Chapter 9

2380 Words
"Sana magawan natin 'to ng paraan but if a really powerful person is behind why you're blacklisted, it might be impossible. May nagawan ka ba nang malalang kasalanan, Daneliya?" That was the last thing she heard that was clear for her. Dahil malinaw din ang sagot niya roon. Ni isa, wala siyang ginawan ng masama. Wala siyang ginawang masama sa mga Alejandro, kay Priscilla at Evans. All she did was to love them, to care for them. All those years, tiniis niya ang mga pananakit ni Priscilla dala na rin ng pagmamahal niya kay Evans. Ina ito ni Evans, importante sa kaniya na matanggap siya nito. She wants her approval dahil naniniwala siya na mahalaga na tanggap siya ng magulang ng kasintahan niya. But all Priscilla did was mock her, belittle her, and if she had a chance, hurt her. Kay Evans... All she did was to love him with all her heart. May hindi siya maibigay rito, ngunit maliban do'n, lahat ay ginawa niya para kay Evans. But in the end, here she is, betrayed by him. At either ang ina nito o si Evans mismo ang dahilan kung bakit siya blacklisted sa mga kompanya. Na siya ring dahilan bakit siya nahihirapan. She has too much potential. Alam niya sa sarili noon na marami siyang kayang gawin at kayang maabot. Daneliya Mallory is a very intelligent woman who's empowered and determined. She knew that since she was young. Pero nakulong siya sa isang lugar at nawalan ng choice dahil lang sa mga tao na mahahalaga sa kaniya. "So what's your plan na?" marahan na tanong ni Lindy. Ang tagal nilang tahimik, mula paalis sa studio ng uncle nito hanggang sa makarating sila sa terminal at naghihintay na lang ng masasakyan kaniya-kaniya pauwi. Nito lang binasag ang katahimikan nang nakapila na sila. "Grabe sila," bulong ni Edith, hindi pa rin makapaniwala. "Malakas ang kutob ko, magkasabwat pa ang mag-ina na 'yon, Daneliya. 'Yung Madam Priscilla, halatang manipulative. Tapos itong si Evans, gano'n din, na may pagka-insecure. Gusto kang ikulong sa kaniya kaya gano'n." Napailing pa ulit ito. "Dahil lang kaya nila at wala kang laban sa kanila, gano'n na ang ginawa?" Hindi kumibo si Daneliya. Wala siyang lakas para magsalita dahil ang daming tumatakbo sa isip niya. Lindy tapped her shoulder gently. "They don't deserve you. At deserve nila masaktan pabalik pagkatapos ng ginawa nila sayo, sis. Pag-isipan mo. At kung anuman ang gusto mo, sabihin mo sa amin. Baka makatulong kami." Napailing si Edith. "Sana nga may matulong tayo. Eh, mayaman ang mga Alejandro na 'yon. Paano sila magagantihan?" Natahimik muli ang dalawa at maya-maya ay biglang nanlaki ang mga mata ni Lindy. "Daneliya will never be able to do a revenge katulad ng ginawa nila na pina-blacklist siya because they are rich and powerful. But you know what, she can hurt them emotionally and mentally. At pwedeng maging mas malala 'yon kung magawa nang tama," Lindy said knowingly. Doon napaangat ng tingin si Daneliya sa kaibigan, naagaw ang buong atensyon niya. "How?" she uttered in desperation. Bigla ay may dumating na jeep na sasakyan ni Lindy kaya napilitan na ito magpaalam bago pa ma-share ang naiisip sa kanila. Napakamot si Edith. "Pa-suspense effect naman 'yon si Lindy. Ano kaya ang naiisip no'n na kalokohan? Do'n pa naman 'yon magaling! Alamin natin pag may duty na ulit." Natulala lang si Daneliya at hindi na muling kumibo hanggang sa makasakay siya sa jeep pauwi sa kanila. She's so drained and tired. The mother and son really sucked the life out of her. Ngayon ay naiisip niya na sana hindi na lang niya nakilala ang mga ito. Her life could have been different and better if their paths didn't cross. Yes, Evans made her happy pero ngayon, pakiramdam niya ay hindi 'yon worth it kapalit ng lahat ng paghihirap na pinagdaanan niya sa kamay ng mag-inang 'to. Nasa taas na ang mga ito dahil sa magandang antas ng buhay, and they pushed her down to the bottom, tila hindi pa sapat ang agwat nila mula sa kaniya. They both hurt her soul. And she's thinking, hindi siya magpapakasanta para isipin na bahala na ang karma sa kanila. She will be their worst karma. But how? Kinabukasan ay nagising na lang siya na maingay sa sala nila, bagay na hindi siya sanay. Pagbangon niya ay nag-asikaso muna siya ng sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto niya. Gano'n na lang ang pagkabigla niya nang makita na naroon si Evans, kausap ang pamilya niya. Her steps slowed down as she looked at him. Ang daming pagkain sa sala, tuwang-tuwa tuloy ang mga kapatid at Mama niya. Nang magtagpo ang mga mata nila ni Evans ay agad itong tumayo at dinampot ang bouquet of flowers na nasa tabi nito saka lumapit sa kaniya. He then kissed her cheek. "Good morning, babe. How's your sleep?" he asked gently at inabot sa kaniya ang bulaklak. Hindi niya 'yon pinansin at kumunot lang ang noo ni Daneliya. "Bakit nandito ka?" she asked without any emotion in her voice. Napawi ang ngiti ni Evans sa naging bungad niya. "Ano ka ba naman Daneliya? Nakakahiya sa boyfriend mo 'yang bunganga mo. Binisita na nga tayo rito at dinalhan ng pagkain at dinalhan ka pa ng bulaklak, oh. Nag-iinarte ka pa!" dinig niyang saad ng Mama niya na abala sa mga pagkain na naroon. Hindi niya 'yon pinansin at tinignan lang si Evans. All she could feel now is anger and disgust when she looks at him. Nasapawan na no'n ang pagmamahal niya rito. Ni katiting na pagmamahal ay wala na siyang maramdaman para dito. Puro lang galit at sama ng loob. "Of course, I came here to visit you, babe. I missed you, sobra. Mukhang naging busy ka rin kahapon dahil unresponsive ka sa texts and calls ko," he uttered calmly while watching her expression carefully. "Ate, kain ka na. Ang sarap ng mga pagkain!" masayang sinabi ni Dane sa kaniya. Tipid na nginitian at tinanguan ni Daneliya ang bunsong kapatid bago muling binalik ang tingin kay Evans na tila tinatantiya ang mood niya. Gustong-gusto niya itong komprontahin. Gusto niya itong sigawan. Hindi siya palasigaw na tao. Palagi siyang mahinahon pero makita niya lang 'to ngayon, o kahit maisip man lang, parang gusto niyang sumigaw sa galit at tanungin ito kung bakit nagawa ang lahat ng 'yon sa kaniya. "Let's get out of here. Mag-uusap tayo," mariin na bulong niya sa lalake bago ito tinalikuran para magbihis ng panlabas na damit. Mabilisan lang siya nagbibis ng t-shirt at skinny jeans. Nagpaalam na si Evans sa pamilya niya bago sila tuluyang umalis sa bahay. Mukhang masayang-masaya naman 'to na lalabas sila. "Saan mo gusto babe? Do you want to eat breakfast? Pwede tayo kumain sa resto or we can take out and eat in a hotel para comfortable ka..." marahan nitong saad habang minamaniobra ang manibela ng kotse niya. Hindi pa man sila tuluyang nakalalayo at wala pa sila sa main road ay nagsalita na si Daneliya. "Stop the car," malamig na aniya. Kumunot ang noo ni Evans ngunit sinunod pa rin ang sinabi niya. He parked the car on the side. Ayaw na ni Daneliya ang makasama pa ito lalo na silang dalawa lang pero hindi naman niya kaya na sa bahay nila sila mag-uusap while her mother and siblings are there. Dahil siguradong hindi sila mananatiling kalmado sa mga sasabihin at maririnig niya. "Why babe?" Hinubad ni Daneliya ang singsing mula sa daliri niya saka iyon inilapag sa hita ni Evans. "I'm breaking up with you." His eyes slowly widened. "W-what!? What do you mean, babe?" Hinarap niya ito, hindi naman niya nakabit ang seatbelt kaya madali niya 'yon nagawa. She looked at him without any trace of emotion on her face. "Hiwalay na tayo, Evans. Ayoko na. It means, we are no longer boyfriend and girlfriend, at walang mangyayaring kasal kahit kailan. I'm breaking up with you." Tila walang awa ang bawat salita na binitawan niya and honestly, wala talaga siyang nararamdaman na awa o panghihinayang. Kumunot ang noo ni Evans. "Why? Why are you breaking up with me, babe? Maayos na tayo ng last na kita natin. Nagtampuhan, oo, pero naayos tayo, babe. I just went on a business trip yesterday at Cebu but I came home early para makasama kita ngayon and yet, you're breaking up with me now. Why?" hindi makapaniwalang tanong ni Evans. Daneliya stared straight into his eyes. "I know you're cheating on me," she coldly uttered. Nawala ang kulay sa mukha ni Evans. Maya-maya ay napakurap ito at tila pinilit na makabawi sa pagkabigla. "W-what? I would never do that! May nagsabi ba sayo? Most likely, sinisiraan lang ako babe! I love you so much and I would never do that to you!" She scoffed. "Evans, I won't confront you without any evidence. Hindi ako tanga para maniwala sa gano'n basta nang walang proof. You think I'm stupid?" "I never said that. I am just saying that I will never cheat on you—" "Liar! I have copies of photos and videos that you're having s*x with someone! I am beyond disgusted, Evans. Nakakadiri ka!" Tila nanghina ang lalake. He tried to reach for her hand but she immediately pushed it away from her. Diring-diri na madikitan man lang nito kahit kaunti. "Babe—" "Someone sent it to me. Hindi ko kaya panoorin pero I still did just to prove that it's really you at ikaw nga. Akala ko busy na busy ka sa trabaho, 'yon pala, babae ang tinatrabaho mo sa America!" Ginulo ni Evans ang buhok saka napapikit. Pagmulat nito ay namumuo na ang luha sa mga mata ng lalake. But Daneliya won't believe his tears. Alam nito ang ginawa niya at hindi dapat ito nasasaktan o natatakot ngayon sa consequences. "I—I am sorry, babe. I was not thinking." Daneliya gritted her teeth. "Yes, you're not thinking a lot of times. Hindi mabilang sa daliri kung ilang beses mo 'yon ginawa, Evans. You're a disgusting cheater!" Nagtuluan ang luha ni Evans but Daneliya doesn't care anymore. He's a liar, cheater, and a jerk who wants nothing but s*x. "Babe, I'm sorry. Nagawa ko lang naman 'yon because you don't want to do it with me at malayo ako. All those times I did that with someone else, ikaw ang iniisip ko—" "Stop!" Malakas na sinabi ni Daneliya. She glared at him. "Wala akong pakialam, Evans. We are done. I'm not even that hurt anymore dahil galit ako sayo! I just also want to confirm something. Ikaw ba o ang Mom mo ang nagpa-blacklist sa akin sa mga kompanya kaya walang tumatanggap sa akin?" he asked. "Don't you dare deny it because I already know that I was blacklisted because of a person named Alejandro. At wala akong ibang kilalang gano'n kung hind kayo lang!" Natigilan si Evans at tila lalong namutla. Lalo naman umigting ang galit na nararamdaman ni Daneliya nang makita ang ekspresyon ng lalake na tila kinukumpirma 'yon. "Tell me!" tumaas na ang boses niya, desperado sa sagot at kumpirmasyon nito. Napakurap si Evans at pilit siyang inaabot para pakalmahin but Daneliya keeps on pushing him away. "I—I did, when you told me that you want to enter modeling pero ginawa ko lang 'yon dahil ayokong mas maraming makakakita sayo. Babe, papasuotin ka nila nang kung anu-ano, rarampa ka sa kung saan-saan na lugar. You might meet someone else and leave—" "You jerk!" Daneliya said then slapped his hands away from her. "B-but tungkol sa companies where you applied to no'ng kakagraduate mo lang, huli ko ng nalaman kay Mom na pina-blacklist ka niya. But she only did that so we could make sure that you're not gonna meet someone else and you'll be only mine. Wala kaming masamang intensyon, hindi niya gusto na mahirapan ka o ano. It was just because she loves me so much and she doesn't want me to be hurt." Doon tuluyang umiyak si Daneliya. All those rejections, she was so disappointed on herself. Akala niya ay wala lang talaga siyang maibubuga sa real world. She thought she's a failure. Akala niya hindi siya enough at worthy para sa magagandang opportunities. Daneliya really thought that she's not bound to have a good career. When she was still studying, she was confident that she will have a good career dahil alam niya sa sarili niya ang kakayahan niya. All her teachers and professor also believed in her. Kaya gano'n kasakit sa pakiramdam niya nang puro rejections ang natanggap niya. Her confidence went down pati ang self-worth niya. It affected her mentally and emotionally. Pati ang pamilya niya ay nadamay. But everything happened just because Priscilla and Evans are selfish. Bumaba pa 'yon lalo dahil sa pangmamaliit sa kaniya ni Priscilla at pananakit nito na tiniis niya para kay Evans. They really ruined her soul. "Sinira niyo ang buhay ko!" galit na galit na sinabi niya. He shook his head. "No, babe. That was the right thing. Maayos naman ang trabaho mo ngayon, 'di ba—" She glared at him fiercely through tears. "Fck you! And fck your mother. Puro paghihirap lang ang natanggap—" Biglang mariin na hinawakan ni Evans ang panga niya. He glared at her. "Don't you fcking disrespect my mother, Daneliya!" sinigawan siya nito. Hindi siya nagpatinag. "Hindi siya karespe-respeto. Both of you don't deserve my respect. I hate you jerk and that btch to the core and I wish you both experience what I have to go through!" Pilit niyang inalis ang kamay ni Evans. Malakas siya nitong sinampal. Daneliya tasted blood in her mouth. Imbes manghina ay hinarap niya 'to at sinampal niya rin pabalik, dalawang beses na sinundan niya pa ng isa, at ng panibagong isa pa. Natulala si Evans, hindi makapaniwala sa nangyari. Dala na 'yon ng galit ni Daneliya. She has never hurt anyone in her entire life, just now and to a person who deserves it so much. Binuksan ni Daneliya ang pinto sa tabi niya. She glanced at Evans with a dead expression. "Wait for you and your Mom's karma. It will knock on your door soon. I'll make sure of that, Evans," she uttered then left his car without looking back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD