CHAPTER 1

1323 Words
“LUCY! Lucy!” Nabitawan ko ang hawak kong hose ng marinig ko ang pag-sigaw ni Klea. Pinulot ko 'yon at pinatay ang gripo. “Umagang-umaga, Klea! Yung bunganga mo daig pa ang sirena ng ambulansya,” natatawa kong saad. Inirapan niya ako. “Bahala ka d'yan, may nakuha pa naman akong trabaho para sa 'yo. Sige na mukhang hindi ka interesado, eh,” salita nito at tinalikuran ako. Agad naman napantig ang tenga ko sa sinabi nito. Tumakbo ako papunta sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. “Heto naman hindi alam yung salitang biro. Para kang tanga alam mo ba 'yon,” natatawa kong saad. Inirapan niya lang ako at naunang maglakad papunta sa monoblock. Sinundan ko siya at naupo sa kanyang tabi. “Anong klaseng trabaho ba? Ayaw ko yung pampokpok, ah. Hindi bagay 'yon sa katawan ko,” seryoso pero pabiro kong tugon. “Para ka ring siraulo mag-isip eh 'no? Bakit ako maghahanap ng ikakasira ng ano mo!” Bwisit niyang saad. Natawa lang ako sa sinabi niya at napahampas sa kanyang braso. “Hinay-hinay lang sa pag-hampas, tandaan mo mabigat ang kamay mo!” Giit niya. “Sorry naman!” Napailing na lang siya at kinuha ang mug ko. Ininuman niya ang kape ko. May lamesa kasi at upuan sa labas ng bahay ni tiyo para pwedeng mag-almusal doon. “Ayon na nga. Nay nag-hahanap kasi ng katulong yubg matandang lalaki sa Manila. Sampung libo yung sahod basta all around sa pag-lilinis,” masaya niyang wika sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sampung libo!? Ang laki na no'n. “S-sampung libo?” nauutal kong tanong. Tumango siya sa sinabi ko. “Oo! Bingi ka ba?” Napanguso na lang ako at humalukipkip. Napaka talaga nito kahit kailan. “Kukunin ko na kaagad 'yan, Klea. Kailan ang alis ko?” Napapalakpak siya sa tuwa at may dinukot sa kanyang bulsa. “Alam kong papayag ka sa sinabi ko kaya pinagkuha na kita ng ticket papuntang Manila. Sa susunod na araw na yung alis mo!” Inabot niya sa akin ang bus ticket. Kinuha ko 'yon at tinignan. Kusa akong napangiti dahil doon. Sa wakas may trabaho na 'ko! “Grabe 'to. Paano pala kung hindi ako pumayag sayang pa pera mo pambili ng ticket!” ani ko. Umiling lang siya habang sumimsim sa aking kape. “Ano ka ba, Lucy. Kilala na kita. Kaya bumili na ako ng ticket. S'yempre kung hindi ka papayag ngayon magbabago pa isip mo or pag-iisipan mo pa 'yon na kukunin mo ba o hindi. Ang kasi malaking opportunity na ito kaya alan kong kukunin mo na, 'di ba!” nakangiti niyang wika. Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit pagkatapos ay bumalik sa aking kinauupuan. “S-salamat, Klea! Huwag kang mag-alala kapag nag-kaluwag luwag na ako babayaran kita. Maraming salamat talaga,” masaya kong tugon. “Ano ba! Maliit na bagay.” Nakangiti ito sa akin at unti unting bumaba ang tingin niya sa aking katawan. Kumunot ang noo nito. “Bakit?” nagtataka kong tanong. “Hmm… bakit parang pumayat ka,” mahina niyang wika sa akin at hindi parin inaalis ang tingin sa aking katawan. Lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin effective ang ginagawa ko! “Talaga?” Kumunot ang kanyang noo. “Bakit parang ang saya mo pa!” Inirapan ko siya. “Nag-didiet kasi ako.” “Huh, bakit naman!? Lucy, bagay kaya sa 'yo maging ganyan! Itigil mo 'yan!” malakas niyang wika. Tinakpan ko ang bibig niya at pinanlakihan ng mata. Napakalaki talaga ng bunganga nito. “Ano ba! Gusto mo ba 'kong mabugbog ng tyuhin ko!?” Nanggigil kong bulong sa kanya. Tinanggal ko ang aking palad sa kanyang bibig. Nag-sorry siya kaagad sa akin at alanganin na ngumiti. “Sorry.” Napailing na lang ako. “Maaga pala yung byahe mo, Lucy. Dapat madaling araw pa lang nandoon kana sa terminal ng bus para hindi ka maiwan,” ani Klea at tumayo na. Tumango ako. “Oo, mas maganda na ang maaga kesa ma-late 'di ba.” “Oo! Oh siya, mauna na ako sa 'yo. May gagawin pa ako sa bahay, eh. Goodluck sa trabaho mo,” pag-papaalam niya sa akin at lumabas na. Kinawayan ko pa siya at dumiretso na sa loob ng bahay. Ang goal ko ay pagtapusin ng pag-aaral ang kapatid ko at kapag naka-ipon na ako ng malaking pera ay i-aalis ko na si Lyia at Lumina dito sa bahay ng tyuhin ko. First year college lang ang natapos ko at hindi ko na 'yon tinuloy pa. Gusto ko na kasing mag-trabaho para paaralin silang dalawa. Sila ang hindi p'wedeng matigil sa pag-aaral. Ayaw kong matulad sila sa akin kaya pursigido ako sa pag-hahanap ng trabaho. Buti nga at tinulungan ako ni Klea. Naabutan ko si tiyo na umiinom ng alak. Ang aga aga umiinom na naman siya. Nilapitan ko siya. “Tiyo nakahanap na po pala ako ng trabaho, sa susunod na araw po ang alis ko papuntang Manila,” mahina kong saad. Natigilan siya sa pag-inom at tumingin sa akin. “Mabuti naman at nagkaroon ka ng pakinabang dito sa bahay. Atsaka para mabawasan na din 'yang katabaan mo, hinahighblood ako pag nakikita kita! Alis!” pangtataboy nito sa akin. Tinalikuran ko siya at nag-lakad papasok sa kwarto namin ng kapatid ko. Masama bang maging mataba? Parang kasalanan ko pa na tumaba ako. Pagkapasok ko sa loob naabutan ko silang dalawa na tahimik lang. Si Lyia na nag-babasa sa study table nito at si Lumina na nakadapa sa kama, may sinusulat siya sa kanyang notebook. Sinarado ko ang pintuan at nilock 'yon. Nilagyan ko pa ng harang para mas safe. “May sasabihin ako sainyo,” mahina kong wika. Natigilan silang dalawa sa ginagawa. Naupo sila sa kama at tinignan ako. Kinuha ko ang monoblock at pinwesto 'yon sa harapan nila pagkatapos ay naupo roon. “Nahanap na ako ng trabaho!” masaya kong wika. Sabay sabay silang napangiti sa sinabi ko. “Talaga po?!” masayang saad ni Lumina. Tumango ako at pinisil ng mahina ang kanyang pisngi. “Ibig sabihin iiwan mo na kami rito?” pag-singit ni Lyia, bakas sa kanyang boses ang lungkot. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at tinignan sa mata. “Oo, pero babalikan ko kayo at isasama sa Manila kapag nakapag-ipon na ko. Doin na tayo titira. 'Di ba gusto niyong pumunta sa mall? Gagala tayo kapag nandoon na tayo," paliwanag ko sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango sa sinabi ko. “Pangako?” Sabay nilang sabi. Tumango ako at sabay silang niyakap. “Pangako,” malambing kong saad. Bumitaw si Lyia at tinignan ako. “Pero natatakot ako—” “Shh. . . Kapag may napansin kayong kakaiba pumasok kaagad kayo rito sa kwarto at i-lock. Dahil ikaw ang pangalawa sa panganay lagi mong proprotektahan si Lumina. Maliwanag?” seryoso kong saad. Dahan-dahan siyang tumango. “Opo, p-pero kailan ang alis mo?” tanong nito sa akin. “Sa susunod na araw,” mahina kong saad. “Ate! Bakit ang bilis?” naiiyak na tanong ni Lumina. “Ang bilis naman,” malungkot na saad ni Lyia. Gusto ko mang isama silang dalawa pero hindi p'wede. Natatakot din ako na iwan silang dalawa dito kay tiyo. “Kung hindi ako mag-tratrabaho. Hindi kayo makakapagtapos ng pag-aaral. Gusto ko kayong makitang dalawa na may diploma at naglalakad sa stage na may toga,” masaya kong tugon. Sabay silang tumango pero bakas parin sa kanilang mukha ang pagkalungkot. “Basta ate huwag mo kaming kakalimutan. Hihintayin namin ang pagbalik mo,” mahinang ani Lumina. Tinignan ko silang dalawa. “Oo naman. Syempre kapatid ko kayo. May kapatid ba na nag-kakalimutan?” Sabay silang umiling. Lumawak ang ngiti ko at niyakap ko sila sa pangalawang pagkakataon hanggang sa kumalma sila. Nag-saya kami sa loob ng kwarto, gumawa ng napakaraming memories bago ako pumunta sa Manila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD