PART 28

1190 Words
_______________________________ –GASPER POV– "Uhm Gasper" Napalingon ako kay Celine Hinihatid ko pala siya sa room nila. At ito, naglalakad pa rin kami ngayon papunta dun "Sorry pala sa ginawa ni papa sayo kagabi" "That's okay. I understand him naman. Kasalanan ko din. Galit pa din siya sa akin" "Okay. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko si papa mamaya" Huminto ako at nilingon siya. Tapos huminto na rin pala ito "Don't do that. I should the one who talked to him. This is my fault. Hayaan mo na ako Celine, puwede ba yun??" Lumunok muna ito bago sumagot "Ah sge. Ikaw bahala" Nagpatuloy na kami sa paglalakad 'I have reason, kung bakit ako na lang ang kakausap kay Tito. To apologizing to him, because of what I've done to their daughter Nagsisisi nga ako kung ba't ko siya sinaktan. I shouldn't done that! Napaka g*g* ko! Pero sabi nga nila dba?! Past is past… ______________________________ –KLEA POV– Its Thursday… As usual, nandito ako sa tambayan ko ngayon sa school. Di naman mainit dto kahit tanghali na, dahil na siguro natakpan sa malaking puno. At dahil sa puno, ang ganda ng hangin Nagbabasa lang ako ng libro at patapos na din. Hindi ko alam kung saan ko ito namana, kay mama?? O kay papa?? Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Khiera kagabi… (~FLASHBACK~) Akmang aalis na sana ako sa kuwarto ng anak ko ng bigla niya akong tinawag "Mommy, puwede po bang humingi ng isang pabor??" Nilingon ko naman siya at umupo ulit sa kama niya. Gaya kanina "Ano yun anak?!" wika ko sabay haplos sa maamo niyang mukha … "Diba po malapit na yung birthday ko??. Okay lang po sa akin mommy na, hindi ko makikita yung real daddy ko. Naiintindihan ko naman po" Nakahinga naman ako ng maluwag Mabuti at naiintindihan na niya. And besides, ayaw ko nang makita o makilala kung sino man siya Ay! Gusto ko pala makita. Para maipakulong koo! "Daddy Ethan is enough mommy. Masaya na ako kapag nandyan siya sa birthday ko. At yung favor po…" pinutol niya yung sasabihin niya "Ano yun anak??" Masaya ako pero may konting kaba. Wala akong idea kung ano pa ang hihilingin niya "Diba po mommy, naikuwento niyo sa akin noon. I have Grandma and Grandpa. I want to meet them mommy!" Napailing na lang ako sa kaniya. Hindi maari ang pabor niya. At himala ah?! Taglish na siya! "Why po mommy?? Bakit niyo po ako ayaw makilala sina lolo at Lola?? Is there something wrong po?? At saan po ba sila nakatira??" Hyst! Ang daming tanong ng anak ko! Puwede naman sigurong isa-isahin dba?? "Anak, wala namang masama dun. Hindi lang talaga ito time para ipakilala ko siya sayo" Kitang-kita ko naman kung paano nalungkot ang mukha niya "Pero promise ko sayo!. Kapag dumating na ang oras na yun, ipapakilala kita sa kanila!" nakangiti kong sambit pero deep inside, ayoko. "Yeheey! Salamat po mommyy!. I can't wait na dumating ang oras na yan!" Ngumiti na lang ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya "O siya, matulog ka na anak" (~END OF FLASHBACK~) Ayst! Bakit ko ba naaalala ang pangalang iyon?! Wala na akong pakialam sa kanila, at hindi na ako mangingialam! Isinirado ko ang libro at tumingala sa kalangitan Tapos, nagsipatakan na ang mga luha ko Eeey! Bakit ko ba sila nabanggit! 'Lord, hayaan niyo po akong magtanong sa inyo ah?!' Hindi ko napigilang mapahikbi 'Gusto ko lang magtanong kung… Anak pa ba nila ako Lord?? Bakit nila ako hinahayaan? O sadyang, ganyan lang talaga sila. Pero hindi naman po dba?? Kilala ko sila kasi pamilya ko silaa!. Pero, pamilya pa ba ang Turing nila sa akin ngayon??' Pinipigilan kong hindi Umiyak. Pero … I can't! 'Lord, may tanong ako sa kanila. Ang dami kong tanong!. Kung magtagpo man ang landas namin somewhere… hindi ko sila magawang tanungin. Kasi Lord *sobs* nangunguna yung galit ko!. Galit na galit pa din akoo!. *sobs*. At alam kong galit pa din sa akin si papa' Nagulat na lang ako ng may lumitaw na isang panyo sa harap ko 'Hala! Sino ito?! Nakita niya akong Umiyak??' _____________________________ –ETHAN POV– Nandito ako sa madalas na tambayan ni Klea. Kanina pa ako nandito Correction. I followed her… Sumilip ako sa may gawi niya. At nakatingala na siya sa langit, tapos parang may sinasabi siya gamit ang isip Wala naman akong kapangyarihan para mabasa yun 'F*ck! Is she crying??' 'Anong nangyari at biglaan na lang siyang Umiyak??' Lumabas na ako mula sa pinagtataguan ko kanina At mabuti na lang dahil may dala akong panyo. Special pa ang panyo na ito kasi, may malaking pangalan ko at apelyido Ibinigay ko naman yun sa kaniya Napalingon naman ito sa akin at medyo nagulat pa talaga Punong-puno ng luha ang buo niyang pisngi "Ethan??" Ilan segundo pa'y, kinuha na niya rin ang panyo. At napaupo na ako sa tabi niya … … Ang tahimik naming dalawa habang nagpupunas pa din siya sa mga luha niya. Ngunit binasag ko ang katahimikan "Anong nangyari Klea?? Bakit umiiyak ka??" Hindi niya ako sinagot at tumingin sa malayo Tapos iniba ang usapan "Anong ginagawa mo dito Ethan?? Sinusundan mo'ko noh?!!" "Hindi noh!. Napadaan pang ako, and nakita kita dto na umiiyak. Ano bang problema mo??" pagkasabi ko nyan ay nilingon ko siya Nakatingin pala ito sa akin, at agad na iniwas ang tingin "Wala ka nang paki dun!. Puwede bang umalis ka na??!!" 'Grabe. Napakamaldita talaga ng future wife ko' 'Nakakasigurado ka ba Ethan na siya ang mapapangasawa mo??' Ouch! "Alis naa!" "Ayoko!" sagot ko naman "Alis!" "Ayoko pa din!" "Alis na kasi!!" "AYOKO. AYOKO. AYOKO!. Kahit ano pa mang pilit mo, ayoko pa din!" wika ko Inirapan niya lang ako at tumingin ulit sa malayo … "Gusto ko lang malaman kung anong problema mo Klea?? Bakit ka umiiyak kanina??" "Naalala ko lang yung mga magulang ko" Akala koy hindi siya sasagot sa tanong ko And she just say… magulang?? May parents pa pala siya!. Pero baka… "Anong nangyari sa kanila Klea?? Buhay pa ba sila?? Kung hindi man, sorry dahil nagtanong pa ako. Makaka move on ka din sa kanila Klea. Huwag mo na silang intindihin, okay lang sila at masaya na sila kung asan man sila ngayon" sambit ko Tiningnan naman ako nito na nakakunoot ang noo. At bigla na lang tumawa na ipinagtaka ko naman 'Huh?? Anong nangyari sa kaniya?? Bakit siya tumatawa?? May Mali ba sa sinabi ko??' "Gago! Hindi pa sila patay!" aniya at pinipigilan lang ang tawa "Pero anong nangyari sa kanila?? Anong nangyari sa inyo?? Bakit hindi kayo magkasama ngayon??" Tumigil naman siya at muling tumahimik. Nakatingin na siya ngayon sa malayo Napatingin ako sa mga mata niya. At may nakita ako dung luha na tutulo na sana… Ngunit nasalo ko sa mga kamay ko… At yun din ang naging dahilan para mapahawak ako sa pisngi niya at pagtingin niya sa akin She has a brown eyes. Pure pilipino talaga siya. Hindi ko kasi ito nasisilayan sa tuwing magta-taping kami 'Nahuhulog na ako sa babaeng ito. Correction. Matagal na akong nahuhulog' –END OF PART 28–
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD