This is the first time na nag-aya si Ninong na kumain kami sa labas simula noong tumira ako sa poder niya kaya special ito para sa akin kahit parang pinagti-tripan niya lang ako. This is like a core memory.
I must say that mom and dad choose the right friend dahil kahit na wala na sila ay may nagmamalasakit pa rin sa akin. Hindi ko nga lang ine-expect na may gusto siya sa akin but I’m sure that my parents are smiling right now from heaven seeing me and Ninong Jonas getting along well.
Inabot niya sa akin ang menu ngunit pagbuklat ko ay mahal pala.
“Uhm Ninong, sure ka ba na dito tayo kakain?” tanong ko sa kanya dahil ang mamahal ng mga presyo. Umaabot ng ilang libo.
“Don’t look at the price, just order what you want.” saad niya.
“Eh wala namang nakalagay na pagkain eh, tignan mo. Yung “kahit ano” five thousand. Yung “ikaw bahala” four thousand. Yung “basta masarap” three-five. Yung “mabigat sa tiyan” five thousand din tapos “yung mura” two-thousand.”
“Ikaw na bahala basta masarap.” saad ni Ninong Jonas kaya iyon na ang inorder namin.
Nang dumating ang pagkain ay tahimik na kaming kumain ngunit bigla siyang nagtanong. Umuulan pa rin ng malakas sa labas kaya mas okay na sumilong muna kami dito habang kumakain.
“Kamusta naman trabaho mo sa kumpanya?” tanong niya.
“Okay naman po ako, Ninong.”
“Wala ka bang mga nakaka-away?”
“Wala naman po, kayo lang– ay este kayo lang naman po ang malapit sa akin sa office.” saad ko na ngumiti at napakamot ng ulo.
Muntik na ako doon ah pero kasi totoo naman eh! Noong bago-bago ako sa kumpanya okay-okay pa ang ugali niya sa akin pero nang maka-tatlong buwan na ako ay lagi na siyang naka-sigaw sa akin at nakasimangot. Ang hirap niyang espelengin, parang babaeng laging may regla tss.
“Kamusta nga pala yung tungkol sa tatay mo? Ginugulo ka pa rin ba nung loan sharks na sinasabi mo?” tanong niya sa akin, napayuko naman ako at napabuntong hininga.
*Flashback
Pinagmamasdan ko si daddy habang nakahiga sa kabaong niya. Mugtong-mugto na ang mga mata ko nung gabing iyon dahil sa kakaiyak. Tahimik lamang akong nagluluksa sa Mansyon. Wala na rin ang mga bisita nang dumating ang isang lalaki. Sa likod niya ay tatlong bodyguard na sinusundan ang bawat paghakbang niya.
“Sino po kayo?” tanong ko.
“Ikaw ba ang ka-isa-isang anak ni Daniel Ferrer?”
“Opo. Ako nga ho, Cassandra Ferrer po.” saad ko na inilahad ang kamay ko upang makipag-shakehands ngunit kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon kung kaya’t kaagad ko itong binawi.
“Nakikiramay ako ngunit nandito rin ako para maningil.”
“Ano hong ibig ninyong sabihin?” tanong ko na tila naguguluhan.
Wala akong alam sa nangyayari.
“Listen Cassandra, malaki ang pagkakautang sa akin ng tatay mo.”
“P-po?” saad ko na takot na takot na dahil mga armado sila at isang maling galaw ko lang ay siguradong hindi nila ako patatakasin.
Biglang namatay ang mga ilaw habang ang mga bodyguard naman na naroon ay sinara ang pinto.
“Ako nga pala si Giovanni Zobel. Tandaan mong mabuti ang pangalan ko Cassandra. Simple lang ang kailangan ko.”
“Wala kayong makukuha sa akin! Umalis na kayo dito!” asik ko na galit na galit ngunit hinawakan ako ng mga bodyguard niya sa magkabilang braso at pilit akong ipinaluhod sa harapan niya.
“You’re feisty huh? Gaya ng sinabi ko kanina simple lang ang gusto ko Cassandra, mamimili ka lang kung ibebenta mo ang sarili mo sa akin, babayaran mo ang pagkakautang ni Daniel na isang bilyon o paatayin din kita at isusunod sa hukay ng pinakamamahal mong ama!”
Tama ba ang narinig ko? Isang bilyon? Utang ni daddy, isang bilyon?
“Wag mong sabihing hindi mo alam?” saad niya na hinablot ang magkabilang panga ko.
Sobrang sakit nun ngunit binitawan niya rin ako kaagad dahil nanggalaiti siya sa galit. Pumalakpak siya habang nakatingin sa kabaong ni daddy.
“Ang galing galing mo! Ang galing mong magtago ng sikreto Daniel! Pero sorry dahil bistado ka na ng pinakamamahal mong anak ngayon!”
“Tigilan mo ang daddy ko! Ano pa bang gusto niyo sa kanya?! Bakit hindi niyo pa siya patahimikin?!” asik ko na nangingilid na ang mga luha.
Hinablot ni Giovanni ang buhok ko at sinabunutan iyon, napakasakit. Para bang matatanggal na ang buhok ko sa anit ko. “Isang bilyon Cassandra! I have eyes everywhere kaya hindi ka makakatakas sa akin sa loob ng anim na buwan at kapag hindi ka nakapagbayad ikaw ay mismo ang magiging kabayaran ng atraso sa akin ng tatay mo! Naiintindihan mo?!”
Marahas niyang binitiwan ang buhok ko at kasabay nun ay ang pagbitaw din sa akin sa magkabilang braso ng mga tauhan niya.
Nagmadali silang umalis ng gabing iyon na para bang kidlat na napadaan lang ngunit nag-iwan ng isang malalim na bakas.
Hindi ko alam kung paano nalaman ng tiyahin ko iyon ngunit sa takot niya na baka madamay siya at ang pamilya niya sa gulong kinakaharap ng tatay ko ay pinalayas niya ako. Itinakwil. Itinapon.
***
“Talaga bang hindi ka magsasalita, Cassandra?” tanong ni Ninong Jonas sa akin. Marahil ay napansin niya ang pagka-mailap ko sa usaping iyon.
“Uhm, hindi naman na po nila ako ginugulo since nasa poder niyo ho ako. Hindi naman na po siguro ako matutunton ng mga iyon.”
“Just tell me if I need to hire a bodyguard for you, Okay?”
“No need na po Ninong, okay na po si Kuya Javier na kinuha niyong driver ko.”
“Basta magsabi ka lang kahit anong kailangan mo, ibibigay ko hanggat kaya ko.”
Damn it. He’s really a good provider.
“Maraming salamat po, Ninong Jonas.” saad ko na ngumiti ng matamis sa kanya ngunit hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang pambabastos sa picture ko kanina.
It was so intense. So hot. So good that it makes my knees go weak.
“Anything for you, My Princess.”
Shocks! I really want to call him “daddy” right now.
“Here’s your soup, Sir.” saad naman ng isang waiter na nagserve sa amin ng pumpkin soup.
“Thank you.” sabi niya naman sa waiter at kaagad na nilantakan yung pumpkin soup.
“Eat while it’s hot.” saad niya na napatingin sa akin habang sumusubo ng soup.
“Yeah, I’m really hot–I mean the food! It’s really hot.” (Damn it! Cassandra! Pull yourself together!) nakakainis talaga ang bibig kong ito na palagi nalang nadudulas!