Prologue: my rich seatmate has a crush on me (TAGALOG)
Nagising bigla si Alex at tinignan kung anong oras na
"9:50 am na pala 10:30 umpisa ng klase namin unang araw ko pa lang late na." Ika nya
Nagmadali nang bumaba si Alex para kumain at magbihis
sya lang mag isa sa bahay nila nung oras na iyon dahil nasa trabaho ang kanyang mga magulang.Ang kanyang ama ay nagtratrabaho bilang construction worker at ang nanay naman nya ay isang kasambahay sa ibang bansa.
Mahirap lamang si Alex pero nakapasok sya sa magandang paaralan dahil sa kanyang sipag at tiyaga sa pag aaral.
At nang matapos na sya kumain at maligo agad syang magbihis at umalis sa bahay para pumasok sa paaralan.
At makapunta na nga si Alex sa kaniyang pinag aaralan
"ito na ba yon?,wow!,anlaki at ang ganda ng paaralan na to,mayayaman siguro mga nag aaral dto" Sabi nya sa kanyang sarili.
Pumasok na si Alex sa loob ng paaralan at pumasok sa kanilang room.pag pasok nya sa kanilang room madaming nakatingin sa kanyang mga mayayamang mag aaral doon at pinag uusapan sya
"Omg,sino sya don't tell me kaklase natin sya."
sabi ng mga nagbubulungan nyang kaklase.hindi na lang nya pinansin ito at agad na umupo.
Laking gulat nya ng may pumasok na magandang mag aaral sa kanilang room
"sya ba si Miya,yung pinaka matalino at sikat dto sa paaralan na ito? oo sya nga." dinig nya sa mga lalaking naguusap sa kanyang likod.
Umupo si Miya sa tabi ni Alex,tahimik lang si Miya at yumuko sa desk. kinausap ito ni Alex
"H-Hi,ako pala si Alex" ngunit hindi ito pinansin ni Miya.
"yabang naman nito." bulong ni Alex sa sarili nya.Pumasok na sa kanilang room ang kanilang prof.
"good morning prof.." sabay sabay na sinabi ng mga mag aaral.
"okay guys ako nga pala si prof.Ace." sabi ng prof sa kaniyang mag aaral.
At nag turo na nga si prof.Ace sa kalagitnaan ng pagtuturo ni prof.Ace ay may biglang nagbato ng lukot na papel mula sa kaniyang likuran agad syang napatingin at nakita nya ang nambato sa kanya na si Lexus isang mayabang,mayaman at sikat na mag aaral
"ano,papalag ka." pabulong na sinabi kay Alex.
Ngunit hindi sya pinansin ni Alex at pinabayaan na lang.