PART 29

1153 Words
________________________________ ~KLEA POV~ Panibagong araw. Its Friday Nakaharap ako ngayon sa whole body'ng salamin Hindi pa din makaka get-over sa nangyari kahapon (~FLASHBACK~) "Pero anong nangyari sa kanila?? Anong nangyari sa inyo?? Bakit hindi kayo magkasama ngayon??" Tumigil naman ako sa pagtawa at napa-tahimik. Nakatingin pa din ako sa malayo 'Bakit ba kasi binanggit niya yun eh!. Maiiyak na tuloy ako!' Ramdam ko namang tutulo na ang isang butil ng luha ko. Ngunit may sumalo nito, dahilan ng pagtingin ko kay Ethan Nakahawak lang siya sa pisngi ko. Habang tinititigan ako. And when are eyes met… 'Dug dug dug dug!' ganyan ang tunog ng puso ko 'Bakit ba ako ganito?? May sakit na ba ako sa puso??. Huwag naman Lordd!!' Nakita kong tumingin siya sa labi ko… 'Waahh!! Anong ginagawa niya, at bakit ako nagkakaganitooo!!!' Ang lapit na ng mukha niya sa akinn!!. Pa palipat lang din ang tingin ni Ethan sa mata ko at labi At… At… Akmang hahalikan na niya sana ako ng biglang … "Insan! Klea!" (~ END OF FLASHBACK~) Mabuti na lang at dumating si Gerald kahapon. Para pigilan ang hindi inaasahang mangyari Dumiretso na ako sa loob ng cr para gawin ang dapat gawin. Alangan naman magco-concert ako dba? Sabagay, para din naman akong magco-concert kasi, kumakanta ako. Hihihi … … Few minutes later (char! Vlog lang ang peg?) Lumabas na ako sa cr at dumiretso sa kusina. Nakita ko naman kaagad ang anak ko at sinalubong niya ako ng yakap "Good morning mommy!!" Ganito lang talaga yung anak ko "Good morning din sayo anak" sagot ko Humiwalay naman ito sa pagkakayakap sa akin at bumalik na doon sa dining Napansin ko atang wala si Pauline. Malamang at kanina pa yun umalis. Lagi naman Kailan kaya siya magkaka free time?? ________________________________ –ETHAN POV– 'Damn that Gerald!' 'Ano bang problema niya at naninira siya?? Nang-didisturbo!?' 'Kapag magkasama naman sila ni Klea ay hindi ko sila dinidisturbo ah?!' Masaya akong wala siya dto sa bahay namin ngayon. Umuwi sa kanila nung isang araw pa. Remember? Umuwi naman din kasi sila Tito at Tita (mga parents ni Gerald). Mabuti na nga lang kung ganon Lumabas na ako sa kuwarto at dumiretso sa kusina Pero bago pa man ako makapasok talaga ay bigla na lang akong napahinto dahil may narinig akong nag-uusap. Boses lang naman Nina mommy and dad "Hon, I think. Malapit na bumabalik yung alaala ng anak natin" Hindi ko masyado na klaro ang sinabi nila. Kaya dinikit ko na ang tenga ko sa dingding "Malapit na din niyang malaman ang totoo" boses yun ni dad "Pero natatakot ako Eldrain, baka babalik din ang mga masasamang mga pinaggawa niya noon!" 'Anong mga pinagsasabi nila?! Tungkol ba yun sa akin??. At yung masamang pinanggagawa?? Wala naman akong ginawang masama!' Tuluyan na akong pumasok sa kusina at nagulat pa silang dalawa "Anak!" "Kanina ka pa ba naryan son?!" Hindi ko sila sinagot at binigyan ng seryosong awra "Anong ibig sabihin sa mga pinagsasabi niyo mom, dad??. May dapat ba akong malaman??" Nakita kong gulat ang ekspresyon sa mukha nila. Tapos, nagkatinginan na lang _________________________________ –CELINE POV– "Salamat Ms. Aguass!" "Walang anuman yun!" ma friend "Ang bait-bait niyo po!" puri naman nung isang estudyante Nagpa-picture lang naman sila kay Klea. Kumalat na kasi sa buong academy ang ^trailer^ nila. Sana ol dba?? "Mauna na po kami Ms. Aguas. Mala-late na kasi kami eh!" "Sge, kitakits na lang!" Nagngitian naman sila at umalis na lang At sa wakas ay humarap na din siya sa akin "Hayst! Ang sarap sa pakiramdam!" sambit niya sabay bumuntong-hininga "Iba na talaga kapag sikat!. Actress ka na ma friend oh!" "Hindi naman sikat talaga" aniya "HINDI SIKAT TALAGA?!!!. ANG DAMI NA NGANG NAGPA PICTUTE SAYO, SIMULA NUNG NAKARATING KA DTO SA SCHOOL!. YUN BA ANG HINDI SIKAT!??" napalakas na ang boses ko at nag-echo naman yun sa hallway "Ano ka ba ma friend!. Ang ingay mo oh!. Nangdi-disturbo ka tuloy sa may mga klase!. Kahit Kailan talaga, ang laki ng bunganga mo!. Puwede din namang hinayin!" "Ganito na talaga yung bibig ko!. At ikaw ( sabay hablot sa kaniya) Tara na kasi, kanina pa tayo late!. Patay talaga tayo kay Mr. Kalbo!" sambit ko at hinila na siya papaalis __________________________________ –GERALD POV– "Hey Pareng Gerald!. Ang aga natin ngayon ah!" nakangising sambit ni Vincent Yeah, he's our classmate "You too. Himala at maaga ka na. Wait… hindi pala" tumingin ako sa relo ko "2 minutes na lang at dadating na din yung professor natin" "Whatever!… atleast hindi ako nalate" aniya at umupo sa likod ko 'Pikonin din pala 'tong unggoy na 'to' Parami ng parami na din ang mga kaklase naming pumapasok Ang ibang girls pa nga'y, nagpapa cute sa tuwing dadaan sa akin. Kaya ningitian ko na lang. Baka akalain kasi nilang, snobber ako 1 minute na lang at dadating na yung professor namin. Iba kasi yung lalaking yun, kung 8 talaga ang klase, saktong 8 siya papasok Napaangat ang tingin ko sa huling estudyanteng pumasok Walang iba kundi si Insan "Hey Pareng Ethan!" sambit ni Vincent pero hindi siya pinansin HAHAHAH. Napahiya tuloy. Ang lakas kasi ng boses nung sinabi niya yun Nakita ko namang huminto si Insan sa harap ko at. Isang galit na awra ang pinalabas niya Tapos ay, nagpatuloy na din sa paglalakad. Sa dulo kasi ang upuan niya 'Para naman niya akong kakainin sa tingin niya. Lately, ganyan na umasta si Insan. May nagawa ba akong Mali sa kaniya??. Sa natatandaan ko, wala naman dba??' Hyst! __________________________________ –ETHAN POV– Hinahanap ko ngayon si Klea. Yayayain ko aiya na puwede ba siya bukas. Wala din namang pasok at walang shooting Alam ko kasing, iimbitahan din ni Gerald si Klea. Kaya'y, paunahan na lang kami. HAHAHAH. Saan ko nalaman?. Naramdaman ko lang, heheheh Medyo close din naman kami diba?? At dahil yun sa nangyari kahapon At sa wakas, nakita ko siya dto sa may locker room. Kakasirado niya lang at aalis na sana ng tawagin ko siya "KLEA!" Nakuha ko naman ang atensyon niya at lumingon siya sa akin. Kaya tinakbo ko na papunta dun "Ano namang sadya mo sa akin Ethan?!!" masungit niyang sambit Ms. Masungit pala ang tawag ko sa kaniya noon. Mabuti at naalala ko pa "Ah kasi… U-hm, K-lea" takte! Nauutal pa ako Nakataas lang ang kilay niyang nakatingin sa akin "K-lea, pu-wede ba kita-ng ma anya-yang lumabas bukas??" 'Para naman akong bakla neto' Nanatili pa ding nakataas ang kilay niya "At sino ka naman, para payagan ko Aberr??. Hoy Ethan! Hindi porket medyo nagkausap tayo kahapon, ay close na tayo!" "Sabi ko na nga ba eh!" bulong ko "At tsaka, nauna na si Gerald. Kaya, ba-bye!" sambit niya at umalis na Naiwan naman ako dtong malungkot. Ang sakit! 'Naunahan na naman ba ako ni Gerald?? Hanggang kailan pa ba niya ako mauunahan??' 'Susuko na ba ako??' –END OF PART 29–
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD