–KLEA POV–
Hanggang ngayon ay hindi pa din tumitigil sa kakaiyak ang anak ko. Ginawa ko na ang lahat ngunit hindi pa din siya tumatahan
"Anak tahan na plsss. Dadating din ang daddy Ethan mo dito"
Nakaupo pala siya sa lap ko habang ganun pa din
"Khiera baby, puwede namang ako ang daddy mo for this Day"
Nakita ko namang tiningnan ni Khiera si Gerald. Ta's nagulat na lang ako sa sinabi nito
"AYOKO!. AYOKO SAYO!"
Anak ng!
"KHIERA!. Huwag mong ganyanin ang Tito Gerald mo. Tinuruan kitang rumespeto sa nakakatanda sayo"
Hindi naman siya sumagot bagkus ay sumiksik siya sa dibdib ko. Habang umiiyak pa din
Wala naman akong ibang nagawa at hinawi ko na lang ang buhok niya papunta sa tenga niya
'Asan ba kasi yung Ethan'g yun??. Tumawag na kaming lahat sa kaniya ngunit ni isa walang sumagot'
___
–GERALD POV–
Napangiti na lang ako ng mapait sa sinabi ni Khiera sa akin. In the first place naman talaga, halatang ayaw niya sa akin na maging daddy-daddyhan niya
Tumayo na lang ako at umupo sa tabi ni Klea
___
–ETHAN POV–
Naglalakad na ako ngayon papunta sa kung saan kami manonood. Habang iniisip ko pa din ang picture na nakita ko kanina at iniisip ko kung magpapabangga ba ako ulit
'Sino kaya yung babaeng yun noh?!. Ano kaya ang pangalan niya?? At bakit parang masaya pa kami sa picture na yun'
'At tsaka, wala na bang ibang paraan para bumalik ang alaala ko??' Tawagan ko na nga lang si Dr. Chan
Huminto naman ako para kunin ang phone ko
'Hala! Wala??'
Kinapa-kapa ko na yung back and front na bulsa ko pero wala pa din. Kaya napag-isip-isip ako
'Asan yung phone ko??. Or baka, naiwan ko sa kotse. Babalikan ko ba??. Malayo na kasi ako sa parking lot'
Mabalikan na nga lang!
Pagtalikod ko naman ay may nakita akong isang lalaki. Natatandaan ko kung sino 'to ah!. Yung lalaki btaw'ng tinatawag niya akong boss??!?. Oo siya!
Nakangisi pa itong papalapit sa akin
"Boss, long time no see!. Masaya akong nakita kita dito!" aniya at nasa harapan ko na siya
"Bakit niyo po ako tinatawag na boss??" takang tanong ko sa kaniya
"Dahil ikaw naman po talaga ang boss namin!"
"Namin??. Anong ibig mong sabihin??" takang tanong ko ulit
"Actually ex boss ka na. Kasi pumalit na si…. Pero para sa akin, ikaw pa rin yung boss ko"
WHAT?? Ano bang mga pinagsasabi nito??
"Sorry po talaga kuya. Wala akong idea sa mga pinagsasabi mo. Wala akong idea kung bakit boss ang turing mo sa akin. Pasensya na po, maiiwan na po kita" sunod-sunod na sambit ko sa kaniya at akmang tatalikudan na sana siya ng hinarang niya ang dinadaanan ko
"Boss, saglit lang!. May sasabihin ako sa inyo!"
Tiningnan ko ulit siya ng walang emosyong ipinapakita. "Sabihin mo na"
"Gusto ko pong sabihin sa iyo na, mag-iingat po kayo. May mga taong nagmamatyag sa iyo araw-araw. Siguradin niyo din na, mababait ang mga taong nakapaligid sa iyo, sa mommy at daddy mo"
WHAT?? Nagbabala ba siya??
"Yun lang boss Ethan. (May kinuha naman siya sa pitaka niya). Nandiyan ang number ko boss, tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong ko" aniya at tinanggap ko na ito
Pagkatapos ay umalis na siya…
***FASTFORWARD***
Hindi pa din nagsi-sink in sa utak ko ang mga sinasabi ni Emman kanina. Oo, alam ko na ang pangalan niya dahil doon sa parang Id'ng ibinigay niya sa akin
**mag-iingat po kayo. May mga taong nagmamatyag sa iyo araw-araw. Siguradin niyo din na, mababait ang mga taong nakapaligid sa iyo, sa mommy at daddy mo** especially that lines, hindi mawala-wala sa isip ko
'Mababait ang mga taong nakapaligid sa akin??. Mababait naman lahat diba??. Wala akong kilalang hindi'
"Ethan!. Mabuti at dumating ka na!"
Nabalik na lang ako sa katinuan ng biglang may nagsalita
Oo nga pala, nandito na ako sa dapat kong pupuntahan
"Bakit po Direk??" oo si Direk Pauline yung kanina
"Hyst!. Kasi!. Si Khiera, umiiyak doon sa loob!. Hinahanap ka!. Dalian muna!" aniya na sinunod ko naman agad
May mga nadaanan pa akong ibang co-artist ko at ibang Staffs na sobrang busy
Pagpasok ko naman sa lugar na ito ay dinig na dinig ko nga ang iyak ni Khiera
___
–KLEA POV–
"Ethan!" biglaang sambit ni Manager Sy na nakatingin pa sa likod namin. Kaya tiningnan ko na lang din ito
Si Ethan nga. Nakatingin pa siya sa amin
"Wait… Daddy Ethan??. DADDY ETHHAANN!!!" ani Khiera at dali-daling bumaba sa akin
"HOY ANAK!. BAKA MADAPA KA!" sigaw ko sabay tayo na din pero hindi niya sinunod. At nagpatuloy sa pagtakbo sa papunta kay Ethan
Sumunod nadin ako…
Huwag kayong magtaka kung bakit wala na si Gerald ah?!. Sabi kasi niya kanina, may pupuntahan lang raw siya. Kaya ayun!. Pinayagan ko na lang. Sino ba ako para pagbawalan siya??
"Daddy Ethan, I'm glad you're here na po!" nandito na pala ako sa kanila
"Bakit ka umiiyak anak??" sambit ni Ethan sabay punas-punas sa luha ng anak ko
"Kasi po, wala pa kayo. Daddy, sobrang miss na miss po kita!"
"Na-miss din kita anak"
Kung si Ethan ang tunay na tatay ni Khiera. Sobrang daddy's girl. Nakalimutan ko na ata ah!?. Yung tattoong dragon. Pero paano ko ba
maaadentify kung si Gerald ba o Ethan??
Maybe, i-stop ko muna ang paghahanap sa totoong ama ni Khiera. Sapat naman din si Ethan na maging daddy-daddyhan niya
Ok fine!. Buo na ang desisyon ko, titigil na ako sa paghahanap. Hindi ko din naman kilala yung lalaking yun!
Kaya nga hahanapin diba??
Bobo din pala itong sarili ko
____
–AUTHOR'S POV–
Minutes later…
Sabay-sabay nga nilang pinanood ang first episode ng A HUNDRED DAYS WITH YOU
…
…
~~~NANONOOD~~~
…
…
Pagkatapos ng Nobela ni Ziara ay pumalakpak agad ang lahat. At biglang nagsalita si Direk Pauline
"A very congratulations sa lahat!. And especially, ang writer ng nobelang ito. Ms. Ziara Tuazon!!"
Lumabas naman si Ziara na sobrang saya at lumapit kay Direk Pauline
"Salamat po Direk Pauline. Salamat din sa lahat-lahat ng mga staffs na nandito!. Pero. Hindi maganda ang isang storya kung wala ang bida. Maari ko bang maimbitahan sina Ethan at Klea, dito sa harap??"
____
–BACK TO KLEA POV–
"Pero. Hindi maganda ang isang storya kung wala ang bida. Maari ko bang maimbitahan sina Ethan at Klea, dito sa harap??"
HALA!. Ako??. Myghoddd!!
Tumayo naman kaming dalawa ni Ethan. Yung anak ko pala is, nasa kay Manager Sy
"Gusto niyo din bang magpasalamat??" ani ate Ziara. Ang ganda niya talagaa!!!
Ningitian ko naman siya ng pagkatamis-tamis at kinuha ang mic sa kaniya
"Uhm… gusto kong magpasalamat kay Direct Pauline. Dahil pinagkatiwalaan niya akong ganapin ang role na ito. Kahit na, wala akong kasanayan sa pag-arte. Salamat po Direk" tiningnan ko si Pauline, ta's ningitian ito
"Sunod, gusto kong magpasalamat sa lahat ng staffs na bumuboo sa storya'ng ito. Hindi ko na imementions ha??. Heheheh"
Tiningnan ko si Khiera. "Pangatlo. Gusto kong magpasalamat sa anak ko. Ng dahil sa kaniya, pumayag ako sa role na ito" at ngumiti ako
"Khiera anak!. Halika dito!" tawag ko naman sa kaniya na agad niyang sinunod
Tapos ay ibinigay na ang mic sa kung sino man yun, para buhatin si Khiera
"Ikaw Ethan, may gusto ka bang pasalamatan??" ah si Ethan pala ang kumuha sa mic
"Wala na Direct. Eh, sinabi na lahat ni Klea eh!
Napatawa na lang kami sa kaniya
–END OF CHAPTER 42—