CHAPTER 1

2063 Words
“Bakit hindi ka pumasok? Ito talagang bata na ito! Oh!” ani ni mommy nang lumabas rin siya para sunduin si Cielo na ngayon ay nakatayo lamang sa tabi ng kaniyang kotse. “Kakarating ko lang po, Tita…” tita? Aba! Ang lakas pa ng loob niyang tawaging tita ang nanay ko? Matapos niyang magbigay ng papel na may laman na ayaw niya nang magpakasal sa akin! Ang kapal rin ng apog niyang magpakita pa rito! “Ito talagang bata na ito! Halika na sa loob! Dasha! Narito na si Cielo!” nagkatinginan kaming dalawa. Naalala ko muli ang mga matang iyan na lagi niyang tinataray para sa akin. “Papasok na po ako sa loob,” walang kwenta kong sagot. Gustuhin ko man na pigilan ang puso ko ay hindi pa rin magawa. Ikakasal na ‘yung tao, Dasha! Mag-isip ka nga! Ayoko na muli makasira ng pamilya. “Sabi ko sa ‘yo, Mommy, e! Nasa labas lang ‘yan si Cielo!” boses iyon ng kapatid ko, habang pinapakain ang aking pamangkin na kaniyang anak. “Hindi ka ba titikim ng handa mo, Dash? Ang payat mo na, oh!” kinuha pa ni Ate Sasha ang pulsuhan ko at tila sinukat gamit ang kaniyang kamay. “Diet po siya, Ma’am Sasha. Baka po magalit si Jackson, kapag nakita siyang malaman…” siniko ko si Vicky. Hindi naman nila kilala kung sino si Jackson, baka ano pa ang isipin nila. “Uy! Si Dasha! Luma-love life na! Sabihin mo sa akin inaanak! Gwapo ba ang Jackson na iyan?” Hindi. “Paano naging gwapo ‘yon? Mas malambot pa nga kaysa sa akin…” rinig kong muni ni Vicky, habang nakanguso. “Aakyat na po ako sa itaas.” nadawit ng mata ko nang sabihin ko iyon si Cielo. Walang kulay ang kaniyang mga mata. Kung tignan niya ako ay para nanaman akong nakagawa ng kasalanan. Sinikap kong hindi maambunan ng kaniyang tingin kaya nag-iwas na lang ako. “Anak, ‘wag ka namang ganiyan. Narito sila para i-celebrate ang unang araw na pagkarating mo rito sa Pinas. Ilang taon ka nang hindi umuwi, Anak…” nagpa-cute pa ang aking ina sa harapan ko. “Pagod po ako, Ma,” wika ko. “Gano’n ba? Oh! Siya… magpahinga ka na sa itaas,” sagot nito sa akin. Narito kami ngayon sa hagdan, pero ang tingin ko ay nasa mga taong nakatingin sa akin at nakangiti. Ang mga ngiting masaya sila sa aking pagdating. Maliban sa isa na pumunta lang ata rito para makikain ang hayop. “Magpapalit lang po ako sa itaas at babalik rin po agad sa ibaba, Ma. ‘Wag na po kayong malungkot, okay?” sumilay ang masayang ngiti ng aking ina sa sinambit ko. Natuwa ang puso ko, dahil napansin kong lumigaya siya sa munting desisyon ko. “Vicky? May maganda ba akong damit d’yan?” kalkal ko pa sa damitan ko. “Lahat naman po ng damit niyo ay maganda, Ma’am Dasha.” habang inaayos niya rin ang mga ginugulo kong damit rito sa walking closet ko. “Lahat na ito ay luma. Panigurado akong nakita niya na itong suot ko lahat…” “Araw-araw po bang narito ang bisita niyo noong narito pa po kayo?” ano bang klaseng tanong ‘yan? “Syempre, hindi! New look, New me! Ano ka ba, Vicky?” “Tao po.” nasapo ko ang ulo ko. Ano ba ang mayroon sa babaeng ito at nagagawa niyang pasakitin ang ulo ko nang hindi man lang siya nahihirapan? “Sino po ba kasi ang gusto niyong hindi makita na suot niyo muli ang mga damit niyo na ito? Iyong gwapong lalaki po ba?” napahinto ako sa pagkalkal ng damit. “Sino’ng sinasabi mong gwapong lalaki? Wala akong nakikita na gwapo sa ibaba, Vicky.” “Nagning-ning nga po ang mata niyo, e! Baka hindi po gwapo ‘yung lalaki? Sobrang gwapo!” sinikap kong hindi na siya pansinin. “Ito po? Nasuot niyo na po ba ito?” nilingon ko siya at doon ay hawak-hawak niya ang isang fit dress. “Saan mo naman nakita ‘yan? Hindi ata akin ‘yan. Wala akong ganiyan na dress.” maganda naman iyon. Hindi siya masyadong bulgar, kung susuotin ko siya sa katawan ko noong ilang taon pa ako. Pero ngayon? Medyo lumaki ang dibdib ko. Nag-push-up b*a pa ako para mas kita. Nakasanayan ko lang sa France, kahit tago naman ang katawan ko sa outfit ko doon. Subukan mo mag-croptop doon at tignan natin kung hindi ka mangisay sa lamig. “Akin na nga ‘yan. Ito na lang ang susuotin ko…” ngunit nang masuot ko na ito ay napangisi ako. Tumangkad ako kung ikukumpara noon, kaya mas mukha na siyang maikli sa akin. Mas lalong nag-fit at na defined ang katawan kong hapit na hapit dahil sa dress. “Ayan! Mas bagay nga po sa iyo!” “Hindi ko nga alam kung kanino ito galing. Baka nga hindi ito sa akin.” kulay black iyon na dress. Feeling ko nga parang pang dinner ang mga ganitong dress. “Hayaan mo na kung kanino ito. Nasa kwarto ko kaya panigurado akong akin ito. Baka nakalimutan ko lang kung sino ang nagregalo.” tumungo naman si Vicky. “Mauuna na ako sa ibaba, Vicky.” ngumiti lamang ito sa akin at tumungo. “Opo, Ma’am! Ayusin ko lang po muna ito, para wala na po akong gagawin mamaya.” hinayaan ko na siya sa kung ano ang desisyon niya. “Kung may gusto kang damit d’yan ay kunin mo na lang. Ipakita mo na lang sa akin, baka kasi importanteng damit ang mapag-trip-an mo.” “Mamaya na lang po or kung hindi na po kayo pagod. Aayusin ko lang po ito at bababa na rin po.” wala na akong hinintay na sagot niya nang tuluyan na akong bumaba. Nasa garden na sila panigurado ako, dahil wala na sila rito sa malaking sala. “Wow! Ang ganda naman ng Anak ko!” lumapit nanaman si mommy at hinalikan ang pisngi ko. “Hindi ka ba naiilang? Masyadong kita ang dibdib ang mo d’yan, Anak? Maliit na ata ang damit na iyan sa ‘yo.” “Mommy, nag-b*a at panty nga lang ‘yan sa photoshoot niya. Mabuti na nga lang po ay may kaunting saplot pa ‘yan.” sabay tawa ni Ate Sasha. Marami ang nakitawa sa sinabi ni Ate, pero ako lamang itong napangiti sa kahihiyan. Hinanap ng mga mata ko si Cielo, pero laking gulat ko nang umiinom na siya ng alak sa tirik na tirik na araw. Ang mga mata niyang tinignan ang kabuuan ang aking katawan paibaba ay pinanginginig na ang tuhod ko. “Ano ba ang itinitingin niya sa katawan ko?” mahina kong bulong sa sarili ko. “Ano iyon?” inilapit ni mommy ang tainga nito sa akin. “Wala po, Ma. Kukuha lang po ako ng maiinom.” medyo malapit-lapit ang kuhaan ng juice sa gawi ni Cielo. Ano ba kasi ang nasa isip mo, Dasha? “Four season,” ani ko sa lalaki. Para lang akong nabili sa tindahan. Nagpa-catering pa rito sa bahay. “Okay po.” namula pa ang mukha ng lalaki nang makita niya ako. Uminom siguro ito ng alak. Kumabog nang mahusay ang aking dibdib nang maamoy ko ang isang pabango na nagbalik sa akin sa nakaraan. “Usual.” matigas na boses ni Cielo sa tabi ko. Mas tumangkad siya at mas lumaki ang katawan. Ang balat niya noong kasing puti ng papel ay naging kayumanggi. Mas lalong lumakas ang kaniyang appeal, dahil sa pagbabago ng kulay nito. Mas lalo siyang gumwapo. “Okay, Sir.” nagmamadali ang isang lalaki sa pagkuha ng maiinom ni Cielo. Naninigas lang ang tuhod ko at hindi makapagsalita. “How are you?” ginulat ang puso ko sa kaniyang boses. Unti-unti akong umangat at nang makita ko ang labi nito ay bumalik na ako sa pagtingin ko sa juice. “G-great,” ayon lang ang aking nasagot. Ayokong makausap siya, pero gusto ko siya yakapin. Nababaliw na ba ako? Gano’n na lang ba ako kadaling kausapin, habang ako naman itong hindi pa rin nakaka-move on sa kaniya? I tried, okay? Sabihin na natin na in years na hindi ako bumalik ng Pinas ay mas lalo ko pa siyang na-miss. “I see…” “I-ikaw?” kakasabi ko lang kanina! Pinipigilan ko ang mga mata kong maluha. “I don’t know.” natahimik ako. Itinaas ko ang aking paningin sa kaniya. Nilakasan ko ang loob kong labanan ang mga titig niya. “Tanghaling tapat, nainom ka ng alak. Hindi ba magagalit ang fiancè mo n’yan?” umawang ang labi niya. Medyo namumula na ang pisngi nito, pero kung titignan ay hindi naman siya madaling malasing. Kilala ko na si Cielo at palagay ko ay hindi siya gano’n kabilis kung malasing. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Kumunot ang noo ko sa kaniyang ginawa. Lumayo ako ng kaunti. “Palagay ko ay oo. Nakakunot na kasi ang noo niya.” saka ito ngumisi at tumayo nang maayos. “Ito na po ang four season niyo, Ma’am! Welcome back po.” pagbati niya rin sa akin. “Matagal pa ba ang hinihingi ko?” medyo galit ang boses nito. “Mauuna na ako.” tumalikod na akong nanginginig ang tuhod habang naglalakad palayo. Hindi pa ako makalingon sa kaniya, dahil panigurado akong nakatingin siya sa akin. “Ma? Saan ako uupo?” wala na akong makitang bakante sa mesa nila. “Nako! Halika! Doon ka na lang muna!” tumayo si mommy at hinila naman niya ako. Sa gulat ko ay pinaupo ako ni mommy sa mesa nila Cielo! Sa tabi pa mismo ni Cielo! Mommy naman! Alam mo naman na may nakaraan kami nito, tapos sinasadya mo pa talaga na ipatabi ako sa kaniya? “Kumusta, Dasha!” masayang bati sa akin ng iba kong schoolmate. Bakit naman sila narito? Hindi naman sila importante sa buhay ko. “Mas lalo kang sumungit, ah!” pagbibiro pa ng isa kong classmate. “Kumusta naman ang France? Balita ko sikat na sikat ka na! Nabalita ka nga sa tv, e!” ang tanong niya ay ang mga achievements ko. Kung paano ako nakarating sa bansang iyon at marami pang iba. Nanlulumo ako, dahil para akong nilalamon ng aura ni Cielo. Dahil hindi ko naman sila sinasagot sa mga tanong nila ay si Cielo naman ang pinagdiskitahan nila. “How about you, Cielo? Isa ka na sa mga pinakamalakas na businessman sa Pinas. Umaangat nang umaangat ang pangalan mo.” tahimik lang akong nainom ng aking juice. Si Cielo naman ay parang walang naririnig. “Wala ka bang plano na makipag-merge? Ibibigay ko sa ‘yo ang number ko. Para kung maisip mo naman na malaking opportunity ito ay maari mo akong tawagan.” maganda ang classmate ko na ito at sexy. Parang si Cindy lang na pina-tan ang skin. “Balita ko nga ay may fiancè ka na, Cielo. Wala naman akong nakikita lagi. Sabi nila ay haka-haka lang daw iyon. Totoo ba na may fiancè ka na?” sunod pang tanong. “Yes.” nagpaturok pa ako ng bakuna para pangpalakas ng immune system ko. Sa galit lang pala ako mamatay! “Sir…” tawag ng isang waiter at may inilapag na alak sa kaniyang harapan. “Ito na po-Ay! Ma’am! Kay Sir po iyan!” dali-dali kong kinuha ang baso at nilagok iyon. Saka ako tumayo. Mulat ang mata ni Cielo. Tila gulat sa aking ginawa. Hindi ko na alam ang pinaggagawa ko, kailangan ko na umalis sa pwesto na ito at baka iba pa ang magawa ko. “Sorry, bigyan mo na lang siya ng isa pa.” naglakad ako saglit at medyo nakaramdam nang mabilisang pagkahilo. Kaya ko pa naman, sanay naman ako sa alak pero hindi sa parang alak ng demonyo. Wala man lang chaiser! Tapos gano’n kapait! Hayop na Cielo na ito! Sugo talaga ‘to ng demonyo! Nakakaya niyang uminom ng gano’n kalakas? “Oh? Saan ang punta mo?” tingin ni Ate Sasha sa akin. “Papahangin lang, Ate. Jetlag…” pagdadahilan ko. Sanay naman siya na marami akong dahilan, kaya hinayaan niya na ako. What a welcome party.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD