PROLOGUE
ANO NGA ba pag ikaw ang panganay?
Karga mo lahat ang 'yong kapatid sa pangangailangan. Lalo na kapag wala na kayong magulang. Ikaw ang tatayo bilang nanay at tatay para sa kanila. Malaking obligasyon ang naiwan sa akin sa murang edad ko pa lang. Hindi man lang maranasan mag-laro sa labas dahil kailangan asikasuhin ang nakababata kong kapatid.
“Dito na muna kayo titira sa tyuhin mo, Lucy. Pasensya kana, ha? Sobrang gipit na kami ngayon at patong patong na rin yung utang at bayarin namin,” malungkot at mahinang wika tiya.
Hinatid nita kami sa bahay ng kapatid ni Papa. Nasa gilid ko ang dalawa kong kapatid. Parehas kaming babae at hindi man lang nabibiyayaan ng kapatid na lalake. Bitbit ang tatlong bag na naglalaman ng aming gamit, mahigpit ko 'yong hinawakan at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito.
“Okay lang po. Naiintindihan ko po kayo,” tugon ko sa malungkot na tono.
Ngumiti lang ito sa akin at dinala ako papasok sa loob ng bahay ng tyuhin namin. Siya ang bunsong kapatid ni Papa at ngayon pa lang namin siya makikita.
“Ate. . . Lilipat na naman po ulit tayo,” wika ni Lyia.
Bumaba ang tingin ko kay Lyia, siya ang pangalawang sa panganay.
Tipid lang akong ngumiti sa kanya. “Huwag kang mag-alala, Lyia. Pang-huli na 'to. Gagawa ng paraan si ate mo para hindi na naman tayo ipasa-pasa sa iba pa nating kamag-anak,” pag-papagaan ko sa kanyang loob.
Binalingan ko ng tingin ang bunso naming kapatid na si Lumina. Tahimik lang ito at hindi makulit.
“Nandito na pala kayo,” salita ng tyuhin namin.
“Pumasok kayo at huwag mahiya.”
Napatingin ako sa kanya. May hawak siyang sigarilyo at may nakapatong na redhorse sa maliit na lamesa. Malawak ang ngiti nito habang pinagmamasdan kaming tatlo. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mailang sa pagtitig nito sa amin.
Sabay kaming naupo ng kapatid ko sa kahoy na upuan. Kumuha ako ng bimpo at pinunasan ang pawis sa likod ni Lumina. Nilagyan ko rin ng pulbos ang kanyang likod. Nilibot ko ang aking paningin sa buong bahay. Maganda naman 'yon at kompleto sa gamit. May gripo ang kusina at siguro pati na rin sa kubeta. Ang kaso walang pintuan ang kubeta tanging malapad na tarpaulin ang nagsisilbing pintuan. Okay lang 'yon sa akin dahil magagawan naman 'yon ng paraan.
“Iiwan ko muna sa 'yo yung mga bata,” ani tiya.
Binalingan niya kami ng tingin at ningitian.
“Aalis na ako, Lucy. Yung dalawa mong kapatid alagaan mo ng mabuti, ha?” malumanay niyang wika.
“Opo,” tipid kong tugon.
Sa pangalawang pagkakataon ay nagpaalam siya sa amin at umalis na. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa tuluyan na itong mawala sa aking paningin.
“Tumayo na kayo d'yan at ihahatid ko kayo sa magiging kwarto niyo,” wika ng tyuhin namin. Uminom muna siya ng alak bago kami talikuran at naunang maglakad.
Binuhat ko si Lumina at hinawakan ang kamay ni Lyia. Sabay kaming naglakad at sinundan ang tyuhin namin.
Himala nga'y nagtagal kami sa bahay niya. Doon na rin kami nag-dalaga ni Lyia at lumaking napakaganda at mahinhin si Lumina. Halos kada uwi ni tiyo rito ay parati siyang may dalang pasalubong kay Lumina. Ayos lang naman 'yon sa akin basta masaya siya. Nakakapagaral din kami at kumain ng tama.
“Lucy!”
Natigilan ako sa pagwawalis ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni tiyo. Tinabi ko sa gilid ang walis at pinuntahan siya sa kanyang kwarto.
“Bakit po?” tanong ko ng makapunta sa harap ng kanyang kwarto.
“Pumasok ka rito at may sasabihin si tiyo mo. Importante ito,” nakangiti niyang wika.
Huminga ako ng malalim at pumasok sa loob. May hawak siyang redhorse sa kanan niyang kamay habang nakatingin sa akin.
Ang akala ko ay importante talaga ang sasabihin niya pero hindi pala. Sa daming p'wedeng mangyari bakit 'yon pa. Doon na nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko.