Kinabukasan ay pinapunta ni Uncle Hadley ang mga kaibigan niya na sina Zeus at Lexus kasama ang kani-kanilang asawa at mga anak. Hindi pa alam nina Lexxie at Mariz na nagdadalang-tao ako sa anak namin ni Uncle Hadley. Nasa kusina kami ngayon. Nakaupo ako habang nakamasid sa dalawang babae na abala sa paghahanda ng kakainin namin. “Kaycee, ba't ayaw ni Hadley na utusan ka namin? May sakit ka ba?” tanong ni Lexxie sa akin. “May problema ba, Kaycee? Kinausap niya kasi kami kanina bago niya kami papasukin, eh.” “Oo nga,” segunda naman ni Mariz. “Sabi niya, ‘wag na ‘wag ka raw namin hahayaan tumulong sa amin. Bahala na raw kami ni Lexxie dahil dalawa naman daw kami. Dati nga raw kaya mong magluto kahit mag-isa ka lang tapos kami na dalawa pa, hindi. Basta, marami pa siyang sinabi sa amin

