Hindi ako makatulog dahil na rin siguro na hindi ako sanay na may kasama sa bahay at hindi ko pa masyadong kilala. I never believe on Astral Projection, pero ngayon ko napatunayan na totoo pala. Si Edward and patunay. Natigilan ako nang biglang may kumatok sa pinto. Alam ko na si Edward iyon. Well hindi ako komportable na tawagin siya ng ganiyan, knowing na isa siyang headmaster o Principal, pero iyon naman ang gusto niya. "Yes?" tanong ko nang mabuksan ko ang pinto. Hindi siya agad nagsalita, bagkus ay tinitigan niya lamang ako. Nakakatakot ng titig niya, pero hindi ako nagpahalata. Lihim akong nagdasal. "Hindi ka pa natutulog?" tanong niya kaya tumango ako. "Maaari bang mag-usap muna tayo sa baba?" tanong niya. Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong kausapin sa ganitong or

