Alas-dose na pero hindi pa rin ako inaantok dahil sa first love ni Uncle na binanggit ni Mariz kaninang umaga. Sina Uncle Hadley, Zeus at Lexus ay umiinom pa rin hanggang ngayon at ganoon din sina Mariz at Lexxie. Ang kaibahan lang, hard ang iniinom ng mga lalaki samantalang sa dalawang babae ay ladies drink lang talaga. Hindi pa sana ako papasok kung hindi lang ako pinagalitan ni Uncle. Ang sabi niya, matulog na raw ako dahil masama ang magpuyat. Ayaw ko pa nga sana kaya lang hindi na maipinta ang mukha ni Uncle kaya naman nauna na ako rito sa kuwarto namin. Nang dumating ang alas-dos ng madaling-araw ay naisipan ko na tingnan ang mga taong umiinom. Sina Mariz at Lexxie ay napansin ko na wala na sa sala kaya naman dumiretso ako sa puwesto nina Uncle. Hindi ko na kailangan lum

