❤️Inspirational Story ❤️
? Please don't forget to add, follow, likes and share.
Panimula.
" Wow!..., Chocolate... paborito ko!...
" Oy, damit aking to!...."
" Sapatos!..."
" Bag, Make-up... "
"Salamat po, Tita Sheena!...."
Iyan ang mga naririnig ni Sheena habang nanonood ng live sa kanyang laptop sa ginagawang pagbubukas ng kanyang pamilya sa pilipinas sa kanyang Pinadalang Package mula sa Hongkong.
Isang OFW si Sheena sa bansang Hongkong.
Ilang taon na syang pabalik-palik dito.
At nakapagtayo na sya ng Bahay at nakabili ng lupa para sa kanyang mga magulang.
Malapit ng mag 35+ si Sheena dahil inubos nya ang kanyang oras sa pagta-trabaho sa ibang bansa.
Habang nakangiti ito at pinapanood ang mga masayang nanyayaring pagbubukas ng package sa kanyang Bahay ay may nakatagong lungkot at mapapait na karanasan bilang Isang OFW.
12 years ago.
Unang dating nya sa Bansang Hongkong ay napatulala na sya dahil sa hindi nya masyadong maintindihan ang mga sinasabi ng kanyang amo.
Dahil sa hindi sya nakapag-aral dahil sa mahirap lang ang kanyang pamilya.
Sa kanilang angkang ay sila lang ang mahirap na pamilya. Dahil ang kanyang mga magulang ay maagang nagpakasal at marami silang magkakapatid.
Kapag kaarawan ng kanilang mga pinsan o Tita ay pumupunta sila sa Bahay ng mga ito at naghuhugas ng mga pinggan nang pinagkainan ng mga bisita.
Ang kanilang mga kapitbahay ay palaging silang Ina - api dahil lang sa pag-aalaga ng manok, ang kanilang basura, mga tanim, agos ng tubig kanal, at ang daanan.
Kaya palagi silang pinagsasalitaan ng mga masasakit na salita nang kanilang mga Tita at pinsan na nakakaangat sa buhay.
"Mga manok nyo, ipasok nyo iyan sa loob ng bahay nyo.. wala kayong lupa na pwede nyo paglagyan nyang.."
" Tubig kanal nyo oh, pumupunta na sa amin!..."
"Basura nyo!, Wala na kaming madaanan?... Ipasaok nyo iyan sa loob ng Bahay nyo!...."
Iyan lagi ang sigaw sa kanila.
Kaya nakatatak na sa pag-iisip ni Sheena ang mga binitiwang salita ng asawa ng kanilang pinsan lalaki.
Nakapag- abroad kasi ang asawa ng kanilang pinsan lalaki at ng umuwi ay nagpatayo sila ng negosyong bigasan kaya nakapagtayo sila ng Bahay.
Kaya kahit na ang likod ng kanilang bahay ay binili nila at binakuran kaya kahit basura ay pinagkakainitan ng babae.
Dahil ang Bahay nina Sheena ay maliit lang at iyun ang lupa na kanilang pinaghahatian ng pamilya ng kanilang Tatay.
Minsan nagkasagutan ang kanilang nanay sa asawa ng kanyang pamangkin na lalaki dahil sa pag- aapi nito.
Walang respito ang babae sa kanyang Tita na noon panahon na buhay ang mga Lolo at Lola na nagmamayari ng lupa ay ang kanilang Nanay ang palaging tinatawag at hinihingang ng tulong dahil nga may sakit ang mga ito.
At ng dumating ang babae na asawa ng kanilang pinsan lalaki ay galing din sa mahirap na pamilya na nakapag- asawa sa may kaya nilang pinsan lalaki.
At nag- abroad ito.
Hanggang sa umuwi ito at nakapagpatayo ng negosyo.
Kaya tumatak sa isip ni Sheena na kailangan nyang maging mayaman at tumulong sa kanyang pamilya dahil sa karanasan nilang di maganda sa kanilang mga angkan.
Kaya ng minsan ay may dumating na pagkakataon na may kaibigan syang magtatrabaho sa Hongkong at gusto syang isama dahil sa matagal na nila itong pinagplanuhan.
Kaya sumangayon sya para guminhawa ang pamumuhay ng kanyang pamilya.
Marami silang ginawa para lang makapunta sa Hongkong si Sheena.
Kaya nang dumating sya sa Hongkong ay dinala na sya sa kanyang among intsik.
Meron itong dalawang anak na malilit pa kaya makukulit at di sila magkaintindihan ng kanyang among intsik.
Minsan inutusan sya nitong bumili ng mga pagkain ay di nya maintindihan ang mga naisulat.
Nasa harap na sya ng mga paninda at di nya alam kung ano ang pinapabili sa kanya. Kaya umiiyak lamang sya pero dahil ang mga Pinoy ay marami lalung-lalo na sa Hongkong.
Ay nakita sya ng mga kapwa nya pilipino at kina-usap sya nila ito.
" Naku, wag kang mahiyang nagtanong dito. Kapag nahihirapan ka dahil maraming mga pilipino dito nagtatrabaho. Di ka nila pababayaan!" Sabi ni Rose na matagal ng naninirahan sa Hongkong.
" Salamat po!..., At tinulungan nyo ako... Bagong dating lang po ako dito!..." Ang naiiyak nyang pasasalamat dito.
" Naku!, Wag ka ng umiiyak at marami ka pang haharapin pagsubok dito sa Hongkong!.. dapat lakasin mo ang loob mo, at maging matatag dahil malayo tayo sa ating lupang sinilangan!...." Payo nito sa kanya.
" Salamat po sa inyo!" Sabi ni Sheena.
Nang naka-uwi na ay nagluto na ito.
Ngunit habang sya ay nagluluto ay umiiyak ang bata sa kwarto kaya pinuntahan nya dahil nagising na.
Dahil ang dalawang anak ng kanyang amo ay Isang taong gulang at limang taong gulang.
Kaya kinarga nya at pinatahan ng may na- amoy syang nasusunog.
" Naku! Ang niluluto ko!..." Ang sigaw nya na bitbit ang bata sa kanyang braso.
Kaya dali-dali syang pumunta sa kusina Nakita nya na umaapoy ito.
Kaya nataranta sya kung ano ang kanyang gagawin.
Kaya lang ay may naalala sya na mga turo sa kanila kung paano patayin ang apoy.
Kaya kumuha sya ng basahan at binasa ng tubig at tinakip sa umaapoy na kalan.
At unti- until ngang namatay ang apoy.
Minsan inutusan sya ng kanyang amo na linisin ang mga bintana ay napakamot sya ng Ulo dahil papaano nya lilinis ang bintana kung nasa 45 na palapag sila nakatira.
Kaya kahit nakinakabahan sya ay kailangang nyang gawin iyun na linisin ang bintana.
Ang ginawa nya ay naghanap sya ng mahabang stick na lalagyan nya ng basahan para mapunasan lang ang labas ng bintana.
Kahit na natatakot sya ay wala syang magagawa dahil iyun ay utos sa kanya.
Marami pa syang pinagdaanan na parati lumuluha dahil sa takot at di pa alam ang gagawin.
Kaya ng magkaroon sya ng Day off ay pinuntahan nya ang kababayan na tumulong sa kanya ng una nyang dating sa Hongkong.
Nagkita sila sa parke kung saan marami pang mga pilipino ang mga nanduon at nagpapahinga rin.
Ipinakilala sya ng kanyang ate Rose sa mga kapwa pilipino na nanduon.
Meron bata na bago lang din na kagaya sa kanya at meron din matanda na matagal ng naninilbihan at pa balik-balik lang sa Bansang Hongkong.
" Mabait ba ang amo mo sa'yo?" tanong nito sa kanya.
" Mabait po ate!" Sagot nya kay Rose.
"Mabuti naman!.., dahil meron tayong kababayan na natagpuan sa kanyang kwarto na nakabigti na!.…." Sabi sa kanya ni Rose.
" Uhm, totoo ate!.." di sya makapaniwala sa narinig.
" Oo, dahil ang kanyang amo na babae ay palagi sya nitong binubugbog dahil nagseselos sa kababayan natin." Paliwanag nya.
" Kanina Umaga lang natagpuan ang bangkay nya!.., kaya iyan ang issues ngayon, kawawa ang kapwa nating pilipino, na kapag napunta ka sa masamang employer ay ganyang talaga abot mo..." Sabi pa nya.
"Kawawa naman!" Sagot nito.
"Alam mo ang buhay ng OFW ay napakahirap at dapat marunong kang makibagay sa lahat lalung-lalo na sa ibang lahi upang malagpasan mo ang mga pagsubok na dumating sa'yo!" Wika pa ng Isa...
Na sinangayunan naman ng lahat.
At nagkukwentuhan sa kanilang mga kinikita kung saan napunta.
"Ako nga matagal na akong nagtatrabaho dito sa Hongkong ang lahat ng kita ko ay ibinibigay ko sa mister ko. Kaya lang nalaman ko na may ibang babae pala ang mangloloko.!"
"Akalain mong lahat ng kita ko ay pinapadala ko sa kanya. Tapos nalaman ko nalang na ang mga anak ko pina pababayaan nya!" Dahil sa babae nya!"kwento ng isa sa mga babaeng nakapalibot sa kanila ni Rose at Sheena.
" Ang aking naman ang mga kapatid ko lahat ng gusto nila. Binibigay ko ngunit ng magkaanak ako at may asawa na ay hindi na buo ang binibigay ko sa kanila dahil may pamilya na ako, ngunit ako pa ang masama dahil daw madamot ako a kanila!" Kwento naman ng Isa.
" Ang sa aking naman ay pinagkatiwala ko ang pera ko sa kapatid ko na bibilhin nya ang lupa kung saan nakatayo ang Bahay!, Ngunit nalaman ko nalang na pinalayas ang mga magulang ko dahil binabawi ng may-ari ang lupa nya. Kaya tinanong ko sya kung saan ang pera na binibigay ko sa kanya iyun pala ay pinagsusugal nya!.…..' ang naiiyak na kwento ng isa.
" Mabuti lang pala ako sa inyo dahil nakabili na ako ng Bahay at lupa sa pilipinas dahil mabait ang mister ko at nakapagpatayo pa kami ng negosyo!..." Sabi ni Rose.
" Kaya nga baka ito na ang last ko na contract ko at di na ako babalik dito sa Hongkong!.." dagdag nya.
Nalungkot naman si Sheena dahil akala nya ay matagal pa nyang makakasama si ate Rose nya dito sa Hongkong.
"Talaga po, eh. Ilang buwan nalang po kayo dito?" Tanong nya.
" Dalawang buwan nalang.... Sheena.. at excited na akong umuwi dahil tatlong taong din di ako naka-uwi sa pilipinas..." Masayang sabi nito sa kanya na naging malungkot ang pagmumukha nya dahil iiwan sya ng kanyang Ate Rose.
" Ano ka ba, wag kang malungkot at e - injoy mo lang ang pagta-trabaho mo dito at di mo namamalayan na uuuwi ka na!" Payo nito sa kanya.
" Ma mi-miss ko po kayo..." Naiiyak nyang sabi.
" Ano ka ba matagal pa ang dalawang buwan!" Kaya nga kapag Day off mo ay lumabas ka at pumunta dito para may mga kaibigan ka na tutulong sa'yo.." dagdag pa nya.
" Mga amega kapag uuwi na ako ay sana wag nyong pababayaan si Sheena at tulungan nyo sya dito sa Hongkong...ay ipagpasalamat kong malaki sa inyo...." Sabi nya sa kanyang mga kaibigan.
" Syempre Dai, tayo- tayo na lang dito sa Bansang Hongkong na magkakabayan ay dapat tayo ay magtutulungan!..." Sagot ng mga kasama nito.
" Oh, see kita mo... May mga kaibigan ka dito kaya wag kang mag-alala kapag umuwi ako sa pilipinas ay magtatawagan parin naman tayo at magkikita sa pilipinas kung uuwi ka." Payo ni Rose kay Sheena.
Kaya tanging tango lamang ang ginawa ni Sheena kay Rose.
"Oh, kumain muna kayo at may dala ako ng adobong manok dito!" Masayang wika ni Rose sa mga kasamahan.
Masaya silang kumakain ng mga pagkain bitbit nila kapag sila ay nagsasama- samang magkakaibigan sa parke.
Nang matapos na ay nagsi-uwian din sila sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.
Makalipas ang dalawang buwan ay malapit ng umuwi si Rose kaya niyaya nya si Sheena na mamasyal at magpa-picture sa lugar na di pa nila napuntahan.
Masayang gumala ang magkaibigan.
"Sheena wag mong akong kalimutan kapag nasa pilipinas na ako!, Magtawagan tayo..." Sabi nya.
" Opo, Ate Rose!.." Masayang Sabi ni Sheena kay Rose.
"Sa Martess na ang uwi ko, Tara samahan mo akong bumili ng mga dadalhin ko sa pilipinas..." Sabi pa nito.
Kaya bumili Sila ng mga chocolate, mga bag, damit, sapatos at maraming pang iba. Nang matapos na ay nagsi-uwian na din silang dalawa.
Naka-uwi si Rose na sya lang mag-Isa dahil may trabaho pa si Sheena kaya hindi sila nagpaalam sa isat-isa.
Dumaan ang araw ay nasanayan na ni Sheena ang pamumuhay sa Hongkong at palagi din s'yang tumatawag sa kanyang pamilya.
" Nay, sabihin nyo po kay Mang Manual na bibilhin natin ang lupa at papatayuan ng Bahay!.. " Sabi nya habang nasa parke sila ng kanyang mga kasama.
" Opo, nay.. okay lang po ako dito.." Sabi pa nya.
"Miss na miss ko na kayo..." Ang huli nyang sabi at pinatay ang cellphone.
" She, tumawag ba sa'yo si Ate Rose!..." Tanong sa kanya ni Zyra.
"Di pa nga, kanina ko pa hinihintay ang tawag nya ate zy...."Sabi nya.
"Alam mo ba na may sakit si Ate Rose...., Kaya nga sya umuwi dahil magpapagamot sya..." Dagdag pa nya.
" Ahmmmm, ano po ang sakit nya? Natatakot sya para sa kaibigan na malaman ang sakit nito.
" Breast cancer daw.... Sabi nya sa akin... Kawawa nga eh.. kung kailan na magpapahinga na at i- enjoy ang buhay retirado ay ito pa ang nanyari sa kanya!" Naawa nito sabi sa kanya.
Umiiyak lamang si Sheena at gusto nyang tulungan ang kaibigan.
Kaya sa ilang taon ay tumutulong si Sheena kay Ate Rose sa pag che- chemotherapy nito.
"Nahihiya na ako sa'yo, Sheena sa mga tulong mo sa akin!.." ang naiiyak na sabi ni Rose na wala ng buhok at naka- upo sa Wheel chair nun bumisita si Sheena sa kanyang lugar dahil bakasyon ni Sheena sa Hongkong.
"Ano ka ba, kaibigan kita.. lumaban ka!" Ang bata mo pa para mawala sa mundong ito!...." Naiiyak nyang sabi sa kaibigan.
"Parang di ko na kaya, pagod na ako!" Naiiyak nyang sabi.
" Wag mong sabihin iyan, dahil hindi ako titigil sa pagtulong sa'yo, Ate Rose..." Niyakap ni Sheena si Rose dahil nagbakasyon sya at pinuntahan kaagad ang kanyang kaibigan.
Naka-uwi si Sheena sa kanilang bahay at nakita nya ang malaking pagbabago ng kanilang buhay.
Mayroon na silang Bahay at lupa.
Nakapag-aral na rin ang kanyang mga pamangkin at meron na rin silang sari- sari store na negosyo ng kanyang mga magulang.
Ang kanyang mga kapatid naman ay Meron ng mga bahay at nagtatrabaho na rin.
Kaya habang nasa pilipinas sya ay marami syang pinuntahan mga tourist attractions Kasama ang kanyang pamilya.
Naging maganda na ang buhay ng kanyang pamilya kaya naging panatag na ang loob ni Sheena. Kaya hanggang sa bumalik na ito muli sa Hongkong.
At lumipas ang tatlong taon ay masaya syang tinitignan sa laptop ang kanyang pamilya na pinagkakaguluhan ang mga Pinadala nyang package. Nagsisigawan ang kanyang mga pamangkin sa mga chocolate at mga damit na kanyang pinadala.
Nang may tumawag sa kanyang cellphone.
"Ate Rose!...." Kamusta kana...." Tanong nito sa kaibigan.
" Heto, gumaganda na.. nag pakulay nga ako ng buhok ko!... Sabi nito.
Dahil may limang taon ng cancer survivor si Ate Rose nya dahil sa tulong ni Sheena na gamutin ang kaibigan.
" Kailan ang iyo mo?" Tanong nito.
" Sa isang linnggo na po!" Wika nya.
" May irereto ako sa'yo!...."Natatawang sabi nito.
" Sino naman po?" Sagot nya.
" Si Jimboy ang anak ko!" Sagot nya.
" Si Ate Rose naman, matanda ako kay Jimboy ng dalawang taon tapos okay lang sa'yo!" Tanong nya.
" Ay, okay na okay sa akin na ikaw ang makakatuluyang ng anak ko!, Dahil saktong-sakto ang uwi mo dito sa pilipinas dahil u-wi rin sya galing barko!.." masayang sabi ni Ate Rose sa kanya.
" Ah, okay te.. payag ako.. hahaha " ang kanilang tawanan.
Naka-uwi si Sheena sa pilipinas at nagkita sila ni Jimboy at nagkagustuhan.
Di rin nagtagal ay nagpakasal ang dalawa at nagkaroon pa sila ng Isang anak.
Na binabantayan ngayon ni Nanay Rose sa pilipinas dahil nun mag- one year old na ang kanyang anak ay bumalik din sya a Hongkong at ang kanyang mister na si Jimboy ay nasa barko.
Masayang masaya si Ate Rose dahil naiwan syang nagbabantay sa kanyang apong si Jiena.
The end.
Ang buhay ng OFW ay magka iba-iba dahil sa bawat panig ng bansa ay kung saan- saan sila nakakapunta at nagsisipagkapalaran upang maabot ang pangarap. Dahil meron naging matagumpay at naabot ang mga pangarap, meron din nasira ang pamilya, Meron umuwing walang Bahay at lupa na ang buong buhay ay iginugol para lang mabigyang ng magandang buhay ang pamilya, pero niloko lang. Meron nakapag- asawa at lumagar sa magandang buhay, at marami pang iba. Na ang nais lamang nila ay matulungan ang pamilyang nakatira sa Bansang Sinilangan.
Ito ay inihahandong ko sa mga OFW na sumusugal ng kanilang kapalaran sa ibayong lugar upang ang kanilang pangarap sa pamilya ay matupad. Sana ay magustuhan ninyo itong isinulat ko. Salamat po sa pagbabasa.☺️❤️
Written by DawnS.P