–ETHAN POV–
Buo na ang desisyon ko. Gustong-gusto ko na talagang makaalala. Para mabigyan ng mga sagot ang mga tanong ko
Nagdra-drive pala ako ngayon. Hindi ko alam kung anong lugar na ito
***phone rings***
Si Klea. Kaya agad ko itong sinagot at ni loud speaker. Bakit naman kaya siya napatawag??
[Uhm… Ethan? Nasaan ka??]
"Nagdra-drive ako ngayon Klea" walang ganang sagot ko
[Bakit?? Saan ka pupunta?? Anong gagawin mo??]
"Magpapakamatay ako Klea" sagot ko at pinatayan na siya
Tama ang desisyon ko na sasabihin kay Klea. Para naman ay may nakakaalam at agad na sumaklolo sa akin
Hininto ko muna ang kotse ko dito sa gilid ng kalsada at agad na bumaba
Pagkatapos ay ini-onn ko muna ang data sa cp ko at inilagay dito sa may damuhan. Pagkalagay ko ay nakita ko pang tumawag si Klea pero hindi ko na ito pinansin
At agad na bumalik sa loob ng sasakyan
***fastforward***
Nandito pa rin ako sa lugar ng pinag-iwanan ko sa phone ko. Kitang-kita ko dito na kanina pa siya nagva- vibrate
Alam niyo kung bakit nandito pa rin ako??. Kasi, nag-aabang ako ng isang sasakyan
Ilan sandali pa'y… may nakita naman ako at pa liko-liko pa ito na wala talaga sa control
'Tsk!. Perfect timing!'
Agad ko namang pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa kanila
"Lord god. Ikaw na po ang bahala sa akin. Sana magising pa ako" Pagkasabi ko nun ay siya ding pagbangga sa kotse ko at sa kanila
**BOGSH!**
'Tagumpay!'
And everything went black
___
–KLEA POV–
Hindi pa din ako mapakali. Bigla-biglaan niyang sinabi sa akin na magpapakamatay siya. Bakit?? Ano bang nakain niya at naisip ang bagay na yun??
"Ma friend, bakit ganyan ang mukha mo?? May masama bang nangyari??" ani Celine na lumapit pa talaga sa akin
Nilapitan ko muna ang anak ko. "Anak, doon ka muna kay Darl. May pag-uusapan lang kami ng Tito Gasper at Tita Celine mo"
"Sge po mommy!" nakangiti pa niyang sagot at umalis na nga
Pagkaalis ni Khiera ay umupo muna ako na Hindi pa din makapaniwala. Tapos ay biglang nagsalita si Gasper
"Anong pag-uusapan natin Klea?? May importante ka bang sasabihin sa amin??"
Tiningnan ko naman silang dalawa
"Si Ethan!. Tumawag kasi ako sa kaniya dahil may itatanong lang ako. Tapos, sagot niya. MAGPAPAKAMATAY SIYA!!!!. Kailangan natin siyang puntahan!!. Kailangan natin siyang hanapinnn!!!" mangiyak-ngiyak pang sambit ko
"WHAT??!!!"
"This is not funny Klea!"
"Hindi ako nagbibiro Gasper!!. Kung ayaw niyong maniwala, bahala kayo!. Basta ako?!!?. Hahanapin ko si Ethann!!" papalabas na sana ako ng biglang pinigilan ako ni Celine
"Ma friend hindi naman sa ganun!. Naniniwala naman kami ni Gasper, pero nagulat lang talaga kami sa sinabi mo!"
"Hahanapin natin siya Celine!" sabi ko na lang
"Yes!. Hahanapin natin siya!"
Napapangiti na lang ako ng hindi buo. Pagkatapos ay, nakita kong tumingin siya kay Gasper
"Babe??. Malo-licate mo ba kung nasaan siya ngayon??"
'Magjowa na pala ang dalawang'toh ey!. Hindi pala ako na-inform'
"I will do everything what I can. Just stay here the both of you. Babalikan ko lang ang phone ko sa bahay" aniya at umalis na nga
***5 minutes passed***
Hindi pa din nakabalik si Gasper. Kanina pa din ako palakad-lakad dito habang trinatry na tawagan si Ethan. Pero bigo pa rin ako
"Ma friend, puwedeng umupo ka muna??. Hindi ka ba nahihilo sa pabalik-balik na lakad mo??"
Umupo na lamang ako katabi ni Celine. Actually, tama nga siya. Nakakahilo din
Ilang sandali pa'y, bumukas na yung main door at napatayo na lang ulit ako nang si Gasper ang iniluwa nito
'Finally!'
"Babe. Klea. Nahanap ko na kung nasaan si Ethan!" sambit niya na ikinagaan ng loob ko
"Ano pang hinihintay natin?!. TARA NA!"
Tumango naman silang dalawa at akmang aalis na sana kami ng biglang magsalita ang anak ko
"Mommy, saan po kayo pupunta?"
Muli ko naman itong nilingon tapos ay pinantayan siya ng tayo at hinawakan ang magkabilang balikat niya
"May importante lang kaming pupuntahan anak. Matulog ka na lang ha?? Huwag mo nang hintayin si mommy!"
"Puwede po ba akong sumama??"
Hinawakan ko muna ang magkabilang pisngi niya
"Hindi puwede anak. At mas lalong hindi puwede dahil gabi na. Kaya matulog ka na lang. Good night anak" ani ko at hinalikan ang noo niya
"Good night din mommy!!"
___
Nandito na kami sa sasakyan. Nasa harapan sila Celine at Gasper, habang akoy nasa likod
'Ethan!!! Sana hindi mo tinuloy ang sinabi moo!!'
"Klea, ano bang pumasok sa kokote ni Ethan at balak niyang magpakamatay??" si Gasper. Siya din pala ang nag-drive
"Hindi ko alam" tanging sagot ko
"Ma friend, hindi naman kayo nag-away diba?? Wala naman kayong alitan??" si Celine na habang hawak-hawak niya ang phone ni Gasper
"Wala Celine. Simula nung nagkaayos kami. Wala naman akong natatandaan na nag-away kami ulit" tumahimik naman siya at parang may tiningnan sa cp ni Gasper
Nakatingin lang ako dito sa labas ng bintana
"So… the question is… Bakit siya magpapakamatay??"
Wala namang ni isang sumagot sa amin ni Celine
…
…
…
"Wait. Stops!. Nandito na tayo !" biglaang sambit ni Celine at inihinto na nga ni Gasper ang kotse niya
Pagkahinto ni Gasper ay agad na akong bumaba
Pero ni kahit anino ay wala akong nakitang Ethan dito
"Baka nasa kakahuyan si Ethan. Babe, Klea. Ako na ang pupunta sa kaniya"
Pinigilan ko naman si Gasper at nagtaka pa siya kung bakit. Pagkatapos ay, tinawagan ko ulit ang phone ni Ethan
***phone rings***
Sabay-sabay naman kaming napatingin dun sa may damuhan na nalagpasan pala namin kanina
'Phone ba yun ni Ethan??'
"Klea, ito nga ang phone ni Ethan!!" sigaw ni Gasper, pinuntahan pala niya
'Kung yan nga ang phone ni Ethan, asan siya??. Nagpakamatay na ba siya?? Huli na ba kami??
Tapos ay tumakbo na ulit si Gasper sa kinaroroonan namin
"Shocks!. Ma friend tingnan mo!!"
Tumingin ako kay Celine. Nakatingin pala ito dun sa… saan?? Kaya tiningnan ko na din
At mga taong nagkukumpulan, yung btawng parang may nangayri?? Oo! Ganun!
Kumalabog ng malakas ang puso ko at hindi ko alam na tumatakbo na pala ako papunta don sa mga tao
Pagkarating ko naman ay medyo hiningal pa ako at sumiksik pa ako para lang makapunta sa harap
Nagulat na lang ako na may halong kaba. Basta!. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Maiiyak, kaba, lungkot, pag-alala
At kitang-kita ko mula dito ang dalawang kotseng nagkabanggaan. At yung isa. Kilang-kilala ko kung kanino
Kay…
'Ethan'
"Ma friend, nagtanong kami sa iba kung anong nangyari dito" ani Celine
"Confirmed Klea!. Kang Ethan nga ang isa sa mga sasakyan na yan!" si Gasper naman
Napayuko na lang ako. Parang babagsak na yung luha ko
'Tama nga ako'
'Huli na kami'
–END OF PART 44–