BAHAGYANG kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nung gwardya.
‘Para makapasok sa subdivision ipakita mo rin 'to.’
Dali dali kong kinuha ang papel na binigay sa akin ni Klea at pinakita sa gwardya.
“Maganda umaga po. Si Mr. Eskanor Montesorri ang amo ko. Katulong niya ho ako,” salita ko kaagad ng basahin niya ang binigay kong papel.
Binalingan niya ako ng tingin at tinanguan lang. Gumilid siya at pumasok sa guard house ng tahimik. Napabuga na lang ako ng hangin sa sobrang kaba.
Naglakad na ako sa loob habang napapailing. Grabe naman ang seryoso ng gwardya na 'yon. Akala mo pinagsukluban ng langit 'tsaka lupa. Habang naglalakad ay naningkit ang aking mata dahil sa napakainit na sikat ng araw. Wala man lang nadaang hangin, napakaalinsangan sa pakiramdam.
Nakarating na ako sa parke ng subdivision hindi ko parin mahanap ang Eskabeche street! Saan ba kasi yung street na 'yon!? Nagpahinga ako kaonti, nakaupo ako sa gutter at tinabi ang bag sa gilid. Medyo mabigat yung bag ko at nakakangalay rin dalhin.
Nang makakita ako ng matanda na papunta sa pwesto ko ay saka lang ako tumayo at naglakad papunta sa kanya para magtanong.
“Lola, p'wede po bang magtanong?”
Nagulat pa siya ng makita ang pagsulpot ko sa harapan niya.
“Ay kabayo ka—ano 'yon, Hija?”
“Magtatanong lang po sana ako. Saan po yung Eskabeche street?” tanong ko at napakamot sa aking ulo. “Naliligaw po kasi ako, eh,” nahihiya kong wika.
Tinuro niya ang kanyang dinaanan kanina. “D'yan yung Eskabeche street, Hija. Natabunan kasi ng mga dahon yung pangalan ng poste kaya hindi mo nakita,” paliwanag nito sa akin.
Napangiti ako sa sinabi niya. “Maraming salamat po!” ani ko sa masayang tono.
Sa sobrang tuwa ay napayakap pa ako sa kanya at ganoon din siya. “Walang anuman. Mag-iingat ka.”
Nauna na siya sa akin at nagsimula na akong maglakad papunta sa street na 'yon. Hindi ko alam na ganito pala katahimik ang subdivision, daig pa ang sementeryo. Minsan ay maingay ang kaso mga tahol naman ng aso kapag nakikita ako.
Mahigit dalawang minuto akong naglakad patungo sa Eskabeche street. Muli akong naupo ako sa sidewalk at binuklat ang papel.
“House no. 146,” bulong ko sa aking sarili.
Inangat ko ang tingin ko para hanapin ang house number ng amo ko. Kumunot ang noo ko ng makita ang house number na nasa harapan ko.
No. 141.
“Konti na lang, Lucy. Malapit kana sa bahay ng amo mo,” salita ko sa aking sarili.
Tumayo na ako at binitbit ang gamit ko. Naparami ang dala ko kaya nabibigatan ako. Naglakad pa ako ng ilang minuto hanggang sa nasa harapan na ako ng malaking bahay.
Napanganga na lang ako dahil sa ganda ng bahay. Tatlo ang palapag ng bahay na 'yon at sobrang laki.
“Matanda ba talaga nakatira rito?”
pabulong kong tanong ko sa aking sarili.
Sa labas pa lang ako ng gate namamangha na ako paano pa kaya pag nasa loob na ako. May nakahilera rin na mga halaman dito sa labas at ganoon din sa loob. Nilapitan ko ang house number na nakadikit sa pader para ayusin ang nakatabingi na numero.
Ang yaman-yaman pero 'di man lang nagawang ayusin 'to.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay o mansyon. Nakabukas kasi ang gate kaya pumasok na lang ako. Hinihingal pa ako dahil paakyat ang daan, para siyang bundok pero hindi ganoon.
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil may hagdanan pa akong aakyatin bago makapasok sa loob. Ano ba namang buhay 'to.
“Kailangan ko na talaga mag-papayat,” bulong ko sa aking sarili.
Nang maakyat ko na ang hagdanan basta ko na lang binagsak ang bag ko sa lapag. Lumikha 'yon ng mahinang ingay, inunat ko ang katawan ko at pinunasan ang pawis sa aking mukha pababa sa leeg. Natigilan ako sa pagpunas ng makarinig ng tahol ng aso. Binundol ng kaba ang aking dibdib dahil palakas nang palakas 'yon.
Aso!
Biglang Nanlaki ang aking mata ng biglang bumukas ang pintuan at lumabas ang puting aso. Kinuha ko ang gamit ko at umatras, sa kasamaang palad natapilok ako at nagpagulong-gulong pababa sa hagdanan.
Naitukod ko ang kamay ko kaya hindi ako umabot hanggang sa pinakababa at napangiwi lang din dahil biglang sumakit ang kanan kong paa pagkatayo ko.
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang makita nakatitig sa akin ang aso. Ayaw kong gumalaw baka lapain niya ako!
“G-good dog, h-huwag mo akong kakagatin mauumay ka sa t-taba ko,” kinakabahan kong saad.
Isang malakas na sipol ang aking narinig. Napantig ang tenga ng aso kaya nagmamadali itong pumasok sa loob ng bahay. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
Binitbit ko ulit ang bag ko at umakyat papaakyat. Bawat paghakbang ko sa kanan kong paa sumasakit siya. Tinignan ko ang paa ko, namumula siya at nagsisimula ng magviolet.
Nasprain ako.
Hinubad ko ang puting sapatos at tinabi sa gilid bago pumasok. Tinulak ko ang malaking pintuan. Bumungad sa akin ang elevator, sa gilid n'on ay may dalawang malaking vase at sa loob ng vase ay may halaman.
Sa kanang bahagi naman ay nandoln ang sala. Napakaengrande ang style, may vase rin doon at may halaman din. Pansin ko mahilig sa halaman ang amo ko. Paika-ika akong naglakad papunta doon para sana maupo. Ang kaso napakaputi ng upuan, nakakatakot umupo baka madumihan ko. Tinabi ko sa gilid ang bag ko at nilibot ang paningin ko sa buong mansyon. May malaking chandelier sa kisame.
Sa pangalawang pagkakataon binundol ng kaba ang aking dibdib dahil sa asong tumatakbo papunta sa akin. Malakas ang tahol nito. Napaatras ako at napahawak sa gilid ng sofa dahil kumikirot ang paa ko. Naupo ako sa tiles at hinimas 'yon.
“Stella, why are you always barking!”
Isang malalim at baritonong boses ang narinig ko. Sinakop n'on ng buong mansyon. Lumingon ang aso sa pinanggalingan ng boses at ang buntot niya ay walang tigil sa pag galaw.
Bigla akong napatayo ng may pumasok na lalaki. Matangkad ito at ang katawan niya ay napakaganda, halatang nag-ggym ito. Nakasout siya ng grey short at simpleng white v-neck tshirt, bumabakat ang biceps nito dahil sa sout nitong t-shirt.
May hawak siyang makapal na libro at may sout siyang eye glasses. Bumagay rin sa kanya ang undercut nitong hairstyle.
Kumunot ang kanyang noo ng makita ako. Inayos ko ang sarili ko at nanatiling nakatitig sa kanya. Nakupo napaka gwapo naman pala ng anak ng amo ko.
Yinuko ko ang ulo ko para sa pag-galang. “Maganda umaga ho, Sir. Ako po yung katulong ng papa mo. Nasaan na po siya?” Nakangiti kong saad.
Paika-ika akong naglakad papunta sa kanya at ngumiti. Walang emosyon ang muhka niya at napakaseryoso nito.
“Naghahanap po kasi ng katulong ang papa niyo tapos ako po ang nirecommend ng kaibigan ko,” paliwanag ko sa kanya.
Lalong kumunot ang noo nito sa sinabi ko.
“My dad doesn't live here.”