bc

POSSESSIVE CURSE 1: Atlas Devuar (R-18)

book_age18+
20
FOLLOW
1K
READ
dark
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

POSSESSIVE CURSE 1: Atlas Devuar

[Not suitable for the young readers! ]

****

Para sa binata na si Atlas Devuar, hindi siya kailan man naging tutol sa kaniyang ama nang balak nitong muling magpakasal matapos ang halos tatlong taon mula nang mamatay ang kaniyang ina. Balak nitong magpakasal sa isang balo at may anak na rin na hindi niya pa nakikilala.

Ngunit, nagbago ang kaniyang pananaw nang makilala niya si Felicity Marco, ang anak nang magiging soon to be step-mother niya. The moment that he laid his eyes to the young lady, everything in him became in turmoil-- his mind, heart and his thing down there.

© penpenthelarapen

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
KASALUKUYAN lang na nag i-scroll si Felicity ng mga litrato na nakikita niya sa isang dating app. ‘Yon na kasi talaga ang naging libangan niya sa tuwing breaktime niya sa trabaho bilang senior PR o Public Relations Specialist. Nang mga oras na ‘yun ay breaktime niya kaya naman malaya lang siyang nakakapag-swipe left at swipe right lalo na at siya lang nag-iisang tao sa loob ng pantry dahil halos lahat ng kaniyang colleagues ay nasa cafeteria na. Masasabi naman niya sa sarili niya na hindi siya addict sa dating app na ginagamit niya. It’s just that… she’s already 27 years old, malapit nang mawala ang edad niya sa kalendaryo kaya kakapit na lang talaga siya sa dating app kung ayaw niyang tumandang dalaga. Gusto pa rin niya kasi na magkaroon ng sariling pamilya at lalo na ang pagkakaroon ng asawa at mga anak. Para sa kaniya ay napilitan lang siya na gawin ‘yun dahil sa walang kwenta niyang ex-boyfriend na nakipaghiwalay sa kaniya matapos ang halos limang taon nilang pagsasama kung saan ay bigla na lang ito na nakipag-break sa kaniya ng walang dahilan. She thought, he was her end game. Akala niya ay ito na ang mapapangasawa niya pero hindi pala, kung kailan dapat sa ganitong edad ay ikakasal na siya doon pa ito bumitaw sa relasyon nila. Like what the f**k ‘di ba? Hindi rin naman niya gusto na mapag-iwanan siya nang panahon, ayaw naman niya na mahirapan na siyang mag-anak kung sakaling tumagal pa ang pagiging single niya. NO WAY! Siya si Felicity Marco. Isang senior PR specialist sa Priester Empire na pagmamay-ari ng isang kilalang negosyante na si Blade Priester, ang kaniyang boss. Her signature look was her famous messy bun. Medyo tamad kasi siya na suklayin ang mahaba niyang buhok kaya hinahayaan niya lang na itali ‘yon. She’s dedicated to her job. Ginagawa niya ang lahat nang makakaya niya para lang makapag-ipon siya ng maraming pera. Una ay para maging handa na siya kapag dumating ang oras na bubuo na siya ng sarili niyang pamilya; well, ‘yun ang PLAN A niya. Sa ngayon kasi ay medyo malabo pa ‘yung mangyari dahil nga sa pakikipaghiwalay ng dati niyang kasintahan... pero atleast, meron na siyang PLAN B. Kung sakali man na tatanda nga siyang dalaga, magre-resign na siya sa trabaho niya at ilalaan na lang niya ang lahat ng pera niya sa pagbili ng mga luho niya at mag-travel around the world. But still, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na mahahanap niya ang the one niya, kaya ngayon... inaasa na lang niya sa mga dating app ang kapalaran niya katulad nang ginagawa niya ngayon. HABANG abala lang ako sa pagtingin-tingin ng mga litrato sa screen ng phone ko mula sa dating app na ginagamit ko, biglang napahinto ‘yun dahil sa incoming call na natatanggap ko kung saan ay nag-flashed nga agad ang pangalan ni Mama sa caller ID. Hindi ko tuloy maiwasan na mapabuga nang malalim na hininga bago ko sagutin ‘yun. “Hello Ma,” pa unang bati ko sa kaniya sa kabilang linya at hindi ko rin maiwasan na mapaikot ang mata ko. [Umuwi ka nang maaga mamaya huh, m-may mahalaga akong sasabihin sayo.] Hindi ko naman maiwasan na mapakunot ng noo dahil doon. Ano naman kaya ang mahalaga niyang sasabihin sa akin? At saka parang ang seryoso nang tono nang pananalita niya ngayon ah, medyo hindi ako sanay. “Susubukan ko Ma, may lakad ako mamaya eh,” sagot ko sa kaniya kasi ‘yun naman talaga ang totoo. May blind date kasi ako mamaya. ‘Yung isang lalaki kasi na naka-matched ko sa dating app noong Linggo ay niyaya na akong makipag-meet na agad ko naman na sinang-ayunan. Halos apat na araw na rin naman akong nakikipag text-text sa kaniya kaya why not? But don’t get me wrong, okay? Hindi ako ‘yung desperada na patol lang nang patol kung kanino… pumipili pa rin naman ako. Hindi naman ako cheap ‘no. [Mas mahalaga pa ba ‘yang lakad mo kaysa sa sasabihin ko? Basta, kailangan mong umuwi and that’s final, Felicity.] At namatay na nga ‘yung tawag kung saan ay isang malakas na pagbuntong hininga na naman ang pinakawalan ko. This is what I hate about her attitude. Siya kasi ‘yung tipo na kapag may gusto siyang gawin ay talagang gagawin niya, gusto niya rin na siya lang ang laging masusunod. Kaya lang, nakalimutan niya yata na magka-ugali kami... gusto ko na ‘yung gusto ko rin ang masusunod. Anyways, mukhang alam ko na rin naman kung anong gusto niyang sabihin sa akin, siguro tungkol ‘yon doon sa lalaking ka-relasyon niya. Yes! May ka-relasyon siya na hindi ko pa nakikita sa personal. Actually, nahuli ko lang talaga siya kasi mukhang wala pa siyang balak na sabihin sa akin na may bago na siyang lalaki. Tumagal din ‘yun ng halos isang buwan bago niya sa akin aminin, like what the heck? As if naman na mangingialam pa ako sa gusto niyang gawin niya sa buhay kaya inililihim niya pa sa akin. Matanda na siya at byuda na rin naman siya kaya wala siyang maririnig sa akin na kahit ano. Sa katunayan nga ay naiinggit pa ako sa kaniya dahil buti pa siya may love life, samantalang ako na anak niya, wala! Iba talaga bumawi ang tadhana. Kung sino pa ‘yung gipit sa pag-ibig, ‘yon pa ang wala. Hays! Napa-salong baba na lang ako dito sa lamesa na nasa harapan ko at muling bumuntong hininga. Segundo lang ang lumipas nang muling tumunog ang cellphone ko dahil sa mensahe na natanggap ko. Buong akala ko nga ay si Mama na naman ‘yon, pero nang mabasa ko ang initials na J A sa screen ng phone ko, mabilis pa sa isang kisap-mata na inabot ko ang cellphone ko at binuksan ‘yung message. Siya kasi ‘yung lalaking ime-meet ko mamaya. From: J A 29 ‘Don’t forget our dinner later, baby girl. 8 PM Gorzzola Resto. I’m really excited to meet you.’ Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na mapangiti. Ngayon pa lang ay na e-excite na rin ako na makita siya. Sana lang talaga ay hindi poser ang lalaking ‘yon, kapag niloko niya ako sa itsura at edad niya… makakatikim siya sa akin. Walang hiya! Grrr! Ang kapal ng mukha ng lalaking ‘yon para hindi sumipot sa usapan namin? Pinaghintay niya pa ako ng malala sa restaurant na ‘yon na puro couple ang customer? Halos ilubog ko na ang sarili kong mukha sa lamesa para lang itago ang kahihiyan ko. Bwiset! May araw din sa akin ang lalaking ‘yon kung sino man siya. Ang lakas din ng loob niya na sabihin sa akin sa text kung anong suot niyang damit para makilala ko siya agad, tapos hindi naman pala siya darating. Maroon Harvard jacket at beige shorts? Halos magkada-bali bali na ang leeg ko kakalingon sa entrance pero wala naman akong nakita na lalaki na gano’n ang suot. ‘Wag niyang idadahilan sa akin na late lang siya dahil almost 1 hour akong naghintay doon sa restaurant na ‘yon pero kahit anino niya… wala naman akong nakita. Bwiset talaga. Nararamdaman ko na talaga na scam ‘to eh. Limang text na ang naipadala ko sa kaniya pero wala akong nakuha na kahit anong reply mula sa kaniya. Where are you na? Nandito na ako sa resto. Still waiting for you. I’m wearing a cream-coloured blouse and black slacks. Traffic ba? Putcha kang lalaki! Kanina pa ako naghihintay rito. F*ck you ka! ‘Wag na ‘wag kang magpapakita sa akin kung hindi mababay*gan talaga kita! Scammer! Hindi ko na nga nagawang makapagpalit ng damit eh. Tinanggal ko lang ‘yung itim na blazer ko kasi kapag umuwi pa ako sa bahay, baka hindi na ako palabasin pa ni Mama. And speaking of her, kung alam ko lang na scammer ang hinayupak na lalaki na ‘yon… umuwi na lang sana ako at nakinig sa kung ano ang sasabihin niya sa akin. Bwiset! Halos ibagsak ko ‘yung pagkakasarado no’ng pintuan ng restaurant nang makalabas na ako; pinigilan ko lang ang sarili ko dahil baka mapag-bayad pa ako ng wala sa oras. Sunod-sunod na lumagok ako sa bote ng wine na dala-dala ko. Binili ko ‘yon bago ako umalis do’n para i-celebrate ang pang i-indian sa akin ng walang hiyang lalaki na ‘yon na ka-eye ball ko. Agad na pinunasan ko ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko nang maramdaman ko na may tumulo doon na wine. Walang salita na kinuha ko ang cellphone ko sa itim na sling bag ko. Bigla kong naisipan na tawagan siya, ngayon ko lang siya tatawagan after almost weeks na pag-uusap namin-- hindi kasi ako ‘yung tipo ng babae na nangunguna na mag-first move ‘no. Pero ngayon, makakatikim siya sa akin nang malulutong na mura. I dialed his number. Huminto pa ako sa paglalakad ko para pagtuunan nang pansin ang pag-ring ng phone niya sa kabilang linya. Habang hinihintay ko na sagutin niya ang tawag ko, pinagpatuloy ko naman ang pag-inom ng wine. May nakita pa akong tatlong lalaki na nag-uusap at mukhang dadaan sila dito sa pwesto ko pero hindi man lang ako tumabi. Nasa gitna kasi ako ng mismong walking lane. Hinayaan ko lang sila na makaraan, hindi naman sila umangal kahit na halos nakaharang ako sa mismong path. Wala ako sa mood na-- teka? Unti-unti kong naibaba ang hawak kong cellphone na nasa tenga ko at mabilis pa sa isang kisap-mata ang ginawa kong paglingon sa may likuran ko. Agad na napadako ang paningin ko doon sa tatlong lalaki na dumaan, particularly, doon sa lalaking nasa gitna. He was wearing a maroon Harvard jacket, hindi beige ‘yung color ng shorts niya, but more on mocha. Hindi rin shorts ‘yung bottom niya kung hindi below the knee pedal shorts, nakasuot din siya ng golden goose sneakers. Hindi kaya… siya ‘yon? Oh my God! Panigurado na siya ‘yon. Malabo naman na coincidence lang ‘to, nahh-- I don’t think so. Tanda ko rin na may hawak siyang phone kanina noong dumaan siya sa mismong harapan ko, hindi man narinig na nag-ring ‘yon pero paano kung naka-silent lang pala. Ughh! Ang kapal ng mukha niya na daanan lang ako. Tinitingnan niya siguro kung maganda ako o hindi, ‘di ba? Makakatikim siya sa akin ngayon. “Hoy!” Mabilis kong sigaw pagkaharap ko. Hindi siya lumingon at dire-diretso lang siyang naglakad. Dahil doon kaya mabilis ko siyang hinabol. Ang sama-sama na nang tingin ko sa kaniya ng mga sandaling ‘yon. Ipapakita ko sa kaniya na mali ang taong in-indian niya! Nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa lalaking nasa gitna, marahas ko nang hiniklas ang braso niya paharap sa akin. Pagkaharap niya ay agad kong napansin ang pagkagulat sa ekspresyon ng mukha niya. Ang gwapo niya, pero wala kong pakialam sa bagay na ‘yon ngayon. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos ko sa ulo niya ang halos wala pa sa kalahati na wine ko. “What the f**k!” he hissed. Napansin ko rin ang pagkabigla sa ekspresyon noong dalawang lalaki na kasama niya. Agad niyang tinabig ang kamay ko kaya nabitawan ko ‘yung bote at nalaglag sa lupa, buti na lang at hindi ‘yun nabasag dahil damuhan ‘yung pinagbagsakan no’n. “What is your f*****g problem, miss?!” Halos isigaw niya ‘yon sa mukha ko. Ay wow! May pa-english pa siyang nalalaman ngayon huh. “Deserve mo ‘yan sa pag-indian sa akin!” Sigaw ko rin pabalik sa kaniya, hindi ako magpapatalo ‘no. Awtomatikong napakunot ang noo niya, “WHAT?! What the f**k are you saying?!” “Huwag mo ‘kong ma english-english diyan, J A 29!” Halatang sasagot na sana sa akin ‘yung lalaking kaharap ko pero mabilis siyang hinigit ng isa niyang kasamang lalaki na nakasalamin papalayo sa akin at napalitan ‘yon noong isa pang lalaki na naka-polo shirt. “Miss, I think nagkakamali ka.” Mahinahon na sagot niya sa akin. Napangisi ako, wow ipinagtatanggol pa siya huh. “Hindi ako nagkakamali ‘no. Naka-jacket na Harvard, maroon pa, at naka-short na kulay beige? Eksaktong eksakto sa ibinigay niyang kaibigan mo na impormasyon…” Itinuro ko pa ‘yung lalaki na ka-eye ball ko na ngayon ay nagpupunas na ng mukha niya gamit ang isang itim ba panyo. “Siya ang ka-eye ball ko kaya ‘wag niyo na siyang pagtakpan pa.” Wala na akong pakialam pa kahit na nagmumukha na akong palengkera. Aba! Pagod ako galing sa trabaho tapos ito lang ang napala ko. “f**k! Eye ball?! I don’t even stoop to that level! I will sue you!” Tinuro niya pa ako, namumula na siya sa sobrang galit. “Sue me? Go on! I don’t care! I even saw you holding your phone while I’m calling you earlier, kaya ‘wag ka nang magpalusot pa. Teka lang…” At mabilis kong kinuha ang phone ko para tawagan siya ulit. Tila naghihintay naman ‘yung dalawang kaibigan niya kung may mag a-appear ba na incoming call sa phone noong lalaki. Nagri-ring na ‘yung phone na tinatawagan ko sa kabilang linya hanggang sa awtomatikong natameme ako nang inangat niya na ‘yung phone niya paharap sa akin. Walang incoming call na nag-appear doon. “See? Wala akong natanggap na tawag.” Iritable na sagot niya. Bigla akong nakaramdam ng hiya! Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa mula dito sa pinagkakatayuan ko. Hindi ba talaga siya si JA 29? Pero-- NO WAY! The damage has been done. It’s either tatanggapin ko ang pagkakamali ko pero makukulong ako gaya nang sinabi niya, or patitigasan ko na kasalanan niya. Tama! Just to save my face. Marahas kong ibinaba ang phone ko at nanatili ang matalim na tingin ko sa kaniya. “Well, it’s not my fault-- it’s yours. Hindi ko kasalanan na pareho ang damit mo sa damit na ibinigay ng ka-eyeball ko. Kasalanan mo ‘yan sa pagpili ng malas na damit. Tse!” Sakto na may dumaan na TAXI kaya mabilis ko ‘yung pinara. Narinig ko pa ang pagsigaw niya sa akin at mukhang susugudin niya pa ako pero buti na lang at mabilis na akong nakapasok sa loob no’ng sasakyan. Ugh! Ang tanga mo Felicity! Bigla-bigla ka na lang sumusugod, makukulong ka pa ng wala sa oras!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook