Nang matapos kami sa pagkain ay 10:00 pm na ngunit malakas pa rin ang ulan.
“Ano ba yan! Badtrip!” asik niya habang tinitignan ang sama ng panahon ngunit kailangan na naming makauwi dahil maaga pa kami bukas.
“Ano? Uwi na tayo? Kaya mo ba?” tanong niya sa akin.
“Opo Ninong, okay lang ho sakin.”
“Sige, mag-iingat nalang ako sa pagda-drive.”
“Okay.” iyon lang ang sinabi ko at akmang susugod na sa ulan ngunit bigla niyang hinigit ang braso ko.
“Wait!” saad niya na kaagad na hinubad ang suot niyang coat at itinabon sa aming dalawa upang magsilbing pandong.
“Okay, go!” mabilis naman kaming sumakay sa kotse, una niyang binuksan ang passenger seat para makapasok na ako sa loob at saka naman siya umikot at sumakay sa driver's seat.
Ang totoo ay nangangatog na ako sa lamig dahil kanina pa basa ang damit ko, hindi ko lang sinasabi.
“Are you okay?” tanong niya sa akin.
Siguro ay napapansin niya na ang panginginig ng katawan ko. Pinatay niya naman na ang aircon ng kotse ngunit malamig pa rin.
“Yeah, I’m okay, just drive safe.” saad ko sa kanya.
Mabilis ngunit maingat siyang nagmaneho. Buong byahe ay nakatingin lang ako sa kanya at pinagmamasdan siya habang siya naman ay seryoso lang na nagda-drive.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong mararamdaman ko sa ginawa niya kanina. I should be mad but I can’t. It’s my dream, ang pagpantasyahan niya ako dahil gusto ko rin siya ngunit nakakaramdam din ako ng hindi ko maipaliwanag na takot. Paano kapag nalaman niyang alam ko na ang ginagawa niya? Baka mailang siya at lumayo siya sa akin but I do wonder kung ganito rin ba ang iniisip niya. Does he feel the same way that I do?
Maybe he’s just scared because I’m just twenty-two while he is in his thirties already at alam niyang bawal dahil inaanak niya ako.
“Why are you staring at?” tanong niya.
“Po? Uhm, hindi po ako nakatingin sa inyo, Ninong, natutulala lang ako kasi pagod at antok na ako.” palusot ko ngunit hinawakan niya ang tuhod ko.
“Hang-on there,natatanaw ko na ang hacienda Del Riego, malapit na tayo.”
“Opo, malapit na.” (malapit ko ng ibuka ang mga hita ko para sayo, Ninong Jonas) hays! Erase! Erase! Ano ba yung naiisip ko?!
Simula ng nakita ko talaga iyon ay hindi na ako napalagay. Nakakatakot na nakakasabik! Sa gwapo ba naman ni Ninong Jonas halos lahat ng babae ay pumipila para lang masilayan siya sa opisina niya ngunit sa tingin ko ay ako ang pinaka-maswerte sa lahat.
Hindi ko maiwasang wag kiligin pero parang hindi na normal itong mga naiisip ko. He’s my legal guardian. More like a father-figure kaya hindi. Hindi pwede.
Nang malapit na nga kami ay nagkunwari akong tulog.
“Cassandra, Case. Baba na.” saad niya habang niyuyugyog ako ngunit hindi ko siya pinansin at nakapikit lang ako.
Unti-unti ko namang naramdaman na lumapit siya sa akin, marahil ay napansin niya na tulog na ako kuno.
“Damn it Cassandra, you’re such a heavy sleeper but you’re so f*****g beautiful. Bagay na bagay ka sa kama ko. Sa akin ka lang, sa’kin lang.” saad niya na mala-bedroom voice na ang boses.
Naramdaman ko ang malamig niyang daliri na humahaplos sa aking pisngi habang sinisikap kong pigilan ang sarili ko upang hindi niya ako mabuko na nagtutulog-tulugan lang ngunit nagulat ako nang maramdaman ko ang labi niya na dumampi ng marahan sa labi ko.
Fuck! Muntik na akong mapadilat sa ginawa niya. That was my first kiss! Si Ninong Jonas ang unang lalaking nakahalik sa akin at pakiramdam ko ay nag-iinit na ang katawan ko ngunit naramdaman ko naman ang malalakas niyang bisig na binubuhat ako papasok ng mansyon.
“Yaya! Yaya Miling!” sigaw ni Ninong Jonas sa buong kabahayan.
“Sir, andyan na ho pala kayo! Susmaryosep! Basang-basa ho kayo!” gulat na saad ni yaya Miling.
Si Yaya Miling ay matagal ng naninilbihan dito sa Hacienda De Riego. Siya ay yaya na ni ninong Jonas simula pa nung bata ito.
“Sorry Yaya alam kong late na pero makikisuyo sana ako baka pwedeng paki-bihisan si Cassandra. Nakatulog kasi eh basang-basa yung damit namin.”
“Sumugod ho kayo sa ulan?”
“Opo. Paki-check nalang din po kung lalagnatin siya.”
“Sige po Sir.”
Nang mailapag ako ni ninong sa kama ko ay totoong inaantok na ako at wala ng lakas pa kung kaya’t tino-too ko na ang pagtulog ko. Hinayaan ko nalang si Yaya Miling na asikasuhin ako.
***
Hindi ko alam kung nasaan ako. Ang nakikita ko lang ay isang bulubunduking lugar. Parang yung malawak na bukirin ng mga Del Riego ngunit parang ito nga iyon. Paano ako napunta dito?
“Cassandra, Cassandra!” napalingon ako sa tumawag sa akin at pagtingin ko ay si daddy.
“Daddy?” saad ko na kaagad na tumakbo sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
“Be a good girl okay? Wag kang pasaway sa mommy mo.” saad niya na nakangiti sa akin na para bang nagpapaalam.
Ang mga katagang iyon. Iyon ang malimit niyang sabihin sa akin noong bata palang ako kapag nagpapaalam siya sa akin papasok sa trabaho.
“Pero daddy, wala na si mommy.”
“At wala na rin ako.” saad niya at kasabay nun ay biglang dumilim ang paligid.
“Daddy, bakit ka nagpakamatay? Bakit mo ako iniwan?” tanong ko, napansin ko namang humahagulgol na ako ng iyak.
Maya-maya ay nakita kong may hawak na siyang baril at itinutok iyon sa sintido niya.
“Magtago ka, Cassandra! You’re a good girl. You know where to hide.” pagkasabi niya non ay kasabay ang pagkalabit niya ng gatilyo ng baril.
“Daddy! Daddy! Daddy!” sigaw ko.
“Cassandra! Cassandra! Wake up!” nang magdilat ako ng mga mata ay bumungad sa akin si Ninong Jonas.
Pinagpapawisan ako at hinahabol ko ang hininga ko. Niyakap niya naman ako ng mahigpit at napasubsob na ako sa kanyang dibdib habang humahagulgol ng iyak.
“Daddy… daddy…” saad ko habang patuloy sa pag-iyak.
“Sshh.. you’re alright Cassandra. I’m here now damn it, ang init mo. Ito na nga ba ang sinasabi ko, nilalagnat ka na. Sandali, kukuha ako ng gamot.” saad niya ngunit hinigit ko siya sa braso at halos ayaw ko siyang pakawalan.
“Ninong, wag mo akong iwan please, natatakot ako.” pakiusap ko sa kanya dahil natatakot pa rin ako kapag naalala ko kung paano pinatay ni daddy ang sarili niya.
“Okay, I’m staying. Bad dream again, mukhang napapadalas na yan ah. Guess this isn’t working anymore.” saad niya na pinigtas ang dream catcher na sinabit ko sa headboard ng kama ko.
“Do you want to seek some professional help?” tanong niya sa akin na alalang-alala, ang hindi niya alam ay yakap niya lang ay ayos na para mapawi ang lahat ng takot ko.
“Okay lang po ako, Ninong.”
“Are you f*****g sure, Cassandra?! This is getting worse!”
“Yes! I’m fine, Ninong.”
“Wag kang mag-alala, you’re safe with me. Hanggat nandito ka sa poder ko walang mangyayaring masama sayo, nandito lang ako palagi.”
Iyon ang pinakamalambing na mga katagang sinabi niya sa akin.