Sobrang lakas ng ulan ng gabing iyon. Nagmadali kaming pumunta sa parking lot para makuha ni ninong ang kotse niya.
“Wait here.” utos niya kung kaya’t naghintay nalang ako sa gilid at mabilis niyang kinuha ang sasakyan niya.
Huminto siya sa harapan ko at ibinaba ang bintana, binuksan niya rin ang pinto ng kotse.
“Get in.” utos niya kung kaya’t sumakay na ako sa passenger seat.
“Basang-basa ka na, mamaya magkasakit ka na naman nyan.” saad niya sa akin na parang nagagalit.
Ano na naman ang kasalanan ko? Malamang mababasa talaga ako. Umuulan eh at saka siya rin naman basa na eh.
Ganitong-ganito rin iyon noong unang magkrus ulit ang landas namin ni Ninong Jonas tatlong buwan na ang nakalilipas. It was raining so heavily and I almost got a fever.
*Flashback*
“Lumayas ka sa pamamahay na ito! Layas! Malas ka sa pamilyang ‘to! Simula ngayon ay wala ka ng koneksyon sa amin!” asik ng aking tiyahin habang tinutulak ako palabas ng Mansyon kasama ang mga ilang gamit ko.
Ang Mansyon na pinangarap ni mommy at itinayo ni daddy sa dugo at pawis niya ay pagmamay-ari na ngayon ng malupit kong tiyahin at ng kanyang tatlong sutil na anak.
Sa lakas ng pagkatulak niya sa akin ay nadiin ko sa lupa ang aking palad dahilan upang magkasugat ito at dumugo.
Napahagulgol na ako ng iyak dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
“Parang awa niyo na po, wag niyo po akong paalisin, wala po akong mapupuntahan!” pagmamakaawa ko habang tumatangis ngunit tila mabagsik ang kanilang mga tingin na para bang isa akong lumang gamit na kailangang itapon na lang ng basta-basta.
“Umalis ka na dito, wala kang pamilya dito, Cassandra! wala na kaming pakialam sayo!” asik nila at tinalikuran ako.
Bumuhos ang malakas na ulan ng gabing iyon. Mabigat ang maletang dala-dala ko ngunit mas mabigat ang nararamdaman ng puso ko. My boyfriend cheated on me with my bestfriend sa mismong lamay ni daddy at bukod pa doon ay dumating ang isang estragherong hindi ko akalaing makikilala ko. Si Giovanni Zobel na pinagkakautangan pala ni daddy ng isang bilyong piso.
All this time, akala ko mayaman kami, na maayos ang kumpanya ni daddy at animo’y hindi nauubusan ng pera ngunit nang mamatay siya ay isinama niya ang kayamanan at mga kasinungalingang iyon sa hukay.
My life is so f****d up that’s why I decided to go to the bar to drink. Gusto kong malasing. Gusto kong kalimutan ang lahat kahit pansamantala lang.
“Martini, please.” saad ko sa bartender na kaagad niya namang sinerve.
Maya-maya ay hindi ko na halos namalayan ang oras at nakailang martini na rin ako kung kaya’t napagdesisyunan ko na umalis na.
“Mr. Bartender, bill-out please.” magalang na saad ko.
“Five thousand one hundred twenty three po ma’am.”
“Okay.” saad ko na kinuha ang wallet ko ngunit pagbuklat ko ay six thousand nalang pala ang pera ko. Mabuti na lamang at sumakto pa.
Hirap na hirap ang damdamin ko ng mga oras na iyon habang pinagmamasdan ko ang huling cash sa wallet ko. Ilang libo nalang at nagastos ko pa sa pag-iinom. Damn it! Saan ako matutulog ngayong gabi?
Umuulan pa rin ng malakas paglabas ko ng bar ngunit wala akong pakialam at nagpatuloy sa paglalakad. Masakit. Sobrang sakit. Napatingin ako sa kalangitan at tila masamang masama ang loob dahil hindi ko alam kung anong nagawa kong masama at bakit nangyayari sa akin ito.
Lasing pa rin ako ngunit unti-unti na akong nagigising dahil sa lamig na dulot ng malakas na pag-ulan. I was hopeless while walking on the empty dark road.
Mommy, Daddy, ngayong wala na kayo, sino nang mag-aalaga sa akin? sino nang ituturing kong pamilya?
Napahinto ako sa paglalakad at napa-upo sa gutter kung saan merong puno. Doon ako sumilong dahil nangangatog na ako sa lamig at pakiramdam ko ay lalagnatin na ako.
Nayakap ko ang mga binti ko at yumuko ngunit nasilaw ako sa ilaw ng kotse na tumama papunta sa direksyon ko at huminto iyon sa harap ko.
“Cassandra!” saad ng isang baritonong boses.
Iniangat ko ang aking ulo at doon ay nakita ko ang isang matipunong lalaki na papalapit sa akin.
“Sorry, I’m late.” saad niya ngunit nagbu-blurred na ang paningin ko at hindi ko na siya makilala.
Sino ang lalaking iyon? bakit sinasabi niya sa akin na nahuli siya? nahuli para saan?
“I’m here now.” saad niya ngunit nahihilo na ako.
Hindi ko alam kung epekto ba ito ng alak na nainom ko? o sadyang masama lang talaga ang pakiramdam ko?
Maya-maya ay naramdaman ko nalang ang malakas niyang mga bisig na binuhat pa-bridal style at isinakay ako sa kotse niya.
Nang magising ako ay ipinaliwanag niya sa akin ang lahat na ibinilin ako sa kanya ng tatay ko bago ito mamatay kung kaya’t simula non ay sa poder na ako ni Ninong Jonas tumira at inoferran niya ako na maging secretary at personal assistant niya sa office.
***
Nabalik ako sa kasalukuyan nang yugyugin ni Ninong ang braso ko.
“Case! Kanina pa kita tinatanong, saan mo gustong kumain?”
“Huh?! Ah eh– kahit saan nalang po Ninong, nakakatamad na kasi kumain eh, gabi na.” saad ko.
“Fine. Kahit saan.” saad niya na nagdrive.
Maya-maya ay inihinto niya sa tabi ang kotse kung saan natatanaw ang isang restaurant.
“Oh ayan, kahit saan.” saad niya na tumuro doon, napatingin ako sa restaurant at pagtingin ko sa signboard ay “kahit saan” nga ang pangalan nito.
Nasapo ko ang noo ko.
“No freaking way.” saad ko.
“Eh sabi mo kahit saan oh ayan, dinala kita sa kahit saan.”
Pilosopo talaga itong si Ninong Jonas kahit kailan! Bwisit! Sinabi ko lang na kahit saan dinala nga ako sa resto na ang pangalan ay “kahit saan”
“I was just joking. What I meant is ikaw na po bahala mag-isip kung saan tayo kakain po Ninong Jonas.” saad ko na ine-emphasize talaga yung word na “po” dahil baka sabihin niya na naman na wala akong galang.
“Ito lang resto dito at saka gutom na ako Cassandra, baba!” mariing utos niya kung kaya’t wala na akong nagawa kundi bumaba nalang ng kotse at pumasok kami doon sa “kahit saan” resto na iyon.
Hindi ko naman akalain na may ganon pala. Laro itong may-ari ng resto na ‘to.