribadong tao si Garett mula noon. Lumabas nga lang sa publiko ang pangalan nito nang maglabas ito ng malibang balita tungkol sa bankruptcy but it didn't make so much noise. Ang mahalaga ay na serve nito ang purpose kay Priscilla. Ngayon, curious na ang mga tao kay Garett. Malamang ay dahil nga sa chismis na kumalat last night sa social media. They are all curious to see who Priscilla's ex is. At lalong naging curious ang mga ito nang makita ang account ni Garett kung saan ibang babae ang naka-post na walang iba kung hindi si Daneliya Mallory.
Garett became a celebrity overnight at mukhang lalala ang issue at ingay ng pangalan nito dahil sa discovery ng netizens. At siyempre, damay siya roon.
Her phone rang when Garett called her. Sinagot niya 'yon.
"What did you do?" Bungad ni Daneliya rito.
"You told me you saw a post about me last night so I created an account then saw what you were talking about. Are you mad? Mallory, that is definitely not true. We didn't get back together. That is also the reason why I posted you, to correct the rumor."
Daneliya didn't answer. She just listened to him.
"I don't care about rumors about me but if it concerns you, I will not hesitate to do something about it. Please, Mallory. Believe me."
She swallowed hard before she spoke. "Magkasama kayo kagabi?"
"No. Priscilla tried to start a conversation with me and that is what the photo was about. Pero hindi nakuhaan ang pag-alis ko. When I realized she was there, I left. Alam kong hindi niya ako titigilan and I don't want her anywhere near me. I was calling you but you were not answering, probably you were already sleeping," mahaba nitong paliwanag sa kaniya.
Napakurap siya. "Should I believe you?" she asked weakly.
"Of course. There is no reason for me to lie. Pinapanindigan ko ang lahat ng desisyon at aksyon ko, Mallory. So if I really cheated last night, you will know right away, directly from me," sagot nito sa kaniya.
Mariin siyang pumikit. "I don't know, Garett. I am having a hard time believing words now. But thank you for your effort. I appreciate it. Pero hindi mo na rin kailangan na gawin 'yan dahil sa totoo naman, hindi mo ako girlfriend. We don't have a label." She sighed. "Magpapahinga na muna ako."
She heard that he was about to speak but she ended the call.
Naiintindihan niya lahat ng sinabi ni Garett pero masyado pa siyang emosyonal at magulo ang utak para mag sink in iyon sa kaniya. She needs time to process things.
Kahit papaano ay kilala niya si Garett. She knows that he is a principled and responsible man. Pero natatakot siyang magtiwala sa pagkakakilala niya rito dahil ganito rin dati. Akala pa nga niya ay kilalang-kilala niya si Evans but guess what happened, he cheated on her. Si Garett pa kaya na wala naman talagang responsibilidad sa kaniya?
Her overthinking really kills her mind. Wala na ba itong katahimikan? Kahit pilitin niya na huwag mag-isip, sobra-sobra pa rin ang pasok ng mga bagay sa utak niya.
Dahil na rin yata hindi naging maayos ang tulog niya nang gabi, mahimbing siyang nakatulog sa hapon. Kahit papaano ay nakapagpahinga ang katawan at utak niya. She had a dreamless sleep which she was thankful for dahil minsan, sa sobrang pag-iisip niya ng mga bagay ay hinahabol na siya nito sa panaginip. Mabuti ngayon ay wala.
Nagising na lang siya dahil sa iilang ingay sa labas. Naiwan niyang bukas ang pinto ng kwarto niya. She noticed her phone was still receiving a lot of notifications. Ang iba roon ay kay Garett which was 2-3 hrs ago. Para sa peace of mind niya, hinayaan niya muna 'yon.
Dumating na ang mga kapatid niya. Nagkusa naman ang mga ito na mag-asikaso para sa dinner nila. Dahil nalaman ni Daniella na may pork tonkatsu, ininit nito iyon sa air fryer at nagluto na lang ng ready to cook japanese curry na sinadya pa nitong bilhin sa grocery sa labas pagkauwi. Si Dane naman ang nagsaing ng kanin kaya halos wala ng ginawa si Daneliya.
Pakiramdam ni Daneliya ng mga oras na 'yon ay may alam na si Daniella. Hindi naman 'yon malabo dahil babad ito sa social media at dahil trending talaga ang issue ngayon. Ganun pa man ay nanatili itong tahimik at hindi siya kinakausap tungkol do'n. Mukhang maghihintay itong magsabi sa kaniya.
And Daniella must have realized how complicated the set up was. Ang so called boyfriend ng ate Daneliya niya ay dating naging stepfather ng ex niyang si Evans. And if netizens are able to dig that truth up, they will definitely go wild.
"Okay na ang pakiramdam mo, ate?" pangangamusta ni Dane sa kaniya habang kumakain sila.
Tumango si Daneliya at nginitian ito. "Oo, Dane. Huwag kang mag-alala."
Napasulyap sa kaniya si Daniella. "Nag-usap na kayo ni Kuya Garett?" tanong nito sa kaniya.
Napatingin siya rito. "Oo, Daniella. Kaninang tanghali."
Tumango ito. It seems like she still wants to talk about something but she stopped herself. Daneliya silently sighed. Sana naman ay matigil na agad ang issue sa internet. Ayaw niya ng gano'n. Hindi siya sanay. Gumagamit nga lang siya ng social media bilang communication at minsang pag-post ng random pictures. Kung magbubukas siya noon ay saglit lang na scroll pero hindi siya nagbabad doon. Ngayon tuloy, heto, topic siya sa social media. At ayaw niya ng silipin pa 'yon dahil siguradong hindi maiiwasan na may mga negativities siyang matatanggap.
She's not capable of accepting all of that, especially at this moment.
Tumungo na siya sa kwarto nila matapos no'n at nag-asikaso. She had a warm bath. Nagbabad siya sa bath tub para makapag relax and luckily, it really did help her. Pag-ahon niya ay tinuyo niya lang ang sarili at nagbihis na. Dahil sa sarap ng warm bath ay agad siyang nakaramdam ng antok. Patungo pa lang siya sa kama ay parang hinihila na siya nito. Paghiga niya ay agad siyang nakatulog.
She suddenly woke up from her sleep when a familiar manly scent invaded her nostril and a warm hand caressed her skin. Pagmulat niya ay kinusot muna niya ang mata at muling sinubok na magmulat. When she saw Garett sitting on the bed, watching her intently, napaupo siya.
Her first thought was, 'Nananaginip ba ako?'
"W-what are you doing here?" she asked him.
Kitang-kita niya ang napakagwapo nitong mukha dahil sa dim light mula sa lampshade sa bedside cabinet.
"I want us to talk so we can fix the problem, Mallory."
Kumunot ang noo niya. "What problem?" Maang-maangan pa niyang tanong.
His jaw moved. She noticed that he looked a bit tired and restless.
"You won't talk to me properly and I feel like if I don't go back here, you would not talk to me for days. And God knows, hindi ako mapapalagay kapag alam kong hindi tayo okay, Mallory," he said gently then reached for her hand.
She blinked and her lips parted a bit. Talagang umuwi ito sa Metro Manila para suyuin siya?
"But, why?" tanong niya kapagkuwan ay umiling siya. "Garett, hindi mo kailangan gawin 'to. I was not just ready to talk especially over the phone."
"I understand, that is why I am here... para personal tayong makapag-usap. Mallory, hindi ko kayang malamig ka sa akin. And I know it very well, you're overthinking. So I am going to clear things out for you. Ayokong nahihirapan ka," mahinahon nitong dagdag. His thumb is caressing her skin while saying those words.
Kahit hindi pa ito nagsisimula magpaliwanag tungkol sa bagay na ikinaka-overthink niya, tunaw na tunaw na si Daneliya sa mga sinabi nito. This man is just so perfect in his own way. He is thoughtful and he makes her feel that she is very important to him.
"O-okay," tanging nasagot niya.
He smiled at her. Lalo itong lumapit sa kaniya saka siya niyakap nang mahigpit.
"But before everything, I want to say I missed you. I miss you so much," he whispered and kissed her cheeks and forehead multiple times. "Wala pa akong isang linggo roon pero pakiramdam ko ang tagal ko na ro'n."
Daneliya closed her eyes and savored his hug. She missed him too, so much. Hinaplos niya ang likod nito.
"How are you feeling?" he asked then pulled away from the hug. Dinama nito ang leeg niya habang pinagmamasdan siya.
Umiling si Daneliya. "Wala na ang mild fever ko. I am feeling better na rin kanina pa lalo na after my warm bath. Sana tuloy-tuloy na," aniya.
Sumulyap si Daneliya sa may wall clock. It is just almost 11 p.m. Isang oras pa lang pala ang tulog niya nang dumating si Garett.
"Ano'ng oras ka umalis?"
"I should have arrived here at 8 pero na-delay ang flight ko dahil sa air traffic," sagot ni Garett.
Kumunot ang noo ni Daneliya. "Buti, nakabili ka pa ng ticket kahit biglaan ang uwi mo?" takhang tanong niya.
Garett shook his head then smiled a bit. "I used a private plane."
Daneliya can't believe what she heard. He really did that just for her.
"Unfortunately, I have to go back to Cebu tomorrow morning. Kaya gusto kong ayusin natin 'to ngayon para wala na tayong problema pagbalik ko ro'n. I can't think straight knowing that you're mad or upset with me," he gently told her.
Napayuko si Daneliya. "I am not mad or upset sayo, Garett. More like... I am scared," she said that almost came out as a whisper.
"Why are you scared, hmm?"
Nag-angat siya ng tingin at inipon ang lahat ng lakas ng loob na meron siya. "Nagkabalikan na ba kayo ni Madam Priscilla?" she asked. After asking that, halos hindi siya huminga.
Garett shook his head while staring directly at her. "No, baby. That would never happen." Umangat ang kamay nito at hinawakan ang pisngi niya. "And I want to correct something that you said earlier... We have a label, Mallory. You are my girlfriend. What made you think that you're not my woman, huh?"