CHAPTER 10

1603 Words
Tila nakipagtitigan lamang ako sa lalaking nasa gilid ko habang hawak-hawak ko ang kaniyang kape. “C-coffee?” Saka ko kinagat ang aking labi na ngumiti sa kaniya. I didn’t know who he is… mukhang sa itsura niya ay isa siyang model. Hindi siya sumagot sa akin ngunit tinignan niya lamang ako na para bang blangko ang mga paningin niya. “Your room is ready, Sir.” Umangat ang aking tingin sa lalaki ngunit mukhang pusong babae. May hawak na papel na lumapit sa kaniyang likod. “That’s great.” Walang buhay niya itong nilingon at nang makabalik ang tingin niya sa akin ay saka na ito tumayo. “Ma’am Dasha!” Hindi ko aakalain na kilala ako ng lalaking pusong babae. “Y-yes?” Nahihiya akong tignan siya kaya’t agad akong tumayo at tila pinagpag ang aking damit. “It was nice to meet you, Ms. Dasha Villion.” Sabay abot ng kaniyang kamay sa akin. “Nice to meet you too?” Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kaniya dahil hindi ko naman siya kilala. Even this coffee guy, hindi ko rin siya kilala. “Oh! I’m such a hugged fan of your,” ani niya nang may pahawak pa siya sa kaniyang dibdib. Gano’n ko na lang naisip na gano’n na ba ako kasikat? “Hindi ko kayo masyadong nakilala! Mas masyado kang maganda sa personal! You look… stunning,” sunod pa nitong sabi. Magsasalita pa sana ako para pasalamatan siya sa kaniyang mga magagandang papuri sa akin nang biglang umubo ang lalaki. Pansin ko kung paano napakagat ng labi ang lalaking pusong babae at napatayo nang maayos. Kumaway na lamang siya sa akin at tinuro ang lalaking nasa tabi niya. “Sir! Siya po iyong tinuturo ko sa inyo noong kailan!” Turo pa sa akin nito. “Nakalimutan ko magpakilala, Ms. Dasha!” May ilalabas na sana siya nang inayos ng lalaking nasa harapan ko ang kaniyang relo. Tila animo’y nagsasabi na wala na siyang oras. “Here’s my calling card, Ms. Dasha… please call me.” Magalang pa ang kaniyang pagbigay sa akin ng calling card nito at saka na sila umalis ng lalaki. Pinagmasdan ko ang card at doon ko nakita ang nakasulat doon. “Merd Flores… Administrative Assistant,” humina ang boses ko nang unti-unti ko iyong binabasa. Orbon Group of Companies? Saka ko pinagmasdan ang nasa ibaba nito. ORBON IMAGE? Parang narinig ko na ito. Hindi ko alam lang kung saan pero alam kong narinig ko na ang Orbon Image. Napalingon na lamang ako sa likod ko nang mawala sa isip ko na naroon pala ang mga ka-Team ko. Kita ko kung paano nanlalaki ang mga mata nitong pagmasdan ako. Kahit si Vicky ay nakanganga na rin sa akin. Tinignan niya si Cielo kaya’t sinundan ko ang tingin nito. Doon ko napagtanto kung paano nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa kaniyang cell phone. Ano ba ang ginawa ko? Lumalayo lang naman ako sa kaniya dahil bwesit siya. “Vicky! Tara na!” Itinaas ko ang aking kamay upang tawagin siya. Kaya naman mabilis siyang kumilos at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking braso at mabilis na hinila papalayo. “Saglit lang naman, Vicky!” Hampas-hampas ko pa ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking braso. “Alam mo po ba ang ginagawa mo, Ma’am?” Pinanlakihan niya pa ako ng mata. “Malamang!” sagot ko sa kaniya saka itinaray ang aking mata. “Hindi ka sure d’yan, Ma’am.” Hindi ko na napansin ang sagot niya nang bumukas ang elevator. Sandali lamang nang bumukas ang elevator ay saka ako agad lumabas. “Kung makikita mo lang talaga ang mga mata ni Sir. Cielo! Nako! Hindi mo na talaga gugustuhing tumingin pa sa kaniya ulit!” Ano ba kasi ang problema? Nagseselos ba siya? Jusko naman! Wala naman akong gagawin masama! Saka ano ba ang pakialam niya kung kumausap ako ng ibang lalaki? “Wala siyang dapat ikaselos, Vicky. Unang-una ay hindi naman kami at pangalawa ay hindi magiging kami.” “Hindi naman iyon ang dahilian, e! Mortal niyang kaaway ang lalaking iyon, Ma’am Dasha! That’s Abriel Matthew Orbon! Iyong unang kumalaban sa CFitness at sunod na kinalaban ang Cee Photo!” Diretso lamang ako sa paglalakad habang nakikinig sa mga sinasabi ni Vicky. Nang makapasok kami sa loob ng kwarto ay kinuha ko ang card sa aking bulsa at doon iyon pinagtuunan ng pansin. “Orbon Group of Companies…” “Ayon nga! Siya ang may hawak ng Orbon Image! Alam mo ba na kinukuha na sila sa International para kunan ang isang sikat na model pero ano ang ginawa nila? Dahil hindi nila gusto ang model ay umayaw sila!” May ganoon ba? Sinong tatanggi sa isang International Model? Saka isa pa ay pera rin iyon. “Kalokohan, Vicky. That’s money… paano nila hindi tatanggapin ang isang big project? “Gano’n sila, Ma’am! Kaya nga sila iyong medyo mas angat sa Cee Photos, Ma’am! Kasi sila ang hinahabol ng mga client! Kapag kinuha nila ang project ay ibig sabihin ay maganda ang model, kung hindi? Nga-nga!” Sabay iling niya pa. “Okay. I get it… Orbon Image? Amon Orbon, right? Siya ang lalaking katabi ko kanina, right?” “At siya ay kinuhaan mo ng kape, right?” Panggagaya niya pa sa tono ko at sa aking pa right. “Hindi gano’n ‘yon!” Taray ko at humilata sa kama. “Halatang ano ka pa rin kasi kay Sir. Cielo, Ma’am…” Masama ko siyang pinagmasdan. “’Wag mo akong tignan na para bang hindi po totoo ang mga sinasabi ko.” Ang lakas pa talaga ng loob, ah! “Hindi mo ba talaga alam na ako ang boss mo, Vicky?” “Ang tunay na kaibigan po kasi ay sasabihin ang totoo.” “Pwede mo namang sabihin nang buo. Hindi ‘yung halatang ano ka pa rin…” Ngumuso ako at pinikit ang aking mga mata. Hindi naman na ako apektado hindi ba? Ayon ang isinasabi ko sa aking sarili hanggang sa nakaayos na ako para sa shoot. “Tara na baba na tayo, Ma’am…” Dinidilaan ko lang ang aking labi. Dahil sa nangyari ay hindi ko na alam kung paano ko siya haharapin. Saka ko naalala kung sino ako. Ako si Dasha Villion! Isa akong Villion! Hindi ako dapat matakot, dahil sila o sabihin natin na siya… siya ang dapat matakot sa akin. Nang makababa kami ay pasalamat na lang ako at wala pa siya. Since nariyan naman ang kaniyang isang kasamahang photographer ay nagbabakasakali akong siya muna ang kukuha sa akin at hindi si Cielo. Baka hindi ako maka-pose nang maayos nang dahil sa kaniya. Ano ba ang iniisip ko? “Lagyan mo pa siya,” utos ng isang producer. “Feeling ko ay kulang pa siya sa oil,” sunod pa nitong sabi. Sinunod naman ang gusto nito at saka ako pinaglalagyan pa. kahit ang buhok ko ay binasa na rin nila para kunyare talaga ay naligo ako sa dagat. Kahit ang aking mga pisngi na akala mo tinampal ng araw dahil mamula-mula. Make up lang naman ‘yan… Ang suot ko ngayon ay isang one piece na may maraming ruffles sa palibot. Kulay peach ito na bumagay naman sa aking skin color… “I want you to look happy, enjoying this island.” Kaya ako naman itong sinunod ang gusto ng photographer. Tila dahan-dahan kong sinipa ang tubig sa baybayin. Ito ‘yung pakiramdam na wala akong masyadong iniisip dahil hindi ako naiilang. “Nice!” “Good!” Marami akong naririnig na puri sa photographer na ito. Dinilaan ko nanaman ang aking labi at tila nawalan ng balanse kaya agad akong napaupo sa dalampasigan habang nakangiti. Ngunit unti-unti iyong nawala nang makita ko kung sino ang nasa itaas mula sa balcony na tanaw mo rito sa aking inuupuan sa dalampasigan. Hawak-hawak niya ang kaniyang basong kape at nakatingin sa akin. Ang mga mata ay para bang kanina niya pa ako pinagmamasdan. Kung pagmasdan niya ako ay hindi ko alam kung may gusto siyang matuklasan sa akin. Sa sobrang dulas ng oil sa katawan ko ay tila bumaba ang isang lace mula sa kaliwa kong braso habang nakatingin pa rin sa kaniya mula sa taas. Ngunit imbis na makipagtitigan pa sa kaniya ay may isang malaking anino na humarang umano sa aking harapan kaya’t hindi ko na nakita ang mukha ni Amon. “Get up…” saka mayroong yumakap na isang tela sa akin. Tumaas ang aking tingin at doon ko napagtantong si Cielo ang nasa harapan ko. “Feeling mo ba nasa music video ka? Get up…” kumunot lalo ang noo ko sa mga pinagsasabi niya sa akin. Music video? Ha! “Marunong akong tumayo. Thank you.” Sabay hila ko sa pagkakahawak niya sa aking tuwalya. “’Wag ka na mag-emote d’yan. Bilisan mo na at magpalit ka na ulit ng swimwear mo.” Pansin ko pa kung paano gumalaw ang kaniyang panga at taray na tumalikod sa akin. “Sir! Ang gaganda po ng mga kuha ko kay Ma’am Dasha! Gusto niyo po ba makita?” ani ng lalaking kumuha sa akin. “Nakita ko na,” sagot ni Cielo at agad na naglakad papalayo. Saka siya sumigaw. “Ready for another set!” Naiinis ako sa boses niya. Akala mo talaga ay siya ang boss dito. Sinilip ko muli ang tao sa taas at doon ko napansin na wala na ito. Nahihiya tuloy ako dahil nakita niya kung paano ako nadapa at nahulog pa ang lace ko. Baka isipin niya nagpapaakit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD