Ang muling pagtatagpo
MADDIELAINE'S POV
"Maddie! Natapos mo na ba 'yung Season 2 ng What is Love? Ang gwapo ni Jeon Mi doon! May sakit sa puso si Eun Ha, di pa niya nasasabi totoong nararamdaman niya kay Jeon Mi mylabs" ani Daisy at sumimangot ito..
Heto ako ngayon nakadungaw sa bintana at nakapako ang paningin kay Calix. 2 years ko na siyang crush hanggang ngayon di ko parin maamin sakanya totoo kong nararamdaman. Natatakot ako. Natatakot akong mareject. Natatakot akong malaman sakanya ang katotohanan na di niya ako gusto.
"Oh ayan ka na naman nakatitig sa crush mo!" Pasinghal na sabi ni Daisy
"Gusto ko lang masilayan ang kagwapuhan niya!" Likas na gwapo talaga ito kaya habulin din ng babae. Madalang ako magkagusto sa isang lalaki pero sakanya ko lang nakita ang magandang katangian ng isang lalaking gusto ko.
Grade 7 palang magkaklase na kami at 'pag minalas ngayong taon na' to hindi na. Pero maswerte parin ako kasi nasusulyapan ko siya, at nasa ikalawang palapag lang ang room nila kaya nadadaanan at madalas ko siyang masulyap. At nasa ikatlong palapag kasi sa amin.
Napansin kong may isinusulat si Daisy. Mukhang isang liham pag ibig na naman. Kasi,' pag may nacu-cutean at napupusuan siyang lalaki sinusulatan niya ito ng love letter. Halos lahat na yata ng lalaki sa campus nasulatan na niya. Pero walang rumispunde ni isa.
"Para kanino na naman' yan?"
"Basta, Samahan mo 'ko mamaya ibibigay natin' to"
"Ayoko"
"Magpapautos lang naman ako uli para ipabigay 'to" Ang tapang sumulat pero takot humarap. Daisy ang pangalan.
Sinamahan ko na siyang ipabigay ang love letter na isinulat niya. Maingat niya itong hawak hawak. Nakalagay ito sa isang scented envelope.
"Sana mabasa at mapansin niya." Ngumuso ito at Umaasa na usal niya.
Sa di kalayuan, may nakatingin sa'ming babae na naka uniporme at mukhang new student. Mukhang naliligaw. Bakas din sa itsura na hindi siya pinoy. Mukhang koryana dahil sa kutis at singkit na mata nito. At tuluyan itong lumapit saamin. Kumunot ang noo ko.
"annyeonghaseyo, mul-eobwado doelkkayo? yeogi 9geub geonmul-i eodie issseubnikka?"[Hello, pwede magtanong nasaan ang grade 9 building dito?] Dumugo ata ilong ko. Tanging annyeonghaseyo lang ang naitindihan namin. Nagkatinginan kami ni Daisy at nagkibit lamang siya at
"Omg hello you're korean? I'm sorry but we don't speak korean only annyeonghaseyo hehe" humahagikhik aniya
May ibinulong siya na di namin naitindihan. "Minumura mo ba kami?" Nanlaki naman ang mata ni ate girl at matinding umiling "Aniya. Hindi kasi na-frustrate lang ako sorry"
Napaawang ang bibig namin. Marunong naman pala siyang mag tagalog.
"Marunong ka pala mag tagalog pinapahirapan mo pa kami"
"Joesonghaeyo. Sorry. " anito at bahagyang sumimangot "Pwede niyo ba kong tulungan di ko kasi alam classroom ko e"
"Ano bang Grade at section mo?" sabi ko.
"ito oh!" hinawi niya ng buhok nya at nahulog ang parte ng buhok sa likod niya. May kinuhang ID sa bag at inilahad samin. Agad naman naming tinignan.
Grade 9 - Section C. Nagkatinginan kami ni Daisy. Inangat ang ulo at muli siyang tinignan
"Magkaklase tayo," sabi ko, Kumislap ang mata nito sa tuwa.
"Omo, jinjja?!"nakangiting sabi nito.
Tumalon talon sa tuwa itong si Daisy. Ako naman di ko rin mapigilan ngumiti. Isa sa pangarap namin magkaroon ng koryanang kaibigan at mukhang ito na nga.
Agad na lumapit si Daisy rito at pinulupot ang kamay nito sa koryana. Feeling close talaga 'tong babaeng' to.
"Anong pangalan mo?" masayang bati nito.
"Aera Min pero pwede niyo kong tawaging Isla kye!" ngumiti ito na halos mapunit na ang labi dahilan para mas lalong lumiit ang singkit niyang mata at lumitaw ang dimple niya. Ang kyut niya.
"Ang ganda ng pangalan mo bagay sa mukha mo" humagikgik ito "Ako naman si Daisy Luna at siya si Maddelaine Luxe Recio. Tahimik lang 'yan sa simula pero pag naging close na tayong tatlo lalabas din ang tunay na ugali niyan! HAHAHAHA!" Palihim kong hinila ang ilang hibla ng buhok niya. Bwiset' to.
"Hm, at mag bestfriend na kasi kami since kindergarten" ani ko
"Talaga? Ang lupet ng friendship niyo!" ngumiti ako bilang tugon.
Agad akong naglahad ng kamay dito kay Aera " Nice meeting you Aera! "sabay ngiti at kaagad niyang inabot. Sabay na kaming humakbang paakyat patungong classroom.
"Parang ansaya niyo kasama, buti nalang at may nakilala agad ako sa first day of school." aniya
"Transferee ka?" ani Daisy.
"Hm, since dito na kami mags-stay for good"
"aaahh." tumango naman kami bilang pagtugon.
Humahalukipkip si Daisy rito at kaagad nagkwento tungkol sa korea"Maganda ba ang Korea? Alam mo ba dream naming pumunta sa Korea soon? Mahilig kasi kami sa kdrama at kpop sikat ba sila dun? Or internationally lang?" walang prenong salita nito. Tahimik lang akong nakikinig sa isang tabi nakikinig sakanila.
Humalakhak ito "Talaga? Sige soon, samahan ko kayo!" Sandali siyang natigilan at napaisip "Hm, sa kpop idols, Sikat naman sila. Yung iba parang kabaliktaran. Sikat sila internationally pero pag sa korea di gaano."
"Gusto kong makita ang bangtan alam mo ba 'yun? Yung sayaw nila, kagwapuhan nila!"tumili ito hinampas ako at nangisay pa sa kilig.
"Ang tatas mo rin magtagalog, nag-aral ka?" tanong ko rito.
"Hindi, full filipino kasi ang mom ko, yung dad ko naman yung korean" Di namin namalayan nasa harap ng classroom na pala kami.
"Halika, dito 'yung room na'tin."
"Tabi tayo Daisy!" Nilahad niya ang upuan para rito. Parang nakalimutan nako nitong babaeng' to ah dumating lang si Aera.
"Sige" Dalawahan ang upuan kaya di kami pwedeng magtabing tatlo, ako na nagparaya sa likuran nila ako umupo.
Maya maya pa'y nagsimula na ang klase. Unang araw ng klase ngayon at bagong mukha na naman ang aming makakasama sa 'taong 'to.
"Good morning everyone."
Sabay kaming lahat tumayo at bumati "Good Morning ma'am!" muli namang bumalik sa pagkaupo.
"I'm Miss Michelle Aban, your class adviser for this section. Since halos lahat sainyo ay magkakilala na. May mga transferees ba dito? Please introduce yourself."
Nakita kong tinapik ni Daisy si Aera, ngumiti ito at tumayo.
"Annyeonghaseyo. Ako po si Aera Min pero pwede niyo akong tawaging Isla Kye. 17 na taon gulang transferee from Hanyang University sa Korea"at muling bumalik ito sa pagkaupo.
"Are you a full korean?, you seems so good in speaking Filipino"
"half po, yung mama ko Filipino"
"Okay, Next"
"May I excuse Ms. Aban?" Napalingon ang guro namin sa pintuan, isang guro na may edad na ang pumasok. Aamba na sana kaming tatayo para bumati pero sumenyas ito na It's okay.
"Yes, Mrs. Agatha?"Baling rito, at sabay silang lumabas saglit. Habang nasa labas ang dalawang guro palihim kong kinuha ang cellphone ko, inopen ang i********: ko at Nagsimulang mag scroll. Sa pags-scroll ko, bigla akong napahinto sa isang selfie post ng babaeng sobrang ganda. Perfect na ata ito. Siya na yung pinakamagandang babaeng nakita ko. Napindot ko ang heart button.
"Okay class, Ang sabi ni Mrs. Agatha since puno na ang classroom nila kailangan nilang maglipat ng dalawang students dito. Please come in and introduce yourself" Binasa ko ang caption. '*Your Social media Goddess'* Pinindot ko ang comment section at nagbasa ng iilang comments.
@yukbi2: Ang hot mo talaga
@krisha.d_ : ??❤️
@polin45: how to be you? ?
@drkf: slay, queen ?✨
"Omg, chesca she's so gwapo."
"Look at those eyes nakakaakit"
"She's so handsome"
"New campus crush"
"yeah right margaux"
"Axel Buenavides. 18." Inangat ko ang mukha ko para tignan ang nagsasalita sa harap. Kasabay ng pagtingin ko ay ang pagtama ng mga mata niya saakin. Umawang ang labi ko at biglang nanlaki ang mata ko. Agad akong umiwas ng tingin at yumuko muling bumaling sa cellphone ko. Familiar ang mukha ng isang 'to. Shet. Saan ko ba' yun siya nakita? Or I mean nakilala? Kinagat ko ang labi ko habang inaalala.
"Hi I'm Yvonne Mendez. Nice meeting you guys." pagkakilala nung isa. Shet naalala ko na, 'yung gabing 'yon! yung gabing sana'y di ko nalang siya tinulungan.
"Okay, Mr. Buenavides. You can sit next to Ms. Recio" W-Wait, tama ba? apelyido ko ba narinig ko? Napalingon ako sa katabi kong upuan, Shet wala nga pala akong katabi at tanging bag 'yung nakalagay. No way please huwag. Ayokong makatabi ang masamang lalaking' yan. "And Ms. Mendez sa likod ka katabi ni Mr. Mancio"
Naramdaman kong palapit na siya sa kinaruruonan ko. Nagpapanggap akong walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Umayos ka Maddie. Huwag kang pahalata. Kinagat ko ang ibabang labi ko sa kaba.
Napatalon ako sa gulat nang bigla niyang sinipa ang paanan ng upuan. Agad kong inangat ang paningin ko sakanya na nakataas ang kilay.
"Your bag" Leche! wala man lang excuse me, bastos rin pala 'to. Padarag kong kinuha ang bag ko at agad naman itong umupo. Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya. Ha! Nang aasar ba siya?!
Gumapang ang inis ko sa buong katawan, Walang magawa at umirap nalang sa kawalan yumuko, at ginawang unan ang dalawang braso. Kung sana'y si Calix na nga lang ang lumipat rito edi sana siya yung nakatabi ko ngayon.