Kabanta 1
Ang kwentas
(5 days ago)
3rd persons POV
Pinaharurot niya ang kanyang sports motorbike nakikipaghabulan sa mga lalaking nakasunod rin sakanyang naka motor. Tumingin siya sa side mirror at natanaw niyang malapit na siya nitong maabutan. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo nito.
"Aiisshh!" inis na sabi nito, iniliko nito ang motor at pumasok sa isang eskinita nakita niyang may may mga kabataang nagkukumpulan sa gitna ng daan lumiko siya para iwasan ito at bago paman siya bumusina rito ay natumba na ang motor niya dahilan para tumilapon siya. Nagsigawan ang mga taong nasa lugar na 'yon. Naramdaman niya ang sakit ng pagkabagsak niya.
"Kuya okay lang po ba kayo?" kaagad itong bumangon sa pagkabagsak umupo at tinanggal ang helmet umiling at ginulo ang buhok at tumingin dun sa babaeng nagtanong.
"ay hala shet ang gwapo," napatakip pa ito sa bibig sa nakita, agad siyang pinagkaguluhan ng mga kabataan. Narinig niya ang papalapit na tunog ng mga motor
"sh*t!" hinagis nito ang helmet sa babae agad naman itong sinalo at kumaripas ng takbo.
"k-kuya pogi tekaaaa!!" habol pa ng sigaw ng mga kakabaihan.
pumasok ito sa madilim at makitid na lugar dahilan para prumeno huminto at bumaba ang mga lalaking naka motor at sinundan siya ng takbo.
"AXELL TERELL!!!!" habol hininga itong tumatakbo papalayo sakanila. Nag habol tingin pa ito sakanila para malaman kung nasaan na ang mga ito. Mas binilisan pa nito ang takbo nang malamang malapit na siyang maabutan ng mga ito, napahinto siya nang makitang wala ng ibang daan malulusutan. Huli na ang lahat dahil nakorner na siya ng mga ito.
"Damn," matigas na sabi niya, dumila siya at ginulo ang buhok, hinarap ang mga kalaban gamit ang malalim at mabangis nitong tingin.
"Di mo man lang sinabing nakabalik kana pala?" ani Brixx, isa sa leader ng blacknights.
"Di ko naman alam na kailangan ko palang ipaalam sayo? Edi sana pinadalhan kita ng bulaklak at tsokolate na may kasamang sulat na 'I'm back brixx, did you miss me?' " sabi nito, tumaas ang kilay at ngumisi.
"Eh gago ka pala talaga e!!" sinutok at tinadyakan nito ang tiyan nito. Napaungol ito sa sakit.
Hinila nito ang kwelyo at "Hayop ka! Inagaw mo sa'kin si Abby! Magbabayad ka!!"
"Kasalanan ko bang gwapo ako?"
Namangha siya sa sinabi nito at tumawa "Gwapo? Itong sa'yo!" umakma itong susuntukin ang mukha ni Axell pero nakailag ito at binalibag ang kamay ni Brixx
"aaiishh! hindi ko hahayaang matamaan mo ang gwapo kong mukha!"
"t*n*inam**" at tinadyakan niya ito dahilan para tumumba ito. At napaungol ito sa sakit.
Madelaine's POV
Lagpas alas otso na ng gabi naglalakad ako pauwi galing 8eleven para bumili ng ramen at chichirya. Hawak ng kanang kamay ko ang ice cream na dala ko habang kumakain at ang isa ay bitbit ang paper bag na naglalaman ng ramen at chichirya. Balak ko kasing tapusin ang isang buong kdrama ngayong gabi.
Ilang metro di kalayuan sa pwesto ko may napansin akong mga grupo ng lalaking naka uniporme na pamilyar ang paaralan at mukhang taga INCHS sila.
Habang papalapit nako sakanila di ko mapigilang marinig ang usapan nila. Kinorner nila ang isang lalaking may katangkaran na naka leather black jacket , na may magulong buhok at may hikaw na tila kumikinang pa sa pagtama ng ilaw mula rito.
"Gwapo? Itong sa'yo!" umakma itong susuntukin ang mukha nung naka leather jacker pero nakailag ito at binalibag ang kamay nung isa.
"aaiishh! hindi ko hahayaang matamaan mo ang gwapo kong mukha!"
"t*n*inam**" matigas na mura nito at tinadyakan niya ito dahilan para tumumba ito. At napaungol ito sa sakit.
Di nako nakapag pigil at tinapon ang dala kong ice cream at...
"HOY!!" biglang napigilan ang lalaking sa ginagawa nito at lahat sila napatingin sakin. Ang sama ng titig nila except dun sa isa Oh no, wrong move ka maddie. Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba sa ginawa ko kaya napaatras ako.
"Sino ka?" tanong nung isa. 'yong lalaking sumapak.
"Girlfriend ka ba nito?" dagdag nito at lumapit ang isa sa kasamahan nila sa akin at malagkit akong tinignan.
"Hindi! kaya tigilan niyo yan kundi tatawag ako ng pulis!" matapang kong sabi. Unti unti silang nagsilapitan sakin kaya mas lalo akong napaatras. Kumalabog ng malakas ang puso ko. Shet, maddie mag-isip ka ng paraan. Sumulyap ako sa lalaking sinuntok kanina nagtama ang paningin namin, umiling siya at ginulo ang buhok. Mukhang di makapaniwala sa ginawa ko.
"tapang neto ah?" ngumisi ito lumapit sa akin, Oh no help me anong g**o ba 'tong pinasok ko?
Matapang niyang hinawakan at idiniin ang pagkahawak sa braso dahilan para naramdaman ko ang sakit "Pakialamera ka rin no? gusto mo ikaw na unahin ko?"
"Mga gago! wag na kayong mandamay!" sabi nung isang lalaking tinadyakan sa tiyan kanina, ngunit di nila ito pinansin.
"unahin kong mahalin" ngumisi ito at malagkit akong tinignan mula ulo hanggang paa bwiset manyak! naghiyawan naman ang mga kasamahan niya.
Humagalpak sa tawa yung isa kaya lahat kami napalingon sakanya kay leather jacket boy.
"Anong tinatawa tawa mo diyan?!"
"di ko alam na mahilig ka pala sa panget? " at umaalingawngaw ang tawa nitong mapang-asar. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. wtf? ako ba yung tinutukoy niyang panget?!
"Aba'y -" natigilan ito sa sinabi. Muling lumapit dun kay leather jacket guy at ngayon siya naman ang tumawa. "Kaya pala inagaw mo sakin si Abby?" Ako naman dahan dahang akong pumunta sa likod nung lalaki. Naghahanap ng tiyempo para makatakas.
"Sorry, hindi ako pumapatol sa cheap na babae katulad ng girlfriend mo. Ang mga gwapong katulad ko nililigawan mismo ng mga babae," at ngumisi ito ng nakakaasar.
Pasimple itong lumingon ang lalaki dun sa kasamahan niya nang nakangisi at "Ang yabang din talaga ng kumag na'to!" bago paman ito humarap, ito na ang hudyat ko. Pwersa kong hinila ang kamay ng lalaking naka black leather jacket at itinakbo papalayo sakanila.
"H-HOY!!!!" "Anong tinutunganga niyo? SUNDAN NIYO SILA DALI!!!!" dinig ko pang pahabol sigaw nila.
Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod sa kamay ko. Di ko alam kung gaano kabilis ang takbo namin ngayon basta ang alam ko lang kailangan naming makalayo agad sakanila.
Pumasok kami sa madilim na eskinita at nagtago sa madilim na parte ng lugar. Nasa likuran niya ko ngayon nakaharang siya sa harap ko na ngayon ay hawak niya na ang kamay ko. Ramdam ko ang mabilis niyang paghinga sa paggalaw ng dalawang balikat niya.
Di mapigilan ang paginginig ang tuhod ko sa kaba kasama ng walang tigil na malakas na t***k ng puso ko. Ano ba' tong pinasok ko. Lumabas lang naman ako para bumili ng ramen dahil manunuod pa ko ng kdrama, di ko alam ito na pala katapusan ko.
Siguro naman di na kami makikita rito. Ilang minuto ang nakalipas nagsalita nako.
"Sino ba ang mga y-" Kasabay ng pagharap niya sa'kin at tinakpan ang bibig ko "shh!" bulong niya. Agad akong napahinto. Ilang agwat nalang ang pagitan namin ngayon. Ramdam ko ang hininga niya. Napako ang tingin ko sa mga mata niya. Naaninag ko ang kulay brown niyang mga mata kasama pa ng hikaw niyang kumikinang dulot ng ilaw na tumama samin banda dito sa kinatatayuan namin.
May narinig kaming bakas ng tunog ng mga paa sa di kalayuan. Agad akong nagpanic.
"BOSS MUKHANG WALA DITO!"
"HANAPIN NIYO!! BAWAT SULOK! ALAM KONG DI PA NAKAKALAYO 'YUN!" matigas na sabi nung lalaki.
"TERELL LUMABAS KANA DIYAN ALAM KONG NANDIYAN KA LANG!!!!"
Ano bang kailangan nila dito sa lalaking' to?
"stay here," may awtoridad na sabi niya, tumango ako. At tuluyan siyang lumabas. Di ko sila nakikita pero naririnig ko sila.
"HAYOP KA!!," Napapikit ako Pinigilan kong sumigaw at naghihintay sa susunod na mangyayari.
Nang biglang umaalingawngaw ang sirena ng sasakyan ng pulis.
"boss, may pulis na paparating!" sabi ng isa sa kasamahan nila.
"DI PA TAYO TAPOS!" at tanging bakas ng pagtakbo nalang nila ang huli kong narinig, Mukhang wala na sila.
Agad naman akong sumilip para makumpirma. Agad bumungad ang mukha niya. Nagulat ako. Nagtama ang paningin namin at naaninag ko na naman ang malalim niyang tingin.
"Anong ginagawa mo?" Seryoso niyang tanong. At tuluyan akong lumabas sa pinagtataguan ko.
"Wala na ba sila?" Lumingon lingon pa ko sa paligid.
"Hm." Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig. At binaling sakanya ang tingin ko na nasa akin din ang tingin. Malalim ang kanyang titig. Nang bigla siyang nagsalita "Ba't mo ginawa 'yun?"
"Baka kung anong isipin nila na duwag ako at di ko sila kayang labanan, pinahamak mo pa ko." dagdag pa niya. Umawang ang bibig ko. Namangha naman ako sa salitang lumabas sa bibig niya. At talagang iniisip pa niya talaga ang sasabihin ng iba sakanya ha.
"Pasalamat ka nga at tinulungan pa kita," umismid ako
"Psh, I don't need your help," muling nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. At humakbang na siya palayo habang ang dalawang kamay nakapamulsa.
"Wow, Thank you ha? Niligtas mo ko!" sarkastikong pahabol ko sakanya. Di na siya muling lumingon. Bwiset. Nagkamali yata ako ng taong tinulungan. Tinawag pa kong panget. Akala mo naman sobrang kagwapuhan. Che!
Pinulot ko ang kaninang dala ko. Di ko namalayan nabutas na pala ang paper bag na pinaglagyan ng pagkaing dala ko.
Nang may mapansin ako sa di kalayuan na kumikinang, nilapitan ko ito at kinuha.
Isang kwentas?
AXELL' S POV
Ugh! this day is really tiring, I didn't want to tell to my parents na may kaaway ako dahil sa isang babae. Damn those guys. Kasalanan ko bang masyado akong gwapo at pati girlfriend nila sakin lumalapit?
Kababalik ko lang ng pilipinas ito na agad bumungad sakin. Lumapit ako sa salamin para tignan ang mukha.
"Muntik ng mabangasan ang gwapo kong mukha tsk!"
I messed my hair, hinubad ang top ko at humilata sa kama. Naramdaman ko agad ang hagod at sarap ng unan sa lambot nito.
I close my eyes and place my hand to cover them. Gumapang ang kamay sa leeg para kapain ang kwentas. Napabalikwas ako ng bangon nang nagpatantong wala na ito sa leeg ko.
"Damn, my necklace!" napapikit ako at inaalala kung saan ko ba nga ito nahulog, naalala ko baka kaninang paghila ng kwelyuhan ko ng brixx na 'yon at nahulog sa inis ko ginulo ko ang buhok ko. I grab my keys at nagmamadali akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.
"Oh terell, 'san ang punta mo? gabi na!"
"Manang may hahanapin lang ako, babalik po ako kaagad!"
"Mag-ingat ka!" dinig kong habol pa ni manang. Kaagad akong sumakay at hinarurot ang motorbike patungo sa kaninang lugar kung 'san nangyari yung g**o.
Nang makarating ako kaagad akong nagsimulang maghanap, binuksan ko ang flashlight sa cellphone ko. Sinuyod ko ang lugar na sakaling 'san ito nalaglag.
Damn, masyado ng madilim kaya pahirapan akong maghanap. Dumaan na ang ilang oras sa paghahanap ko pero wala akong nakita ni isang bakas ng kwentas.
Napaupo ako at hinilamos ang kamay sa mukha at ginulo ang buhok. Damn, di 'yun pwede mawala.
MADDIELAINE'S POV
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto at humilata sa kama. Nakatitig sa kisame ng kwarto ko.
Di ma process ng utak ko ang pangyayari ngayong gabi. Lalo na nung sinabi nung lalaking 'yon kumalat tuloy ang inis ko sa buong katawan. Ang kapal talaga.
Dinukot ko sa bulsa ko ang kaninang kwentas na napulot ko, hinawakan ko ito sa kamay at pinagmasdang mabuti. Gold na kwentas ito at mukhang mamahalin, may dalawang maliit na singsing ang pinagdikit rito ang pendant nito.
Kanino kaya 'to? Sigurado akong mamahalin ang kwentas na ito. Napaka swerteng nilalang ko naman at ako pa ang nakapulot nito. Bumangon at lumipat sa study table ko, nilagay sa gilid ang kwentas binuksan ang laptop at nagresearch tungkol sa kwentas na'to. Kating kati akong malaman ang halaga nito.
Sa kalagitaan ng pagre-research ko nalaman kong isa itong personalized necklace at gawa sa 18k GOLD. Nagpatuloy ako sa pag-scroll para makita ang kabuoang detalye. Muntik nakong malaglag sa kinauupuan ko nang makita ko ang halaga ng kwentas.
$1950
IBIG SABIHIN MAHIGIT 100,000 ANG HALAGA NG KWENTAS NA'TO?!?!?!?
Omayghad.