This is so wrong…
Alam kong mali ito pero bakit hindi ko magawang pigilan ang sarili kong lumapit lalo sa kaniya at gumanti ng halik. Nawawala na sa isip ko ang mga nangyari.
Nang makapasok kami sa kwarto ay inilayo ko ang aking sarili muli sa kaniya. Pinagmasdan ko ang kaniyang mga matang tila’y parang nalulungkot kung pagmasdan ako. Hindi ko makita kung ano ba ang nararamdaman niya.
“Why? Why are you doing this to me? Huh?” sa mahinang boses niya ay gano’n na rin ang aking tuhod. “Mali ito, Cielo. Kapag nalaman ito ni Cindy-”
“Stop saying her name,” pigil niya sa akin. “This is not right,” sagot ko sa kaniya. Gusto pa rin ng aking sarili na ibigay pa ang labi ko ngunit sa tuwing naiisip ko na hindi talaga ito tama ay napipikon.
Dati naman na siyang sa akin pero alam kong hindi sa akin ang nararamdaman niya. Gano’n ba ako kasarap para balik-balikan?
Doon ko napagtanto na baka ayon lamang ang gusto niya. Unti-unting bumalik ang galit sa aking isipan. Sa madaling salita ay mabilis ko siyang naitulak ng may lakas.
“Ano ba ang kailangan mo sa akin, Cielo? Sabihin mo na nga!” lahat ng mga nangyari noon ay bumalik. “Here we go again…” pinikit niya ang mga mata nito at dinilaan ang labi.
“I just gave what my choice want. She want me gone, and I f*****g gave that…” ayon ang lagi niyang itinatawag sa akin noon… choice… “Binigay ko iyon kahit masakit…” kumurap-kurap lamang ang nagawa ko.
Kahit kailan ay hindi ko hiningi na iwan niya ako. Paano niya nasabi na gusto kong iwan niya na ako? I just want him to be with his true love! Hindi iyon nasasakal siya sa akin at sinusunod ang gusto at usapan ng pamilya namin sa kaniya!
“You know? You really need to rest. Hindi magandang nag-uusap tayo ng pasigaw at paaway. Wala tayong maiintindihan sa isa’t-isa.” ipinasok niya ang kaniyang kamay sa bulsa nito at hinawakan ang door knob ng aking pinto.
“Make sure that you’ll lock it,” utos pa nito sa akin. “Just leave,” sabat ko. Hindi ko kailangan ng mga pang uutos niya, dahil hindi naman ako tanga.
“Night…” mahina niyang sabi bago umalis saka isinara ang pinto. Napataray na lang talaga akong umupo sa aking kama. Hinawakan ko ang aking dibdib na sobrang lakas ng kabog. Masyado na akong nasosobrahan sa paglapit sa kaniya.
Hindi ka pwedeng mahulog ulit sa kaniya, Dasha. Alam ko na ang plano niya. Ito lang naman ang kailangan mong gawin, Dasha.
Kailangan mo lang talaga na hindi mahulog sa kaniya. Pigilan mo ang sarili mo, dahil kung kaya niyang lokohin ang girl friend niya ngayon na si Cindy, ikaw pa kaya na ex fiance lang?
Kaya nang magising ako kinabukasan ay pinilit ko agad na mag-exercise. I need to look fit for this event. Masyado na kasing nasira ang aking image, dahil sa nangyari nitong nakaraan.
Dahil sa hapon pa naman ang shoot ay naisip kong magpa-tan ngayon umaga. I just take my tube top and shorty-shorts.
Suot-suot ang aking cat eye sunglasses at high pony tail ay saka ako umupo sa isang tumbona sa outdoor lounge ng isla na ito. Nang makahiga at harapin ang araw ay saka ko narinig ang ilang linyahan.
“Nice! Nice!” paulit-ulit iyon kaya napatingin ako sa hindi kalayuan sa amin. Kumibit ang aking labi nang makita ko kung paano nag-pose si Cindy sa kaniyang bikini pose. “Tsk, panira ng umaga.” mahina kong bulong.
“Oh, my gosh! Si Cindy! Grabe pala ang ganda niya, ano?” may ilan nanaman fans ang babaeng impakta na iyon na tila kinukuhaan siya ng litrato patago. Huminga ako at ngumiti.
“Bawal kang ma-stress at kailangan mo ng magandang shots mamaya, Dash. Calm your self.” pagpapakalma ko sa sarili. Pinikit ko na lang ang aking mata at humiga ng matiwasay.
Ngunit sa ilang iglap lang ay ang init na tumatama sa aking katawan ay nawala.
Dinilat ko ang aking mata at itinaas ang aking shades patungo sa aking bunbunan. Imbis na maging positive ako ngayong araw sa buhay-buhay ay talagang pinakukulo ng babaeng ito ang dugo at bituka ko.
“Hi!” masayang bati ni Cindy sa akin. “Friend pala sila ni Ms. Villion,” tumaray na lang talaga ako ulit sa mga naririnig ko. “You should act like we’re close, Dash. Alam mo naman… mas marami akong pinay fans kaysa sa iyo.” ano ba ang pinagmamalaki niya?
“Ah… really? That’s good to hear, honey.” saka ko ibinalik ang aking glasses at humiga pero may umupo sa gilid ko na ikinagulat ko. Pagbukas ng mata ko ay naroon pa rin siya.
“Kung ako sa ‘yo? Bumalik ka na sa bansa na pinuntahan mo. Wala kang puwang sa lugar na ito.” gusto kong matawa sa sinasabi niya sa akin. “Hindi ko sure, kasi sa ating dalawa? Ikaw lang itong mahilig makisiksik...” napanis ang ngiti niya sa akin.
“Tignan mo? Ang rami-raming upuan pero sa gilid ko pa talaga ikaw umupo? Mahilig ka ba talagang kumapit sa mas sikat sa ‘yo?” nanginig ang labi niyang pagmasdan ako at tumayo.
“My gosh, Dasha! I didn’t know na lumaki na talaga ang ulo mo.” medyo nilakasan niya ang kaniyang boses. Napasilip ako ng kaunti sa mga taong akala mo ay nakikitingin lang rin sa dagat ngunit sa amin naman talaga.
“Parang hindi naman… parang mas malaki nga ulo mo kaysa sa akin. Sabi mo nga sa akin, ‘di ba? Bumalik na ako sa bansa ko kasi feeling mo sinasapawan kita.” medyo nilakasan ko rin ang aking boses kahit na mukha pa rin iyong sincere.
“What?!” kumunot na ang noo niya. ‘Wag niya akong pikunin ngayon ay mas lalo akong naiinis sa kaniya. Mahilig akong mag-inarte, Cindy.
Tumayo ako at tila kunyaring pinunasan ang aking luha kahit wala naman.
“Pasensiya ka na, Cindy. Hindi ko naman alam na gusto mo pala ang upuan na ito kaya pinaalis mo ako…” saka ako tumalikod at kunyari ay pinunasan pa rin ang kaunting luha.
“Hala! Gano’n pala ugali ni Cindy…” nang makadaan ako sa ilang babae na fans ni Cindy. “Damn you, Dasha!” sigaw niya.
Kaya nang wala na ang mga tao sa harap ko ay nag-iba napangiti ako. Ano ka ngayon, Cindy? Masaya bang manginis?
“Oh? Saan ka galing?” nang makasalubong ko si Vicky sa daan. “Ikaw? Ikaw ang saan ka galing?” pagbabago ko sa usapan. Kita ko kung paano kagulo ang buhok niya at tila may kaunting buhangin sa braso at hita.
“Nagising akong parang inalod sa dalampasigan.” kinamot niya pa ang kaniyang ulo. Nung makita niyang may buhangin pa rin ang kaniyang kamay ay pinagpagpag niya iyon.
“Hindi mo man lang ako isinama sa pag-alis mo? Nako talaga itong si Ma’am…”
“May nangyari kagabi… paano kita madadala?” umawag ang labi niyang lumapit sa akin at hinila nang kaunti ang aking braso. “Masarap?” tanong niya.
Kumunot ang noo ko. Ano’ng masarap sa ginawa ni Cielo kagabi?
“Nako! Ma’am! Kailangan mo na talaga ng Vitamin Ex Fiance para glow ang skin mo!” pangbabangga niya pa sa akin. “Vicky, walang nangyari sa amin, okay? Hindi ko hahayaan na may mangyari sa amin lalo na at may gusto pa akong klaruhin sa kaniya.” tumaray lamang siya at tumungo.
“Akala ko naman kung ano na. Kung ako kasi kasi sa inyo, Ma’am? Pag-usapan niyo na lang kasi parehas naman kayong nahihirapan.”
“Tuwing magkausap kami lagi kaming nagsisigawan.”
“Parang ikaw lang, Ma’am? Ikaw lang naman laging nasigaw, Ma’am…” inilabas ko ang aking ngipin na animo’y nagagalit sa kaniya. “Hindi naman mabiro! Tara na! Pumasok na tayo sa loob at gusto ko na talagang maglinis ng katawan…”
“Sino ba kasing nagsabi na uminom ka at magpakalasing-lasing sa ilang shots?”
“May iba sa binigay ni Sir, Ma’am. In-order niya talaga ‘yung mabilis makalasing kahit malakas ang tolerance mo. Way niya ata ‘yon para makausap ka nang hindi kami kasama.” napakamot na lang rin talaga ako sa mga naririnig.
Nasa lounge na kami nang may nakita rin kaming team namin na kumakain ng breakfast.
“Ma’am! Tara kain!” ngunit umiling na lang ako. “Mag-aayos na ako sa taas.” turo ko pa sa tuktok. Tumungo-tungo lamang ito habang kumakain ng spaghetti. Pero nang makalingon ako muli dadaanan ko ay nakita ko si Cielo na papunta na sa gawi namin kaya naman nataranta ako.
Agad akong umupo sa tabi ng lalaki na nagbabasa at natatakpan ang kaniyang mukha ng isang magazine.
Mabilis kong hinigop ang isang kape na naroon sa taranta ko. Nang akala ko ay papansinin ako ni Cielo ay dinaanan niya lamang ang likod ko at tumungo sa aking mga ka team.
Kaunti ang aking silip sa gilid habang nahigop ng kape.
“Where’s my coffee?” tila narinig ko sa aking gilid. Kaya naman paglingon ko sa aking katabi ay nakababa na ang magazine na nakaharang sa kaniyang mukha at nakakunot ang noo kung makatingin sa akin.