CHAPTER 3

2055 Words
“Hello, Baby…” hawak ko sa kaniyang pisngi na walang kahit anong bahid ng pagtataka ang mga mata nito. Hindi ba natalab ang kagandahan ko para sa ‘yo? Last time I checked ay tumatalab ang katawan ko sa lalaking ito. “Ohh… you’re such a faithful fiance after all,” sambit ko. Ang pagtatagis ng kaniyang bagang ay aking napansin. “Are you stalking me here, Baby?” gusto ko lang siyang asarin. “Why would I?” sagot nito. Wala nang lumalapit na babae sa kaniya rito sa gitna ng sayawan. Subukan lang nila at malalagot siya sa akin. Ang alak sa katawan ko ay hindi pa nawawala. Nasisigurado kong narito pa iyon, dahil ang lakas ng loob kong tawagin siyang baby at hawakan ang mukha niya! Wake up, Dasha! You’re ruining a relationship! Well… that b***h ruined ours first. “So, you didn’t?” unti-unting bumaba ang aking kamay sa kaniyang dibdid. Pinagmasdan ko lang ang mata nitong tutok na tutok sa akin. “You want some room, Baby?” “You’re drunk.” “Ayaw mo ba?” “Ihahatid na kita sa inyo.” hahawakan na sana niya ang aking bewang nang lumayo ako. “You can’t do that. Nagpaalam ako sa Ate ko at kay Mommy.” nakita ko kung paano mas nandilim ang paningin niya. Ang mga tao sa paligid namin ay parang walang pakialam kung hindi ang sumayaw lamang. “Dasha, ‘wag kang makulit.” ano ba akala niya? Makakaya niya akong ulit na utusan at sumunod lang sa gusto niya? “You’re not my fiance anymore, Cielo.” lumayo ako sa pamamagitin ng apat na hakbang pero ang titig ko ay nasa kaniyang mga mata. Malakas ang tugtog ng musika at si Cielo ay panay ang tingin lang sa akin mula sa hindi kalayuan sa kaniya. Hinawakan ko ang aking tyan pataas sa aking dibdib na kung saan ay sinasabay ko ang galaw ko sa kanta. Nag-iinit lalo ang katawan ko sa aking ginagawa. Pinapanood niya lamang akong sumayaw. Kinagat ko ang aking labi nang hawakan ko ang aking dalawang dibdib at tila iyon pinisil sa kaniyang harapan na ikinalunok niya. Hindi iyong lunok na naakit ko na siya, kung hindi ay lunok na may kasamang inis mula sa ekspresyon niya. “Yeah…” tumalbog ang puso ko nang may humawak ng aking tyan mula sa likod ko. Dali-dali akong napatingin kay Cielo na lalapit na sa amin. Sa sobrang kaba ko ay tumakbo ako agad sa kaniyang gawi. This is my first time na may humawak sa akin na ibang lalaki mula sa tyan ko. “Hey!” lasing na boses ng isang lalaki. Isang mabigat na kamay ang humaplos sa braso ko kaya nang tignan ko iyon ay nakita ko kung paano ang galit sa mata nitong pagmasdan ako sa kaniyang gilid habang nakayakap sa malaking katawan nito. “Stay behind me.” hinawakan ko ang braso niya nang aalis siya sa tabi ko. “What will you do?” natatakot ako. Kilala ko si Cielo. Masyado siyang nakakatakot kapag galit! “Murder him.” napalunok akong hinawakan lalo ang dibdib niya para hindi niya malapitan ang lalaki. “Hey! Miss! Boy friend mo ba ‘yan? Sa akin ka na lang! Mas masarap ako!” nilalakasan niya ang boses niya. Katamtaman lang para marinig ko sa lakas ng tugtog. Gago ba ‘to? “Cielo!” tawag ko sa kaniya na ikinatigil niya sa paglakad patungo sa lalaki. Kunot na ang noo niyang galit na galit kung pagmasdan ako. “No.” utos ko. Hindi ako papayag na makasakit siya ng tao. Alam kong ginagawa niya lamang ito, dahil may pinagsamahan kaming dalawa at ayaw niya lamang akong mabastos. “f**k!” wika niya. Inalabas niya na lamang ang telepono nito at agad na itinutok sa mukha ng lalaki. Kita ko kung paano iyon nag-flash. Kinuhaan niya ng litrato ang mukha ng lalaki. Alam kong magaling siya sa pag-portrait… pero parang napasobra naman siya ata ngayon na kahit galit siya ay kumukuha pa rin siya ng litrato. “What are you doing? Why did you-” “Let’s go.” “Teka! May kasama ako! Hindi ko siya pwedeng iwan dito! Saka ako ang nagyaya sa kaniya!” ayoko naman iwan si Micka rito at ganito pala ang mga tao sa club na ito. Parang mga sinapian ng kung kaninong pwet. “She’s kissing my cousin. Sasabihan ko na lang na ihatid siya sa kung saan siya nakatira o hindi kaya ay ihatid sa bahay ng Ate Sasha mo.” umawang lalo ang labi ko. Hinanap ng mga mata ko ang kaibigan ko, pero kahit anino ay hindi ko makita. “Where is she? Saan mo siya nakita na nakikipahalikan?” hila-hila niya ako palabas. Mas malakas siya sa akin, dahil halata naman sa katawan niya iyon. Para lang akong stick sa gilid niya at hindi man lang umabot sa balikat niya. Isang haplos niya lamang sa bewang ko ay natikom ko na ang labi ko. Bumalik nanaman ang init sa aking katawan. Bwesit na alak na ‘to! Ano ba ang ginagawa sa akin at lagi na lang niya akong pinapainit? Amoy na amoy ko ang pabango niyang hindi nakakasawa sa aking ilong. Kinagat ko ang labi ko. Palagay ko ay nawawala na ang alak sa katawan ko pero ang gusto ko siyang halikan? Hindi. Binuksan niya ang kaniyang sasakyan pero imbis na pumasok ay humarap ako sa kaniya. Hinawakan ko ang pisngi nito at mariin siyang hinalikan. Ang halik na tiniis ko ng ilang taon. Mas humigpit ang hawak niya sa aking bewang habang ang isang kamay ay nasa pintuan ng kaniyang sasakyan. Nang bumitaw ako sa pagkakahalik ko ay pinagmasdan ko ang mga mata niya. “Stop teasing me, Dasha. Hindi mo alam kung ilang taon akong-” hindi niya iyon natuloy nang ilayo niya ang kaniyang sarili sa akin. “Ilang taon na?” wala akong naintindihan sa sinabi niya. “Never mind. Pumasok ka na at ihahatid na kita sa inyo.” huminga ako ng malalim. Sasang-ayon sa kaniyang gusto kaya hinawakan ko rin ang kamay niyang narito sa aking bewang. Pero nang makapa ko ang isang singsing doon ay napatingin agad ako. Kumirot ang puso ko. Mali ang ginagawa mo, Dasha. Pero bakit siya pumayag na halikan ko siya? Maraming natakbo sa isip ko pero isa lang ang desisyon ko ngayon. Umayos ako ng tayo at lumayo ng kaunti sa kaniya. “Get in that car, Dash.” naluluha akong tumalikod sa kaniya at pinatunog ang kotse ko sa hindi kalayuan. “Dasha!” sigaw niya. Isang malakas na hila nanaman sa aking braso ang naramdaman ko at dahan-dahan na hinarap niya ako sa kaniya. “Bakit ba ang tigas lagi ng ulo mo? Hindi ka makakapag-drive, dahil lasing ka. Get in the f*****g car! Right now!” galit na galit na siya ngayon at hindi na siya nagbibiro. Pumiglas ako at itinulak ang dibdib niya papalayo sa akin. “Kaya ko ang sarili ko! Nakaya ko nga ng ilang taon, e!” turo ko pa sa kaniya. “Huwag mo akong intindihin, kung ayos lang? I’m so sorry na hinalikan kita! Lasing lang kasi ako… gawain ko iyon kahit sa France pa kahit lasing ako.” wala sa mga sinabi ko ang totoo. Hindi ako nakipaghalikan sa kahit sino. “Kaya pwede ba? ‘Wag ka nang umarte na para bang fiancee pa rin kita. Kasi hindi na! Kasi ayaw ko sa ‘yo! Kasi nakakabwesit ka! Nakakasakal ka! Lahat na lang hindi pwede! Lahat na lang!” hindi iyon totoo. Gusto pa rin kita, pero alam kong may mahal kang iba. Mas masaya ka sa iba. “Kaya kung ayos lang? Itigil mo na ‘yung pag-arte na para bang mahal na mahal mo ako. ‘Yung arte na akala mo ay ikakasal tayo, Cielo.” Masyado na akong nadala sa pagiging mabait niya. Hindi niya deserve ang katulad kong babae na may nagawang kamalian noon. Ang isang babae na minsan nang nanira ng isang relasyon at ayoko nang maulit pa iyon ngayon… Tumalikod na ako sa kaniya at dali-dali na tumakbo. Pagsakay ko pa lang sa sasakyan ay madali ko rin iyong pinatakbo. Hindi pa man ako sa kalayuan ay hininto ko ang sasakyan. Isinandal ko ang aking ulo sa manubela. Dahang-dahan na tumulo ang mga luha kong taon na kung hindi mailabas. “Isang room po,” sabi ko sa isang babae. Narito ako ngayon sa isang hotel. Hindi ko tinignan kung ano ang pangalan ng hotel masyado nang mugto ang mata ko para alamin pa. Kabilang kalye lang ata itong hotel na ito sa club kaya mabilis kong nahanap. “What room, Ma’am? Iilan na lang po available namin…” pansin kong naniningkit ang mata niyang tignan ako. “Any room na lang. Kung ano ang available.” kumurap-kurap siya. Nag-check siya sa isang monitor sa harap niya. “Ma’am? Pasensiya na po talaga. Fully booked na po. Wala na pong vacant.” no wonder. Maganda naman kasi ang nakikita ko sa hotel na ito. “Gano’n ba? Okay. Thank you.” aalis na sana ako nang makita ko ang isang babae na lumapit sa babaeng kausap ko. Nanlaki pa ang mata nito. “Ma’am! Hello! Can you wait a second? Any room naman po, ano?” napasinghap ako. Mukhang may tyansa pa na makatulog ako sa magandang hotel na ito. “Yes. I can pay for it. Kahit magkano pa ‘yan.” “Okay, Ma’am. Saglit lang po, ah…” tumungo na lang ako. Sinundan ko siya ng tingin na may tinatawagan sa gilid at tumingin pa sa akin. Tumaray na lang ako dahil wala na man akong planong makipag-away ngayon. Ilang tango ng babae ay may sinabi pa siya saka niya ibinaba ang tawag nito sa telepono. “Hello, Ma’am…” bati niya sa akin at ngumiti mula sa paglapit niya. Peke akong ngumiti rin sa kaniya. “Mabibigyan mo ba ako ng room or hindi? Kasi medyo pagod ako ngayon, e.” ayokong maging masungit. “O-opo naman, Ma’am! Sa totoo po n’yan, Ma’am…” kinagat niya pa ang labi nito. “Sa totoo po ay may vacant pa po.” gosh! Thank God! “Thank you.” pagpapasalamat ko. Saka siya lumapit sa akin. “May mga gamit po ba kayo para maiakyat na po sa itaas?” “No.” taas ko pa ng aking kamay. “Kung gano’n po ay ihahatid ko na kayo sa itaas.” ganito ba talaga sa hotel na ito? “Ah… I can go up by myself. Thank you…” pero ngumiti lang siya sa akin. “Ayos lang po, Ma’am. Baka pagalitan kami ng boss namin, Ma’am.” mukhang wala naman akong magagawa kaya sumama na ako sa kaniya. Sa gulat ko ay sobrang laki ng room na ito! Jusko! Milyon ata ang isang araw rito! Mamumulubi ata ako! Well, hindi naman issue sa akin ang pera dahil marami ako no’n pero syempre hindi ako pinalaki ng nanay ko na gastadora. “Kung may kailangan po kayo ay tawag lang po kayo.” kabado ang lola mo ngayon! This is too much para matulog ka ng isang araw lang! Sa sobrang laki ay parang iisipin ko na isa na itong suite! “O-okay,” sagot ko bago ito umalis. Since wala naman akong dalang damit o kahit ano ay bahala na. Matutulog na lang ako agad-agad. Wala ng ligo-ligo! Nakatulong ang aking pag-iyak sa mabilisan kong pagtulog. Hindi ko man lang nalibot ang kwarto na ito mabuti na lang at nakatulog ako kaagad. Kinabukasan ay nagising ako sa kung anong nagpakulo ng aking tyan. Napabangon ako agad, dahil lahat ata ng ininom ko ay isusuka ko. Madali kong napuntahan ang banyo at agad na sumuka. “F-f**k…” sa sobrang sakit ng lalamunan ko ay halos pinapangako ko na sa D’yos na hindi na ako iinom ulit. Walang tigil ang pagsuka ko. Mabuti na lamang at may humagod sa aking likod. “I’ll get you some water…” “Thank you…” nang maramdaman kong umalis na ito ay nanlaki agad ang mata ko. “What the f**k?!” napatayo ng wala sa oras. Sandali lamang nang nanlaki ang mga mata ko. Ano ang ginagawa niya rito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD