PART 41

1163 Words
~KLEA POV~ Nag-alala pa rin ako hanggang ngayon sa nangyari kay Ethan kahapon. Hindi man niya sinasabi sa akin, pero pakiramdam ko'y may problema siya "Mommy, are you okay po??" Nabalik na lang ako sa realidad at tumingin sa anak ko. Ta's pinantayan siya ng tayo "Yes anak. May iniisip lang si mommy" sambit ko at ngumiti Bakit ko siya kasama ngayon??. Diba nga, ngayon ipapakita ang first episode. Chaaarr! Ilan sandali pa'y, may humintong isang sasakyan sa harap namin. Kaya tumayo na din ako. Alam ko kung kaninong sasakyan 'toh. Kay Gerald "Good morning mag-ina ko" sambit ni Gerald pagbaba niya Wait… Mag-ina ko?? "Good morning din Ral" nakangiting bati ko sa kaniya "Hi Khiera!" Tiningnan ko ulit ang anak ko, ngiting pilit lang ang ibinigay niya kay Gerald "Anak, let's go na!" sambit ko sabay hawak sa kamay niya. Tumingin naman ito sa akin na sobrang lungkot ang mukha "Mommy, where's daddy Ethan po?? Sa kaniya lang po ako sasakay" Pinantayan ko naman siya ulit ng tayo "Nakita mo namang, wala ang daddy Ethan mo diba??. Kaya Tara na ha??!" "Mommy ayoko poo!!. Dito na lang po ako. I missed daddy Ethan so much. Tawagan niyo po siya mommy, plsss??" malungkot pa niyang sambit Nagkatinginan naman kami ni Gerald. Gumaya din siya sa akin kaya ako naman ang tumayo "Khiera, maybe nandun na si Ethan. Baka, hinihintay ka na niya dun. Let's go na!" Akmang kakargahin na sana ni Gerald si Khiera ng yumakap siya sa akin "Mommy, let's go na. Naghihintay na si Daddy Ethan doon" sambit niya at kumalas Napangiti na lang ako. At magkahawak kaming dalawa papunta sa sasakyan ni Gerald ___ –ETHAN POV– Alam niyo kung nasaan ako??. Naglalakad lang naman ako dito sa loob ng hospital. Balak kong puntahan ang sarili kong doctor Pero syempre, naka cap ako at sunglasses na din kahit walang araw dito sa loob. Baka kasi, may makakilala sa akin, may nakita pa naman akong mga posters dun sa labas na kami ni Klea Nandito na ako sa harap ng office ni Dr. Chan At kumatok muna ako *tok*tok*tok "Come in!" rinig kong sabi niya mula sa loob. Kaya pumasok na ako Pagpasok ko ay halatang mukhang nagkasunod lang kami. Tapos ay umupo siya doon sa swivel chair "Umupo ka muna iho" aniya kaya't sinunod ko na lang din "Anong pakay mo sa akin??. Maaari ka bang magpakilala muna??" Tinanggal ko naman yung sunglasses ko at ang cap "Ethan??" gulat na gulat pang tanong niya "Ako nga po ito Dr. Chan" "Bakit ka nagpa mysterious pa. Kilala naman kita" "Mahabang storya po. Nandito ako dahil kailangan ko ng tulong niyo" dire-diretsong sambit ko Umayos muna siya ng upo. "Anong maitutulong ko sayo iho??" "Doctor Chan, diba alam niyo naman pong nagkaroon ako ng amnesia" sambit ko na diretsong nakatingin sa kaniya "Oo. Bakit??" "Gusto ko na pong makaalala. Ang lahat-lahat. May gamot po kayo??. May paraan pa po ba??. May gagawin ba ako??" Humugot muna ito ng malalim na hininga "Kahit ano po! Gagawin ko!. Para lang mabalik yung alaala ko. Plss po Doctor Chan, sabihin niyo po sa akin ang dapat kong gawin" nagsusumaong sambit ko na nakahawak na talaga sa dalawang kamay niya "Gustong-gusto mo talagang bumalik ang alaala mo noh?!" wika niya na ikinagaan ng loob ko. Kinuha muna niya ang kamay niya at muling sumandal "Well, (tayo). Lahat naman talaga ng alaala ay babalik din" Humuhugot ba siya?? "Ano pong gagawin ko doc??" tanong ko. "Kung ano ang dahilan ng pagka-amnesia mo, yun din ang gagawin mo" sambit niya na ikinataas ko ng kilay "WHAT?? Seriously?? Magpakabangga ulit ako??" May ganon ba??. Mukhang wala naman noh?! "Oo. Tama ka nga" tanging sambit niya at muling umupo "Sge po doc. Maraming salamat po" sabi ko na lang sa kaniya at ngumiti ng pilit ___ –AUTHOR'S POV– Hinahanap ngayon ni Khiera ang daddy Ethan niya. Pagkababa kasi kaagad nila kanina ay pumasok kaagad si Khiera "Daddy Ethan, are you here??" aniya habang iniopen ang place ni Ethan pero wala siyang nakitang ni isang tao Pumunta naman siya doon sa kabilang silid. At sa ngayon ay nakita niya si Richeal Sy "Baby Khiera!. Asan ang mommy mo?? At bakit ka napadpad dito??" ani Sy habang pinapantayan ang tayo ng bata "Uhm Tita Richeal, do you see Daddy Ethan??. Nandito na ba siya??" Dumating naman si Klea na labis ang mukha sa pag-alala ___ –KLEA POV– 'Asan na yung batang yun!' Hindi ko mapigilang mag-alala kung ano na ang nangyari ngayon kay sa anak ko. Kasi eh!. Pagbaba namin ay bigla-bigla siyang tumakbo papasok sa building na 'toh! "Klea, dito ako. Dyan ka papunta sa department niyo" ani Gerald Tumango-tango naman ako sa kaniya at tumakbo na din siya. Kaya tumakbo na din ako. Mabuti nga lang at nakasapatos ako ***5 minutes left*** Nagtatanong na ako sa mga katrabaho ko pero wala silang nakitang Khiera. Maging si Pauline, tinanong ko na nga din At nandito ako ngayon sa place ni Ethan, nagbabasakaling nandito ang anak ko. Kasi in the first place, gusto niyang makita si Ethan Bubuksan ko na sana yung pinto ng may nahagilap sa mga mata ko Ang anak ko!. Magkausap sila ngayon ni Manager Sy. Kaya nilapitan ko na din sila "ANAK!" Napatingin naman sa akin si Manager Sy at si Khiera na din "Anak nandito ka lang pala!. Halos mahihimatayin na ako sa kakahanap sa iyo!" sambit ko nung makalapit ako kay Khiera Tumingin naman ulit si Manager Sy sa anak ko "Wala pa dito ang Daddy Ethan mo. Hinihintay na nga namin siya eh!. At Klea (tingin sa akin), mabuti na lang at dumating ka na" aniya ta's ningitian ko na lang siya "POO??. WALA PA SI DADDY ETHAN??" maiiyak na siya "MOMMYYY HUHUHUHUU!!" Umiyak na nga talaga ang anak ko Pagbuhat ko sa kaniya ay agad naman niya akong niyakap "You said that Daddy Ethan is here na!. Bakit wala pa po siya?? *sobs*" Hindi ko siya pinansin at kinagod-kagod lang ang likod "Ssshhh!. Tahan na anak" _____ –BACK TO ETHAN POV– Nandito ako ngayon sa kuwarto nila mommy at daddy. Nagbabasakaling may makita akong dapat kong makita na related sa past ko Una kong natingnan yung mga pictures namin, baby pictures ko ang iba at marami pang iba Pupunta na sana ako sa kabila ng biglang insidente kong nabangga ang mga tuhod ko dun sa isang cabinet sa ibaba ko, dahilan na din sa pagbukas neto Nilapitan ko naman yun dahil corious na corious ako kung ano ang laman nung cabinet na yun. Yung feeling btaw na tinutukso ka ng buong katawan mo?? May nakita naman ako sa loob na isang brown envelope. Kinuha ko ito kaagad at tiningnan ang laman Isang luma nang picture… Wait… 'Ako itong lalaki ah?!. Sino itong kasama kong babae??. Parang pamilyar siya ah!' 'Parang siya yung… 'Babaeng ipinapakita palagi sa isip ko' Tama ba ako?? –END OF PART 41–
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD