“Here’s your water…” hawak-hawak niya iyon. Tinatambol ang puso ko dahil sa tindig ng kaniyang katawan na lumalantad sa harapan ko ngayon.
He’s wearning nothing!
Napasigaw ako nang mapansin kong wala pala talaga siyang suot. Isang malakas na sigaw ang ibinigay ko saka ko pinikit ang mata ko.
“Magsuot ka nga! What are you freaking doing here?! Hindi ako nagbayad para may makapasok na tulad mo!” bakit ba siya narito? Saka paano siya nakapasok? Ang hayop na ‘to! Kaka-drama ko lang kagabi tapos ngayon nandito nanaman.
“Hindi natapos ang pagligo ko. Ikaw ‘tong pumasok na lang bigla sa banyo.” parang kasalanan ko pa! “Ikaw kaya ang pumasok rito! Umalis ka dito, ah! Hindi ko alam paano ka nakapasok! Walang kwenta ang hotel na ‘to kung nagpapasok sila nang basta-basta or nagbibigay ng access para makapasok sa kaninong room!” galit ako, okay?
I’m not happy to see him here.
“Miss. Dasha Villion…” tawag niya sa akin nang ilagay niya ang towel nito sa kaniyang ibabang parte. “Welcome to C Hotel,” sunod niyang sabi na ikinalaki na ng mata ko.
What the f**k? I’m here in his hotel? Bakit hindi ko napansin! Parang hindi ako lasing kagabi nang tumayo ako at mabilis na tumakbo palabas ng pinto ng banyo.
Hinawi ko ang malaking kurtina at doon ko napagtantong totoo ang sinasabi niya.
I’m f*****g here in his velik hotel!
“Okay! Okay!” kinakalma ko ang aking sarili. “How… how f*****g come? Wait!” Itinaas ko pa ang aking kamay at pumikit. “Ano naman kung hotel mo ‘to? Hindi porket hotel mo ‘to ay makakapasok ka na sa room ko? Right?”
“Uh-huh…” tumango pa siya. Sunod no’n ay may binuksan siyang pinto at saka lumabas. Inis-spray-an niya ang kili-kili nito gamit ang isang deodorant.
“You’re in my office, Dasha. Ang bilis mo namang makalimot. Parang hindi ka nakapunta rito noon…” napalunok ako. Matagal na ang panahon na ‘yon! Hindi ko na nga matandaan, e! “Bakit ako dito dinala ng babaeng ‘yon?!”
“Sinabi ko.”
“At bakit naman? Nagmamagandang loob ka ba? Hindi ko kailangan no’n. Sana sinabi niyo na lang na wala na talaga kayong extra room para sa mga guest na katulad ko at hindi ko na istorbo ang tulad mo.” sa tuwing may kamalasang nangyayari sa akin ay bakit parang kasalanan ko lagi?
“You’re safe here. Tulog mantika ka pa naman…” kung pwede lang na kagatin siya sa itlog ay kanina ko pa ginawa sa inis ko.
Hindi ko na siya pinansin at gusto ko na lang na umalis. Napagdesisyunan ko iyon na ‘wag na siyang pansinin. Ayokong mapahaba ang usapan namin. Aalis na lang ako.
“Your breakfast is ready.”
“I’m fine. Busog ako.” tumaray lang siyang ngumisi sa akin. “Makulit ka talaga, huh? Fine.” ano ba ang problema niya talaga sa akin? Kasi hindi ko na talaga maintindihan, e.
Lagi na lang kaming pinagtatagpo ng tadhana.
“Where’s my phone?” hinahanap ko kahit sa kama ay hindi ko makita. Hindi niya ako kinakausap! “Cielo! Where’s my phone?!” pumasok lamang siya sa loob muli ng kwarto kaya sinundan ko na lamang siya para tanungin ulit.
Tinago niya iyon! Imposibleng hindi! Kilala ko siya!
Gusto kong magsisi na pumasok ako. Naka boxer na lang siya sa harap ko.
“P-pwede bang akin na ‘yung cell phone ko? Kasi baka maabutan ako dito ng fiancé mo. Ayoko namang ma-eskandalo. I have a reputation. You know…” sinuot niya ang isang t-shirt. “Eat first,” utos niya.
“Kailangan ko na nga umalis! Ayokong mahuli ng fiancé mo! Mamaya ay dumating siya dito at makita ako!”
“She’s already here…” f**k! Cindy is here! Kailangan ko ng umalis! “Fine! Sa ‘yo na ‘yang cell phone ko!” I got my keys when I decided to leave his hotel. Wala na akong bayad-bayad pa!
Nang makauwi ako ay kita ko kaagad ang ngiti ni mommy sa akin.
“Nadiligan ka na?” ha? Anong nadiligan? Ano ang pinagsasabi ng nanay ko? “Na ano, Ma?” tumawa lang siya at umiling-iling. “Wala, Anak! Ano ka ba?! Niloloko lang naman kita.” ngumiti pa siya ulit.
“Do you eat breakfast na?”
“Busog pa po ako. Magpapahinga na po ako sa taas.”
“Pinagod ka ba n’ya?” Okay. I knew it! Does she know that I’m with Cielo last night? Or alam niya lang na doon ako natulog? Alam kong golden boy niya ang lalaking iyon. Masyado siyang pabor sa lahat ng gusto ni Cielo noon pa man, bago ko malaman na may mahal itong iba.
“Can you please stop it na, Ma? Kilala kita. Cielo is just a brother to me katulad ni Kuya Shad. Naging fiancee ko siya pero it doesn’t mean na papabor ka sa mga gusto niya katulad noon, Ma.”
“Ang haba ng sinabi mo. Wala naman akong sinabi na kay Cielo ka natulog. Mga bata nga naman sa panahon ngayon.” kumurap-kurap ako. Hindi na ako nagsalita pa at umakyat na lang ng aking kwarto.
Wala akong sinabi sa kanila noon kung bakit pina-cancel ko ang engagement namin ni Cielo. Ayokong isipin nila na mahal ko si Cielo at ipilit pa rin nila ako na pakasalan siya.
Cielo loves Cindy.
Narinig kong sinabi niya iyon. Kaya bago niya pa sabihin sa akin ang totoong nararamdaman niya noong graduation day ko ay inunahan ko na siya. Kung hindi ko ba nalaman na mahal niya si Cindy, kasal na kami ngayon?
Mapait akong napangiti. Nakakatuwa pero ang sakit pa rin.
“Ma’am? Kanina ko pa po kayo hindi ma-contact!” wala akong energy na tignan siya. Nakahiga lang ako sa kama. “Nawawala phone ko.”
“Jusko! Saan niyo po nawala, Ma’am? Wala naman po kayong nudes doon, ‘di ba?” kumunot ang noo kong pagmasdan siya. “Vicky? Bakit ako magpi-picture ng nudes ko? Wala naman akong pagse-send-an! Wala akong boy friend, ‘di ba?” hindi ko naman ine-encourage na mag-send sila ng nudes kung may boy friend sila.
I’m just stating the facts.
“Malapit na rin po ang shoot niyo for Veronica Lies. Dapat po ay mag-diet na kayo to shape your waist.” ang dami niya laging sinasabi. “I’m always on the diet, Vicky. Hindi na nga ako nakain, hindi ba?”
“This Friday na po iyon. Nakausap ko na po ang ilang staffs at pinapasabi na good luck daw po.”
“Ayon lang ba lahat? Medyo pagod ako ngayon, e. Pasensiya na, Vicky. Kung may gusto ka puntahan rito sa Pinas ay ayos lang naman. After nito ay magpahinga ka muna or umuwi ka na muna sa inyo.” kinamot niya ang ulo nito. “Okay po.”
Dumating ang Friday nang nag-aayos na ang ilang mga gamit na dadalhin namin. Ilang araw rin akong hindi umalis ng bahay, ah! Sinadya ko baka mamaya ay makasalubong ko si Cielo.
“Ano ang mga ‘yan?” tanong ko kay Vicky habang inilalagay niya sa sasakyan ang mga maleta. “Two weeks po tayo sa Palawan, Ma’am. Kaya nagdala na po ako ng ilang pang mga damit.”
Mas better na ‘yon. Two weeks. After nito alis na ako sa bansa na ‘to.
“After nitong Victoria Lies? Ano naman ang sunod?” kinuha niya ang telepono nito. “S. Cervantes fashion show sa New York. Winter Fashion theme.”
“Kailan?”
“Next month po.” hindi na bago sa akin iyon. Kilala ko naman ang may ari ng S. Cervantes. “May possible interview po kayo this week sa Victoria Lies. Since first ever Filipina Ambassador kayo ng Victoria Lies.” dapat na ba akong maging proud doon?
Nakapagsuot na ako ng Victoria Lies. Actually hindi ko rin akalain na makukuha ako. Hindi naman ako nag-audition or something. They just picked me out of nowhere.
Nakatulog ako sa byahe patungong Palawan. I need to take some rest. Alam kong hindi madali ang mangyayari sa akin, dahil alam niyo naman ang init sa Pinas! Free trial sa impyerno ang init.
“We’re here!” may ilang staff kaming kasama. Ang ilang mga staffs ng Victoria Lies. “Separated po tayo ng rooms, Ma’am. Ang laki talaga ng budget nila. Nu’ng nagsisimula ka pa ay magkasama tayo always.”
“Kasi gusto ko na may kasama. Nasa ibang lugar tayo at wala akong tiwala kung mag-isa lang ako. May mga manyak kayang minsan kakatok.” hindi ko makalimutan ang nangyari sa akin noon. “Naalala ko po ‘yon! Natakot rin po ako no’n para sa ‘yo.”
“Pero dahil nasa Pinas tayo. Ayos lang sa akin kahit sa ibang room ka. Mas okay rin ‘yon para mas ma-enjoy mo ang Palawan.” ngumiti lang sa akin si Vicky at tumungo.
Ilang mga production team ang tumungo sa akin.
“Hello, Ms. Villion! Congratulations for raising our flag!” may ilang staffs ang Pinoy pero iilan lang. “Nice to meet you, Ms. Villion.” pakikipagkamay sa akin ng production manager. Babae iyon na may katandaan na at mukhang english.
“Ang narinig ko po ay dalawa ang Pinoy staff nila rito. Ang isa po ang pinakamahal na staff.” tumaas ang kilay ko. “Mas mahal pa po kaysa sa ‘yo.” impossible! Meron ba no’n? Staff tapos mas mataas pa ang talent fee kaysa sa akin?
“Who? Another model ba?”
“Hindi ko po alam, e. Pero may makakasama ka rin pong male model. Male-late lang po ng dating dito sa Pinas. Kaya po umabot tayo ng two weeks.”
“Let’s go? Emily! Can you take Ms. Villion and Ms. Vicky to their room. Thank you!” sigaw ng production manager at ngumiti sa akin. Malaki ang hotel at panigurado akong medyo may kamahalan ito.
“Hello!” bati sa akin ni Emily. Iyong bumati sa akin na congratulations sa pagiging kauna-unahang Filo-Brand Ambassador. “I’m Emily, production assistant. Nice to meet you…”
“Magpahinga na lang po muna kayo ngayon. Bukas po ng tanghali ay may meeting po tayo for our shots. Ibibigay rin po namin ang updated schedules for this event,” ani nito. Marami pa siyang sinabi na pinakinggan ko lamang.
Sinabi ko kay Vicky na kung gusto niyang maligo ay maligo na muna siya sa dagat. Masyadong maganda ang dagat at para pa itong nakinang-kinang.
Salamat na lang talaga at nalayo ako kay Cielo. Hindi ko kasi mapipigilan pa ang sarili ko na tumibok ang puso ko sa kaniya kung makikita ko pa siya ulit. Kailangan ko na talaga siyang kalimutan.
“Ma’am! Magtatanghali na! Jusko po! Hindi na nga po kayo kumilos maghapon, tulog pa rin kayo!” malakas ang tulak ni Vicky sa aking hita habang nakadapa ako sa kama. Ang sarap kasi ng tulog ko kagabi, dahil sa panonood ko ng movie na inabot na ako ng madaling araw.
“Oh, s**t!” nang mapagtanto kong may lunch meeting kami ngayon! “Vicky! Pa ready ng susuotin ko, please!” saka ako nagmadaling maligo sa banyo. Malamig ang tubig pero parang humaplos lang ang sabon sa aking balat.
Never again! Hindi na ako manonood ng korean drama!
Suot ko ay isang black sexy lace top at maong short na may punit-punit. Style naman iyon since summer ngayon. Pababa na kami ni Vicky nang may tumawag sa kaniya.
“Yes po. Pababa na rin po kami. Thank you…” pagbaba niya ng telepono ay tumingin na siya sa akin. “Naroon na sila sa baba. All production team. Tayo na lang ang hinihintay.” kinagat ko ang labi ko.
Baka isipin nila na feeling special ako. May nagsundo sa amin nang makababa kami.
“Dito na lang po.” sabay bukas ng two doors at agad bumungad sa akin ang ilang mga tao. Sandali akong napahinto nang makita ko ang taong kakasabi ko pa lang na lalayuan ko!
“Speaking of our gorgeous ambassador.” boses ng production manager. “Mr. Alexander Cielo Castro. This is Dasha Villion, one of the highest female model, and first ever Filipino ambassador or Victoria Lies.” gumalaw ang panga nitong pagmasdan ako.
“Ms. Villion. This is Mr. Castro, the owner of Cee Holding Inc. and Full Cee Photos. He’s our photographer for this event.”