" Fiction"
One shot story
Please don't forget to add, follow, like and share.
Panimula.
" Tay, Tay... Ito po Manok!..."Sigaw ni Biboy, walong taong gulang. Sa ama na kumakalkal din ng mga basura at naghahanap ng mga pagkain tinatapon.
" Baboy!... Tay.." sigaw ulit ni biboy at napapasayaw sa tuwa dahil may kakainin sila ng kanyang amang si Berto.
" Anak.. kunin mo tong lagayan at Ilagay ang mga nakita mong pagkain!" Sabi ni Mang Berto.
" Opo Tay.. " sumasayaw pa si biboy habang lumalapit sa kanyang ama.
Ito ay tira-tirang pagkain ng mga customer na galing sa restaurant at tinatapon ito sa basura at ito rin ang bumubuhay sa kanilang mag-aama.
Kaya napatawa si Mang Berto sa kanyang anak.
Si Biboy lang ang nag-iisa nyang anak sa kanyang live-in partner na si Magdalena.
Meron unang asawa si Mang Berto na taga Iloilo at matagal na silang hiwalay mayroon syang tatlong anak sa una nyang asawa na si Rosilda.
Maganda ang pamumuhay nya sa Iloilo dahil sa may lupang iniwan ang mga magulang ito sa kanyang asawa at iyun rin ang kanyang sinasaka.
Ngunit nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa at nais nang kanyang asawa na makipaghiwalay sa kanya.
Kaya walang nagawa si Mang Berto at umalis na lamang ng Iloilo dahil sa pinapalabas sa kanilang barangay na wala s'yang kwentang tao.
Kaya umalis syang masama ang loob nya sa kanyang asawa.
Lumuwas sya ng maynila upang hanapin ang kanyang kapalaran at humangad nang magandang buhay.
Kaya lang kahit anong gawin nya ay may kakambal nya ang malas.
10 taon nang nasa Maynila si Mang Berto ngunit mas malala pa ang buhay nya ngayon dahil kahit pagkain ay kailangan nyang maghanap sa basura upang mabuhay nya ang kanyang anak.
Noon una nyang dating sa Maynila at kararating palang ng bus na sinakyan nya ay ninakawan sya agad.
Habang bumababa sya sa bus na kanyang sinasakyan ng may bigla nalang hinablot ang kanyang bag at itinakbo ito.
Kaya napatakbo si Mang Berto habang sumisigaw ng saklolo ngunit walang taong tumulong sa kanya habang sinundan ang kumuha sa kanyang bag.
Ngunit hindi nya ito nahuli dahil sanay na ang mga magnanakaw sa pasikot- sikot sa lugar.
Napa-upo na lamang si Mang Berto at umiiyak dahil wala syang nagawa at hindi na nya nakita ang mga magnanakaw at nanduon ang kanyang pera.
Nang may lumapit sa kanya Isang babae. Kung sa unang tingin ni Mang Berto ay Isa itong GRO.
" Ma'ma, Anong nanyari sa'yo?" Tanong nito sa kanya.
" Ninakawan ako miss!" Sabi nito at naluluha na. Bagong salta lang po ako dito sa Maynila." Ang naiiyak nyang wika.
" Ay, Mama.. kapag nandito ka sa Maynila ay dapat maging alerto kayo dahil marami ang mga masasamang kaluluwa dito." Sabi ng babae at sabay lagay ng sigarilyo sa bibig.
" Eh, taga saan po ba kayo?" Tanong nito sabay buga.
" Sa Iloilo , ako halin miss!" Sabi nito na hindi nya alam kung saan sya pupunta.
" Maganda naman ang lugar ng Iloilo, bakit pa kayo lumuwas. Napakadilikado dito sa Maynila. Dapat kapag pumunta ka dito sa maynila ay may baon kang tapang at diskarte para mabuhay dito." Sabi nya sabay hithit ng kanyang sigarilyo.
" Ako nga pala si Magdalena.. pwede rin Magda ang itawag mo sa akin." Sabi nito sabay tapon ng kanyang sigarilyo sa lupa at tinapakan nya ng kanyang sandal.
" Eh, Saan ka ngayon iyan?" Tanong nito at kumuha ng bubble gum dahil naubos na ang sigarilyo na kanina pa nya hinihithit.
" Di ko rin kamaan .. miss!" Sabi pa nito. Dahil sa nalilito na sya sa pagsasalita ng Tagalog.
Tumawa lang si Magda at dinala nya ito sa kanyang pinagtatrabahuhan sa Isang bar na nakasarado pa dahil umaga at pinakilala nya ang kanyang boss kay Mang Berto at binigyan ng trabaho bilang taga hugas ng pinggan.
Sinabihan sya ng kanyang boss na may maliit Bahay ito na para sa mga nagtatrabaho sa bar at pwedeng duon na si Mang Berto na tumira.
Kaya nagpasalamat si Mang Berto kay Magda.
" Magda! Salamat sa'yo at may trabaho na ako at may titirhan pa" Sabi nya kay Magda dahil kay Magda ay hindi na sya nahirapan pang maghanap ng trabaho at humanap din ng matitirhan.
" Naku, walang anuman iyun Mang Berto. Kagaya mo rin ako dati na lumuwas ng probinsya at nakarating dito sa Maynila. Kaya alam ko ang pakiramdam na walang taong gustong tumulong sa'yo!" Sabi nito at sabay hawak sa braso ni Mang Berto.
"So , mauuuna na ako at may trabaho pa ako mamaya!"Sabi nito na nakangiti.
Kaya tumango na lamang si Mang Berto na nakangiti habang tinatanaw na umalis si Magda at naiwang ito sa bar dahil nagsimula na ito sa kanyang trabaho.
Gabi na at marami ng mga tao ang nanduon at si Magda ay nasa likod ng stage kung saan nanduon lahat ng mga babaeng sumasayaw at nagbibigay aliw sa mga lalaking customer.
Habang naghuhugas si Mang Berto ay inutusan sya na magdala ng pagkain sa mesa dahil sa kulang ang nag-se serve ng pagkain.
Kaya lumapit ito sa mga nagluluto at kinuha ang mga pagkaing nasa lamesa at dinala ito sa labas kung saan naghihintay ang mga customer ng kanilang order.
Habang naglalakad sya at papalapit sa lamesa ay hindi nya maiwasan tumingin sa sumasayaw. At nakita nya si Magda na gumigiling sa harap ng entablado kaya napapahanga si Mang Berto at muntik pa syang matapilok dahil hindi sya nakatingin sa kanyang nilalakaran.
At natabig nya ang beer na nasa lamesa at natapon ito sa Isang customer na agad din tumayo at sinigawan si Mang Berto.
" Sorry, po sir. Di ko sinasadya na maula sa imo ang beer.." Sabi ni Mang Berto.
Kaya natawa ang lalaki.
" Taga Iloilo ka gali Nong!" Sabi ng Customer.
" Ako taga Iloilo man!" Dagdag pa nito.
" Kasimanwa talang ka gali!" Sabi ni Mang Berto.
Nawala na ang pagkainis ng lalaki sa kay Mang Berto at sinabihan ito na mag- iingat sa susunod.
Kaya bumalik si Mang Berto sa loob at nakita nyang katatapos lang din sumayaw ni Magda.
Kaya nilapitan ito ni Mang Berto at binati.
" Ang galing mo palang sumayaw. Magda.." Sabi nito kay Magda na nakangiti lang.
Ilang buwan din nagtatrabaho si Mang Berto sa bar at minsan ay nagyaya si Magda sa lahat ng kanyang mga kasamahan na mag- inuman sa kanyang Bahay.
Dahil kaarawan nya kaya marami syang handang pagkain at inumin.
Nasa sala sina Mang Berto at Magda.
"Berto, ito alak!" Sabi ni Magda na binubuksan ang takip ng alak at sabay bigay kay Mang Berto na agad din nyang kinuha.
" Salamat. Magda.." Sabi nito at sabay inom ng alak.
Nakailang Bote na si Mang Berto at ganoong din kay Magda.
Buong gabi silang nag-iinuman ni Mang Berto at Magda ang mga kasamahan naman nila ay nagsi-uwian na at naiwan si Mang Berto.
At di sinasadya ay may nanyari sa kanilang dalawa.
Kinubukasan..
Nagising si Magda na katabi nya si Mang Berto sa kama. Kaya napasigaw ito at sinipa si Mang Berto kaya nahulog ito.
" Araw ko po " Sigaw nito at hinihimas ang kanyang pwet na naunang tumama sa sahig.
" Berto, anong ginawa mo sa akin!" Sabi ni Magda.
" Ah, naku po sorry.. Magda!" sabi ni Berto.
" Hindi ko sinasadya na may nangyari sa ating dalawa.. Hindi ko talaga sinasadya.. patawad!" Pagmamakaawa nyang sabi.
Kaya umuwi si Berto na may galit si Magda sa kanya.
Mga ilang araw din ang nanyari sa kanila.
Nang biglang nahilo si Magda habang ito ay sumasayaw sa club kaya dali-dali itong tumakbo sa likod at duon nagsusuka.
Kaya bumili sya nang pregnancy test at nalaman nyang buntis ito.
Kahit na nagtatrabaho sya sa bar ay hindi naman sya nag papa booking sa mga lalaki ang tangi nya lang ginagawa ay sumayaw sa gitna ng club. At sinasamahan ang mga customer na uminom ng alak.
Kaya napakamot sya ng kanyang ulo.
" Bwesit! Iyan lang ang nasabi nito sabay sapo ng kanyang ulo.
Kaya lumabas si Magda sa Cr at aalis na sana ng matumba sya ulit at nakita iyun ni Mang Berto kaya tinulungan nya ito na makatayo.
" Magda.. napaano ka?" Tanong nito.
" Bwesit ka!, Berto nang dahil sa'yo buntis ako!" Iyan ang bulalas nya at umiyak ito.
" Ha!, Buntis... Ako ang tatay? Tanong nito.
" Syempre ikaw!" Sabi nito at agad na kinuha ang kamay nito na hawak parin ni Mang Berto na ngumingiti dahil may anak sya kay Magda.
Kaya kinausap ni Mang Berto si Magda na palalakihin nila ang bata. Dahil gustong ipalaglag ni Magda ang bata sa kanyang sinapupunan.
Kaya lang ay pinigilan sya ni Mang Berto.
Kaya napapayag na lamang si Magda tatlong buwan pa nagtrabaho si Magda kahit na ayaw na sana ni Mang Berto na sumayaw ito.
Kaya lang ay mapilit si Magda kaya kahit ayaw ni Mang Berto ay Sige parin sa pagsayaw si Magda.
Kaya lang sya napahinto ito nang nahahalata na ang kanyang tyan.
Kaya napatigil ito sa pagta-trabaho sa club at nasa Bahay na lang hanggang sa naipanganak na nya ang anak nila ni Mang Berto.
" Salamat sa'yo at hindi mo pinalaglag ang bata!" Sabi ni Mang Berto habang karga - karga nya ang anak.
Walang imik si Magda habang nakahiga at nakatingin sa bata na hawak ni Mang Berto.
"Gusto mong hawakan ang anak natin!, Magda?" Sabi ni Mang Berto na kinakapa pa kung gustong hawakan ni Magda ang bata.
" Akin na ang bata!" Sabi nito na parang napipilitan lang.
Ibinigay ni Mang Berto ang bata at nakangiti. Habang nakatingin na hawak ni Magda ang kanilang anak.
Ilang buwan din aligaga si Magda sa iyak ng bata.
Dahil bumalik na ito sa club ng mag tatlong buwan ang bata dahil sa hindi kasya ang kita ni Mang Berto.
" Shh... Shh..., Tulog na anak!" Sabi ni Magda na hinihili ang anak sa duyan.
Dumating si Mang Berto na may dalang gatas at diaper.
" Nandito na ako.. mahal!" Sabi nya at sabay halik sa kanyang anak na umiiyak.
" Ah, ikaw na nga ang magpatulog sa anak mo!" Naiirita nyang sabi at bumalik sa kama at natulog ito.
" Shhhh, ka gwapo sang bata ko!" Sabi nya sabay kanta.
?? Ili ili tulog anay,
Wala diri imong Nanay,
(Kadto tienda. bakal papay,)
Saging, gatas, kag kalagmay
Ili ili tulog anay??
At nakatulog din ang bata at ilang buwan din ang nakaraan ay nagsisimula ng maglakad - lakad ang bata kaya palaging dinadala ni Magda ang bata sa club.
Isang araw lahat ng tao ay nagsasaya sa club ng may biglang nagkasunog ang likod ng backstage at lumaganap ito sa buong club at hindi agad naapula ang apoy.
Nawalang ng trabaho ang mag live in partner.
At dito na nagsimula ang kanilang pag-aaway dahil sa hindi na nakakabili ng gatas at diaper si Mang Berto.
Kahit nga pagkain nila ay nagkukulang sila.
Kaya napilitan si Magda na mag- apply ng trabaho sa ibang bansa at naiwan si Mang Berto at ang anak na si Biboy na tatlong taon pa lamang.
Noon una ay nagpapadala si Magda sa kanilang mag-ama at nakaraos ng kaunti. Ngunit nang naka dalawang taon si Magda ay hindi na nila ito ma contact.
Marami ang nagsabi kay Mang Berto na nagpakasal na raw ito sa foreigner at buhay Reyna na daw ito.
Kaya nabuhay ang mag- ama na sila na lamang ang magkasama.
Nagtatrabaho si Mang Berto bilang contractions sa kabilang barangay kung saan may nagpapagawa ng Bahay.
Kaya lang ay na aksidenti si Mang Berto at nabali ang kanyang kamay kaya hindi na nya kaya pang magtrabaho upang makabili ng kanilang pagkain.
Kaya ngayon makalipas ang sampung taon nyang pananatili sa Maynila at nagkaroon muli ng anak at may kapansanan.
Kaya tanging pag papag- pag lang ang paraan nya upang makakain sila ng kanyang anak.
" Tay, kita nyo ang galing ko maghanap ng pagkain!" Sabi ni Biboy at lumapit sa ama at kinuha ang lalagyan at duon nya nilagay ang mga pagkaing na kanyang nakita.
"Marami na ang nahanap natin kaya tayo na at umuwi!" Sabi ni Mang Berto sa anak.
" Tay, ano po kaya ang masarap dito?" Tanong ng kanyang anak.
" Uhmmm!, Lagyan natin ng malunggay." Sagot nito sa tanong ng kanyang anak.
" Wow , ang sarap naman iyun.." natutuwang sagot ni biboy.
Papauwi na ang mag-ama ng may nakita silang sasakyan naka hinto sa harap ng kanilang bahay.
" Tay, may sasakyan... " Sabi ni Biboy sa ama na nakatingin din.
Lumabas ang Isang babae at lumapit sa kanila.
Napakaganda nya at blonde ang buhok napaka seksi ng kanyang suot na damit
Yumakap ito kay biboy at umiiyak.
" Anak ko, patawarin mo ako!" Sabi nito kay Biboy na naguguluhan.
" Magda, ikaw na ba yan?" Tanong ni Mang Berto sa dating ka live in.
" Oo, Berto.. kamusta na kayo?" Tanong nito at niyakap muli ang anak.
" Nay, Nanay.. iyak ng bata habang kayakap ang Ina.
" Bakit ngayon ka lang ng pakita sa anak mo at paanong mukha kang mayaman..tanong ni Mang Berto.
"Sa loob na lang tayo mag-usap Berto!" Sabi nito.
Pumasok na sila sa Bahay at duon na isinawalat ni Magda ang totoong nangyari sa kanya at kung bakit hindi ito tumawag man lang sa kanyang mag- aama.
Pinakasalan sya ng kanyang among lalaki sa america ngunit dahil ang kanyang napangasawa ay Isang haciendero at hindi nito alam na may anak si Magda dahil nga hindi nya sinabi ang totoo.
Kaya lang ay walang sekritong hindi nabubunyag kaya nalaman ng kanyang asawa na may anak ito.
At nais nyang makilala ang anak ni Magda kaya pinayagan sya nito na bumalik ng pilipinas upang kunin ang kanyang anak at dalhin ito sa america.
Ngunit ng marinig ni Mang Berto ang mga plano ni Magda ay nasaktan sya dahil isasama ni Magda ang bata sa america at iiwan mag- Isa si Mang Berto sa pilipinas.
Ngunit may ikagaganda din ang Plano ng kanyang dating live in. Na kung sasama si biboy sa kanya ay mabibigyan nya ito nang magandang buhay ang bata sa america.
Kaya pumayag si Mang Berto na isama ni Magda ang bata sa america.
Tanging iyak na lamang ang nagawa ni Mang Berto habang natatanaw na lamang nya si Biboy na sumukay sa sasakyan at umalis.
Di sya makapaniwala na sa Isang iglap ay maiiwan syang mag-isa. Pumusok na lamang si Mang Berto sa loob ng Bahay ng may napansin syang isang malaking subre sa kanyang upuan at kinuha nya ito.
Binuksan at nakita nya na may lamang pera at mayroon itong sulat sa loob kaya binasa nya ito.
"Huwag kang mag-alala at hindi mawawala sa'yo ang anak mo dahil bibigyan namin sya ng magandang buhay." Kaya napa-iyak na lamang si Mang Berto.
Lumipas ang ilang taon ay marami na ang pinagbago sa buhay ni Mang Berto.
Dahil nagpatayo sya ng negosyo sa baclaran gamit ang pera na iniwan sa kanya ni Magda at pinalaki nya ito.
Hanggang sa dumami na ang kanyang negosyo at binalikan nya rin ang kanyang mga anak na naiwan sa Iloilo.
Nakabili sya nang malaking bahay na tinitirhan ngayon ng kanyang mga anak sa dating asawa.
Minsan ay tumatawag si Biboy sa kanya upang kamustahin sya at nakilala rin ni Biboy ang mga kapatid sa ama.
Kaya ng nasa kolehiyo si Biboy ay pinapayagan syang umuuwi sa pilipinas upang makasama ang kanyang ama.
Hanggang sa nakapagtapos na ito sa pag- aaral at nagkaroon ng magandang trabaho sa America.
Lagi naman itong umuuwi sa pilipinas at sinasama ang ama sa america upang maranasan ang buhay doon.
Naging masaya ang buhay ni Mang Berto hanggang sa kanyang huling taon na kasama ang mga mahal nya sa buhay.
The end.
PS.
Pasensya na po at ngayon lang ako nakasulat dahil ilang araw ng mahina ang signal sa amin at wala rin akong maisip na isulat.
Baguhan lang po ako sa larangan ng pagsusulat ng mga story at nauubusan din ng idea.
Sana po at maintindihan ninyo.. Salamat po sa inyo.. at lagi kayong nandyan na nagbabasa ng mga gawa ko.❤️❤️❤️
Written by DawnS.P