Naiinis ako kapag nakikita kong si Kaycee lang ang kumikilos mag-isa para magluto at maglinis dito sa bahay ko rito sa Sorsogon. I know that Lexxie and Mariz are pregnant but that's not enough reason to not help my woman doing house chores dahil wala naman silang sakit. They are both perfectly fine! Kagaya ngayon, nakikita kong naghahanda na naman siya para sa kakainin namin mamayang hapunan. Hindi madali ang pagluluto dahil nakababad ang tiyan sa apoy. How can she get pregnant kung lagi siyang pagod? “Hi, Love,” she called me when she saw me. “Gutom ka na?” “Stop that.” “Ha?” “Stop what you are doing right now.” “Ha? Bakit? Kailangan ko ‘to para sa lulutuin ko mamaya.” Nagsalubong ang mga kilay ko. Naiinis ako dahil kahit marami ang ginagawa niya ay hindi siya nagrereklamo.

