Simula nang malaman ni Uncle Hadley na buntis ako ay hindi na niya ako iniiwanan dito sa bahay. Siya na rin ang gumagawa halos ng mga gawaing bahay. Ultimo pagwawalis ay pinagbabawalan niya ako dahil baka raw madulas ako. Lahat na ng klase ng disgrasya ay naiisip niya kahit malabo namang mangyari. Paminsan-minsan tuloy ay naaawa ako sa kaniya dahil sa dami ng ginagawa niya. Kapag naman tinutulungan ko siya ay inaaway niya lang ako kaya naman nananahimik na lang ako para hindi na lang kami mag-away. Pinapanood ko na lang siya hanggang sa matapos siya. Pagdating naman sa pagluluto ay tinatanong na lang niya ako kung ano ang mga dapat kong gawin. “Gutom ka na?” tanong niya sa akin. Katatapos niya lang maglinis sa buong kabahayan. Sinabihan ko nga siya na kumuha ng kasambahay p

