12-1 am
“Halika na, Ma’am.” Hawak pa sa akin ni Vicky nang makatayo ako. Pinagmasdan ko ang likod ni Cielo na naglalakad papalayo mula sa amin ni Vicky.
“May pa towel, ah! Hindi pa rin ba lalambot ang puso mo, Ma’am?” Pang-aasar pa nito sa akin. “Kung saktan ko ang mukha mo at bigyan lang kita ng towel?” Pansin ko kung paano nagbago ang kaniyang itsura at agad niyang ikinatawa.
“Hindi ka naman mabiro, Ma’am! Chill ka lang naman. Sinasabi ko lang naman kasi na baka pwedeng lumambot naman iyang puso kahit kaunti lang po.” Sabay tusok pa sa dibdib ko.
“Ikaw nililibugan mo lang ako, e…” Mas lalong umawang ang bibig niya sa akin. “Kaya tayo napapahamak, Ma’am, e!”
Tumaas muli ang tingin ko para tignan kung naroon pa ang lalaking iyon pero wala na talaga kahit ang kaniyang anino.
Ano naman kung makita ko siya? Ano naman kung pinapanood niya ako?
“Ready na ba ‘yung new set?” tanong nang isang organizer habang pinupunasan ang aking katawan. “Ang ganda ng pagka-tan mo, Miss Villion, ano?” Haplos ng isang babae sa aking braso.
“Hindi naman. Sadyang nagpainit lang ako at inayos ko ‘yung routine ko ng pag-tan,” sagot ko.
Hind na ako nabigla sa ipinakita sa aking swimsuit. Mas revealing pa ito kaysa sa nauna. Deep V cut ang swimsuit na ito na halos ang cut ay umaabot na sa pusod ko.
“Hindi pa rin ba nagre-reply sa ‘yo ‘yung model na ‘yon?” Galit na bulyaw ni Emily. “Ano nangyari?” Hindi ko mapigilang maki-chismis sa katabi kong naglalagay ng oil sa katawan ko.
“Ngayon po kasi dapat ang dating ng male model natin. Hindi pa rin po nadating, hindi nga po ma-contact, e.” Seryoso? Hala! Mukhang made-delay ang shooting naming kapag ganito. Hindi naman pwedeng i-cancel ito dahil narito na kami at sayang naman ang ilang napaghirapan naming.
“Ma’am Emily!” nakikinig lamang kaming dalawa ng babae sa tabi ko dahil panay babae lang naman kami sa loob. “Did he reply-” Hindi pa nga natutuloy ang sasabihin ni Miss Emily nang umiling na ang babae.
“Gosh! Bakit ngayon pa siya naging ganiyan? Balitaan mo nga sa Manila kung nakaalis na siya at baka mamaya ay nalunod na ang hinayupak sa dagat.” Dinilaan ko ang labi ko saka kaunting napangiti.
Beast mode masyado si Ma’am Emily.
“Kung hindi siya pupunta ay kailangan may maipalit tayo agad sa kaniya.” Hinayaan ko na siyang magbunganga sa lahat nang pagtuunan ko na lang ng pansin ang aking sarili na nakatingin lamang sa salamin.
Sinuot ko na rin ang isang coral red na v cut.
“Ngayon kasi talaga dapat ‘yung kukuhaan silang dalawa. Dapat kahapon pa siya, ‘di ba? Tapos pahinga niya lang dapat kahapon tapos ngayon na ang shoot.”
“Ano ang magagawa natin? Wala naman iyong lalaki dito.”
Maraming crew ang nag-uusap at pinag-uusapan ang lalaking iyon. Kahit ako ay hindi ko man lang mabigyan pansin kung sino nga iyon.
“Pwede naman si Sir. Cielo, ‘di ba? Mas better pa nga siya doon sa male model natin, e!” Rinig ko kung paano sila mahinang nagtilian sa gilid. Hindi ba nila ako tinanong kung pwede siya sa akin? Natural, hindi!
“She’s done!” malakas na sigaw ni Marryjean na siyang nag-ayos sa akin mula sa paglagay ng oil.
“Oh, my gosh!” Lumapit sa akin si Miss Emily at pinagmasdan ako. “You’re so beautiful, Ms. Villion!” sunod niya pang pagpuri sa akin.
“Dasha na lang po, Miss Emily.”
“Emily na lang, Ms. Vi- este! Dasha.” Pagtatama niya pang muli.
“Ready na!” Palakpak niya sa loob ng room kaya naman agad na rin kaming lumabas. Hindi na ako nag-suot ng kahit ano na pantakip dahil masisira lang ang oil ko sa katawan.
“Ang raming nakatingin sa ‘yo. Parang mga magnet ang mga mata nila.” Sa tabi ko na si Vicky.
“Hanggang tingin lang naman sila,” sagot ko.
Hindi ako nagbigay nang kahit anong reaksyon sa mga pinagsasabi niya at sa mga taong nakatingin sa akin.
“Pero ‘yung isang kilala ko na nakatingin sa ‘yo? Feeling ko ay hindi lang hanggang tingin ang inabot no’n… feeling inabot ‘yon hanggang tikim.” Kumunot ang aking noo saka sinundan ang kaniyang tinitignan.
Doon ko napagtanto kung kanino ito nakatingin.
“Kung anu-ano na pinag-iisip mo, Vicky.”
Kaya nang makarating kami sa beach ay nakita ko ang isang yacht. Alam ko na roon ako kukuhaan pero hindi ba’t ang alam ko ay kailangan may partner ako dahil ito ang concept sa by partner?
“E-excuse me…” Ngunit walang nakinig sa akin. Kahit si Emily ay may hawak-hawak na papel at tila nakikinig sa ibang crew. Nauna kasi ako nang kaunti sa kanila.
Tumaray na lang ako sa hangin at agad na umakyat sa yacht mag-isa.
“Hayop na yacht ‘to. Parang ayaw magpaakyat ng tao!” Kawawa naman ako! Hindi ko maisip na akala mo hindi ako na swimsuit kung iangat ko ang paa ko.
“Whoa!” Pagpag ko pa sa kamay ko nang makaakyat ako ngunit doon ko lang napansin na sa kabila pala ang hagdan. Kumurap-kurap pa ako nang maisip ko ang isa kong katangahan.
“Bali? Mamayang three na lang ang shoot?” Malakas talaga ang boses ni Vicky kahit narito ako yacht ay ang boses niya ang naririnig ko. “Sasabihin ko na lang po kay, Ma’am. Bali pagsuotin ko muna si-”
“Guys!” sigaw ko.
“Ma’am! Hindi na raw po muna tayo mag-shoot-” Hindi niya natuloy ang kasunod nang nanlaki ang mata ko.
“Guys!” Ang sigaw ko na iyon ay may takot dahil umandar ang yacht! Mabilis pa ang takbo no’n na ikinagulat ko. “Ma’am!” rinig ko ang sigaw rin ni Vicky habang tinatawag ako.
“Ma’am!” sunod niya pa.
Hindi ko alam kung paano ako makakababa nito dahil sa sobrang bilis nito magpatakbo ay ang layo na nito sa dalampasigan!
Hawak-hawak ko nang mahigpit ang bakal para hindi ako ma-out of balance.
“H-hey! Stop! Stop the…” napag-isip pa ako nang kasunod. Sasabihin ko sana ay stop the car. “Stop the yacht!” sigaw ko.
Ngunit sa lakas ba naman ng makina habang naandar ay hindi na ako nito naririnig siguro. Sino ba ang nagda-drive nito? Hindi niya ba alam na may tao rito sa loob?
Dahil ba cancel ang shoot kaya siya umalis? My gosh!
“Stop-AHH!” nang huminto pag-andar. Kaya’t agad akong nasubsob at muntikan nang tumilapon sa dagat! Galit na galit akong pumasok sa loob nito para kalbuhin ang nagda-drive nito.
Ngunit nang makarating ako sa loob ay laking gulat ko nang walang tao. Agad akong kinalibutan na isiping baka isang multo ang nagpaandar nito.
“Oh, no!” Tinakpan ko pa ang aking bibig sa takot. “Mommy!” mabilis akong tumakbo papalabas ngunit nagulat na lamang ako nang may humila sa akin.
“Hey!”
“No! Let me go! You ghost driver!” Nakapikit ko iyong sinisigaw habang nakapikit.
“Dasha!” sigaw nito sa pangalan ko na ikinaangat ko ng tingin. Nang makita ko kung sino iyon ay imbis na magalit ay agad akong napayakap sa kaniya sa sobrang takot.
“Are you okay?” sa tanong niyang iyon ay wala akong nagawa kung hindi ang umiyak. Mukha ba akong okay? Hindi ko lang iyon masabi dahil sa takot na naramdaman ko.
“Sorry… sorry, My choice…” nang sabihin niya niya iyon ay may kung anong nagpagaan sa loob ko. Iyon ang mga salitang sinasabi niya noon sa akin na nagpapagaan ng loob ko.
Mga panahong kailangan ko ng taong sasamahan ako dahil masyado akong pinagkaitan ng mundo.
Wala akong nagawa kung hindi ang humagulgol sa dibdib niya.
“Y-you f*****g s-scared me…” utal-utak ko pang sabi dahil sa aking pag-iyak. “I’m sorry, baby…” naramdaman ko pa ang halik niya sa aking noo. “Hindi na mauulit,” sunod niya pang sambit.
Inilayo niya ang aking mukha gamit ang dalawa nitong malalaking kamay at agad na hinarap ang aking mukha sa kaniya.
Nahihiya akong tignan siya dahil alam kong ang pangit ko kapag naiyak.
Pansin ko kung paano niya pinikit ang mga mata nito.
“Hindi ko talaga kayang makita kang naiyak…” mas lalo akong umiyak nang sabihin niya iyon. Kasalanan niya naman kung bakit ako umiyak!
“Sorry…” mahinhin niyang paghihingi ng tawad sa akin at dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Sandali akong napapikit at doon ko naramdaman ang kaniyang labi na lumapad sa aking mga labi.
Dahan-dahan niyang ibinuka ang dalawang labi nito sa akin. Hindi ko alam kung paano gumalaw rin ang aking labi at gumanti sa kaniyang mga halik.
Ang mainit niyang hawak mula sa aking magkabilang pisngi ay tila nagsasabing ayaw niya akong pakawalan mula sa halik nito.
Sarado ang isip ko sa lahat at tanging nararamdaman ko lang ay ang kaniyang mariin na halik sa akin.