Sa paggising niya sa umaga ay iniisip niya na kung paano pagkakasyahin ang pera niya para matawid ang mga araw na lilipas bago pa siya sumahod. Paglabas niya ay wala ng natira na pagkain sa kaniya para sa breakfast. Pasalamat na lang siya, may isa pang saging do'n. Iyon na lang ang nilaman ng tiyan niya.
Nag-asikaso na siya para sa pagpasok sa trabaho. Habang naliligo ay nahulog siya sa malalim na pag-iisip.
When she graduated from college last year, she was so sure that she had a lot of opportunities waiting for her. Sa ganda ba naman ng records niya at magandang experiences habang nag-aaral, hindi siya mahihirapan humanap ng trabaho. The company where she did her on-the-job-training told her that they would get her as soon as she graduated pero hindi 'yon nangyari.
Pagka-graduate niya, tila nawala na parang bula ang lahat ng opportunities na 'yon. Biglaan ay hindi na raw siya qualified, samantalang dati ay halos inaabangan siya ng mga kompanya. Kahit ang pinag-OJT-han niya ay bigla siyang kinalimutan. Hindi niya alam ano ang nangyari.
She applied a lot of times and she was rejected in everything. Ang tanging tumanggap sa kaniya ay ang kompanya kung saan siya nagtatrabaho ngayon, at sa tulong pa ni Evans. And it made her think, what would she do without him? Baka ngayon ay nasa lansangan na sila ng pamilya niya kung hindi dahil sa tulong nito.
Kaya ngayon, kinukulang man madalas ang sahod, wala siyang choice at mas mabuti na rin 'yon kaysa sa wala. Evans offered her money a lot of times but she politely rejected it. Ayaw naman niya na umasa pa rito sa gano'ng aspeto at baka lalo rin magalit sa kaniya si Priscilla kapag gano'n. Kaya hanggang kaya niya, kakayanin niya ang lahat nang mag-isa. She just wants emotional support and love from her fiance, nothing else.
"Okay ka lang, girl? Magsisimula pa lang shift natin, haggard ka na!" ani Lindy saka siya inabutan ng tissue at pinaypayan siya.
Nasa locker room sila, naghahanda para sa kanilang shift na magsisimula na, ilang minuto na lang.
"Pumila ako sa libreng sakayan na bus at jeep," aniya at nagsimula ng mag-ayos ng sarili.
Napangiwi si Edith. "Tag-hirap na naman, 'te?"
Tumango siya at hindi na kumibo. Napailing si Lindy at inabutan siya ng sandwich.
"Mukhang wala ka na namang kain. Mag-breakfast ka na! Mabuti na lang marami akong baon today."
Daneliya smiled at sinimulan ng kumain. "Thank you, Lindy."
"Ang yaman ng boyfriend mo tapos ikaw, may araw na mas mahirap ka pa sa daga," komento ni Edith saka sinuklayan siya.
"Better days are coming. I can feel it," aniya habang tinitignan ang sarili sa salamin. "I just need to stay positive."
Pasalamat na rin siya at mayroong Lindy at Edith sa buhay niya. She met them at work and they became her super close friends. Mga uri ng kaibigan na for life talaga.
"Alam mo, sobrang ganda mo talaga, Daneliya. Kung pumayag ka na kasi sa sinasabi ko, i-refer kita sa uncle ko. Photographer at videographer 'yon, trabaho niya ay sa modeling industry at nasa nagtatrabaho din sa mga ads. Ang laki ng kikitain mo roon, sobra! Kesa naman magtiis ka rito sa position mo ngayon na overqualified ka pero napakababa ng sahod!" ani Lindy.
Daneliya sighed. Isa 'yon sa dream job niya. No'ng bata pa siya, lumabas na siya sa iilang commercial. Kasa-kasama niya ang Papa niya sa pag-audition ngunit natigil iyon dahil ayaw ng mama niya. Now that she's on her legal age at interesado muli sa gano'n pati na rin sa modeling industry, si Evans naman ang pumipigil sa kaniya.
"Ayokong may pag-awayan pa kami ni Evans nang malala. Ang hirap lalo na magkalayo kami. Communication is hard and I don't want to complicate things..."
The last time she opened up about her interest in modeling, malala ang naging tampuhan nila.
Sumimangot si Edith sa naging tugon niya. "Pangit 'yan girl, ha? Ang boyfriend, dapat ihe-help ka maabot dreams mo, support ba. Hindi 'yang ganiyan na para siyang insecure boyfriend na pinagbabawalan ka when it's your interest naman talaga."
Daneliya gave her friends a reassuring smile. "Gustong-gusto ko 'yon. Siguro pag-uwi niya, pag-uusapan ulit namin. Mas maganda na sa personal namin pag-usapan para maiwasan ang misunderstanding," sagot niya. And she would really try to talk to him about it.
Her friends helped her go through the day without starving. Gano'n naman palagi kapag kailangan niya. Ilang beses na sinalo siya ng mga ito kapag short na short na siya sa allowance. That's why she can't wait to be financially stable so she could pay back everything. Gusto niyang makabawi sa kabutihan ng mga ito. Sa pagkakataon na gano'n, sina Lindy at Edith ang masasandalan niya.
Pagtapos ng shift ay dumiretso siya sa locker. Katulad ng palagi, cellphone ang una niyang chine-check. Pagbukas ay nakita niya ang natanggap na message mula kay Evans. Dali-dali niyang binasa ito.
From: Babe
Babe, may susundo sayo sa work mo. Ihahatid ka sa bahay namin at may iaabot na paperbag. It contains my gift to Mom for her birthday. Gusto kong ikaw ang magbigay sa kaniya para mabisita mo rin siya and mag-dinner kayo together. Thank you in advance, babe. I love you.
Napakagat siya ng labi habang paulit-ulit na binabasa 'yon. Naalala niya ang huling encounter nila ni Priscilla kahapon at halata pa rin na ayaw nito sa kaniya. But it is Evans who is asking for favor, hindi siya makatatanggi dahil minsan lang naman ito nagre-request sa kaniya. She sighed and gathered all her strength. It's just one night.
She will do it for Evans.
Nagpaalam na siya sa mga katrabaho at kaibigan niya. True to his words, may sumundo nga sa kaniya, isang kotse. Inabot din ng driver sa kaniya ang paperbag. Birthday pala ni Priscilla bukas at iyon ang advance gift ni Evans. Sa lagayan pa lang, alam niyang alahas ang laman no'n dahil ilang beses na siyang nakatanggap ng gano'n mula sa kasintahan.
Pinagmasdan niya ang dinadaanan nila patungo sa subdivision kung nasaan ang mansion nina Evans. May mga nagbago pero pamilyar pa rin siya. Huling punta niya rito ay five years ago, no'ng farewell party ni Evans bago tumungo America. One thing is for sure that didn't change, ang trato sa kaniya ng ina ng kasintahan.
Pagpasok niya sa mansion ay binati siya ng mga iilang kasambahay na nakakakilala pa rin sa kaniya. She greeted them warmly then looked around, gazing on every corner of the mansion. Maraming nagbago sa mga desinyo, lalo lang gumanda. Priscilla Alejandro has really an exquisite and expensive taste on her decorations. Halatang mga hindi basta-basta.
Napahigpit ang hawak niya sa paperbag nang makarinig ng pababa sa engrandeng staircase. Tunog iyon ng mabibigat na hakbang, heels ng sapatos, at maleta.
"Garett, I told you! You don't need to leave!" May bahid ng pagmamakaawa sa boses ni Priscilla. "I'm sorry. Let's talk about it and compromise for a new set-up. Intindihin mo naman ako!"
Nag-angat ng tingin si Daneliya at nanlaki ang mata niya nang makita ang senaryo sa may hagdanan. And after five long years, ngayon niya na lang muli nakita ang step-father ni Evans. A more domineering and manlier Garett Adamson caught her whole attention. Simple man ang suot nito na fitted shirt at pantalon ngunit kitang-kita sa aura nito na hindi basta-basta ang antas nito sa buhay.
His cold gaze found her that made him stop, dahilan para mapatingin na rin sa kaniya si Priscilla. Ang nagmamakaawa nitong ekspresyon ay napalitan ng galit nang makita si Daneliya Mallory na nakatayo sa sala at nakatingin sa kanila. Dali-daling bumaba ang sopistikadang ginang.
"What the h*ck are you doing here, btch?" mataas ang boses na tanong nito. "Are you here snooping your nose on someone's business? Nakiki-chismis after hearing the issue about me? You're really low class and dumb!" sigaw nito, sa kaniya nabuhos ang lahat ng frustration.
Napakurap si Daneliya at pilit na hinanap ang boses niya na halos nawala na sa pagkabigla.
"N-no, Madam Priscilla, inutusan po ako ni Evans na iabot sayo 'to—"
Pabalang na inagaw sa mga kamay niya ni Priscilla ang paperbag na dala niya. Sumabit pa ang mahabang kuko ng ginang sa balat niya dahilan para makalmot siya at agad gumuhit do'n ang dugo na halos hindi niya napansin.
"Done! Then go now because you're not welcome here, obviously. I hate seeing your face, Daneliya!"
Malakas siya nitong tinulak kaya napasalampak siya sa sahig. Lahat ng mga pananakit na natanggap niya rito sa mga lumipas na taon ay bumalik sa alaala niya. Kahit hindi na siya pumunta rito ay nasasaktan pa rin siya sa labas nito sa tuwing magkikita sila at may ipaaabot si Evans sa kaniya. Evans thought that it would make Daneliya's relationship with his Mom better pero hindi gano'n ang nangyayari.
Sa sobrang galit ni Priscilla ay akma pa sana nitong sisipain ang paa niya ngunit hindi iyon natuloy nang dumagundong ang boses ni Garett.
"That is enough, Priscilla!" he uttered with so much firmness and authority.
Nabigla si Priscilla ngunit nang makahuma ay tila lalong nagngalit ang mga mata nito at marahas na nilingon si Garett.
"Oh, so now you're being kind to this stupid girl?" ani ng ginang at hinila ang buhok ni Daneliya.
Daneliya pushed Priscilla's hand away from her head as she helped herself to stand. Hindi agad nito binitawan ang buhok niya kaya nagulo iyon ngunit maya-maya ay diring-diri siya nitong tinignan at lumayo sa kaniya saka nanlilisik ang mata na tinignan muli si Garett.
"Sabagay, you find her relatable now because you are already poor, Garett. So go on, be the hero of that btch and to all poor citizens of this country because they are your kind," she screamed then pointed to the double door. "Sige, lumayas ka na ngayon. After all, you don't deserve me anymore dahil bagsak ka na. I found a better man than you!" Malalaki ang hakbang ni Priscilla na umakyat muli sa hagdan para bumalik sa kwarto nito, iniwan sila.
Tulalang pinagmasdan ni Daneliya ang pag-alis ni Priscilla saka nilingon si Garett na nakatingin lang sa kaniya, tila walang epekto rito ang mga sinabi ng ex-girlfriend. Nang magtagpo ang mga mata nila ay tumiim ang bagang nito saka bumaba sa hagdan bitbit ang maleta. Ang mga patagong nanonood na kasambahay ay nagbalikan sa kaniya-kaniyang ginagawa.
Umaangat ang mukha niya habang palapit si Garett sa kaniya. Sa tangkad nito ay kailangan niya talagang tumingala para matignan ang mukha nito. She tried to read his expression but she can't. Sobrang intimidated siya rito.
She forced a smile. "Pasensya na po sa abala. No worries, hindi ko naman ipagkakalat kung anuman ang nakita at narinig ko kanina. Uuwi na po ako, Sir Garett," marahan niyang saad.
"How are you..." magaan ang boses na saad nito, tila walang narinig ni-isa sa mga sinabi niya. "Mallory?"
Her name sounded so beautiful when it rolled from his mouth. Although his gaze is cold, Daneliya can't feel the indifference from his eyes.
Napakurap siya at umiwas agad ng tingin. "Okay lang po, Sir..." tanging nasagot niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil hindi niya naman akalain na mangangamusta ito. She swallowed hard and started to look around. "Uuwi na po ako. Baka maabutan pa ako ni Madam Priscilla. Ayoko naman mas lalong masira pa ang mood niya," dagdag na lang niya.
Bahagya siyang yumuko saka akmang tatalikuran ito nang bigla siya nitong hawakan sa braso. For a split second, it brought her back to the past when he also stopped her from turning her back to him.
Nilingon niya si Garett at naabutan niya ang walang ekspresyon na mukha nito but his eyes look intense while staring at her intently.
"Hiwalayan mo si Evans."
Kumunot ang noo ni Daneliya. "Ano'ng ibig mong sabihin, Sir Garett?" Hindi makapaniwalang saad niya.
Sa iilang encounter nila noon, ramdam niyang hindi siya gusto nito para kay Evans pero wala itong sinabi ukol doon. Madalas kapag may pagkakataon, sinasabihan lang siya sa maikling salita na huwag sumama kung saan kay Evans lalo na sa kwarto nito and she understands the reason behind it. Pero ngayon, gusto nitong hiwalayan niya ang kasintahan kahit matatapos na ang koneksyon nito sa mga Alejandro. Gano'n ba siya nito kaayaw para sa step-son nito?
"Leave him. Break up with him. You don't deserve him," malamig nitong sinabi.
Daneliya weakened. Issue talaga ang pagkakaiba nila ng buhay ni Evans. It seems like she will never be enough for him para sa mga tao sa paligid nito. In their eyes, she will never be deserving of him.
She forced a smile. "With all due respect, Sir, we're already adults. Kung maghihiwalay man kami, desisyon namin iyon ni Evans hindi dahil sa sinabi niyo," mariin niyang saad.
Sinubukan niyang kumawala mula sa hawak ni Garett sa braso niya pero hindi niya iyon magawa. Kunot ang noo na tinitigan niya ang lalake.
"You don't understand me, but soon, you'll realize... hindi kayo para sa isa't isa," saad ni Garett. "That's why I'm telling you, leave Evans. You don't deserve each other."
Hindi nakakibo si Daneliya. A lot of things are running in her mind. Natigil lang iyon nang bigla niyang marinig ang pamilyar na boses na matagal niya ng hinihiling na marinig muli sa personal.
"What the heck are you doing, Garett?" galit na galit ang boses na tanong ni Evans. "Bakit mo hawak ang fianceé ko?!"