Nagising ako na nakahiga na sa kama namin. Nakarating na pala kami pero hindi ko pa alam. Hindi kasi ako ginising ni Uncle Hadley kahit pa nga sinabi ko sa kaniya na gisingin niya ako kapag nakarating na kami. Napatingin ako sa wall clock at alas-dos na pala ng madaling-araw. Ako lang ang nandito sa kama ngayon at hindi ko alam kung nasaan si Uncle Hadley. Pupungas-pungas ako na naglakad palabas ng kuwarto namin. Hindi ko siya nakita sa sala kaya sa kusina ako pumunta. Nakita ko na inihahain niya ang pagkain na binili namin kanina sa biyahe pauwi rito sa bahay niya. “Sit down, Baby.” Nilapitan ko siya at niyakap. “Anong oras tayo dumating?” “Thirty minutes ago.” “Why didn't you wake me up?” “Ayaw kong istorbohin ang tulog mo dahil gusto kong mabawi mo ang ilang araw mong pagpupu

