Viral Girl

1424 Words
"Tignan mo anak ni Rosario, ang landi talaga!" " Laspag na Yan!" " Maraming lalaki iyan.. di na iyan ga- graduate ng highschool buntis na iyan" Iyan ang mga naririnig ni KZ na labing walong taon gulang na. Nasa senior high na at malapit ng ga-graduate kaya lang ay dalaga at maraming mga kabarkada kaya nadadamay sa mga gawain na Hindi naman nya ginagawa. Naglalakad sya para pumunta ng eskwelahan ng nakaporma. Napaka seksi nito kahit na naka jeans at tshirts na fits na fits sa kanya. Dahil sa hubog ng kanyang katawan at may lahing Amerikano. Kapag aalis o babalik sa kanyang Bahay ay palagi nyang madadaanan ang tambayan ng mga Marites.Kaya sanay na sya sa kanila na ito ang Bida sa lahat ng kanilang tsismisan. Mahirap lang si KZ ngunit may pangarap din ito. Kahit na marami syang kaibigang ay di rin ito sumasama sa mga gawain na masasama. Kaya kapag sya nalang ang nag- iisa ay palagi syang nag ti- t****k para maibsan ang pagkainisp nya at duon narin sya natutong sumayaw sa pag ti tictok nito. Kung minsan kung ano ang trending video. Kasi iyan lamang ang paraan nya para mapansin din sya ng kanyang ama na isang Amerikano dahil bata pa ito ay iniwan na sila ng kanyang Ina. Ang kanyang Ina na si Karen ay Isang GRO noon kaya doon nya nakilala ang ama ni KZ. Alam lahat iyun ni KZ dahil walang nililihik ang kanyang Ina sa mga ganyang bagay. Ngayong ay Isa ng labandera ang kanyang Nay Karen at iyun ang sumosuporta sa kanila. Bata palang si KZ ay palagi syang sinasabihan na putok sa buho o napulot ka lang ng Nanay mo sa basurahan at marami pang iba. Na panglalait nila kay KZ kaya lang ay matapang at maunawain si KZ dahil narin sa kanyang Ina na laging sumosuporta sa kanya. Kaya nun mag senior high sya ay na supresa sa bigay sa kanya ng kanyang Ina dahil binigyan sya nito ng cellphone na Hindi naman nya hinihingi sa Ina. Dahil alam nya ang hirap nito para lang makabili ng kanilang pagkain at sa pang araw-araw na kailangan. Kaya ng dumating sya sa eskwelahan ay nakita sya ng kanyang kabarkada at isinama na pupunta sa fiesta sa kabilang barangay. " Oh, ano na ang desisyun mo KZ? Tanong nila dito. " Pass... Muna ako. Diba may test tayo Kay Miss Celine." Sabi nito sa kanila. " Ano ka ba.. palagi nalang may Test iyan si Ma'am Celine sa atin.." Sabi nila at nakapamaywang. " Sige na nga... Palagi naman hindi ka sumasama sa amin.." Sabi nito at tinawag nya ang mga kasamahan para umalis na at pumunta sa kabilang barangay. Naiwan na si KZ at pumasok na sa klase at nanduon na si Ma'am Celine na nagbibigay ng exam. Na late sya ng kaunti dahil sa kinakausap sya ng kanyang mga kaibigan. Kaya ng matapos na ang kanilang klase ay umuwi na sya. Nadaanan na naman nya ang tambayan ng mga Marites at sya naman ang pinag-uusapan nang mga ito. Kaya pumasok na sya sa Bahay at naglinis na. Nagsaing sya at naghugas ng pinggan. Meron pa naman silang ulam kaya hindi na sya nagluto para sa kanilang hapunan. Nang may libre na syang oras ay nag ti t****k sya. Mga ilang Segundo lang ay dumating ang kanyang Ina na may bitbit na mga prutas. "Nay, " Sabi nito at nag mano sa kanyang Ina. " Anak, Sabi daw ni Ma'am Marissa.. nakikita nya daw ikaw sa t****k ang galing mo daw.. sumayaw anak!" Sabi ng kanyang Nanay. Natawa lang si KZ at natutuwa narin sa pagbibigay puri sa kanyang mga sayaw. "Nay, kain na po tayo!" Sabi nya at nilagay na nya ang mga prutas na dala ng kanyang Ina. Kumain na silang mag-ina na masaya habang pinag-uusapan ang mga sinabi ng amo ng kanyang Nanay. Kinabukasan habang naglalakad sya ay naririnig naman nya ang mga pinag-uusapan ng mga Marites. " Ay, grabi Mari.. " sya na!" " Talaga mare, ang landi nya talaga.." Pinagwalang bahala na lang nya ang mga sinasabi nila dito sa kanya. Kaya habang sya ay naglalakad patungo sa paaralan ay may mga taong nagpapakuha sa kanya ng litrato at sinasabihan na " love KZ." Iyun ang kanyang account sa t****k. Di sya makapaniwala na may mga tao na ang nagpapapicture sa kanya. Kaya ng pumasok sya sa eskwelahan ay may mga batang nagpapapicture sa kanya. Ang mga barkada nya ay nasa tabi lang at nanunuod lang sa kanya. Nang matapos na ay lumapit sya sa kanila. " Oy, sikat kana!" Sabi nila dito. " Di rin ako makapaniwala.." Sabi nito. " Girl kung sikat kana.. wag mo kaming kalimutan ha!" Sabi nito na may kasama pang pagbabanta. " Hahahahaha, ano ba kayo.. eh.. dito lang sa atin ang mga nakakilala sa akin no!" Sabi nito at pumasok na sila sa klase. Pati rin ang kanilang teacher ay nagpa picture sa kanya. Kaya buong araw s'yang masaya dahil na appreciate na ng tao ang isang kagaya nya. Di tulad sa kanyang mga kapitbahay na palagi syang pinag tsi tsismisan. Kaya ng umuwi sya sa kanilang bahay ay nabigla sya dahil ang mga Marites na palagi syang pinag ma marites ay nag pa picture sa kanya. Nang matapos na ay pumasok na sya sa Bahay at binuksan ang kanyang t****k dahil nakiki wifi lang sya sa kanyang kapitbahay na ang anak ay Isa sa kanyang kabarkada kaya naka connect sya. Nakita nya'ng wrong password na Ang wifi sa kanyang kapitbahay. Kaya kumuha na lamang sya ng pera sa kanyang alkansya at nag pa load para makita nya ang kanyang t****k account. Nakita nya'ng may Isang video na naka 1m views dahil sa kanyang sayaw at ang Isa ay 5ook views dahil sa paghahanap nya sa kanyang amang Amerikano. Naiiyak sya sa mga comments nila sa kanya. Kaya ng umuwi ang nanay nito ay niyakap sya nito ng kanyang Ina dahil alam ng kanyang Ina na sikat na Ang kanyang anak dahil ang kanyang boss ay nagsabi nito na ang kanyang anak ay sikat na. Ilang araw din ay palagi na syang sinusundan ng mga tao at nagpapa picture sa kanya. Nung una ay di sya sanay pero ng lumaon na ay nasanayan narin nya ang mga ito. At Isang araw ay na sorpresa sya dahil may natanggap syang mensahi sa isang bigatin na palabas sa tv at sya ang i feature nila. Kaya nag pa unlak sila ng kanyang Ina at marami mga tanong ang tinanong sa kanya hanggang sa mapunta sa kanyang ama na isang Amerikano at kung paano nalaman nito kung nasaan na ito. Nagulat din sya dahil may pinakita sila sa kanya sa laptop at biglang lumitaw ang kanyang ama na humihingi ng patawad sa kanya dahil sa pag- Iwan nito. Sa loob ng kwarto ay lahat ng nanduon ay naluha sa pangyayari na nakausap na nya ang kanyang ama. Nang matapos na ang kanilang interview ay nagbigay sila sa kanya ng uportunity na mag guests sa iba pang mga show. Kaya mas lalung natuwa ang mag- iina dahil sa offer sa kanila kaya tinanggap nila ito. Nang umuwi na sila sa kanilang bahay ay maraming nag- aabang sa kanila bahay. Ang mga kapitbahay nila ay nagkakarandapa na para lang mag pa picture sa kanya. Na noon ay lagi nya'ng naririnig sa kanila na Isa syang salot ng lipunan at walang mararating. Lumipas ang ilang buwan ay kumikita na rin si KZ ng dahil sa pag- t****k at nakalabas na sa ibang show. Naging sikat si KZ dahil narin sa maganda ang ugali nito at walang kaaway kaya marami ay na inspired sa kanya. Lalung-lalo na sa mga batang lumaking walang mga ama at naging inspiration sya ng mga ito. Natapos nya ang kanyang senior high school na may medalya. Kahit na busy sya sa pagta-trabaho upang mabigyan nya rin NY magandang buhay ang kanyang Ina. Dahil hindi sya nito pinabayaan kahit na iniwan sila ng kanyang ama. Dumaan ang ilang taon ay Isa na syang tangyag na artista at mayroon na syang sariling Bahay at lupa. Masayang namuhay ang kanyang Ina at nabibili na nya ang mga pangangailangan nito at hindi na nya kailangang pang maki connect ng wifi sa kapitbahay na kapag nalaman nilang sumisikat kana ay tsaka ka nila pipigilan. Pero kahit ganoong ay hindi parin ito nagbigay sa kanya ng hinanakit at palagi syang pumupunta sa dati nilang Bahay at nagpapakain sa kanila at nagbibigay din ng pera sa kanila bilang pasalamat. The end.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD