One day Millionaire

2146 Words
One Shot Story * Fiction * ? Please don't forget to add, follow, like and share. ✍️Tumatakbo si Mang Ben sa isang Lotto outlet dahil baka hindi nya maabutan bukas. Kaka out lang nya sa trabaho bilang isang security guard sa isang mall. Buong araw syang nakatayo sa pintuan ng mall at nag che- check ng mga bag ng lahat ng tao na pumapasok o lalabas. Sa edad na 50 ay kalahati ng buhay nya ay Isa na syang security guard at kung saan- saan na sya naka destino. Bata palang sya ay ang ina na lamang ang nagpalaki sa kanya at kahit bata pa ay kung saan na sya nagtatrabaho para makapag- aral ng highschool. Kaya lang ay di sya natuloy sa college dahil wala silang pera ng kanyang Ina. May kakilala sya na nagtatrabaho din bilang security guard kaya sya nakapasok Agency at hanggang ngayon. Meron syang asawa at tatlong mga anak. Nasa highschool na ang lahat at di pa kasya ang kita nya sa pagiging security guard nya. Kaya ume- extra sya bilang tricycle driver kapag gabi. Ngayon ay masama pa ang panahon ng pumunta sya sa Lotto outlet at nakita nya na naglilinis na ang nagbabantay kaya nagbakasali sya na makataya pa. At pinagbigyan sya nagbabantay dahil may 10 minutes pa sya. Kaya nagpasalamat si Mang Ben sa kanya. Nang makataya na ay agad syang pumunta sa palengke at namili ng mga pagkain na kanyang pasalubong sa mga anak. Bumili sya ng saging at bigas. Nang dumating sya sa bahay ay agad na sinalubong sya ng kanyang mga anak na sina " Berlyan 16, Bryan 14, at si Benjie 13. "Pa.. anjan na si Papa!" Sigaw ni Benjie sa kanyang ama. " Pa.. " Sabay sabi ng tatlong bata. " Cecile!.. Ito ang bigas at saging." Sabi nya sabay bigay ng kanyang mga pinamili. " Pa, ang Sabi ni Mang Dado na sya muna ang magdadala ng tricycle ngayon gabi." Sabi ng kanyang asawa. " Ganoon ba!" Nahihinayang si Mang Ben dahil sayang ang kikitain nya sana sa pamamasada ngayon hapon dahil nakauwi sya ng maaga. " Oh! sya at pumasok na kayo sa bahay. " Sabi nya sa kanyang pamilya dahil lumabas silang lahat para salubungin. " Pa.. ang sabi po ni ma'am ay may award daw po ako" ang masayang balita ng kanyang bunsong anak. " Ganoong ba!" Abay magandang balita nga ang narinig ko ngayon!" Natatawang sabi nya sa kanyang anak. " Pa, ako din.. may sasabihin din po ako!" Sabi ni Benjie at pumunta sa kwarto ng kumuha ng test paper at pinakita ang perfect score nito. " Wow... Na perfect mo anak!" Sabi nya sabay kuha ng test paper at tinignan ng mabuti. " Ako din pa.. may papakita din ako sa inyo!" Pagkasabi nya ay pumasok sya sa kwarto at may dalang gitara. Umupo Ito at nagsimula ng mag gitara at kumanta Ito. " Wow!.. Anak, marunong kanang mag gitara. " Sabi nya at sabay yakap sa anak. " Maganda ang boses mo anak. Kaya ka namin binilhan ng nanay mo. Dahil may talent ka. Sa mga ganyan at ngayon marunong ka nang mag gitara. Nakaka proud ka anak!" Sabi nya sa anak na kahit malalaki na ay hindi sya nawawalang oras para iparamdam sa kanila na masaya sya sa mga achievement ng mga anak. Masaya silang nagkukwentuhan at tumawag ang kanyang asawa. " Ben... Kain na tayo! mga anak.. halika na kayo at kumain na.." tawag ng kanyang asawa. Kaya lumapit silang lahat at umupo sa lamesa at nag dasal bago kumain. Masarap ang ulam nilang adobong baboy. Kaya naparami ang kain nilang lahat hanggang sa matapos na ang kain nila at tinulungan nilang maglinis ang kanilang ilaw ng tahanan. Nang matapos na ay umupo ang mag- ama at nanood ng tv. Dahil nga paborito nila ang palabas kaya silang apat ay tutok na tutok sa panonood. Hanggang sa matapos na ang kanilang pinapanood na magkasamang pamilya at masayang nagkukwentuhan. Kinubukasan ay maaga ng gumising si Mang Ben para pumasok sa kanyang trabaho at may pasok ang mga bata. Ang asawa nyang si Cecile ay maaga din gumigising para magluto ng agahan at babaunin ng kanyang mag- aama. Nasa trabaho na si Mang Ben buong araw syang nakatayo at nagbabantay ng mall. Kapag umuwi sya at pinupuntahan nya ang Lotto outlet bago umuwi sa kanila. Sa loob ng mahigit dalawang dekada nyang pagtatrabaho bilang security guard ay ganoon din ang kanyang pagtataya sa Lotto. Nang dumating sya sa kanyang bahay ay nasa sala ang kanyang mag- iina at masayang nagkukwentuhan. Pumasok sya at sinalubong ng kanyang mga anak. Ganoon lagi ang routine nila sa tuwing uuwi si Mang Ben ay sasalubugin sya ng kanyang mga anak. Nagbihis sya ng kanyang suot na damit at pupunta sa kanyang kapitbahay para mag pasada ng tricycle ni rerentahan nya lang ito. Nang makahiram sya ng motor ay namasada sya ng apat na oras kaya ng nasa tambayan sya ay nanonod sya ng Lotto winner sa tv na pinapalabas. Nang biglang napatayo sya dahil sa narinig nya ang kanyang winners number di pa nga sya nakagalaw dahil sa hindi sya makapaniwala na sya ang nanalo sa Lotto. Lumundag-lundag sya sa tuwa at umiiyak ng mapagtanto na sya nga ang nanalo kaya maraming mga tao ang nakapansin sa kanya. Kaya nilapitan sya at tinanong kung ano ang nanyari. Di sya nakapagsalita dahil sa iyak pero marami sa kanyang mga kasamahan na alam kung bakit ito umiiyak ay dahil sa Lotto. Nang mahismasan ay tinanong sya ng kanyang mga kasamahan at sinabi nya ang totoo sa kanila. Kaya nagsigawan ang mga kasamahan nya at humihingi na ng balato o di kayay humihingi na ng pakain sa kanila. Ngumingiti lang si Mang Ben sa mga kasamahan. Sa araw ng pagkuha nya ng kanyang panalo ay sya lang ang maswerting nanalo ng pera. Binigyan sya ng takip sa mukha para di makilala ng iba. Ngunit ng umuwi sya ay maraming tao na ang nag- aabang sa kanya. Kaya namigay sya ng pera sa kanila at nagpakain. Meron syang mga kakilala na nag-uudyok sa kanya na mag- invest sa kanila ng pera para mapalago pa nya ito. Buong araw ay puno ng tao ang kanilang bahay at ng sumunod na araw ay dinala nya ang kanyang pamilya sa isang malaking bahay. "Wow!... Bahay na natin to tay?" Tanong ng kanyang bunsong anak. "Oo, anak. Bahay na natin to!" Masayang sagot nya sa anak. "Napakalaking bahay naman po Ito!" Sabi naman ni Berlan. "Wow!... Tay meron pa tayong swimming pool!" Na e-excited na sabi ni Bryan dahil mahilog itong maligo sa ilog na nasa likod lang ng kanilang bahay. "Tayo na at pumasok na tayo sa ating malaking bahay!.." Masaya nyang sabi dahil sya mismo ay na - excited na para sa kanyang pamilya na maranasan ang maginhawang pamumuhay. Nang buksan nya ang malaking pinto ng bahay ay nag- uunahan na ang mga bata sa pagpasok sa loob ng bahay. Tumakbo sila sa kung saan- saan at nagsisigaw sa tuwa dahil ang bahay na pinapangarap lang nila ay kanila na at natupad ng dahil sa nanalo ang kanilang tatay sa Lotto. Ilang araw na nakatira sila sa malaking bahay at unti-unting nagbago ang kanilang mga ugali at gawain. Di na nagkakausap ang pamilya dahil bawat isa ay may kwarto na at meron silang malalaking tv sa bawat kwarto kaya hindi na sila nanonod ng tv sa sala na magkakasama. At kung sa hapagkainan ay nagpapadala na lang ang mga bata ng pagkain dahil busy sila sa laro ng kanilang online games. Ang asawa naman ni Mang Ben ay palagi naman itong nasa mall at bumibili ng kung anu-ano. Lahat ng usong damit at sapatos ay meron sya. Palagi din itong nasa party ng mga socialites. Si Mang Ben naman ay maraming kuma kaibigan sa kanya at sinasali sa casino at kung saan sugalan na malalaki ang taya. Sa isang araw ay isa o dalawang million ang natatalo nito. Nahiligan nya din ang bumili ng mga sasakyan na mamahalin dahil sa mga kaibigan na nag- uudyok sa kanya na bumili. Kapag nagkikita ang pamilya ay di nagkaka- usap dahil tutok sa kanilang mga cellphone. O di kaya'y di na sila nagkikita dahil sa laki ng bahay. Araw- araw ay may handaan sila sa kanilang bahay at maraming tao ang pumupunta at humihingi din sa kanila ng pera. Nang nanalo si Mang Ben ay hindi na ito nagtatrabaho pa at palagi syang hinihikayat ng mga kaibigan nya na mag invest kaya lang ay palahing nalulugi ang mga negosyo na kanyang ini invest. Kaya walang perang pumapasok sa kanya kundi labas lang ng labas ang pera. Lumipas ang dalawang taon ay unti-unting naubos ang perang kanilang pinanalunan. Isang araw ay nagkasakit ang bunso nyang anak. Kaya dinala nila ito sa hospital at nalamang na may sakit Ito. Isang mahabang pagamutan ay kinakailangan nila. Nang tignan nila ang perang nasa kanila ay hindi sila makapaniwala dahil ilang million na lang ang natitira sa kanila. Sa loob ng ilang taon gamutan ay ilang million din ang naubos nila para sa gamutan ni Benjie. Dahil nga walang negosyo o perang bumabalik sa kanila ay malapit ng maubos ang perang kanilang pinalunan sa Lotto. Nang gumaling na si Benjie ay nagsakit naman si Mang Ben dahil isang rare na sakit na hindi pa alam kung ano Ito. Kaya marami na silang pinuntahan mga albularyo sa kung saan lupalok ng Pilipinas. Naka punta na sila sa lugar ng mga magagaling na mag babarang o manggagamot. Ngunit hindi nila Ito mapagaling. Isang million na lang ang natitira sa kanila at di pa gumagaling si Mang Ben. Nakahiga na lamang Ito at di makagalaw dahil sa kanyang karamdaman. Nang malaman nilang isa palang sakit na may matagalan na gamutan ay kalahati na lamang ang natitira sa kanila. Kaya di nagtagal ay binenta na nila ang kanilang mga gamit para sa medication ni Mang Ben. Lahat ng mga sasakyan ay naibenta na at tanging bahay na lamang na malaki ang natitira sa kanila. Nang magsimula na silang maghirap ay unti- unti din nawala ang mga taong palaging naaambunan ng perang pinalunan. Naibenta na nila ang ang kanilang bahay dahil sa gamutan ni Mang Ben. Di na nakapag- aral ang mga bata dahil hindi nahihiya sila. Nasa private na kasi sila nag- aaral at hindi na nila kaya pang bayaran ang mga utang sa eskwelahan kaya nagsitigil na ang mga bata. Lumipat sila ng bahay at tanging isang kwarto lang ang kaya nila kaya magkakasama silang nakahiga sa sahig at nag- uusap habang nag- iiyakan. " Dy, papaano na kami ngayon?" Naiiyak na tanong ni Cecile sa Asawa. " Daddy, saan na kami ngayon mag- aaral?" Tanong naman ni Benjie. " May.. sasabihin sana po ako sa inyong lahat.. Daddy, Mommy.." Sabi ni Berlan. " Si Alice po nabuntis ko po!" Ang naiiyak nyang sabi. Isang taon nyang girlfriend si Alice na anak ng mayaman negosyante. "At pilit na pinapalaglag ng kanyang pamilya ang baby namin." Ang naiiyak nyang sumbong sa kanyang ama. "Daddy!.. papaano na po kami ni Alice?" Patuloy parin itong umiiyak sa harap ng kanyang ama na hindi maka sagot at umiiyak na lamang. " P-ngin-on ko.. ito ba ang kapalit ng aking mga pinaggagawa.. mabuti naman ako sa iba... Di naman ako kuripot.. mapagbigay ako.. bakit ganito ang naging buhay ko?" Ang naiiyak nyang sigaw. Nag- iiyakan silang lahat. " Ben... Gising!, Gising!" Tawag sa kanya ng kanyang kasamahan tricycle driver na si Mang Dado. " Oh, pre.. asan ako?" Tanong nito kay Mang Dado. " Pre.. nakatulog ka sa tricycle.. ikaw na ang susunod.." Sabi nito at sabay turo sa mga pasahero na naghihintay sa kanya. "Napasarap ang tulog mo.. kaya di na kita ginising kaya ilang ulit na ang iba na maghatid ng mga pasahero." Sabi pa nito. (Ay, salamat at panaginip lang ang lahat ) napangiti na lamang si Mang Ben sa kanyang panaginip. Umuwi sya sa kanyang bahay at sinalubong sya ng kanyang pamilya na walang sakit at masayang nagsisigawan. Nakita sya ng mga Ito at tumatakbong yumakap. " Pa!.. na nanalo ka po ng lotto.. tignan nyo po." Sabi ni Berlan na sabay pakita ng kanyang lotto ticket. Dahil iniwan nya iyun sa lalagyan kaya nakita ng mga bata na nanalo sya ng lotto. " Mayaman na tayo... Pa! .. mayaman na tayo." Sigaw ng kanyang mga anak at Asawa. Napakamot na lamang ng ulo si Mang Ben dahil na nanalo nga sya ng pera. Natutuwa sya na nalulungkot at samot saring emotions ang kanyang nararamdaman na hindi nya maipaliwanag dahil sa kanyang panaginip na nanyari lang kanina. Dahil sa kanyang panaginip ay may nakuha syang aral na huwag agad mabuhay ng parang wala nang bukas o One Day Millionaire. Dahil madaling maubos ang pera kaya ngayon ay gagamitin nya ng tama para sa kanila. The end.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD