PART 45

1189 Words
–GASPER POV– "Uhm puwede po bang magtanong??" ani ko dun sa lalaking nasa gilid ko. Tumango naman siya kaya wala na akong sinayang na oras pa "Saang hospital dinala ang lalaki kanina??" "Sa ***** hospital ata iho. Malapit lang kasi yun dito" "Sige po. Salamat" Binalingan ko ulit ng tingin sila Klea at Celine "Babe, Klea. Tara! Alam ko kung saan dinala si Ethan!" aniko na ikinalingon naman nila Wala naman kaming sinayang na panahon at dali-daling tumakbo papunta sa kotse Well, hindi ko naman alam kung saang hospital yun. Pero, I google map ko na lang. Ah basta!. Sabi nung lalaki ay pinakamalapit na hospital ***fastforward*** Pagkarating namin dito sa hospital ay nagtanong agad ako sa nurse, at ngayon ay patakbo na kaming papunta sa ER 'Pero I wonder who?!. Sabi kasi ng nurse kanina na dalawang lalaki ang sinugod agad dito. Sino kaya yung isa??' Nandito na nga kami sa harap ng ER. Tapos ay umupo na lang kami dito sa may upuan 'Maybe, I think. Hohintayin namin yung doctor na lumabas _ –DANIELA POV (mama ni Ethan)– "Hon, kanina ka pa diyan ah?!. Ano bang hinahanap mo??" tanong ng asawa ko. Si Eldrain "Eh kasi, nakita mo ba yung brown envelope na nilagay ko dito??" ani ko habang naghahanap pa din dito sa cabinet "Wala. Ano bang laman ng envelope na yun??" Tiningnan ko na siya "Doon ko nilagay, yung picture ni Catherina at ang anak natin!. Natatandaan mo??" "Oo, pero. Baka natapon na ng yaya natin!" May point din naman siya Isinarado ko muna ang cabinet at tumayo. "Eh kasi, hindi tayo sigurado. Baka ang anak mismo natin ang nakakita!. Kaya ganun na lang siya nung isang araw!" Tumayo naman ito at nilapitan ako. Pagkatapos ay hinawakan ang magkabilang balikat ko "Kung nakita iyon ni Ethan. Panigurado akong magtatanong agad yun sa atin kung sino yung babaeng kasama niya. Which is, hindi naman natin sasabihin kung sino. Huwag ka nang ma-stressed hon, nakakapangit lang yan" Sinamangutan ko naman siya. Tapos ay napangisi lang ang asawa ko Akmang hahalikan na sana niya ako ng biglang… *tok*tok*tok*tok Kaya sabay kaming napalingon dun sa may pinto. Ta's nilapitan ko ito at binuksan Pagkabukas ko naman ay si Vincent ang bumungad sa akin hindi maipinta ang mukha "Tito Drain, Tita Ela. Bad news po" aniya at nagkatinginan kami ng asawa ko. Hinihintay lang namin ang sunod na sasabihin ni Vincent "Si Ethan!. Sinugod sa hospital!" "WHAT??!!" gulat na gulat na sambit ko "That's not funny. Bakit siya sinugod sa hospital??" asawa ko "Hindi ko po alam. Basta may tumawag kanina sa baba na galing sa **** hospital!" ___ –KLEA POV– Time check✔ 9:30 pm Nandito na ako at nakaupo sa gilid ng kama ni Ethan, habang tinitingnan siya. Nilipat na kasi siya kanina sa kuwartong ito May mga sugat-sugat nga din sa mukha niya, braso, paa at iba pa. May nakatakip nga din sa ulo niya Wala pala si Gasper at Celine dito kasi sabi nila, bibili muna raw sila ng pagkain Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang isang doctor, kaya napatayo na din ako "Doc ano pong mangyayari sa kaniya?? Magigising pa po ba siya??" nag-alalang sambit ko "Wait iha. Ka ano-ano ka nang pasyente??. Family member ka ba?? Or anything??" 'Anong sasabihin ko??. Hindi ko naman puwedeng sabihin na kapatid kasi hindi kami magkamukha ni Ethan. Kung pinsan na lang kaya??' "Girlfriend niya po ako. Este, fiance ko siya" 'Paktay!. Bakit yan ang lumabas sa bibig ko?? Di ba dapat, pinsan??' "Ok na ang kalagayan niya iha. Mabuti na nga lang at nasugod agad siya dito kasi kung hindi, papasok na ang dugo sa utak niya. Magiging alanganin na ito and worst… ikakamatay niya" "Yung part talaga ng ulo niya ang pinaka na puruhan. And baka, mga 3 to 7 days pa siyang gigising" "Sige po doc. Maraming salamat na lang po" ani ko "Sge din iha. Maiiwan na kita" Nagngitian muna kami at umalis na siya ___ –DR. CHAN POV– Nandito ako ngayon kung saan dinala si Ethan. Alam niyo na, ang dali lang kumakalat ang mga tsismiss ngayon Kumatok muna ako at binuksan din ang pinto. At isang napakandang babae ang nakita ko sa loob Nagtataka pa nga siya kung bakit ako nandito, kaya ako na lang ang unang nagsalita "Hi ako si Dr. Chan. Personal Doctor ng family Rivera" nakangiting sambit ko at inilahad ang kamay ko "Uhm hello po. Ako naman po si Klea" aniya at tinanggap yung kamay ko. Ta's binitawan din 'So siya pala si Klea. Napakaganda naman niya. Pero mas maganda ang asawa ko' "Bakit po kayo nandito??" Naglakad muna ako papunta doon sa left side ng kama ni Ethan. At iniligay ang bag dun sa may lamesa "Binibisita ko lang siya" Tumahimik naman siya kaya tiningnan ko si Ethan. At napapa-isip na lang "Tama nga ako. Ginawa nga niya" bulong ko pero nadinig ata ni Klea "Ang alin po doc??. May alam ba kayo kung bakit ginawa ni Ethan yun??" Umupo muna ako bago sinagot ang tanong niya –KLEA POV– Kanina pa ako sa doctor na 'to ah?!. Para siyang gay. Pero hindi naman bagay sa kaniya kasi ang gwapo niya. Oooo!!! Ang gwapppooo!!! "May amnesia si Ethan" aniya na ikinagulat ko Wee?? Totoo?? "Poo?? Wala naman siyang ikinukuwento sa aking may amnesia siya!" aniko pero iba ang sagot Niya "Lumapit siya sa akin noong nakaraang araw. Gustong-gusto na niyang maalala ang lahat. Kaya sinabi ko sa kaniya na magpabangga ulit siya. Yun lang ang natatanging paraan" Gumaan naman yung pakiramdam ko. Ang saya ko! 'At sa wakas, ay maaalala na ako ni Ethan' "Ah ganun po ba. Medyo nagulat lang ako doc nung sinabi niyong may amnesia si Ethan??. Bakit po doc?? Anong dahilan??" "Because of a accident na nangyari last almost 5 years ago. Dahil din sa pangyayaring yun hniling ng mga magulang niya na…" Hinihinatay ko lang ang sunod niyang sasabihin. Anong ibig sabihin sa mga binanggit niya?? "Hindi mo na puwedeng malaman yun iha!. Sorry kung ang daldal ko na" Napapangiti na lang ako ng peke at muling sumandal 'Ano ba 'toh!. Ang dami ko pang hindi alam kay Ethan!' _ ***fastforward*** Nandito pa rin ako kung nasaan ako kanina Pero sa ngayon ay nandito na sila Celine at Gasper Kanina pala guys, nandito ang mama at papa ni Ethan. Pero agad din itong umalis dahil sabi nila, aasikasuhin nila ang malilipatan ni Ethan bukas. For short, ililipat siya ng hospital "Ma friend, hindi ka ba uuwi?? Paano na yung anak mo??" Oo nga pala "Bukas ng maaga ma friend. Dito muna ako magpapagabi" ani ko. "Eh ikaw bruha?! Nagpaalam ka na ba sa mama at papa mo??" "Ah oo. Pumayag din naman sila" Bumukas naman ang pinto at iniluwa doon si Gasper, saktong-sakto. May itatanong ako sa kanila "Gasper, bruha. Nakilala niyo na ba yung isang lalaki?? Yung sinasabi ng nurse kanina??. Yung isang kotseng nakabanggan ni Ethan??" Nakita ko namang nagkatinginan silang dalawa. Tapos ay si Gasper na ang sumagot "Si… Gerald, Klea" –END OF PART 45–
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD