bc

Aftermath of Vengeance

book_age18+
168
FOLLOW
1.4K
READ
HE
dominant
boss
drama
bxg
office/work place
secrets
assistant
like
intro-logo
Blurb

"Well, if he cheated on you and betrayed you... hurt him back by sleeping with the person he despises. In this case, you know the person that Evans hates the most, right? His stepfather…”

Daneliya Mallory has been in a relationship with Evans since they were in senior highschool. A lot of people admired their relationship because it seemed like a fairytale not knowing that Daneliya had to endure physical and mental abuse from Evans’ mother. Despite that, they still stayed together for five years. Not until one day, she discovered that Evans was cheating on her. It broke her so much because she had planned to spend the rest of her life with him. She is so brokenhearted and desperate to get revenge. And she knows that her friend is right. To hurt Evans to the core, she will do that one thing. She will sleep with his stepfather…

chap-preview
Free preview
Prologue
"Daneliya, si Evans, oh!" Napaangat ako ng tingin matapos 'yon sabihin ng seatmate ko na si Pinky. Tumingin ako sa may pinto at nakita na palapit doon ang boyfriend ko. Napangiti ako at itinigil ang pagsusulat saka tumayo para lapitan siya. "You're here!" bati ko sa kaniya nang makarating siya sa may pinto. Evans flashed a small smile and handed a paperbag to me. "Here, babe. Lunch mo. Ubusin mo 'yan, ha?" Nakagat ko ang labi saka naramdaman ang pag-init ng pisngi. Tinignan ko sa mga mata si Evans. "Nag-abala ka pa. Ang layo kaya ng building n'yo! Salamat, babe!" Malayo talaga ang building nila rito. Ang STEM building kasi ay halos sampung minuto yata ang layo mula sa building naming mga ABM strand. Sa laki kasi ng unibersidad at dami ng mga estudyante, malalaki talaga ang mga gusali pati na rin ang mga agwat noon. "Of course. Just for you," ani Evans saka hinaplos ang pisngi ko. Nasa huling taon na kami ng senior high school ngayon. Nagkakilala kami no'ng huling taon namin sa junior high. Naging in a relationship naman kami pagtungtong ng grade 11. Maraming nagsasabi sa amin na nakakainggit ang relasyon naming dalawa. Our relationship is good but it is not perfect like everyone thought. "Mamaya nga pala, dadalhin kita sa bahay," saad ni Evans. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "H-huh? P-paano ang mommy mo? Alam mo namang..." Napayuko ako at humigpit ang hawak sa paperbag. "..medyo takot ako sa kaniya," kabadong saad ko. Evans chuckled and held my chin to make our eyes meet. "Babe, huwag kang matakot sa kaniya. Mukha lang siyang masungit pero hindi. And don't worry, she's not there." Kumunot ang noo ko. "Kung gano'n, ano'ng gagawin natin do'n?" takhang tanong ko sa kaniya. Sa dalawang beses ko ng nakapunta roon no'ng mga nakaraang buwan, pagpapakilala at pakikisama sa Mommy ni Evans ang ginawa ko pero hindi nga lang maganda ang nangyari. Ngayon na wala naman pala si Ma’am Priscilla do'n, ano ang dahilan? Nakita ko ang pagpipigil ng ngisi ni Evans at napakamot siya sa noo. Tumingin pa siya sa pader na tila nag-iisip. "Hmm, ano..." Tinitigan niya ako muli. "Uhm, kailangan ko ng help mo sa project namin na may kinalaman sa arts. Alam mo naman na mahina ako sa gano'n, babe!" Dahan-dahan akong napatango. His reason is valid. But then, my brows furrowed. "Sure ka? Pwede naman natin sa library gawin. Baka biglang dumating din ang mommy mo tapos hindi ako handa..." nag-aalangan kong saad. I’m really scared of his mother and he knows that. Kaso akala niya ay kabado lang talaga ako at intimidated. Inabot niya ang kamay ko saka iyon hinaplos. "Babe, wala nga si Mommy mamaya. Don't worry. Atsaka, nasa bahay kasi ‘yong materials. Please help me?" Tila nagmamakaawa siyang tumitig sa akin. "I really need your help. Please?" Nagtitigan kami. Nangungusap ang mga mata ni Evans habang ako ay medyo nag-aalinlangan pa rin. But in the end, I sighed then nodded. "Okay." Evans smiled widely then uttered, "Yes!" He pulled me for a hug. "Thank you, babe!" I chuckled shyly as I tried to push him gently. I am not fond of public display of affection. Hindi lang dahil sa bawal iyon sa school, dahil na rin hindi ko talaga gusto ang gano'n. Isa pa, hindi ako lumaki sa isang affectionate na environment kaya medyo naninibago pa rin ako lalo na kapag may ibang nakakakita. "S-sige na, babe. Kita na lang tayo mamaya," I uttered when I am finally free from his hug. Mukhang masayang-masaya ang boyfriend ko kaya napangiti na rin ako. Evans nodded then pinched my cheek before he bid his goodbye. Palagi niya ‘yon ginagawa sa akin. Pinanood ko ang pag-alis ni Evans bago bumalik sa upuan ko. Agad nakiusyuso ang mga kaklase kong babae. I don't have a bestfriend but I have a lot of close friends. Kaso karamihan naman doon ay parang interesado lang sa relasyon namin. Gano’n lang lagi ang topic namin kapag kinakausap nila ako. Pero understandable naman. Sa mga edad namin na 17-19, karamihan sa kaedaran ko ay sabik na maranasan ang mala-fairytale na relasyon. At gano'n ang tingin nila sa relasyon namin ni Evans. "Hoy, may pa-hug pa, ha?" nakangisi na saad ni Janelle saka ako sinundot sa tagiliran. Dinumog ako ng lima kong kaklase na babae. "Swerte mo talaga kay Evans, may pahatid pa ng ganiyan! Hindi lang mayaman at pogi, sweet pa!" ani Erika habang malaki ang ngisi. "Aysus, swerte naman din si Evans kay Daneliya. Maganda, sexy, matalino, at mabait. Hindi nga lang ka-level sa social status," ani Faye saka bahagyang napangiwi at alanganin na ngumiti sa akin. I just chuckled. I am not offended if my social status was compared to Evans. Malinaw naman sa akin na magkalayo 'yon. I am in the middle class while Evans really belongs to the higher status at tanggap ko 'yon. Walang masama roon. "Pwede na kayo magpakasal. Nag-eighteen ka na, turning nineteen na siya. 'Di ba?" kilig na kilig na saad ni Pinky. Doon ako tuluyang natawa saka umiling habang unti-unting kumakalma mula sa pagtawa. "No, hindi gano'n 'yon, Pinky." My friend pouted but I just smiled. Maliban sa malabo talaga 'yon mangyari dahil hindi papayag ang mga magulang namin, ayaw ko rin talaga na madaliin 'yon. Wala pa sa isip ko ang kasal at marami pa akong gustong gawin bilang dalaga. At naniniwala akong hindi dapat 'yon minamadali lalo na't bata pa naman kami. Kahit magkarelasyon ay dapat pa rin kaming mag-grow individually. Just because we could, doesn’t mean that we should do it. Hapon na nang matapos ang klase. Plano ko na maghintay sa harap ng building ng strand nina Evans pero paglabas ko sa aming room ay naroon na pala ang boyfriend ko. Nabigla pa ako nang bahagya nang nagkatinginan kami. "Bakit nandito ka na? Usually, nauuna kami sa inyo ng 30 minutes, ah?" tanong ko habang palapit. Ngumiti si Evans saka ako kinabig para akbayan. "Nagpaalam ako sa prof na maaga akong palabasin ngayon. But don't worry, tinapos ko ang activity namin," masayang aniya saka ako kinurot sa pisngi. Napangiwi ako nang bahagya dahil sa kurot niya at akbay ngunit napangiti na rin habang nagtatakha. Tiningala ko si Evans at tinitigan. "Bakit parang excited ka yata?" tanong ko. He tried to stop his grin then shook his head. "Excited naman talaga ako lagi kapag kasama ka!" I just nodded then looked around. Maraming estudyante ang nakatitig sa amin kaya sinubukan kong dumistansya sa boyfriend ko pero hindi niya ako pinakawalan mula sa pagkaka-akbay niya. Sanay naman ako na laging may nakatitig sa banda namin lalo na’t gwapo si Evans at masyadong charming. It's not hard for him to attract anyone without even trying. Matangkad pa at maayos ang postura. Tila nangungusap palagi ang mga mata. "Let's go?" Evans asked me. Tumango ako at sabay na kaming naglakad paalis. Inalis ni Evans ang pag-akbay sa akin at naghawak na kami ng kamay. We went to the parking lot. May sasakyan na kasi si Evans, regalo ng ina niya no'ng birthday niya. "Sino pala ang naro'n, babe?" tanong ko nang nasa loob na kami ng kotse at handa ng umalis. I gazed to Evans, waiting for his answer. Evans smiled. "Mga kasambahay lang." Halos thirty minutes lang ang biyahe at nakarating na kami sa subdivision kung saan nakatira si Evans. Pinanood ko ang mga nagtataasan na mansion na nadaraanan ng sasakyan. Pangarap ko na makatira ako at ang pamilya ko sa gano'n kagara na bahay. Maayos naman ang bahay namin. Sakto ang laki at hitsura. Ngunit hindi naman siguro masama mangarap nang higit pa roon? Pagsisikapan ko ‘yon kapag mayroon ng opportunity. The huge gate opened for us. Dumiretso ang sasakyan sa garahe kung saan may tatlo pang kotse ang naroon. Bumaba si Evans at malalaki ang hakbang na lumapit sa kabilang banda para pagbuksan ako ng pinto. "Thank you...." I uttered. He just smiled and tried to grab my bag from me. Umiling ako. "Ako na ang magdadala, babe," saad ko. "Ako na, please, babe?" Evans asked me politely. Alanganin akong napangiti saka hinayaan na lang na kunin niya iyon. Hindi lang talaga ako sanay na ipabuhat sa iba ang gamit ko. Magkahawak ang kamay namin nang lumabas sa garahe at tumungo sa harap ng mansion para makapasok na. Kahit sinabi ni Evans na wala ang mommy niya ay kabado pa rin ako. Takot kasi talaga ako sa kaniya dahil masyado siyang strikta at masakit magsalita. Pagpasok namin ay nakita ko ang iilang kasambahay na naroon. Sinabi sa akin ni Evans na hindi sila magsasabi sa mommy niya ngunit hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa ro'n. Pinaupo ako ni Evans sa isa sa mga sofa sa sala. "Kukuha lang ako ng makakain natin, babe," saad niya sa akin. Tumango ako at akmang kukunin ang bag niya mula sa kaniya ngunit umiwas si Evans habang nakangisi. "Akin na!" natatawa kong saad at sinubukan muli na bawiin iyon. He stuck his tongue out then chuckled. "Hayaan mo na nga sa akin 'to. Just wait for me." Umalis siya sa harap ko dala ang aking shoulder bag. Napailing-iling na lang ako at inilibot ang tingin sa loob ng bahay. Kahit pangatlong beses ko na ngayon na mnakapunta rito ay namamangha pa rin ako sa ganda ng interior designs at mga furniture. Ang yaman talaga nila. Napatuwid ako ng upo nang mapansin na may pababa sa grand staircase. Kumalabog ang dibdib ko nang tuluyan ng makita ang bumababa. Our gaze met and for a second, I held my breath. He looked at me with his usual cold gaze. Napatayo ako at bahagyang yumuko. "G-good afternoon po, Sir Garett," I uttered nervously. Huminto ang lalake nang tuluyan ng nakababa. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at bumalik sa aking mukha. Bigla ay nanliit ako. Halos mapaatras ako sa intimidation na naramdaman. Strikta ang ina ni Evans na si Ma’am Priscilla at vocal siya kung gaano niya ako hindi kagusto kapag kaming dalawa lang. Pero ang stepfather ni Evans na si Sir Garett ay tahimik lang ngunit ramdam ko sa mga titig niya ang pagtutol din niya tungkol sa akin. "Let's go, babe!" aya ni Evans na kababalik lang mula sa kusina at nagmamadali ang mga hakbang ngunit bumagal nang makita ang nakatayo na lalake malapit sa hagdan. "What are you doing here!?" iritadong tanong niya. Wala akong ibang magawa kung hindi tumayo lang doon at panoorin ang paglipat ng tingin ni Sir Garett mula sa akin patungo kay Evans. He raised a brow to him. "Why? Am I not allowed in my house?" malamig na tanong niya. Nagtagis ang mga ngipin ni Evans at puno ng disgusto na tumitig sa kaniyang stepfather. "Fine. Huwag ka lang mangingialam." Nilingon niya ako saka sinenyasan na lumapit na. "Halika na." Napakurap ako at nakaramdam ng pagkalito. "H-huh? Saan?" tanong ko. Evans stepped forward. "In my room. Doon tayo gagawa ng project ko." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. I thought that we would do his project in the living room. "B-bakit doon?" Tila nawawalan ng pasensya na hinawakan niya ako sa braso. Ang isang kamay niya ay nanatili na hawak ang tray na may mga pagkain. "Don't ask and let's just go," mariin na saad ni Evans at halos kaladkarin ako paalis. Mukhang nasira ang mood niya dahil sa stepfather niya. Nakagat ko ang labi sa pagkailang. Akmang lalampasan na namin si Sir Garett nang hawakan niya bigla ang braso ko kaya nahinto kami. Lalong kumabog ang dibdib ko habang si Evans naman ay marahas na napalingon sa amin. "What are you doing?" he angrily asked. Walang kapantay ang kaba na nararamdaman ko. Alam ko kung gaano ka-hate ni Evans ang kaniyang stepfather. Isa pa, ito ang unang beses na nagkaroon kami ng pisikal na contact ni Sir Garett. Paano kung saktan niya ako? "You're not allowed to hangout in your room, Evans," Sir Garett uttered firmly. Napalunok ako nang malalim at hindi alam ang gagawin. I really prefer to stay here in the living room pero hindi rin ako magiging komportable kung nariyan ang stepfather ni Evans. "You don't have any say in my decision. Now, stop holding on my girl, Garett," Evans said with so much disgust in his voice. Doon ako napaangat ng tingin dahil matapos ng sinabing iyon ni Evans ay hindi pa rin ako binitawan ni Sir Garett. Nagtagpo ang mga mata namin. Ang abuhin niyang mga mata ay malamig ang titig sa akin. Ngayon ko lang siya nakita nang ganito kalapit. Although he is Evan's stepfather, he's still not old. Maaga kasing nabuntis noon ang ina ni Evans. 16 years old siya nang pinanganak si Evans kaya 35 na si Ma’am Priscilla ngayon at si Sir Garett naman na bago niyang kinakasama ay 31 years old. Makikita ang dugong banyaga sa mukha niya. He's standing 6'1 tall and his body is really fit. Ayon sa nabasa ko sa magazine na description sa kaniya, his shaved beard is just increasing his oozing s*x appeal and Garett Adamson is a man who could pass to be a god since his physical appearance seems too perfect for this world. Siguro kung ibang tao ako at wala akong koneksyon kay Evans ay sasang-ayon ako sa decription na ‘yon. But since I am Evans’ girlfriend, it would be weird if I’ll appreciate Sir Garett in that way. Basta sigurado ako na gwapo siya, matipuno, mayaman, at sikat. I saw Sir Garett's jaw clenched then he slowly let go of my arm. Agad akong hinila muli ni Evans para makaakyat na sa hagdan. Dire-diretso kami patungo sa kwarto niya. Then Evans slammed the door closed after we entered. I awkwardly stood in the middle of the room as I watched Evans put down my bag and the tray somewhere. I took that moment to appreciate his room since it’s my first time here. Una kong napansin ay ang napakaganda niyang computer set-up. May sarili din siyang bookshelf at may collections ng action figure. Malaki ang kwarto niya at maganda ang designs kahit minimalistic lang. When our eyes met, Evans' expression changed. He smiled sadly then walked towards me. Niyakap niya ako na agad kong sinuklian. Alam kong nasira ang mood niya at maaaring masama ang pakiramdam dahil sa nangyari. I gently rubbed his back to comfort him. "I really hate Garett. Makita ko lang siya kumukulo na ang dugo ko." "He's your stepfather, babe..." tanging nasabi ko. Mahirap para sa akin na isipin na may hindi kasundo si Evans na kapamilya niya. As his girlfriend, I want him to be happy and comfortable wherever he is. "And we don't need him. I don’t know why my mother even wants him." We turned silent after that because I didn’t know what to say. Maya-maya ay lumayo si Evans at tinitigan ako. I gently smiled at him. He stared at me intently then my breathing hitched when he slowly closed the distance between our faces until our lips met. Nag-kiss na kami dati pa pero palagi lang iyon na saglit at nagdidikit lang ang labi. I thought that it was just like that but to my surprise, Evans' lips moved. I froze on my spot as I felt his kisses. Maya-maya ay tumigil siya at tumitig sa akin nang mapungay ang mga mata. He caressed my cheek lovingly and smiled a bit. "Babe, I love you." Still stunned because of what happened, I just smiled. I’m lost for words. "Let's make love. I've been waiting for this moment," Evans said firmly. Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala sa narinig. My mind went blank. Hindi pa ako nakakabawi sa kakaibang halik ni Evans, ngayon ay inaaya naman niya ako. What? He held me on my arm then he pulled me towards his huge bed. Marahan niya akong itinulak pahiga saka umibabaw sa akin. I suddenly realized what’s happening. He’s really serious! "T-teka, babe..." I uttered and tried to push him but he dipped his face down to kiss me on my lips torridly. 


editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook