Meron mag- Lolo ang nakatira sa bundok kung saan panahon ng taglamig at wala silang perang pangbili ng kahit anong makakain o posporo.
Tanging ang apo nyang si Basilio ang gumagawa ng lahat na mga gawain pang bahay.
Dahil naka higa lamang ang may sakit nyang Lolo sa higaan. Naaawa si Basilio sa kanyang Lolo Ibarra dahil nilalamig ito at nagkakasakit na.
Yumakap na lamang si Basilio sa kanyang Lolo.
" Lolo, wag nyo po akong iwan.. ha!.. ang naiiyak na sambit ng bata sa kanyang Lolo Ibarra.
" Apo.. nilalamig na talaga ako!" Sabi nito.
Wala kasi silang perang pangbili ng posporo o para makagawa ng apoy at umiinit ang kabuong ng kanilang bahay.
Meron din silang kapitbahay na si Maria kaya lang ay madamot at walang tinutulungan kahit na mayaman Ito.
Tanging tubig lang ng nasa balon ang kanilang iniinom na maglolo.
Umiiyak na ang maglolo habang magkayakap.
Nang biglang may nararamdaman silang mainit na nagmumula sa lamesa.
Tinignan ni Basilio ang lamesa at nakita nya ang isang lumang Takure na may lumalabas na usok.
Kaya hinawakan iyun ni Basilio at nabigla sya dahil mainit ang lamang ng takure kahit walang apoy na nagbibigay ng init.
Natuwa ang bata kaya lumundag- lundag Ito at tumatawa pa dahil sa saya na kanyang nararamdaman.
" Lolo... Meron tayong mainit na tubig!" Ang masaya nyang sabi nya sa kanyang Lolo na nakahiga at umiiyak habang nakatingin sa kanya.
" Salamat panginoon at binigyan nyo kami ng mainit na tubig!" Ang sabi ng matanda habang umiiyak.
Kaya dali- dali naman pumunta si Basilio at kumuha ng baso para isalin ang mainit na tubig sa baso.
Habang isinasalin nya ang lamang ng takure sa baso ay bigla itong naging tsukolate.
Nabigla ulit si Basilio.
" Lolo.. tignan nyo po ang laman ng baso naging tsokolate ang laman nya." Sabi nya at dinala ang baso sa kanyang Lolo para makita ang lamang nito.
Tinikman ng kaunti ni Lolo Ibarra ang lamang ng baso at bigla nalang umiiyak ng malakas ang matanda.
" Panginoon.... Salamat sa inyong kabaitan.." Sabi nito at iniinom ang laman ng baso.
" Apo.. kunin mo ang baso at inumim ang laman nito." Sabi nya at ibinigay ang baso sa kanyang apo na may laman tsukolate.
Ininom nga ni Basilio ang laman ng baso at nasarapan kaya naubos nya ang laman nito.
Nang biglang may maliwanag na sikat nang araw sa loob ng kanilang bahay.
Kaya napapikit sila at maya- maya ay naging isang Fairy ang lumang takure.
Ngumiti Ito at nagsalita sa kanila.
" Ako si Fairytuke isang Fairy na nagbibigay ng mainit na tsukolate sa mga taong na ngangailangan.
Kaya ngayon ay nandito ako sa inyo upang tulungan kayo ng walang hinihingin kapalit. Ang nais ko lang ay magbahagi kayo sa ibang tao na nangangailangan din." Sabi nito.
" Oo, nangangako kami sa inyo na tutulong kami sa mga taong nangangailangan din.." Sabi ni Lolo Ibarra.
" Ang sasabihin nyo lang ay tsukolate ay kusa na itong lalabas sa loob at isasalin nyo iyo sa lalagyan. Kung gusto nyo itong tumigil ay sasabihin nyo na lang ay tubig at kusa na itong titigil. "
" Maraming salamat... Takure sa inyong kabaitan sa amin ng akong apo.
Pagkatapos ay bumalik ang fairy sa kanyang pagiging takure at naging isang makinang at kulay ginto ang takure.
Kaya natuwa ang maglolo di nga nagtagal ay lumakas na ang matanda.
Dahil sa tulong ng takure sa pagbibigay ng mainit na tsokolate sa kanila.
Kaya ng malakas na si Lolo Ibarra ay nagsimula na sila ng kanya apo na magbigay ng mainit na tsokolate sa kanilang mga kapitbahay.
Noon una ay masaya ang kanilang pagbibigay ng may magbigay sa kanila ng pagkain at tinanggap iyun ni Lolo Ibarra.
Nang umuwi sila sa kanilang bahay ay masaya ang maglolo dahil sa pagkain na ibinigay ng kanilang mga kapitbahay
Hanggang may kapitbahay sila na mayaman at nakikita nila na maraming dala ang maglolo sa tuwing uuwi ito.
Meron manok, prutas, bigas at kung ano- ano pa.
Kaya tinawag ni Doña Maria si Tyaigo na kanyang alalay para sundin ang maglolo at alamin ang kanilang kinukuhaan ng mainit na tsokolate at pinabibigay sa mga tao.
Kaya sinundun iyun ni Tyaigo sa bahay ng maglolo.
Nakita nyang masayang kumakain ang maglolo sa lamesa na puno ng mga pagkain.
" Lolo.. ang sarap po talaga ng mga prutas. Sabi ni Basilio sa kanyang Lolo Ibarra.
Kaya ngumiti lang ang kanyang Lolo habang patuloy na kumakain ng kanilang mga dalang pagkain.
Nang biglang nabulunan si Ibarra at nagsalita Ito ng..
" Tsokolate... At bigla na lang umapaw ang laman ng takuke.
Na kinabigla ni Tyaigo sa kanyang nasaksihan sa loob ng tahanan ng Maglolo.
Kaya agad itong bumalik kay Maria para sabihin ang kanyang nasaksihan sa bahay ng maglolo.
"Sinasabi ko nga eh.. meron talagang may kakaibang nangyayari sa loob ng bahay ni Basilio!" Sabi ni Maria.
" Kunin mo ang ang kanilang takure at dalhin dito!" Utos nya kay Tyaigo.
Kaya napatango na lamang ang kanyang alalay.
Nang gumabi na ay nagtungo na si Tyaigo sa likod nang bahay ng maglolo at doon nagtago.
Naghihintay na makatulog na ang maglolo sa kanilang maliit na papag.
Nang makita nyang patay na ang ilaw Ng kanilang lampara ay ngumingiti pa habang nagiisip na kung papaano nya papasukin ang maliit na dampa nang maglolo.
Nang maya- maya pa ay nararamdaman na nyang tulog na ang lahat kaya nagsimula na syang kumilos.
Maingat syang naglakad at pumunta sa pinto at binuksan Ito ng walang kahirap- hirap.
Pumasok ito sa loob ng bahay at hinanap ang takure na nasa lamesa kahit na walang ilaw ay naaninag nya Ito dahil sa kinang ng takure.
Kaya hinawakan na nya Ito at umalis na sa bahay ng maglolo.
Bumalik sya sa bahay ni Maria at dala na nya ang mahiwagang takure.
" Ito na ba ang sinasabi mo Tyaigo?" Tanong nito at hinawakan ang takure na kumikinang pa.
" Hahhahaa.. ginto Ito!.. tignan mo." Sabi nya at sabay itinaas ang takure na kumikinang ang buong katawan.
" Ano ang gagawin natin para lumabas ang tsokolate?" Tanong ni Maria Kay Tyaigo.
" Tsukolate.. lang po ang sabihin nyo at kusa na itong lalabas... " Pagkaaabi nyan ng tsukolate ay biglang lumabas ang tsukolate sa takure.
Na agad sinalo ni Maria at napaso Ito dahil sa init.
" Arghhhhhhhh!" Mainit..." Sabi nito.
Kaya dali-dali itong kumuha ng malaking palanggana at sinalo ang laman ng takure.
" Ipagbibili natin ang laman ng takure para maperahan natin!" Sabi nya sabay tawa at malakas rin nakitawa si Tyaigo na bigla na lang umasim ang mukha ni Maria at tumitig ng masama kay Tyaigo.
Kaya tumahimik na lamang Ito.
Kinubukasan ay maaga palang ay nagbebenta na sila ng tsokolate sa kanilang lugar dahil sa malamig ang panahon.
Kaya maraming mga tao ang pumila para makatikim ng mainit na tsokolate sa kanila.
Kaya ng maubos na ang pila ng mga tao at lahat ay may mainit na tsokolate ng hawak.
Nang bigla nalang silang nagsisisgaw at tinapon ang hawak nilang baso na may laman tsokolate.
Kaya nabigla nalang si Maria kung bakit bigla na lang tinapon ang mga baso.
Nang maya-maya ay may lumalabas na mga uud sa baso.
Kaya nagsisigaw silang lahat at kinunpronta si Maria at si Tyaigo na ibalik ang pera nila.
Napakamot ng ulo si Maria habang nalilito kung bakit nagkaganoon ang nanyari sa tsokolate na ibinenta nila sa mga tao.
Kaya ng umuwi sila ay nagalit sya at itinapon ang takure sa sahig.
Nang biglang lumiwanag ang kabuong ng takure at naging Fairy Ito.
" Dahil sa iyung kasakiman ay magiging takure kayong dalawa habang buhay at magbibigay ng mainit na tsukolate sa mga tao." Pagkasabi nito ay inihampas nya ang kanyang magical wand at naging takure na ang dalawang taong sakim sa yaman.
Bumalik ang fairy sa bahay ng mag Lolo at may dala itong dalawang takure na kulay itim at ibininigay Ito.
" Kunin nyo itong dalawang takure at magbibigay din Ito ng mainit na tsokolate sa mga taong humihingi ng tsokolate" at ibinigay na nga ang takure.
" Sa bawat taong nabibigyan nyo ng tsokolate ay magliliwanag ang mga iyan at magiging ginto." Sabi pa nito sa maglolo.
" Sana ay hindi magbago ang mga ugali ninyo at patuloy lang sa pagtulong sa mga tao, Dahil balang araw ay magiging matiwasay ang inyong pamumuhay." Pagkatapos ng sabihin ay nawala na ang fairy at naiwan ang dalawang itim na takure sa lamesa.
Kaya ng mag- uumaga na ay nagsimula na sila sa pagbibigay ng mainit na tsokolate sa kanilang kapwa.
Binibigyan sila ng kung ano- ano para sa kanilang kaibaitan.
Kahit ayaw naman nilang tanggapin ay mapilit ang mga tao sa pagpapasalamat sa kanila.
Hanggang sa nawala na ang panahon ng taglamig at naging maganda na ang panahon kaya nagsimula na ang kanilang pananim.
Nagkaroon sila ng mga kaibigan at tinutulungan din sila sa panahon ng kagipitan.
Nagdaan ang ilang taon ang takure ay patuloy na nagbibigay ng mainit na tsokolate sa kanila.
Naging maganda ang buhay nilang maglolo at unti-unting nawala na ang kulay itim ng takure at nagiging ginto na Ito. Nang tuluyan ng nawala ang itim nitong kulay ay nagpakita muli si Fairytuke.
"Salamat... Fairytuke sa lahat ng tulong mo... Naging ginto na ang takure.." Sabi ni Lolo Ibarra.
" Ibabalik ko na po sila sa dati nilang anyo, Lolo Ibarra at kapag meron silang maling nagawa ay kusang babalik sila sa pagiging takure at babalik dito sa inyo!"
" Maraming salamat muli!" At nawala na si Fairytuke.
Unti-unting nagbago ang buhay ng maglolo binayayaan sila ng mababait na mga kapitbahay na laging nandyan sa kanila at handa din tumulong sa panahon ng kagipitan.
The end.