–CELINE POV–
Sabay naming pinanood ni Gasper kahapon ang first episode ni ma friend. Grabe, ang galing-galing niya talaga!. Na-miss ko tuloy si ma friend. Hindi na kami nagkikita eh!
"Sa wakas at nakabisita ka dito, iha" nabaling na lang ang atensyon ko dun sa nagsalita. Si Lola Cely
Araw pala ng sabado ngayon kaya walang pasok, at nandito ako sa bahay nila Gasper
"Mano po muna Lola" ani ko sabay tayo na din at nagmano sa kaniya. Pagkatapos ay umupo ulit ako
"Wala kang pinagbago Celine. Mabait ka pa ding bata, at maganda pa" nakangiti niyang sambit
"Ah… eh… Salamat na lang po!. Uhm Lola Cely, puwedeng magtanong??"
Tumango-tango naman siya habang nakapamaypay pa din
"Asan po ang mga magulang ni Dexter??. Ang anak niyo po??. Bakit hindi niya ito kasama nung bumalik siya sa Pinas??"
I know this is so kakahiya to ask. But I'm so corious. Chaar! English!
Inilagay niya muna ang pamaypay at kinuha ang kape bago nagsalita. "Almost 2 years na silang patay iha"
"Huh??. Bakit po sila namatay??"
Hindi ko talaga akalain. Wala na pala ang parents si Gasper
"Nadamay lang sila sa pangyayari. Ayon sa kuwento ng apo ko, may nagbabarilan noon sa New York. Tumatakbo na nga sila para maghanap ng matataguan. Ng makahanap na sila ay agad na ipinauna ng anak ko si Gasper. At sa hindi inaasahan, natamaan siya ng bala. Pati yung asawa ng anak ko" tumulo na ang luha ni Lola Cely na agad naman niyang pinunasan
"Ng dahil sa pangyayaring yun. Para nang mabaliw ang apo ko. Sinisisi niya ang sarili niya na siya ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang niya" dagdag ni Lola
"Sorry po ah?!. Kung nagtanong pa ako, sabi ko na nga ba eh!. Hindi na lang ako makikialam" sabi ko na lang at umiwas ng tingin kay Lola
"Its okay iha. Kaya din siya bumalik dito sa Pilipinas dahil binalikan niya ang mga taong mahal niya. At tayo yun Celine. Tayo lang ang tanging naiwan. Sabi nga niya sa akin. Babantayan niya tayo. Aalagaan niya tayo. At hindi niya hahayaang mawala tayo sa kaniya"
Tama pala yung desisyon ko. Sobrang deserving ni Gasper na bigyan ko siya ng second chance
"Alam mo Celine, nung sinagot mo si Gasper. Sobrang saya niya. Nagtatalon pa nga siya dito nung nakauwi siya" sambit na naman ni Lola Cely na nagpatawa sa akin
"Ganon po ba. Heheheh"
Speaking of Gasper. Kitang-kita ko mula dito na pababa na siya sa hagdan
Tsaka, lumapit sa amin
"Babe. Sorry kung natagalan ako. Nangungulit ba sayo si Lola??. Panay tanong ba siya??" aniya at halata sa boses ang pag-alala
"Huwag kang mag-alala babe. Sa katunayan nga, ako yung nagtanong" sambit ko naman at pinaupo siya
"Mabuti nga lang"
***fast forward***
"Babe??" naagaw ko naman ang atensyon niya
Nandito na kasi kami sa kuwarto niya, at sinasagutan niya yung homework ko ngayon. Sana ol diba??
"Bakit babe?? May kailangan ka ba??" aniya at tumigil na nga sa pagsusulat
"Kasi… Diba magkapitbahay kayo ni ma friend??. Pupuntahan ko lang siya ah?!"
"Babe huwag!. Kung mapaano ka pa eh!. May mga tambay pa man diyan sa may tindahan!"
Ibinalik ko muna yung unan. "Eh babe, kaya ko naman ang sarili ko. Marunong kaya ako mag martial-arts!" sambit ko pa. Di namn ako marunong mag martial arts eh!
"Kahit na babe!. Baka bastusin ka lang nila!"
Inirapan ko na lang siya at kinuha na lang ang phone ko
"O siya!. Sge na babe!" napatingin naman ulit ako sa kaniya at agad siyang niyakap
"Basta!. Sasamahan na lang kita" dagdag niya dahilan ng pagkalas ko sa kaniya
"Sure ka babe??. Baka may gagawin ka pa!"
"Sure na sure. Baka kung ano pang mangyari sayo. Malalagot ako sa papa mo. And babe!. Ako yung boyfriend mo. Gawain ko ito"
Napapangiti na lang ako sa kaniya at niyakap siya ulit
___
–MARIO ECHAVEZ POV–
Hey guys!. Salamat at nabigyan na ako ng POV ng maganda niyong author
Sa mga nagdududa sa akin kung kaawat ba ako?? So… nagkakamali kayo. Kakampi niyo ako guys. Kakampi nila ako
Papasok pala ako ngayon sa police station. Alam niyo na kung anong gawin ko. Sasabihin ko na ito sa inyo ha??. Hindi talaga ako isang professional na investigator. Ginagawa ko ito as long as matulungan ko ang isang tao
Matagal ko nang bro si Gasper. Hindi ko na ikukuwento kung paano kami nagkakilala. At ako din yung nagbo-boss kay Ethan. Eh sa… Boss ko naman talaga siya eh!. Sa kaniya lang yung katapatan ko
Tsaka, matagal na akong hindi kasali sa grupong yun. I think, yung biglaang pagkawala ni Boss Ethan. Oo yun nga!. Pagkatapos ay, ang huli kong nabalitaan ay meron nang bagong boss, pero hindi ko naman kilala at wala akong balak na kilalanin
Kasi??. Kapag wala ka na. Hindi ka na belong sa kanila, bawal kang mangialam. Kung ayaw mong patayin ka nila diretso. Tama na nga ang pagku-kuwento ko sa inyo!. Bukas na lang ulit
"Mr. Echavez!. What brings you here!"
Nandito na pala ako sa dapat kong pupuntahan. Ayan kasi eh!. Napakadaldal ko sa inyo
Presentable naman akong umupo sa harap niya. Guys, he's a police. "May mga gusto lang akong itanong sa iyo Sir Montenegro"
"Ano yun??. Or about naman dun kay Mr. Gerald Fuentes at kay Mr. Ethan Rivera??"
Nung una talaga ko itong nalaman. Nagulat na lang ako na may halong pagtataka. Hindi magawa ni Boss Ethan ang pagpapatay o ano pa man. Ako kasi bilang tauhan ay, walang alam sa mga kinikilos nila. Tagabantay lang ako sa lugar
"Oo. Tama ka. Gusto ko lang itanong kung bakit hindi natuloy ang kaso nila??. Bakit hindi sila nakulong!?"
Sumeryoso naman ang mukha niya. "Yan din ang ipinagtataka ko. Isang araw bigla na lang… BOOM!. Wala na!. Sarado na ang kasong yun!"
Wala siyang alam??. Sino ba ang nakakaalam nitong lahat??
"So it means… may nagtatakip nga sa kanila. Sino naman ang taong yun??"
Napag isip-isip naman kaming dalawa
"Sabagay, tama ka nga"
___
–KLEA POV–
Nandito nga sila Celine at Gasper sa bahay. Huwag kayong magtaka kung bakit nandito ako, sabi ni Pauline puwede raw na hindi muna ako pupunta
Kaya ang saya-saya ko. Mabibigyan ko din ng oras ang anak ko
Pero alam niyo?? Sa lahat ng yan at kahapon? Iniisip ko pa din Yung biglaang pag-amin ni Ethan sa akin
***flashback***
"Mahal na mahal kita Klea. Kaya gagawin ko ang lahat, huwag ka ka lang maagaw ni Gerald mula sa akin. Because in the first place Klea, YOUR MINE!. ONLY MINE!"
***end of flashback***
And yang katagang yan. Palaging bumabalik sa isip ko
Pero ang tanong. Mahal ko na ba si Ethan??
Kung oo, paano naman si Gerald??. Alam kong masasaktan din siya
O baka kaya, hindi totoo ang sinabi ni Ethan??. Ayts Ewan!. Matawagan na nga lang siya!
Mabuti na lang at sinagot agad. WAIT… tinawagan ko ba siya para magtanong na mahal niya ako??. KAKAHIYA KA NAMAN KLEAAA!!
"Uhm Ethan… Nasaan ka??"
[Nagdri-drive ako ngayon Klea] walang gana niyang sagot. Ata??
"Bakit?? Saan ka pupunta?? Anong gagawin mo??"
'Ayts! Ano bang tanong yan KLEAA!!'
[Magpapakamatay ako Klea]
WHAT?!!… Anong sabi niya?? MAGPAPAKAMATAY??!!
"HOY ETHAN HUWAG!!"
"Ethan??… ETHAN!!" pinutol na pala niya ang tawag namin
–END OF PART 43–