Chapter 6

2333 Words
Chapter 6 Daneliya can't believe it. A hollow feeling suddenly settled on her chest. Dinala siya pabalik nito sa alaala nang ginawa rin ito sa kaniya ni Evans no'ng nag-aaral pa sila. She also rejected his advances. Sakay rin sila ng kotse noon at biglang pinababa siya ni Evans dahil sa sobrang galit nito sa rejection niya. Ang tanging mas okay lang sa sitwasyon na 'yon ay nasa lugar nila sila. Pamilyar siya pauwi at makakapag-commute kung sakali. Marami ding tao sa paligid. Luminga siya at napayakap sa sarili saka hinagod ang magkabilang braso nang makaramdam ng panlalamig. Hapon na 'yon, isang oras na lang at magdidilim na. It made her shudder to think that she's a girl, alone at nowhere. Nakakatakot isipin 'yon dahil hindi niya sigurado kung sino ang papara sa kaniya. Kung may huminto man, iisipin niya ang kaligtasan niya. She swallowed hard. Kung dati ay umiyak siya sa ganitong sitwasyon, ngayon ay nakaramdam na lang siya ng pagod. "Evans..." she murmured. Tinitigan niya ang daan kung saan nawala sa paningin niya ang kotse nitong humarurot paalis. "You really left me here," dagdag niya kasabay ng mapait na ngiti. Nagsimula siyang maglakad. Kinuha niya ang cellphone para tignan sa map kung nasaan na siya banda. Baka kayanin na lakarin niya 'yon ngunit tila hindi umaayon sa kaniya ang panahon. Walang signal ang sim niya sa lugar na 'yon. Napalingon siya sa likod niya nang makarinig ng parating na sasakyan. Bumagal ang hakbang niya at napalunok nang malalim, iniisip kung manghihingi ba siya ng tulong. A lot of scenarios also played in her mind. Paano kung mapagtripan siya rito? Walang katao-tao, walang makatutulong sa kaniya kung hindi ang sarili. Bumagal ang kotse nang nasa gilid na niya saka sabay-sabay na bumaba ang mga salamin ng bintana. There were 4 boys in the car, mga halos kaedaran niya ang hitsura. They are all looking at her with curiosity. "Miss, bakit ka naglalakad dito?" tanong ng isa. Napakurap siya, nag-iisip kung dapat ba sabihin ang sitwasyon. "Naliligaw ka ba?" tanong pa ng isa. "Sabay ka na sa amin. We have a space here in the backseat," ani ng isa pa saka pinagpag ang espasyo sa gitna nila ng katabi niya. "A-ah—" Daneliya doesn't know if she should take their offer. Ang daming pwedeng mangyari kung tanggapin niya o tanggihan man. "Oo nga, pabalik na rin kami sa Manila. A girl shouldn't be walking out here alone." These people could be bad. Pero maaaring maayos din talaga ang intention nila. Luminga siya. Should she wait for another car to pass by? Muli niyang tinignan ang mga lalake sa kotse. Gulong-gulo siya sa dilemma niya. She should not experience this if only Evans didn't leave her alone in the middle of a road. "Tara na, miss. Huwag ka na matakot. We're good guys," ani ng isa saka ngumiti. Daneliya swallowed hard. "Thank you—" Biglang may dumating na kotse na huminto sa unahan ng kotse ng mga lalake. Natigilan si Daneliya sa dapat na sasabihin nang bumukas ang pinto ng bagong dating na kotse. Her eyes widened a bit when she realized who it was after he took off his sunglasses. "S-sir Garett," she murmured. Lumapit ito sa kaniya saka nakapamulsa na tumingin sa kotse ng mga binata. "You can go. Ako na ang bahala sa kaniya," he said with his usual cold voice. Kumunot ang noo ng isa. "Sir, kami ang unang nakakita sa kaniya. At sino ka ba? Kilala mo ba siya?" Gumalaw nang bahagya ang panga ni Garett. "I know her. Now, you can go." Tumingin ito sa kaniya. "Let's go, Mallory," utos nito sa kaniya. Daneliya silently sighed in relief. Ngayon, hindi na niya kailangan mag-alala dahil kahit hindi maganda ang pakikitungo sa kaniya ni Garett ay hindi rin naman pangit. Garett has been always casual and cold to her. At nakasisiguro din siya na ligtas siya sa mga kamay nito. Because 5 years ago when Evans kicked her out of his car, nang pauwi sila galing school, si Garett din ang nakakita sa kaniyang naglalakad pauwi nang wala siyang masakyan dahil puno ang mga public transportation na dumadaan. At katulad din ng nangyayari ngayon, ito rin ang naghatid noon sa kaniya pauwi. Nilingon niya ang mga binata na naghihintay sa sasabihin niya. She smiled at them. "Thank you so much for the offer. Dito na ako kay Sir Garett sasabay. I personally know him. Again, thank you. I really appreciate your offer," aniya. Nauna ng lumapit sa sasakyan niya si Garett. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto bago ito sumakay rin. Daneliya silently fastened her seatbelt. Kaya niyang tiisin ang pagka-intimidate dito at ang total silence kasama si Sir Garett kaysa sumakay nang hindi sigurado sa hindi niya kilala. She's lucky that he coincidentally passed by when she needed a ride. Nagsimula ng magmaneho si Garett. There was a comfortable silence between them. Hindi alam ni Daneliya kung dapat ba siyang magsalita o hindi. Nanahimik na lang siya at tuluyan ng nadama ang pagod. Pinanood niya ang dinadaanan ng kotse hanggang sa dahan-dahan siyang nakatulog. When she woke up, nasa pamilyar na daan na sila. Napatuwid siya ng upo. Malapit na sila sa bahay niya. Napalingon siya kay Sir Garett. Mukhang naalala pa nito ang daan patungo sa kanila. "Dito na lang po, Sir," aniya nang nasa isang kanto na sila malapit sa bahay nila. Itinigil nito ang sasakyan. Daneliya removed the seatbelt on her saka nilingon ito. "Sorry po nakatulog ako. And I really want to thank you po sa paghatid sa akin." Ngumiti siya nang nilingon siya nito. "Kung alam niyo lang po, sobrang laking pasalamat ko na dumaan din kayo ro'n." Tahimik na tumango si Garett at umiwas na ng tingin, tumitig sa harapan nito. Daneliya took that as a cue to get out of the car. Binuksan niya ang pinto sa tabi niya at akmang bababa nang magsalita si Garett. "And I want to tell you again, hiwalayan mo si Evans. I know that he left you again and this time, it could have been really dangerous," mariin nitong saad saka tumitig sa kaniya. "Walang matinong lalake ang gagawin 'yon." Daneliya pursed her lips. Hindi na siya kumibo at ngumiti lang ulit dito. "Thank you, Sir Garett. Take care," tanging nasabi niya saka bumaba na nang tuluyan at sinara ang pinto. Iyon na yata ang pinakahamahabang nasabi sa kaniya ni Garett. Tumayo siya sa may kanto at pinanood ang pag-alis ng sasakyan ng lalake. Nang nawala na sa paningin niya 'yon ay saka siya naglakad na pauwi. Sa bawat hakbang ng mga paa niya ay ang dami niyang naiisip. Evans loves her so much. Mula nang nagsisimula pa lang sila, hanggang ngayon. He does it really well, ang iparamdam sa kaniya ang pagmamahal nito. But when he's mad, he tends to do impulsive things that could be really dangerous just to make a point that she made him mad. Dapat niya bang balewalain 'yon? Daneliya felt like what happened is just really too much. Pero tuwing maalala niya ang happy moments nila at pagmamahal nito ay may parte sa kaniya na gusto na lang ito intindihin. Narinig niya ang sunod-sunod na ring ng cellphone niya. Kinuha niya 'yon at tinitigan. Ang daming messages ni Evans at missed calls. Maya-maya ay muling nag-flash ang pangalan nito dahil sa pagtawag muli nito. Daneliya smiled sadly then turned off her cellphone. Ang saya ng araw nila but it was ruined before the day even ended. Kinabukasan ay naghanda na siya para sa trabaho. Binuksan niya ang cellphone niya at nag-charge. Hindi niya tinignan ang messages ni Evans. Ayaw niyang lumambot kaagad ang puso niya dahil paniguradong nagmamakaawa na 'yon sa mga texts at chats nito. Pagdating niya sa hotel ay dumiretso siya sa locker. Agad siyang kinamusta nina Edith at Lindy na naroon na pala. "Kumusta naman? Expected ko super happy ka ngayon pero 'yung mukha mo, parang wala lang!" ani Lindy. She looked at the two of them. Gusto niyang magkwento sa kung ano ang nangyari pero minabuti na lang niya na huwag. Tiyak na magagalit nang sobra ang dalawang ito. "Napagod lang ako..." Nanlaki ang mga mata ng dalawa, si Edith ay napatakip ng bibig. "OMG! Napagod ka? Pinagod ka ni Evans?" Daneliya scrunched her nose then shook her head while retouching her make up. "Walang gano'n, Edith. Alam mo naman ang stand ko diyan. Ayoko pa..." Si Lindy ay sumiksik sa kaniya. "Hindi kaya magalit nang sobra si Evans sayo niyan at magsawa na nang tuluyan kasi until now, ayaw mo pa rin?" tanong nito. Natigilan si Daneliya. Gano'n na nga ang nangyari, nagalit ito nang sobra kahapon. "Alam mo girl, may choice naman si Evans. Una pa lang ayaw ni Daneliya nang gano'n and if gusto niya talaga ng—" Binulong nito ang kasunod na salita. "s*x, dapat hiniwalayan niya na si Daneliya at naghanap ng babaeng game. But he stayed. Kaya i-respect niya itong desisyon ng dalaga natin. Isa pa, ikakasal na rin sila soon. Engaged na, 'di ba?" litanya ni Edith. Si Lindy ay tumango kaso ay lumabi. "Pero naiintindihan ko rin naman kung sakali magalit si Evans kasi ang tagal niya na naghihintay at couple naman sila so..." Sunod ay hinawakan siya nito sa balikat. "But I'm with you girl. Kung 'yan talaga gusto mo, go. Huwag kang papakabog!" Daneliya forced a smile and just nodded. Pinag-iisipan niya rin naman 'yon lalo na nang nasa America pa si Evans. Kahit papaano naman ay nag-loosen up na siya tungkol sa bagay na 'yon and there's a chance... But something is stopping her now. Paano siya papayag sa gano'n kung sa halik pa lang ni Evans ay may iba siyang nararamdaman? Her gut feeling is telling her that something is wrong and she can't just ignore it. And the fact na ginawa 'yon ni Evans sa kaniya kahapon, parang mas mahihirapan talaga siya isuko dito ang sarili. It's showing that Evans is highly driven by his emotion, as well as by his libido. Napapa-second thought tuloy siya sa pagtitiwala rito. It seems like he's not matured enough to handle things... Daneliya sighed. Mukhang malaking parte talaga sa kaniya ang na-turn off sa ginawa ng fiance sa kaniya kahapon. Pupunta na sana siya sa front desk para magsimulang magtrabaho nang may biglang humila sa kaniya patungo sa sulok. When she faced that person, it was Evans who look so exhausted. Tila ba walang maayos na tulog. "Why were you not answering my messages and call?" he asked exasperatedly. Kumunot ang noo niya. "Evans, I have work. Mamaya na 'yan—" Tinitigan siya nito sa mga nagmamakaawang mata. "Please, ipagpapaalam kita. Babe, talk to me. Don't be this cold. I'm sorry, okay?" Seryoso niya lang itong tinitigan. "Let's talk about it later—" "Binalikan kita kahapon pero wala ka na. Where did you go? Kanino ka sumakay? Babe, please forgive me." Sunod-sunod nitong sinabi. "It still took you so long to come back. And in the first place, hindi mo dapat ako iniwan—" "I know. I'm sorry, please!" he pleaded with teary eyes. "Babe, forgive me..." "Magtatrabaho na muna ako," aniya saka akmang tatalikuran ito ngunit hinila siya nito pabalik. "I won't leave until you tell me you forgive me!" Evans insisted. Pagod na bumuntong-hininga si Daneliya at kalmado na tinignan ang kasintahan. "Mag-uusap tayo nang maayos, Evans. Hindi mo ako madadaan sa ganiyan ngayon." His brows furrowed, as if he can't believe what he heard. "May iba ka ba, babe? Nagbago ka na! You're not like that back then!" Napailing si Daneliya at pilit na umalis sa harap ng lalake saka dumiretso sa front desk. Wala ng nagawa si Evans nang nakatayo na siya roon. She can't believe the words he blurted out. Kung anu-ano ang sinasabi nito, ito na nga ang may kasalanan. Minsan talaga, Evans is immature lalo na kapag may argument sila. And he loves playing the victim. Hindi alam ni Daneliya pero parang wala siyang gana makipag-deal sa mga nonsense na sinasabi nito. She just wants to work. Pagod ang pakiramdam niya, nothing else. Hindi niya alam kung para saan ang pagod na 'yon dahil nakapagpahinga naman siya nang maayos kagabi. Evans really did stay in the hotel. Nag-check in pa ito para lang mahintay si Daneliya. Nang lunch time ay sumama siya kina Edith at Lindy kahit inaya siya ni Evans na sabay mag-lunch. "Mukhang nag-away kayo..." ani Lindy. Focus lang si Daneliya sa pagkain ng binaon niyang lunch. "At mukhang malala. Kasi narinig ko ang pag-beg ni Evans. Ano ba 'yon?" ani Edith. Umiling si Daneliya. "Hayaan niyo na. Gusto ko lang kumain ngayon," tanging nasagot niya. Nang matapos ang shift ay uuwi na dapat siya pero laking gulat niya nang dumating ang anak ng owner ng hotel. Siya ang pinuntahan nito habang nakangiti tapos may sinenyasan. Lumapit ang isang bellboy na may dalang cart na naglalaman ng pagkain. "Since nandito ka na, Daneliya, pakihatid ito kay Anthony sa room niya, please.Jerard will help you with the cart," nakangiting saad nito. "He requested to me na ikaw ang maghatid. And I'm also asking you to do this, please?" magaan ang boses na sinabi nito. Ang tinutukoy nitong Anthony ay siguradong si Evans dahil second name ito ng kasintahan niya. Daneliya silently sighed. Hindi siya makaka-hindi sa boss niya. Nginitian niya ang lalake. "Alright, Sir. I will," aniya at sumunod na sa bellboy. Sumakay sila sa elevator habang tulak ng bellboy ang cart na may pagkain. Pagdating sa tapat ng room ni Evans ay umalis na ang bellboy kaya naiwan siya roon. Daneliya inhaled sharply then knocked on the door. Hindi niya dapat ito trabaho pero request ito sa kaniya. "Room service. Here's your dinner," aniya pagkatapos kumatok. Bigla ay bumukas ang pinto. Bago pa niya tuluyang matignan si Evans ay hinila na siya nito papasok sa hotel room at sinara nito ang pinto saka siya inatake ng sabik na mga halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD