CHAPTER 2

2050 Words
Masama ang loob kong tignan ang kaniyang kotse sa labas ng aming bahay. Mabilis kong inilabas ang aking telepono at tinawagan ang isang numero. Siguro naman ay hindi ito busy. “Hey!” bulaslas ko. Pinikit ko ang aking mga mata sa sakit ng aking ulo, dahil sa pag-inom ng isang baso lamang! Ano ba ang nangyayari sa akin? Para namang hindi ako nasanay sa pag-inom sa France, kahit kaunti. “What’s up?” nang sagutin niya ang aking tawag. “May work ka?” tanong ko kay Micka. Hindi kami talaga close dalawa. Ang problema ay wala akong kasama gumala or gumimik. Sa pagkakaalam ko ay nagra-run na si Micka ng isa sa mga business ni Kuya Shad, dahil nakapagtapos na rin siya sa pag-aaral. “Bakit? Hindi ako nakapunta ngayon, baka dumaan na lang ako d’yan mamaya.” “Kahit hindi na! Ako na lang ang pupunta d’yan! Gala tayo, Miks.” narinig ko ang halakhak niya. “Kailan pa tayo naging close para samahan kita sa paggala mo? Asan na ang iba mong kaibigan?” nahiya tuloy ako. Gusto ko lang naman mag-catch up! “Ang arte nito! Bilis na!” “Magpapaalam muna ako kay Ate Sasha at Kuya Shad. Para aware sila na kasama mo ako at kasama kita.” kahit kailan ay takot talaga ito kay Ate Sasha. Syempre! Inampon siya kaya malaki ang utang na loob niya. Hindi naman ako tutol. Nu’ng una ko siyang makita talaga ay sabihin na natin na ayoko siya makausap. Hindi ko vibes ang mga trip niya sa buhay kaya never kaming nag-usap. “Ako na ang magpapaalam sa ‘yo! D’yan na rin muna ako matutulog sa condo mo.” “H-ha? Uy! Dasha! Ano ba ang pinaggagawa mo? Kakauwi mo lang ng Pinas, baka hanapin ka ni Tita Daisy at pagalitan ako!” tumaray na lang ako habang inayos ang aking buhok. Tumalikod ako saglit at tinignan kung may tao bang nakatingin sa akin. Kung sinundan rin ba ako ni Cielo. “Hindi naman. Ako na nga sabi ang bahala! Kaya ‘wag ka nang maraming sinasabi. Punta tayo ng bar,” pagyayaya ko. “Okay. Dahil masyado rin akong broken kaya sasamahan kita. Meet me at this club. I’ll send you the address.” saka niya binaba ang tawag. Napaawang ang aking labi sa gulat. “This motherfucker! Binabaan ako! Parang hindi ako sikat na model sa France at Pinas, ha!” dinilaan ko ang labi kong medyo natutuyot na. Since maganda naman ang dress ko na ito ay hindi na ako magbibihis pa. Pumasok ako ulit sa loob ng bahay at nadali ko kaagad ang tingin ni Cielo na nakatayo at parang aalis. Saan naman siya pupunta? Ah… nakalimutan ko nga pala na mayroon na siyang fiancee. Babalik na siya kay Cindy pangit. “Nakapagpahangin ka na sa labas? Akala ko naman ay magpapahinga ka lang sa kwarto mo.” pagpag pa ni Mommy Daisy sa aking white dress. “Ma? Asan ‘yung susi ng sasakyan ko? Parang gusto ko lang mag-ride.” kumunot na ang noo niya. “Ang akala ko ba ay masakit ang ulo mo? ‘Wag ka na munang gumala, Anak.” dapat pala ay hindi na ako nagpaalam sa kaniya. “Kasama ko si Micka, Ma. Puntahan ko muna siya, kasi sabi niya ay hindi raw siya makakapunta rito, e.” Wala na akong madahilan. “Kailan pa kayo naging close dalawa?” boses iyon ni Ate Sasha sa likod ko. Hawak-hawak niya ang isang baso na may laman na lemonade. “We’re close naman, ah! Hindi mo lang naman kasi pansin. Ate Sasha.” “Really?” naningkit pa ang mata nito. “Fine,” wika niya na para bang natalo siya sa akin. “Just give her the keys, Ma. May gusto atang iwasan dito sa bahay at hindi pa nakaka-move on.” humalakhak si mommy sa pang aasar sa akin ni Ate Sasha. “Hindi kaya! Naka-move on na ako, ah!” pagtanggol ko pa sa aking sarili. “Sige. Maniniwala ako.” “Ate!” “Naniniwala nga kami ni Mommy! ‘Di ba, Mommy?” tumawa lang ang ina ko na halatang inaasar na nila akong dalawa. “Here…” abot niya sa akin. “Mag-iingat kayong dalawa, okay? Magsasabi ka kung saan ka matutulog o kung kanino ka matutulog, ha!” may something talaga kay Ate Sasha, e. “Bye,” paalam ko pa sa kanila. Napatingin ako sa gawi ni Cielo nang mapansin ko ang titig niya sa akin, habang may babaeng nasa gilid niya at natawa. Walang bakas ng ngiti sa labi ni Cielo, tanging tingin niya lamang sa akin ang pansin ko. Kailangan ko na talaga umalis. Baka hindi kayanin ng pagka-miss ko sa kaniya at yapusin ko na lang siya bigla. “DC?” natatawa pa ako sa pangalan ng club. May naiisip kasi akong mga superheroes. “Ang corny, ah! Pero okay na rin. Parang bago lang ata itong club na ‘to.” kung hindi ako nagkakamali ay tama nga ako. “Where are you? Aalis na ako.” tawag ko nanaman kay Micka. “Kalma! Malapit lang ang DC sa akin,” sagot niya sa kabilang linya. “Mauuna na ako, ha. Siguro naman ay hindi pihikan ang club na ‘yan. Baka mamaya ay hindi ako papasukin d’yan.” “Nah… mahigpit lang naman ang club na iyon sa tuwing pangit ang suot mo.” gusto kong matawa nang malakas, dahil sa aking narinig. Seryoso ba iyon? Talagang dahil sa suot? “Ang pangit ng patakaran ng may ari. Siguro ang may ari n’yan ay panay katangahan lamang ang alam.” “Maganda ang may ari n’yan.” babae pala ang may ari. Kaya pala maarte, kapag siya hindi maganda. Kekeltukan ko siya nang malakas. “Tatawag na lang ako ulit mamaya.” saka ko pinatay ang tawag. Parating na ako sa destinasyon nang mapansin kong malaki ang lote nito. Natuwa ang puso ko sa aking nakita dahil maganda ang pagkakadesenyo nito. Sumandal ako sa aking pinto ng aking kotse at pinikit ko ang mga mata ko. Gawain ko na noon pa man sa tuwing naghihintay ako ng mga kaibigan ko. Ayoko kasing ako lamang ang papasok sa loob. Maliban na lang kung binalak kong ako lamang ang pupunta. “What the f**k?” minulat ko ang mga mata ko sa aking naamoy. Dinilaan ko ang labi nang kumabog nanaman ang puso ko. Ang pabangong iyon na hindi ko malilimutan sa buong buhay ko! Bakit naman narito? “Parang nangyari na ito noon.” kamot ko sa aking pisngi. Kung hindi ako nagkakamali ay para talaga itong nangyari na. “Kanina ka pa rito?” napaayos ako ng tayo nang makita ko si Micka. Ibang-iba na kaysa noon. “Kararating ko lang rin. Mukha bang office ang club na ‘to?” dahil sa porma niyang nakapang-office pa rin. “I don’t have much time to change, Dasha. Mainipin kang nilalang.” “Ikaw? Para kang ikakasal sa west, ah.” turo niya pa sa aking suot. “Maganda ang suot ko.” paninindigan ko, dahil totoo naman. “Alam ko,” sagot niya sa akin. Pinatunog niya ang kotse nito at sabay na kaming pumasok sa loob. Ramdam na ramdam ko ang lamig nang makapasok na kami sa entrance pa lamang. Nang makita ako ng bouncer ay parang nagdadalawang isip pa siyang lapitan ako at kausapin. “Ganito ba sila kapag baguhan sa club na ‘to?” nakakatakot, ah! Babae pa naman kaming dalawa. Pansin kong walang pakialam si Micka sa mga sinasabi ko. “Nagpupunta ka ba rito?” kahit hindi ko na marinig ang posible niyang sagot dahil sa ingay. “Sometimes. Kung may time lang…” hindi nga? Hindi ako makapaniwala! Parang kakaiba sa akin na ganiyan siya! She was so unladylike before. “Here we go!” sabay upo sa tabi ng island bar. “May gusto ka bang inumin?” tumaas lang ang kilay ko. “Syempre! Hindi naman ako pumunta rito para magpalamig.” ngumiwi lang siya. “Katawan mo lang talaga ang nagbago sa ‘yo. Mas lalong sumama ang ugali mo.” gusto ko siyang kurutin ngunit hindi ko magawa. Siya na lang ang pwede kong makausap ngayon. “So? You’re like my cousin now? We’re cousins or what?” adapted na siya ni Ate Sasha. “We’re nothing, Dasha. You’re not my cousin or what? I’m a Prio now at hindi naman ako Villion.” pagkaklaro niya sa akin. “Ang akala ko ay ampon ka na nila? Bali Tita mo na ako ngayon,” sabi ko pa. Gusto ko lang siyang asarin. “I don’t know. Maybe.” itinaas niya ang kamay nito saka dumating ang isang bartender. Tinignan ako nito at umiwas rin ng tingin sa akin. “Bakit ba parang ang sasama ng tingin nila sa akin?” “Because you’re Dasha Villion? Kilala kang tao, Dasha. What do you expect?” “Not anybody will notice me, Micka. Hindi naman lahat ay alam ang fashion world. Baka nahihiwagaan lang sila, dahil ang ganda ko masyado.” nagkibit balikat nanaman siya sa akin. Nakakainis na siya! Iyong tipong gusto ko nang may makausap pero ang nadala ko ay isang tahimik at panay kibit lang ng balikat! Nag-order siya ng drinks at pati rin ako ay binigyan. Nawala na ang hilo ko sa aking ininom kanina, kaya maayos-ayos na ako ngayon. Ready na para magwal-wal! “Oh, gosh!” mabilis niyang talikod. “What?” sabay inom ko muli ng alak sa baso. “W-wala!” namula ang mukha nito. Para bang hindi ko maaninag ang kaniyang mata, dahil nakapikit ito. “Sino ba kasi iyon?” pinagmasdan ko ang ilang mga lalaki na kakapasok pa lang sa club. “Riel! C’mon!” rinig ko kahit malakas ang tugtog ng musika. Ayon ang nakita kong angat sa kanilang apat. Nakakarami na siya sa pag-inom nang panay hard liquor na ang iniinom namin. “Sure ka ba rito? Akala ko pa naman ay hindi ka malalasing!” namumula na rin ako panigurado. Natatawa lamang siya habang itinuturo ang isang lalaki sa dulong upuan. “See that man? He f****d me! We f****d…” turo niya pa sa kaniyang sarili habang hawak-hawak ang baso at natawa. “Micka! You’re not a virgin anymore? My gosh! You’re not a saint after all! That’s fine! Ako nga binigay ko ‘yung sarili ko sa taong may mahal na iba, e!” “I give myself to a man…” “And?” “And I hide.” kumurap-kurap pa ako. “You what? Kailan ka pa nagtatago sa kaniya? Kailan ba kayo may ginawa?” nilagok ko nanaman ang alak na gumihit pa sa aking lalamunan. “Last week? Dito rin kami nagkakilala.” “Masarap?” mahiwagang tanong ko. “Torrid, ‘Te! Ang sakit ng puday ko paggising ko! Hindi man lang dinahan-dahan! Alam naman niyang virgin coconut oil pa ako!” panay ang tawa ko sa kaniya. Pero sa katagalan nang pag-iinom namin ay mas lalo akong naiinitan. “Gusto ko sumayaw.” turo ko pa sa dance floor. “Tara!” pagyaya niya sa akin. Kaya naman nang makatayo kami para na akong nahilo agad. Sa lakas ng tugtog at malakas na vibrate ay mas lalo akong nahilo. Pinagmasdan ko si Micka na nakendeng-kendeng na sa gilid ko kaya sumayaw na lang rin ako sa kaniyang likod. Ang dress kong medyo maikli ay mas hinahagod ko pa pataas, habang kumikembot nang mabagal. Pataas nang pataas ay hinagot ko ang aking tyan hanggang sa umabot sa aking dalawang dibdib at mariin iyong pinisil na may kasabay na kagat ng aking labi. Pagdilat ko pa lang ay laking gulat ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Nakatayo at may galit ang mga mata kung tignan ako. Imbis na magulat ako ay nagalit ako nang mapansin ko ang isang ahas na kamay na dumapo sa kaniyang dibdib ng isang babae.   “Get off!” sampal ko sa kamay ng babae na ikinagulat nito. “He’s mine.” sabay halik sa kaniyang labi. mas diin na diin ang mga labi kong pinaghahalikan siya. I want him… I really want him… kahit isang araw lang.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD