CHAPTER 3

1232 Words
I saw him. I saw him hanging there. Lifeless. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin ng mga oras na iyon. Mabuti na lang at dumating si Ate Mayeth ang aming stay out na kasambahay. Si Ate Mayeth ang tumawag ng tulong at nag asikaso ng lahat. Habang ako… nandito lang sa aking kwarto at walang balak na lumabas. “I’m sorry, Aly. Patawarin mo sana si papa. Mahal na mahal kita.” Mahal na mahal n’ya ako pero bakit nagawa n’ya iyon sa akin? Patawarin? Hinding hindi ko s’ya mapapatawad sa ginawa n’yang pagsira sa buhay ko. Nagpakamatay s’ya para takasan ang kahayupang ginawa n’ya sa akin. Habang kinakain ng lupa ang katawan n’ya habang buhay ko namang dadalhin ang ginawa n’ya sa akin! “Aly, may bisita ka.” Bumukas at sumara ang pintuan ng aking kwarto ngunit hindi man lang ako kumilos sa aking kinatatayuan. Nakita ko na sa babasaging salamin ng bintana kung sino iyon. “Anak, kumusta ka?” “Mukha ba akong maayos?” sarkastikong balik tanong ko. “Bakit nagpakita ka pa?” “Gusto kong damayan ka, anak. Alam kong masakit para sa ‘yo ang pagkawala ng papa mo-“ “Sa tingin mo ba nasasaktan ako ngayon?” asik ko. “Hindi mo alam kung ano ang nararandaman ko! Wala kang alam!” Nakita ko ang kaguluhan sa kanyang mga mata. “Iniwan mo ako sa taong hindi ko naman pala ama. Sa taong buong buhay ko tiningala ko. Taong minahal ko. At ang taong s’ya sumira sa buhay ko!” “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Simula ng mawala ka akala ko lahat ng ginagawa n’ya normal lang para sa isang ama. Paghihigpit, halik, yakap, selos. ‘Yon pala lahat ‘yon mali. Lahat ng ‘yon may malisya. Ma, ni-rape n’ya ‘ko! Ni-rape ako ng taong akala ko poprotekta sa akin! At dahil ‘yon sa ‘yo! Dahil kasalanan mo! Ako ang nagbayad ng kasalanan mo sa kanya!” Natutop ni mama ang kanyang bibig kasabay ang pagbalong ng kanyang mga luha. Naroon ang sakit sa kanyang mga mata. “Kasalanan mo kung bakit nangyari sa akin ‘to! Dahil iniwan mo s’ya! Iniwan mo ako sa kanya!” sumbat ko. “Iyon lang ang alam kong tamang gawin noon, Aly!” “Tama? Kahit alam mong hindi n’ya naman ako anak?! Ni paliwanag wala akong narinig sa ‘yo noon. Kahit lingunin mo man lang ako para magpaalam hindi mo ginawa!” “Binalikan kita! Ilang beses-“ “Binalikan? Talaga ba? Kung totoong binalikan mo ako bakit nandito ako sa poder n’ya sa loob ng anim na taon? Anim na taon, ma! Anim na taon ng kasinungalingan para lang maisakatuparan ang paghihiganti n’ya sa ‘yo!” “Malakas ang ebidensyang hawak ni Orlan noon laban sa akin dahil kasal kami. Makukulong ako, kami ng Tito Rhey mo-“ “Kaya hinayaan mo lang akong mag mukhang tanga?! Hinayaan mo ako sa kamay ng isang villian?! Mas inisip mo ang sarili mo at ang kapakanan ng kabit mo!” “Bata ka palang nakita ko kung paano ka mahalin at alagaan ni Orlan. Kahit hindi ka nanggaling sa kanya itinuring ka n’yang tunay na anak, Aly. Kaya alam ko sa sarili ko na kahit iwanan kita sa kanya ay hindi ka n’ya magagawang saktan.” “Pero bakit ganito?! Bakit ganito ang ginawa n’ya sa akin?! Bakit ako ang kailangang magbayad sa panlolokong ginawa mo sa kanya?! Bakit ako? Bakit ako?!” humahagulgol na sumbat ko pa sa kanya. “Patawarin mo ako, anak-“ Sa kanyang paghakbang palapit sa akin ay siya namang paghakbang ko palayo sa kanya. “Patawarin? Paano? Kung s’ya nga hindi ko alam kung kaya kong patawarin kahit patay na. Ikaw pa kaya?” saad ko. “Gusto kong magsumbong sa ginawa n’ya sa akin pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka pagbintangan ako sa pag kamatay n’ya dahil may motibo ako para gawin ‘yon sa kanya!” “Anak…” “Galit ang nararamdaman ko sa’yo ngayon! Lalong lalo na sa kanya! Gusto kong bigyang hustisya ang nangyari sa akin pero wala akong magawa dahil wala na ang taong gumawa n’on sa akin!” “Anak, hayaan mong tulungan kita. Nandito na ako hindi na kita iiwanan ulit,” alo ni mama sa akin. Sunod sunod ang naging pag iling ko. “Hindi kita kailangan! Nagawa mo na akong talikuran noon magagawa mo ulit ‘yon sa ‘kin ngayon.” “Anak…” “Umalis ka na!” Pagtataboy ko sa kanya. Sa buong burol ni papa hanggang sa mailibing ito ay hindi ako lumabas ng aking kwarto. Kahit mga kaibigan ko ay hindi ko hinarap ng dumalaw sila. Buong akala ng lahat ay sobra sobra ang pighati at pagdadalamhati ko sa pagkawala ni papa kaya heto ako at nagkukulong sa apat na sulok ng aking kwarto. “Ano’ng balak mo ngayong wala na ang papa mo?” tanong ni mama isang araw. Dinalaw niya ako kasama ang anak n’ya. “May nakuha akong pera mula sa mga benipisyong naiwan ng papa mo. At nararapat lang na sa iyo ko ibigay lahat ng ‘to.” May inilapag na envelop si mama sa ibabaw ng aking kama. Hindi ako gumalaw ni nagsalita. Nagtagal lang sila ng ilang minuto sa aking kwarto at buntong hiningang iniwanan ako roon. “Kumain ka na, Aly. Ipinagluto kita ng paborito mo,” ani Ate Mayeth bitbit ang tray ng pagkain. “Wala po akong gana, ate,” wika ko. “Simula ng mamamatay si Kuya Orlan hindi ka na kumakain,” nag aalalang aniya pa. “Baka magkasakit ka n’yan. Wala na si kuya na mag aalaga sa ‘yo kapag nagkasakit ka.” Nag unahan sa pagtulo ang mga luha ko nang ipaalala iyon ni Ate Mayeth. Tanda ko nga noon na halos hindi na matulog si papa sa pagbabantay sa akin habang inaapoy ako ng lagnat. Kaya naman konting sakit lang ng ulo na idaing ko ay to the rescue agad s’ya. “S-sa kusina n-na lang ako kakain, ate.” Nanginginig ang mga kamay kong pinahid ang aking mga luha at saka tumayo na. Sa paglabas ko ng aking kwarto ay rumagasa ang alaala ng gabing iyon. Nanginig ang aking mga tuhod sa pag hakbang ng marating ko ang hagdanan. Parang nakita ko pa ang sarili ko kung paano gumulong doon ng gabing iyon. Kung paano pagsamantalahan ni papa sa ibabang bahagi ng parteng iyon. “Aly, ayos ka lang ba? Namumutla ka,” untag ni ate. “O-opo!” biglaang sagot ko. “Okay lang… okay lang ako…” Hindi ko alam kung si Ate Mayeth ba ang sinasabihan ko no’n para kumalma o ang aking sarili. Tanging si mama at ako lang ang nakaalam ng tungkol sa nangyari sa akin. Ayaw kong ipaalam iyon kahit kay Ate Mayeth dahil maganda ang imaheng iniwan ni papa sa mga taong nakakakilala sa kanya. Habang naglalakad pababa ay nililibot ko ng tingin ang buong bahay. Ayaw kong manatili sa lugar kung saan nagbigay sa akin ng kalbaryo. At doon na nabuo ang aking pasya. Aalis ako sa lugar na ‘to. Ayaw kong manatili dito dahil baka buong buhay kong dalhin ang bangungot ng gabing iyon. Isang masakit na alalalang kahit kailan ay hindi na maitutuwid pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD